Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20: Beg

Nang sandaling bitiwan ni Seiji ang mahabang salitang iyon sa akin na kailanman ay hindi ko naisip na magmumula sa kanya, ang tanging nagawa ko na lamang ay tumitig sa kanya.

Lalo kong naramdaman ang tindi ng lamig ng gabi.

I couldn't utter any words.

Sinabi ko na sa sarili kong may parte sa kanyang hindi niya nais ipakita sa akin, he tried to hide it away from me, but here I was convincing him to release the truth. Pero mukhang hindi ko nagawang paghandaan ang magiging reaksyon ko o kaya'y mga salitang una kong dapat sabihin sa sandaling nagkaroon na siya ng lakas ng loob sabihin sa akin ang lahat.

All I did was look at him.

Siya na rin ang nagsabi sa akin na nakilala at minahal ko siya sa Seiji na nakilala ko sa isla. At ilang beses kong ipinaintindi sa kanya na handa akong tanggapin ang lahat-lahat sa kanya.

But I couldn't mutter my strength to even give him a clear reaction. Yes, I had a hint about his secrets. Hindi na ako magugulat kung tungkol sa buhay ng tao ang pag-uusapan namin. I witnessed how these people tried to harm him sa unang pagkikita pa lang namin.

But the fact that Seiji's too desperate to do things that were against his will. . . just for me.

I thought he was just running away from me, but after hearing his confession, I just realized that all he's just trying to end his hateful responsibility to come running back to me.

"I am sorry for being a coward, Ibu. Yes, I hate myself for being a coward. But I hate it the most if it is because of you. Before, I was a coward because I don't want to hurt myself. But now. . . my fear is not just for myself. I have you now. I am so madly in love right now and I am afraid that this complicated world that I have might hurt you. I am afraid that this responsibility will break us apart again. That's why I am so desperate to end this."

"S-Seiji. . ."

Marahan niyang binitawan ang mga kamay ko.

"I know. It's hard to process everything. I will give you time, space. . . everything, but not an annulment."

Pinanuod ko lang siyang mabagal na tumayo, hindi na niya sinalubong ang mga mata ko pero bahagyang nakayuko ang ulo niya. Nang sandaling talikuran niya ako at ilang beses siyang humakbang pabalik sa punong pinanggalingan niya, saglit siyang tumigil.

He didn't look back at me, but he uttered some words that made me want to hug him.

"Most of the Japanese have poor mental stability, or I can say we can't handle our problems very well. And most of us will choose this place to end everything, the problems, pain, regret, and any unbearable emotions. I've reached that point before, but the memories of us together on that island became my light."

Buong akala ko ay hindi na siya lilingon sa akin pero nang mabagal siyang muling humarap sa akin, sa unang pagkakataon ay higit kong nakita ang emosyon ni Seiji Matsumoto.

His eyes were begging.

"P-Please. . . I love you. I never thought that I'd feel this way. Life has been dull, meaningless, I couldn't even see colors before, but when I met you, Ibu. I could see colors, I could feel the warmth, I could hear music. . . I even learned how to talk this much."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? That he'd kill himself if I tried to push him again? Ganito ba talaga ang mga hapon kapag nahihirapan na sila?

But he admitted it.

And I hated it.

Bakit ganoon na lang kadali sa kanyang magbitaw ng ganitong klase ng salita?

"Tinatakot mo ba ako, Seiji Matsumoto?!"

Umiling siya. "What's the point of living without you? My life started with you, Everleigh, and I promise to end it with you."

Hindi ko na napansin na nagtuluan na ang mga luha ko habang nakatitig ako sa kanya. Gusto ko siyang sigawan at ilang beses saktan sa mga sinasabi niya. Dahil ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya.

I want to hug him tight right now. Pero wala pa rin akong lakas at hindi ko alam kung paano iyon uumpisahan. Naghahalo-halo pa ang mga emosyon ko sa mga oras na ito.

Dalawang palad ko ang siyang ginamit ko para punasan ang mga luha ko. Hindi na ako nagsalita pa at hindi na tinangka pang kausapin si Seiji. Hindi na rin siya nagsalita pa at nagpatuloy siya sa paglalakad pabalik sa punong pinanggalingan niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinubukan kong humiga sa lupa at matulog pero hindi man lang ako dalawin ng antok. At nasisiguro kong ganoon din si Seiji.

I tried to take a quick glance at him, but I caught him staring at me. Nakaupo na rin siya at nakasandal lang sa puno. Nagmadali akong bumalik sa pagkakatagilid nang pagkakahiga para hindi ko siya makita.

"Do you want to hear a story, Ibu?"

Hindi ako sumagot sa kanya. I heard him sigh.

"I will still share this with you. You can sleep if you find it boring."

"So, it was all started many years ago. When this country, Nihon, started to invade the country named Philippines."

Nanlaki ang mga mata ko nang simulant niya ang kuwento niya. Hindi ba't akin ang kuwentong iyan? Gagong hapon siya.

"This was a story of my ancestor."

"Totoo ba iyan, Seiji? Nagkakalokahan lang yata tayo."

I heard him chuckle. "My bebe is awake."

Umirap ako habang nanatili pa rin nakatalikod sa kanya.

"My ancestor was a medic. He's a soldier that treats wounds, he's not a fighter."

Sa katawan ba naman ni Seiji? Saan pa siya magmamana kundi sa mga ninuno niya.

"My great great great great great grandfather was stationed in a certain province in the Philippines. Their troops were assigned to invade this certain place, the leader said that most of the women there were beauties."

Nag-iimbento na itong si Seiji. Sa pagkakatanda ko ay iisa lang ang tingin ng mga hapon sa mga Pilipino noon. Walang maganda sa paningin nila, lahat kami ay mabababang uri na walang halaga ang buhay.

And he's just narrating my version of the past.

"As a medic, he didn't join the invasion but waited for the wounded soldiers to treat them. But as he witnessed how his fellow medic tried to help their comrades, he suddenly felt like he wanted to go inside the forest. . ."

Hindi ko na napigilan ang bumangon at iritado kong pinagkrus ang mga braso ko at harapin siya.

"Wala ka bang originality? You're just narrating my story from your point of view."

"I am not done yet."

Umirap ako bago ako sumandal sa puno.

"My ancestor was just slowly walking inside the forest when he unexpectedly bumped into someone—" pinutol ko na ang sunod na sasabihin ni Seiji.

"And my beautiful ancestor fell down on the ground! You and your ancestor! You used gayuma since the Japanese colonization!"

"What is gayuma, bebe?" kunot noong tanong niya.

Iritado kong itinuro si Seiji habang naniningkit ang mga mata ko. "Huwag mo akong ma-bebe bebe, Seiji! May love potion atang hinalo doon sa lamesa nang tumabi kami ni Akio sa inyo!"

Pansin ko ang pagkamot ni Seiji sa kanyang kilay. At pilit niyang pinipigilan ang pagtawa niya.

"Siguro nagsimula na talaga ito noong panahon ng pananakop ng mga hapon! Your ancestor made a curse! Na mai- in love kaming mga Rosilla sa isang Matsumoto na makikilala namin! Kaya takang-taka talaga ako, bakit habol ako nang habol sa 'yo? You're not even my type! Nagayuma talaga ako!"

Sa halip na salubungin pa ang mga mata ko ay mas isinandal ni Seiji ang ulo niya sa puno at bahagya siyang tumingala sa kalangitan.

"It was you who told that story. I grabbed your hand and ran away. When I first heard it from you, it started to circulate again and again inside my mind. I hope it was easy like that. . . I hope I can just pull you somewhere safe, away from them. I hope it was just like what happened inside that cave— when we were trapped and our world was just the two of us. I actually liked that story, Ibu. Everything about that story."

"As in everything?"

I saw a glimpse of silly smile on his lips. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa aming dalawa ay ako ang higit na agresibo pero kapag si Seiji ang nagpapahiwatig na nag-e-enjoy sa mga kalandian ko sa pilit ko na lang kinakalma ang sarili kong huwag siyang itali.

"What will happen to us, Seiji? Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang mundong ginagalawan mo. Hindi ko gusto ang bagay na ginagawa mo. Ayokong gawin mo ang bagay na hindi makapagpapasaya sa 'yo."

"Can you wait for me?"

"For years? Seiji natatakot akong maghintay. Natatakot akong baka wala na akong hintayin dahil sa bigat ng responsibilidad na iyan. Can't you just let go? Hindi mo ba talaga katang ipaubaya iyan sa iba?"

"If it is possible, I already did it a long time ago. To be honest, Kyohei is more qualified to the position."

Tumango ako. "Ikaw ang pinaka hindi."

Tumango rin naman siya sa akin.

Muli kaming natahimik dalawa. Tumitig sa kalangitan at nagsimulang mag-isip.

"Makakapaghintay ako, Seiji, pero hindi na lalampas ng isang taon. I can let you go for a year. Do everything to fix your responsibilities. Ikaw na ang bahalang magpalabas na wala na tayo sa mata ng lahat, we can deceive them while you silently doing your job. You are free for one year. Just promise me to come back alive."

"A-Are you sure?"

"Sa isa pang kondisyon."

"What is it?"

"I want a baby. Babalik ka, hindi lang sa akin kundi para na rin sa anak natin."

He blinked. "But Ibu. . ."

"That's the condition. . . it's either you give me a baby or let's break up. Bahala ka na sa buhay mo at isinusumpa na kita hanggang sa mga ninuno mo na medic! Hindi man lang dinala sa kubo ang ninuno ko? Sa kuweba talaga? Sa kuweba?!"

"But according to your story, it was you— I mean your ancestor insisted to—" pinutol ko muli si Seiji.

"Shut up! Now choose!"

"But Ibu—"

"No buts!"

"I can't give you twelve babies—" nanlaki ang mga mata ko.

"A baby! Not babies! Sinabi ko ba na twelve agad? Natataranta ka naman agad tulad ng sabi ni Akio, e!"

Napamasahe siya sa kanyang noo. "Are you serious?"

"No, of course. Saka na lang siguro natin pag-usapan ang lahat kapag nakalabas tayo sa gubat na ito."

"I love you. . ." he said out of nowhere.

Hindi ko siya sinagot.

"Can I come closer now? It's comfortable if you lean closer to—"

"Sa payat mong iyan?"

"I'm sorry," sumandal na lang siya muli sa puno.

Bigla akong natigilan sa nasabi ko. Alam kong sanay na siya na madalas kong pansinin ang pangangatawan niya, pero nang marinig ko siyang mag-sorry at bahagyang yumuko, bakit pakiramdam ko ay ako rin ang nasabihan nang hindi maganda?

"Are you regretting it, Ibu? That you met me."

Umawang ang bibig ko. Madalas ko man siyang laiitin minsan ba ay binigyan ko siya ng rason para mag-isip siyang nagsisisi akong ginusto at minahal ko siya?

Can't he feel it? Can't he see it? Halos mabaliw din ako sa kanya. It's not just I'm not capable of killing a clan.

I didn't answer him.

"I'm sorry. . ." ulit niya.

Kung kanina ay naiirita akong sinasabi niya ang dalawang salitang iyan, ngayon ay ramdam kong nasasaktan din ako sa bawat bitaw niyon.

If everything was just easy for us, we'd just kiss and make love inside this scary forest. Pero katulad nang pagkaka-trap namin sa isla, hindi na namin alam ang sunod na mangyayari sa pagitan namin sa sandaling makaligtas kami sa lugar na ito.

Are we going to walk on different paths again? Are we going to meet each other again after this? Or someone from us will try to release us from the connected rope between us?

"Seiji, if your life started with me and you promised to end it with me, I am as well. You are my beginning and my only ending."

For the first time when we woke up inside the suicide forest, I witnessed how Seiji's eyes smiled weakly.

Napabuntonghininga siya bago tumingin sa madilim na kalangitan. Hanggang sa pagsalikupin niya ang mga binti niya at itago niya ang mukha niya sa kanyang mga tuhod.

I suddenly remembered the days when we were on the island when he tried to hide his face from embarrassment. Pero marahan niya rin iyong iginalaw habang nakayakap pa rin sa mga hita niya.

"How can I ever unlove you, Ibu? My chest tightens so much. I want to kiss you now. P-please, bebe. . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro