Chapter 15
Dedicated to: Mae Blasa
Chapter 15: Over
"Tell me everything, Seiji. Kasi napapagod na ako. I did everything for us because I love you. I showed you everything. My weakness, past, desires, goals— ikaw na ang higit na nakakakilala sa akin. How about you? When are you going to show me everything about you, bebe? I wasn't bluffing when I tell you that I'm tired. Because if you dare refuse to tell me tonight, I'll make sure that I'd give you the most unforgettable sex in your life tonight with my endless words of love, and in the morning, we're over. Sisiguraduhin kong mababaliw ka pero hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Gago kang hapon ka."
Hinintay kong sumagot sa akin si Seiji pero nanatili lang nakatitig sa akin ang singkit niyang mga mata. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang mga sinabi ko o napabilis ang pagsasalita ko.
But all I got from him was his iconic nod. Mabagal siyang tumango nang ilang beses habang hindi man lang kumukurap. My words were like magic for him as if he was in trance.
I waited for him to approach first, dahil sa bawat bed scene namin ni Seiji ay ako lagi ang kumakalabit sa kanya. Gusto kong bigla niya na lang ako kabigin at buhatin, pagkatapos niyang hawiin ang mga wine glasses sa bar at ihiga ako roon. Pero napangiwi na lang ako nang maramdaman ko ang kamay niya na parang nahihiya pang hawakan ang braso ko.
Nakatungo na ako habang pinagmamasdan ko iyong kamay niya na nag-aalangan pa kung hahawak ba o hindi.
"Ano ba iyan?!" halos sabunutan ko ang sarili ko sa mabagal na kilos ni Seiji. Sadya ba talagang ganito ang mga hapon? O si Seiji lang ang ganito?
Iritado kong hinablot ang dalawa niyang kamay. With my head held high, chin-up, and arched brows, I brought Seiji's palm on his most favorite part of my body. "There, bebe! Ano ka fan boy? Hindi asawa? Braso lang? Katrabaho? Gago."
Hindi ko na hinintay si Seiji na gumalaw dahil ako na mismo ang siyang umalis sa upuan ko. I immediately cradled on his lap, arms hugging his neck as I looked down at him, Seiji's looking up at me with his suppressed smiles.
Para na naman kaming mag-asawang nagkabati na dahil nakabayad na kami ng tubig at ilaw.
And then, I kissed him. I kissed like it was our first honeymoon. Iyong honeymoon na hindi siya inatake ng peste niyang allergy!
My initial kiss was filled with hunger, anger, and frustration, but as Seiji kissed back with his usual gentle kisses, I suddenly felt like I'd been swayed by those fluffy clouds again.
Ganoon naman lagi si Seiji, sa tuwing gusto kong naka-blind fold na ako o kaya'y nakatali bigla ko na lang mararamdaman na gentle nga pala ang bebe ko.
We were both gasping for an air when our lips got separated. Nanatiling nakatuon ang noo ko sa kanya habang ang mga mata niya'y nakatitig pa rin sa akin.
"I want there, bebe," tipid kong itinuro iyong mini bar namin. "You should shove the wine glasses and lay me there."
"Huh? Why would I shove it? It will break, Ibu."
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Huh? Hindi ka ba talaga nanunuod— pesteng gagong hapon—" nang maramdaman kong yumuyugyog ang balikat niya iritado akong gumawa ng kaunting distansya sa kanya at hinampas ko ang balikat niya.
"You knew it!"
Umalis na ako sa pagkakakandong sa kanya at mariin kong pinagkrus ang mga braso ko. I pointed the mini bar through my pouted lips with my creased brows. Natatawa si Seiji na sumunod sa gusto ko. Akala ko nga ay hahawiin niya iyong mga wine glass katulad ng mga napapanuod ko, pero nanlumo lang naman ako.
Kinuha lang naman ni Seiji ang dalawang baso sa pinakamabagal niyang paraan, balak niya pa yatang hugasan at punasan nang mapansin niyang iritado na akong napapadyak sa kinatatayuan ko. Hindi lang iyon, hinanap niya pa kung saan ang lagayan ng wine bottle bago ibalik iyon.
Sobrang init na ng ulo ko nang lumingon siya pabalik sa akin.
"Maglinis ka muna kaya ng condo, Seiji?"
This time he laughed louder. At isa iyon sa pinaka-nakakainis kay Seiji. Minsan na nga lang siya tumawa, sobrang guwapo niya pa. Nakangiti ang naniningkit niyang mga mata nang papalapit na siya sa akin.
Ilang beses akong napadasal na sana ay wala na siyang maisip ibang gawin sa iilang hakbang niya papalapit sa akin. And there, finally! At last! Seiji Matsumoto, ang pinakaguwapong mabagal na lalaki sa balat ng lupa ay itinulak na ako sa sofa.
Mahabagin!
Naunang bumagsak ang katawan ko sa sofa. Because of the softness of it, my whole body bounced on its own, I quickly grabbed Seiji's nape for him to welcome his favorite part.
"Ops!"
Akala ko ay kakawala sa akin si Seiji, but as expected he stayed there for almost a minute. Kung makakahinga siguro siya roon ay hindi na siya aalis. Mapula ang tungki ng matangos na ilong ni Seiji nang umahon siya sa dibdib ko.
I playfully tapped the tips of his nose. "What is your favorite part of my body again, Seiji?"
"Me," nagawa niya pang ituro ang sarili niyang mata na parang hindi ko naiintindihan ang salitang iyon.
Like duh? Paano ko hindi malalaman ang translation ng mata kung lagi niyang pinagpipilitan sa akin na mata ko daw ang paborito niyang parte ng katawan ko?
"Eyes daw. Hmm. . . sinungaling."
He chuckled. Handa na sana akong kabigin siya pero mas nauna na siyang bumaba sa akin. I thought he's going to claim my lips again, but he gave me his soft whisper first. "Bebe. . ."
That's why I finally closed my eyes and allowed Seiji Matsumoto to completely dominate me. But unlike our previous steamy scenes, na lagi niyang sinasabi na weak ako, nagawa ko siyang sabayan hanggang sa siya ang unang makatulog.
Dahil masyado yatang napagod si Seiji, nauna na rin akong nagising sa kanya. He was sleeping soundlessly with his arms wrapped around my body and his face slightly buried on his favorite kind of pillow.
Bakit hindi ko napansin si Seiji sa isla na tingin nang tingin sa boobs ko? Grabe ang pagkahumaling niya sa dibdib ko. Pero kahit pugutan siya ng ulo, hinding-hindi niya iyon aaminin.
Pinanuod ko lang si Seiji na matulog habang hinahaplos ko ang bagong gupit niyang buhok. Sino ba naman ang hindi bibigay sa hapon na ito kapag bagong gupit?
"Ibu. . ."
Hindi ko siya sinagot pero ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. He promised me that he'd give me answers. Nangako ako sa kanya na handa akong tanggapin siya sa kung ano man ang kinatatakutan niya.
Maybe it's one of his frustrations. Alam niyang nahulog ako sa ganitong parte ng katauhan niya. The fluffy prince from the island, innocent and always calm. Para lang akong nabubuhay sa isang light drama na ang tanging problema ay lalaking mabagal ang kumilos.
Pero hindi niya ba alam na nang sandaling malaman ko na hindi lang basta aksidente ang nangyari sa yate ay matagal ko nang tinanggap na hindi lang ang Seiji sa isla na nakilala ko ang mamahalin ko?
I will accept him as Seiji Matsumoto, the heir of a huge clan in Japan, someone who had an experience of attempted murder, a man with responsibilities, and with high expectations from society.
Matagal ko nang tinanggap na hindi lang siya ang Seiji ko na amoy virgin coconut oil, laging sabog ang buhok, parang isang ubo na lang, laging talo sa ML, mas gustong pigilan lagi ang pagngiti, mas gusto na lang tumango at umiling kaysa magsalita, namumula ang pisngi at mas gustong mag-Nihonggo at mahirapan ako sa pag-intindi sa kanya kahit fluent naman siya mag-English!
I accepted everything about him.
Ano pa ba ang problema niya sa akin? Tanggap ko siya and I am one of the top 100 sexiest women alive on Earth! Walang may mag-iisip na mag-aasawa ako ng lalaking laging talo sa ML!
"Are you a mafia boss, Seiji? My gosh, bebe! It's fine! I can be your sexytary! Magre-resign na akong mag-artista! Sexy— I mean your secretary! Have you seen my action movies? Magaling akong humawak ng baril! Well. . . if you mean the two types of guns, bebe. Kahit 'yong gun ng mafia boss na hapon. . ."
"Eh?"
Napahiwalay na sa pagkakayakap sa akin si Seiji at napakamot na siya sa tungki ng ilong niya.
"Are you an agent? Gosh, bebe! I am good in disguising! I have collections of different colored wigs. Marami rin akong puwede costumes—" bumangon na si Seiji at napapakamot na siya sa kanyang sabog na buhok.
"What are you talking about, Ibu?"
Marahas na akong napabangon. Agad bumaba iyong kumot mula sa katawan ko at sinundan iyon ng mga maliiit na mata ni Seiji. Pero bago pa mawala iyong inis ko sa kanya ay hinila ko na ang kumot at tinakpan ang sarili ko.
"Huwag mong sasabihin sa akin na nakalimutan mo ang pinag-usapan natin kagabi, Seiji!"
Bumuntonghininga siya na lalong nagpainit ng dugo ko. Sa halip na makipagtalo pa sa kanya, huminga ako nang malalim.
This! Dahil alam ni Seiji na mabilis akong suyuin, hindi niya sineseryoso ang lahat ng mga sinasabi ko.
"Ibu, the thing is. . ."
I waited for him. I looked at him straight, but when he averted his eyes away from me. Naputol na ang pisi ko. Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay sa halip ay tumayo na ako sa sofa. Mabilis kong pinulot ang mga damit ko at hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Ayoko na. He's been taking me lightly. Dahil ba nakilala niya akong parang baliw? Dahil ba alam niyang patay na patay ako sa kanyang gago siyang hinayupak na hapon na hindi naman guwapo?!
"Ibu, just allow me to fix everything before I tell you—"
"Tama na. Ayoko nang marinig iyan, Seiji. Bahala na ka na sa buhay mo."
When he tried to embrace his arms behind me, I forcefully removed it away from me. Unlike before, na nagtatalo kami ni Seiji at pilit ko siyang sinasabihang maging tapat siya sa akin tungkol sa lahat ng bagay, mabilis akong nakakaramdam ng luha sa aking mga mata. But right now, I didn't feel anything.
Siguro nga ay napagod na ako. I can easily admit how I'm madly in love with him, but I still have my own limits. Parang pinaglalaruan niya lang ako at ang nararamdaman ko sa kanya.
Maybe Seiji's not the typical man with his girls around him. Oo nga at hindi babae, sugal o kahit anong klase ng bisyo ang pinag-aawayan namin dalawa. But honesty and marriage is the best foundation of marriage, at hindi iyon maibigay ni Seiji sa akin.
"Ibu. . ."
When he tried to touch him again, for the very first time, I gave him my deathly glare. Sobrang talim ng tingin ko sa kanya na hindi niya iisipin na magagawa kong siyang titigan sa ganoong paraan.
I saw how Seiji got surprise on how I looked back at him. Ibang-iba sa paraan ng mga pagtitig ko sa kanya simula nang nakilala niya ako. I've been looking at him lovingly, na parang siya na lang ang nag-iisa kong mundo. But now that I've realized that he's not really taking me seriously with my concerns and frustrations, hindi ko na kayang ibigay sa kanya iyong mga titig ko na parang siya na lang ang natitira kong kasiyahan.
I am firm with my words now.
Inirapan ko siya at tinalikuran. Taas noo na akong naglakad patungo sa pintuan nang bigla akong matigilan.
This is my condo! Bakit ako ang lalabas?
Kaya sa halip na magtuloy ako sa paglalakad ay marahas ko na lang binuksan ang pintuan. "Out, Mr. Matsumoto!"
"Ibu. . ."
Kung iisipin niyang maririnig niya akong sumigaw sa kanya, pilit kong pinakalma ang sarili ko. Muli kong sinalubong ang kanyang mga mata at mas pinalaki ko ang pagkakabukas ng pintuan.
"I said out, Mr. Matsumoto."
"Ibu. . ."
"Seiji, kung wala kang nais sabihin. Please, lang. Kailangan ko pang magpahinga dahil may trabaho pa ako mamaya."
Dahil si Seiji ang tipo ng tao na hindi marunong makipagsagutan o kaya'y mangatwiran, yumuko lang siya at walang imik na lumabas ng condo ko. And the moment I shut the door closed, all I did was to walk back again to my mini bar and poured myself a drink.
"I don't know what to do anymore. Nakakapagod ka na," naibato ko na ang basong hawak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro