
Chapter 17
Dedicated to: Rose Jean Milagrosa Vitor
Chapter 17
As an actress who wants to portray every character well, I've tried my best to watch every movie that would help me improve in my profession. But as I enjoyed those movies with the characters' emotions, delivery of lines, and plot twists, I never failed to notice the beauty and wonders of every chosen location in some of my favorite movies.
Isa na nga roon ay ang bansa kung nasaan ako ngayon— Japan. And never in my wildest thoughts that I'd fall hard to someone who was born in this paradise.
Hindi ko akalain na ang mga napapanuod ko lang noon at ilang beses na pinagtawanan parte ng pelikula sa pag-aakalang hindi ako magkakaroon ng ganoong papel dahil sa kilalang imahe ko sa industriya ng showbiz ay mangyayari sa akin sa totoong buhay.
Sidra Everleigh Rosilla was fully clothed with the softest male lead in my lifetime.
Japan is at its peak during spring and autumn with its beautiful colors, but I never thought that a gloomy day without a single glimpse of the sun would bring this overwhelming feeling to me.
The blowing wind was cold, the small bells and gongs with prayer were whistling with my rumbling thoughts, the dried leaves were dancing like nymphs, and the people continued to pass by like blurs and bubbles.
But there, as if our own clock had stopped, Seiji Matsumoto's standing in the middle of a torii gate like a guardian and a handsome spirit who was destined to protect the place, welcomed my weakest heart. In front of the huge temple, atop the long stoned stairs, dressed in traditional navy blue yokata, with his soft hair blowing, small gentle eyes, and his delicate fingers slowly tracing the details of his white-cat-like a mask, my hands gripping my red umbrella trembled.
"H-Hansamu. . ."
Nang marinig ko ang salitang iyon, hindi mula sa akin kundi sa grupo ng mga babaeng kung hindi ako nagkakamali ay mga Filipina rin ay tuluyan na akong nagising sa pagkakatulala kay Seiji.
Huminga ako nang malalim. Kung inaakala niyang pipiliin kong dumaan doon sa mataas na hagdan na iyon para magkasalubong kami, nagkakamali siya.
It's not the only way.
Nagsimula nang bumaba ng hagdan si Seiji para salubungin ako pero nagmadali na akong maglakad sa bandang kaliwa ko. Mayroon pa rin kasing daan doon patungo sa itaas kung saan naroon iyong mahabang hilera ng mga torii gate.
It was just my imagination. Fushimi Inari isn't Seiji Matsumoto's place. This is for public kaya mahirapan siyang hanapin ako sa dami ng mga tao rito. Gusto ko na sanang pumunta sa bilihan ng mga souvenirs pero nang lumingon ako ay medyo malapit na sa akin si Seiji. Nagmadali na akong maglakad kahit hirap na hirap na akong humakbang.
How could they move freely in this outfit? From the slippers with socks, the tight dress that made it hard to breathe, and even this umbrella!
Ngayon ko pinagsisihan na pinilit ko pang magsuot ng yokata. Ilang beses akong lumilingon sa likuran ko kung malapit na ba si Seiji sa akin pero hindi ko na rin siya makita.
Pinili kong sumama roon sa mga babaeng naka-yokata rin, pero alam kong hindi niyon ako tuluyang maitatago. Like seriously? Sidra Everleigh, laging pinakamaganda. And we're talking about Seiji Matsumoto here, ang hapon na patay na patay lang naman sa akin, of course, he'd find me quickly kung hindi ako maglalakad nang mabilis.
When I passed the first stair, along with it on its left side were souvenir shops where tourists could buy anything related to the place. And after passing those long stairs, I was welcomed by another stoned-stairs and another torii gate, both sides of it have statues of two foxes like somewhat guardians of the entrance, but before I could enter the said torii gate, when I looked at the left side, I could stroll to another path with series of food stalls selling Japanese street foods.
Dahil alam kong madali akong mahuhuli ni Seiji sa lugar na kakaunti ang tao, hindi ko na inabala ang sarili ko na pumunta roon. I climbed up the stairs and entered the first station of Fushimi Inari. I set aside my beautiful poise and lifted my yokata a bit for me to walk a little faster. And the moment I entered the torii gate, I was welcomed by a white horse decorated with colored gems, and it was enclosed by a mixture of gold and glass box cover.
"Wow. . ."
Kusa nang bumagal ang mga hakbang ko at tila nakalimutan ko nang may tinatakbuhan nga pala ako. Hinayaan kong tangayin ako ng mga paa ko papalapit doon sa magandang estatwa ng kabayo habang ang mga mata ko'y hindi mawalay roon.
"It's so beautiful. Majestic. . ."
Mag-aangat na sana ako ng aking isang kamay nang pigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay tumindig lang ako sa harapan niyon at nakangiti iyong pinagmasdan.
Hindi man halata sa hitsura ko, pero masasabi kong ang pumunta sa mga simbolikong lugar ang isa sa gusto kong gawin sa buhay. I want to travel the historical places in the world. Dahil tulad nga ng sinabi sa akin ni Akio at minsan na rin sinang-ayunan ni Seiji, dapat ay naging writer na lang ako at hindi artista.
Tipid akong ngumiti sa puting kabayo bago ako lumingon sa kaliwang parte ko. There, I saw the entrance of the longest trail of torii gates. I saw in google that Fushimi Inari has 10, 000 torii gates and I told myself that I'd cross it no matter what.
Huminga muna ako nang malalim bago ako tumingala at tanawin ang tori gate. Humigpit ang hawak ko sa aking payong, ngumiti at isang beses tumango. They said that it's hard to finish every station, lalo na sa katulad ko na hindi sanay sa suot na yokata, idagdag pa na mahirap talagang umakyat. But I asked for it!
I should finish the station!
Hindi na ako lumingon sa likuran ko at tuluyan na nga akong tumawid sa mataas na torii gate. Since the entrance were packed with tourists from different places of the world, sobrang bagal ng pila. But as my driver told me before, mas kakaunti pa ang tao ngayon kaysa tuwing fixed season.
Nang nagsimula na akong maglakad inilabas ko na rin ang phone ko para magvideo, pero hindi pa man ako nakakaabot sa kalahati nang unang hilera ng torii gate, mas pinili ko nang patayin ang phone ko. Because the beauty, presence, and the wonder of this place could be captured perfectly, not by any advance cameras that ever invented in this lifetime, but by someone's naked eyes.
Unti-unti kong ibinaba ang phone ko at ibinalik ko na sa maliit kong bag. At katulad ng ilang mga tourists, pinili kong magmasdan at pagsawain ang aking mga mata ng magandang lugar na ito. Nang maabot ko na ang dulo nang unang hilera ng torii gate, sinalubong ako ng dalawang hilera muli sa kanan at kaliwa. Since most of the tourists picked the right path iyon na rin ang pinili ko. Pansin ko rin na doon lumalabas ang mga turista na mukhang tapos nang daanan ang bawat estasyon.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad at habang lumalayo ako ay napapansin ko na nagsisimula na rin mawala ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi na rin tinatapos ang bawat estasyon at pinipiling dumaan sa shortcut pabalik. Ilang beses ko na rin inisip na bumalik na rin katulad ng iba dahil masakit na rin ang paa ako at hirap na hirap na rin akong huminga pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na dapat ay tapusin ko na dahil nandito na rin naman ako.
Ilang beses din ako tumigil at nagpahinga. I tried taking some selfies, sent it to Akio, Tanya and August. I saw some missed calls from Seiji, umirap ako. I blocked him.
Sa tingin niya ba ay madadala niya ako sa maskara niya at pagtayo-tayo niya sa hagdanan? Kahit clean-cut pa siya!
Habang tumatagal ay mas bumabagal ang paglalakad ko at sa pagbagal ng lakad ko, mas napapansin ko nang may nakasunod na sa akin sa likuran. That's when I irritatingly turned my head around, there I saw the same Japanese boy a while ago.
Kung kanina ay para siyang may-ari ng buong lugar na ito, ngayon ay para siyang nawawalang bata at gustong magpatulong sa akin na dalhin siya sa magulang niya. Because Seiji Matsumoto just looked down with the white mask-like cat in his right hand na paminsan-minsan niyang ibinabangga doon sa dinadaanan niyang torii gate.
Para na naman siyang batang inapi. Dahil nang sandaling nagtama ang mga mata namin, yumuko lang siya at parang nahihiyang salubungin ang mga mata ko.
My goodness!
Kung sa tingin niya ay madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya sa akin, nagkakamali siya. Tinalikuran ko siyang muli at naglakad na ako kahit sobrang sakit na talaga ng mga paa ko.
"Ibu. . ."
Umirap ako at nagtuloy ako sa paglalakad. Akala ko ay magagawa ko talagang magkunwari na kaya ko pa, pero ang mga paa ko na talaga ang bumigay. Wala naman pumatid sa akin pero natapilok na ako.
"Ibu!"
Mariin akong napapikit nang marinig ko muli si Seiji, I heard how he hurriedly ran towards me. His arms immediately wrapped around my waist to help me.
"Excuse me, mister?"
Just like what he did to me the first time I tried to help him, tinapal ko ang kamay niya. Iritado ko pa iyong tinanggal sa katawan ko. Taas noo kong sinalubong ang kanyang mga mata.
"I don't need you."
He didn't blink. He just stared at me blankly. He knew me, alam niyang kaunting kalabit niya lang sa akin, isang sabi niya lang ng pangalan ko, isang bebe niya lang sa akin, halos mabaliw na akong yumakap sa kanya pabalik.
But not now.
Kahit minumura ko na ang sarili ko dahil sa sobrang sakit ng paa ko, tiniis ko iyon at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi naman tumigil sa paglalakad si Seiji at nanatili siyang nakasunod sa akin. But this time, he's not playing with his cat mask, suot na niya iyon habang parang pusa na sunud nang sunod sa akin. He respected our distance, naroon lang siya sa likuran ko na halos lima hanggang anim na hakbang ang distansya.
I suddenly remember the days when we were in the island. Iyong panahon na wala na akong ginawa kundi kunin ang atensyon niya at habulin siya sa kahit saan siya magpunta. Seiji repeatedly informed me the importance of distance between us, halos himatayin siya sa tuwing mapapalapit ako sa kanya. I could clearly remember those days that I tried to count the every step and the ideal distance between us, because of his fear or even hatred towards me.
Sa tuwing lumilingon ako sa kanya, tumitigil siya sa paglalakad. Kahit nakasuot siya noong puting maskara, nagagawa niya pa rin tumungo na parang nakikita ko ang mukha niya.
Tuloy pa rin ako sa paglalakad nang makasalubong ko na naman iyong grupo ng mga Filipina na halata talagang mga turista dahil sa matitingkad na kulay na yokata na suot.
"I told you! Si Sidra nga! Nabasa ko sa twitter na nasa Japan din siya!" nagawa pa nilang maghampasan sa harapan ko dahil hindi yata makapaniwala.
Gusto ko na sanang tumanggi sa kanila nang nagtanong sila kung puwede magpa-picture dahil sa suot ko na hindi naman natural sa akin, pero wala na akong nagawa nang tumabi na sila sa akin nang walang pasabi. Nagturuan pa sila kung sino ang hahawak ng camera dahil lahat ay gustong sumama sa group picture.
"A-Ano. . . I can take the picture," nahihiyang sabi ni Seiji. Nakasuot pa rin ng maskara.
Agad inabot ng babaeng nakasuot ng yellow na yokata iyong phone niya kay Seiji. Muntik pa matumba si Seiji nang umatras siya dahil sa pag-picture sa amin.
"Di ba siya iyong pogi kanina?" rinig kong bulong ng nasa kanan ko sa katabi niya.
"Patanggal mo iyong mask niya. Pa-picture rin tayo," sagot nung isa.
"Kakahiya!"
"He can speak English! Papayag iyan!"
"He's not pogi. Trust me," singit ko.
Ilang beses kaming kinuhanan ni Seiji ng picture at rinig ko ang reklamo ng mga babae dahil ang hindi magandang kumuha ng picture si Seiji. Wala talaga 'tong bisa!
Kamot ulo siya habang nakikita niya ang pilit na reaksyon ng mga Filipina.
"Thank you, Miss Everleigh! Everleighnatics din ang kuya at mga pinsan ko! Sad boy sila kasi married ka na raw!"
Agad akong umiling at tipid kong sinulyapan si Seiji na alam kong nakatitig lang sa akin. "I am not married. That announcement in the television? It's fake."
Bago pa magtanong ang mga Everleighnatics, tinalikuran ko na sila at sinadya kong banggain ang balikat ni Seiji.
And I added a few words that I made sure Seiji would hear.
"I didn't even feel the marriage at all. Everything's fake."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro