Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

Sick

I thought everything would continue to turn better right after our wedding. We cleared all our schedules to make time for our long honeymoon, we made sure that it would be in spring since we failed to have our wedding on that season, but I didn't expect that it would turn like this.

We were so happy earlier. Na ang inakala kong ang eksena na nakikita ko lang sa mga telenovela ay nangyari sa amin ni Seiji. I've been dreaming of walking down an aisle with clusters of cherry blossoms on my side, with my flowing hair as well as my beautiful dress.

Akala ko noon ay imposible ko na iyong maranasan na walang iniisip na trabahong tinatakbuhan pero lahat ng simple kong pangarap ay ibinigay sa akin ni Seiji.

Seiji Matsumoto's my prince charming, not in a white horse but on a bicycle. Wala na akong pake kahit bigla pang na-flat iyong gulong ng bike niya at pinaglakad niya ako, binuhat niya naman ako.

But all those happy thoughts shattered in an instant.

"I-Ibu..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at impit ang pag-iyak ko sa likuran ng pinto ng banyo. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang nangangatal ang kamay kong nakahawak sa phone ko.

"I-Ibu... gomen. L-let's talk."

Ilang beses kumakatok si Seiji pero nanatili akong nakasalampak sa sahig habang nanlalamig sa katotohanan.

All this time inilihim niya iyon sa akin? Bakit kailangan niya akong paglihiman? Akala ko ba ay mahal niya ako? At ngayon ko pa talaga malalaman? Ngayong kasal na kami?

Hindi niya ba alam na importanteng pondasyon ng pagmamahalan ang pagiging matapat sa isa't isa. We should know each other's secrets! Not just our dreams but also our fears. Matagal ko nang tinanggap na hindi lahat ay saya sa loob ng pagpapamilya, pero ang ganitong realisasyon hindi pa man lumilipas ng ilang buwan ang kasal namin?

Halos magpapaydak ako sa sobrang sama ng loob. Gusto ko nang iuuntog ang ulo ko sa pintuan.

Buong akala ko ay masisira na namin ni Seiji ang kama ngayong gabi!

Luhod na luhod na ako! Dapang-dapa na!

But what now? Dapat hindi niya na lang ako dinala rito sa Japan, dapat ay hindi na lang kami umalis! Dapat ay hindi niya na lang ako pinakasalan!

Hindi niya ba alam na ang sakit na iyon ay may malaking epekto sa pagsasama namin? H-How can we have an endless steamy future if he has that kind of disease?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mas lalong lumakas ang hagulhol ko. Sinapo ko ng aking mga palad ang mukha ko at halos manghina ako sa dami na ng iniluha ko. Bakit kailangang subukin ng ganito kaaga ang pagsasama namin ni Seiji?

Bakit sa dami ng tao sa mundo ay si Seiji pa ang nagkaroon ng ganitong klaseng sakit? He's kind, soft and almost perfect!

"I-Ibu... please..."

Muli niya akong kinatok. Marahas akong humarap sa pintuan kahit hindi ko naman siya nakikita. "Bakit hindi mo agad sinabi sa akin, Seiji?! Hanggang kalian mo sa akin ililihim ito?!"

"G-Gomen... I am already planning to tell you, but—" hindi ko siya pinatapos sa anumang sasabihin niya.

"Dapat ay sinabi mo na bago ang kasal natin! Hindi ganito na gugulatin mo ako. Seiji naman! Hindi biro ang sakit mo na iyan! Hindi biro iyan sa pagsasama natin. P-Paano tayo bubuo ng pamilya kung--" hindi ko na rin matapos ang sasabihin ko. Muli kong sinapo ang sarili ko at nag-iiyak sa problema namin ni Seiji.

"You're not going to marry me if you discovered this disease of me, right? You will leave me..." mahinang sabi ni Seiji.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Ilang minuto kaming natahimik sa isa't isa hanggang sa muli akong nakarinig ng ingay. Kung hindi ako nagkakamali ay nakaupo na rin si Seiji sa likuran ng pintuan at pinakikiramdaman ako.

"I'll just leave you alone for a while, Ibu. But we need to talk. If you want to annul our marriage..." sa pagkakataong iyon ay si Seiji naman ang hindi tumapos ng sasabihin niya. Narinig ko ang mga yabag niya papalayo at ang tangi ko lang nagawa ay hilamusan ang sarili ko.

Ganoon lang ang sitwasyon ko sa loob ng halos kalahating oras bago ko naisipan tumawag sa mga kaibigan ko.

"W-What happened, Eve?" bungad sa akin ni Tanya.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ba't honeymoon n'yo ngayon?" nagtatakang sunod ni August.

Ngunit hindi ko sila mabigyan ng sagot, sa halip ay mas lumakas ang hagulhol ko sa kanila. Hindi ko matanggap!

Hindi ko matanggap! Nakakapanghina talaga.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Eve? Kinakabahan na kami sa 'yo." Sabi ni Tanya.

"Si Seiji kasi..." nangangatal na naman ang boses ko.

Nang sabihin ko iyon malakas na singhapan ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"It's fine, Eve. Hindi ba't mahal n'yo naman ang isa't isa. Don't be disappointed." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tanya.

"Always remember that it's all about the performance and not the size. Huwag mong ipakita kay Seiji na hindi ka nasiyahan. He's already your husband." Dagdag ni August na mas lalong nagpasakit ng ulo ko.

"Not that!" sigaw ko.

"Eh, ano?"

Mas lalong lumakas ang hikbi ko nang maalala ko na naman. "Seiji has a disease..."

Muling nagsinghapan ang kabilang linya. "A-Ano ang sakit niya? Bakit ngayon niya lang sinabi sa 'yo? D-Don't tell me... oh, gosh! Si Seiji may..." rinig ko ang pagkakagulo ng mga kaibigan ko sa kabilang linya. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na may sakit na ganoon si Seiji.

Who would thought?

Bago pa man ituloy ni Tanya ang sasabihin niya ay naglakas loob na akong sabihin iyon.

"Allergy!" malakas na sabi ko.

Nang sabihin ko iyon biglang natahimik ang kabilang linya. Inaasahan ko nang hahagulhol din sila katulad ko pero lalong tumagal ang katahimikan mula sa mga kaibigan ko.

"Allergy? Anong klaseng allergy naman, Sidra?" tanong ni Tanya. Biglang nagbago ang tono ng boses niya, na sa halip na nag-aalala sa akin ay parang nakarinig siya ng hindi kaaya-ayang chismis mula sa Enamel.

"Kafunsho daw ang tawag sa allergy niya. Hindi niya sinabi sa akin na may allergy siya sa puno! Sa mga puno at bulaklak tuwing spring! Now he has a fever! Sinisipon na rin siya at walang tigil sa pagbahin! And his right eye, gosh! Pulang-pula, para na siyang may sharingan. Bed scene na bed scene na 'ko! Bed scene na bed scene na! Gagong Seiji iyon!"

Akala ko ay bibigyan ako ng simpatya ng mga kaibigan ko pero malulutong na mga salita ang narinig ko mula sa kanila.

"Gaga!"

"Gaga ka talaga, Sidra!"

And they ended the call. Naningkit lang ang mga mata ko sa phone ko bago ako bumalik sa pag-iyak. Bakit naman kasi hindi niya agad sinabi sa akin na may allergy siya sa puno? Edi sana hindi na kami pumunta matuloy-tuloy lang ang pesteng honeymoon namin!

Hindi ako makapaniwala na may ganoong allergy siya. Like seriously? Hapon siya! Dito siya pinanganak at nagkaisip, tapos may allergy siya sa magagandang puno nila?

Ano ba naman kasi itong si Seiji?! Hindi naman kasi lumalabas ng bahay nila.

Madrama kong ibinaba sa sahig ang phone ko, itinukod ko ang dalawang kamay ko sa sahig habang sabog ang buhok ko. Pinagpatuloy ko ang pag-iyak ng ilang minuto para marinig ulit ako ni Seiji.

Nasaan na ba ang hapon na iyon?

Kumunot ang noo ko. Tumigil na nga ako sa pag-iyak. I elegantly wiped my tears away, and brushed my hair upward like a seductive female lead, and picked up my phone to call my husband.

Wala na yatang plano si Seiji na amuin ako, kaya tinawagan ko na rin siya. He immediately picked it up.

"Ibu..." bungad niya.

"Ano? Aluin mo 'ko rito!"

Rinig ko ang pagbahin niya ng ilang beses sa kabilang linya. "Where are you? Nasa kwarto ka lang naman, 'di ba?"

"On bed, bebe. I'm dizzy."

"Dizzy na rin ako, Seiji! Naasar na talaga ako sa 'yo! Come here, aluin mo 'ko!"

"Okay."

Hindi ako naghintay nang matagal, narinig ko nang muli ang katok ni Seiji, tumayo na ako at pinagbuksan siya ng pintuan. Tumambad sa akin si Seiji Matsumoto na dala na ang comforter na nakabalot sa kanya.

"G-Gomen, bebe...next time, promise. I don't want to share my fever to you."

Umirap ako sa kanya. Pinagkrus ko ang mga braso ko at nauna na akong maglakad sa kanya. Ramdam kong nakasunod lang siya sa akin at nangangapa pa siya ng sasabihin sa akin.

"You will leave me because I have this allergy, right?"

I rolled my eyes. "Of course not! I love you so much, Seiji, kahit nakakaasar ka na. I just practiced my tears, kasi matatagalan pa bago ako umuwi sa Pilipinas. Baka makalimutan ko nang umarte."

He chuckled.

"Ibu, itsumo kureiji..."

Agad akong lumingon pabalik sa kanya, mabilis nawala iyong patawa-tawa niya at yumuko siya. "Huwag mo akong ma-kureiji kureiji, Seiji! Mainit ulo ko sa 'yong hapon ka."

Sa huli kapwa kami nasa iisang kama pero magkatitigan lang talaga. May distansya rin kami at pilit ko lang pinakakalma ang sarili ko. Kumukulo na talaga ang dugo ko.

Balot na balot si Seiji ng comforter habang pasulyap-sulyap sa akin at sa tuwing magtatama ang mata namin nag-iiwas siya agad ng tingin na parang nahuli na naman ng crush niya.

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa eksena naming iyon ni Seiji. Dapat umuuga na ng matindi ang kama, Seiji Matsumoto!

Dapat Seiji Massimo na ang nakikita ko! Pero ang galawan nitong si Seiji parang teenager na naman! Nanggigigil na talaga ako.

"Look at your eyes, Seiji, para ka nang si Sasuke! Ikaw may sharingan?" ilang beses siyang nagkukurap.

Nakakakita pa ba iyang hapon na iyan?

He chuckled. "Do you watch Naruto?"

"A bit. Minsan nasabay ako kay Akio."

Nanatili akong nakaupo sa kama habang nakasandal sa headrest. Si Seiji naman ay nakahiga na bahagyang nakatabingi ang katawan para nakaharap siya sa akin, nakabalot pa rin siya ng comforter.

Ilang minuto kaming magkatitigan bago ako mahimasmasan.

"Tapos ako si Sakura..." mahinang sabi ko.

Akma na sana akong lalapit kay Seiji habang makatukod na ang dalawa kong palad sa kama at handa nang gumapang ng dahan-dahan kay Seiji nang agad siyang umusod paatras.

Napangiwi ako.

I was like a lioness and he's a poor scared white rabbit.

"Ibu... no." Umiiling pa siya.

Halos mapapadyak ako sa pagkairita, muli kong pinagkrus ang mga braso ko, ngumuso at hindi na tumingin sa kanya.

"But you're prettier than Sakura, bebe..."

Umirap ako. "Huwag mo akong bolahin, Seiji." Sabi ko bago ko kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngisi ko.

Hinawakan ko na ang isang unan at nakangisi akong inihamas iyon sa kanya. "B-bebe! Huwag mo akong binobola! Gago ka, gigil pa ako sa 'yo!"

"I am telling you the truth."

Tinigil ko ang paghampas sa kanya at bumalik ako sa pagsandal sa kama. Pilit akong nag-poker face. Duh, hindi ako kinikilig kaya!

"And your—" nang lumingon ako kay Seiji nakatingin na siya sa boobs ko. At nang mapansin niya na nahuli ko siyang nakatingin doon agad siyang nag-iwas ng tingin.

"And my?" muling bumalik ang ngisi ko.

Si Seiji Matsumoto talaga simpleng manyak!

"Your eyes are prettier too."

Kumuha na ako ng unan at inihampas ko na iyon kay Seiji. "Eyes? Eyes talaga, you sure, Mr. Matsumoto?!"

"Ibu, itai! Itai..." pinilit niya ako salagin pero wala siyang nagawa.

"Seiji, ikaw shy pa rin. All of me is yours..."

Gusto ko sanang mas lumapit sa kanya pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil kaunting usod pa ni Seiji mahuhulog na talaga siya sa kama. Wala akong pinagpilian kundi pigilan ang sarili ko.

Pinagsalikop ko ang mga binti ko, niyakap iyon at ipinatong ang baba ko roon habang blangkong nakatitig sa patay naming flat screen tv.

"Gomen, Ibu..."

Ngumuso ako. "It's fine. Pero dapat hindi mo na lang pinilit na sa maraming bulaklak at puno tayo. Nahihirapan ka tuloy ngayon. I'm worried rin Seiji. It's not just about our honeymoon."

"But you love Sakura trees..."

"But I love you more, Mr. Matsumoto. Sabi ko sa 'yo okay na lang ako sa puno ng mangga, e."

He chuckled.

Nang lumingon ako sa kanya mas ibinalot niya na ang sarili niya sa comforter na hindi ko na makita ang mukha niya. Tumalikod na rin siya ng pagkakahiga na parang ayaw niya akong harapan.

"A-After this fever... I promise I'll be a good husband."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na akong napayakap sa malaki niyang cocoon. "Oh, my gosh, Seiji! What do you mean by that? On bed? On bed?"

Ilang beses kong niyugyog ang cocoon niya.

"H-Hai... hai...Chigao! Ibu, get off me! Sleep. Let's sleep..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro