Six
"Hi!
Isang babae ang umupo sa binakanteng upuan ni Jeff. Lagpas panga ang pulang buhok nito, may hikaw din sa kaliwang kilay. Malalaki ang bilugang mga mata nito at maliit ang mukha. Parang manika ang babae, bumagay dito mga labing parang kinagat ng langgam. Kasing pula ng buhok nito ang lipstick. Parang model ang haba ng legs nitong kita sa skin tight na pantalong itim.
Violet ang kulay ng leather jacket na suot ng babae, itim ang panloob na top. Kung makangiti ay parang matagal na silang magkakilala. Tabingi yata ang ngiting iginanti niya sa babae. Sino 'to?
"I'm Vivienne, ako ang owner nitong club." Inalok nito kay Kody ang kanang kamay. Pagkarinig sa sinabi ng babae ay parang nagising si Kody. Tinanggap niya ang kamay nito.
"I'm K-kody. Ahmm...e-extended g-guest---"
"You're with Jeff, I know. Nasa kitchen siya, tini-terrorize ang mga chef ko," natatawang pakli ni Vivienne.
"Ah."
"So, ano'ng relasyon mayroon kayo ni Jeff?" prangkang tanong ni Vivienne. Sumenyas ito sa nagdaang waiter. Kung ano man ang ibinulong ni Vivienne ay hindi na alam ni Kody.
"We're friends."
Tumaas ang kilay ng babae. Dumukwang ito sa lamesa, magkasalikop ang dalawang kamay sa harap. "I don't believe you. Kanina lang, nagpop-out ang pangalan mo sa system namin. Simula nang maging member ng Club Infinity si Jeff two years ago ay wala ni isang nailistang extended guest ang lalaking 'yon. I mean, bakit biglang-bigla?"
"Hindi ko alam."
"Come on, Kody." Muling sumandal si Vivienne. "Alin lang sa dalawa, kayo ni Jeff o nililigawan ka niya?"
"Niligawan," pagbibigay diin ni Kody sa salita. "His brother was my boyfriend."
Gumuhit ang isang ngiti sa mukha ni Vivienne. "Jax is your ex."
"Kilala mo si Jax?"
"Member din siya ng club, last year lang na-approve ang application niya."
Pansamantalang natigil ang pag-uusap nila nang dumating ang waiter. Inilapag nito sa mesa nila ang isang bandehado na puno ng fried chicken at isang bucket ng beer.
"Thank you, Tyrone," ani Vivienne saka pabirong hinampas ang pang-upo ng lalaki.
Pero imbes na magulat ay ngising-ngisi pa ang waiter. Parang normal lang na nangyayari ang ganoon.
"You're always welcome, boss." Kumindat pa ang lalaki bago umalis. Naiwang nakanganga si Kody na ikinatawa ni Vivienne.
"Don't look so shock, Kody. That's one of our private jokes," anang babae saka dinampot ang isang bote ng beer sa bucket. Ilang sandali lang ay bukas na ito at umiinom na si Vivienne.
"Empleyado mo siya, baka isipin nila..."
"Rubbish. Ako ang boss nila pero hindi ko sila itinuring na iba. We're one big happy family here in Club Infinity. Karamihan sa mga empleyado ko dito ay hindi nalalayo sa edad ko. Kasama ko na sila since I put up this joint."
"Pero baka magkaroon ng maling impression ang mga patrons ninyo. Baka isipin nilang puwede nilang tratuhin ng ganoon ang mga tao mo."
Umiling si Vivienne, lumagok uli sa baso. "No one touches my people. Isa 'yan sa house rules ng Club Infinity. Members and extended guests alike are required to comply." Kumindat si Vivienne sa kanya. "The privilege of touching them only belongs to me. With their consent, of course." Sinundan nito ng halakhak ang sinabi.
"You're one lucky bitch," nasabi na lang ni Kody.
"Sinabi mo pa. Hindi ka iinom? Our fried chicken recipe are to die for, it goes well with an ice cold beer."
"Hindi pa ako kumakain," tanggi ni Kody.
"Kaya nga may fried chicken. You're good as long as mauna ang pagkain sa sikmura mo bago ang beer. Come on, try one. Hindi ka magsisisi," pangungumbinsi ni Vivienne.
"Pero kasi umorder na si Jeff, sino'ng kakain noon mamaya?"
"I'll take care of it. Wait, inform ko lang ang kitchen staff." Muling tumawag ng waiter si Vivienne.
Ilang sandali pa ay magkasalo na sila ni Vivienne sa beer at fried chicken. Nadiskubre niyang masaya kausap ang babae. Hindi ito nauubusan ng sasabihin. Hindi niya ramdam ang pait ng beer dahil sobrang lamig nito. Pakiramdam ni Kody ay parang tubig ang naglalandas sa lalamunan niya. Nasa pangatlong bote na siya nang dumating si Jeff.
"You witch! I told you kumain ka muna," sermon agad nito kay Kody. Bumaling ito kay Vivienne na ngayon ay parang aliw na aliw na nanonood sa kanila. "You! Bakit mo siya pinainom agad? Sinabi kong samahan mo siya, hindi lasingin."
"Hindi naman lasing si Kody ah? Maupo ka nga, saluhan mo kami."
Nakabusangot ang mukha pero sumunod naman si Jeff. Padaskol siya nitong ginitgit para umusog siya. Parang aliw na aliw lang na nakamasid si Vivienne. Nagbukas na rin ng beer si Jeff.
"Ikaw ang nagpa-cancel ng order sa kitchen," kumpirma ni Jeff.
"Sino pa nga ba. 'Wag ka ngang masyadong OA d'yan, hindi ikamamatay ni Kody ang pagkain ng fried chicken at pag-inom ng beer."
"What she needs is a proper dinner, hindi 'to," pilit ni Jeff.
Vivienne rolled her eyes. "Daig mo pa ang may yaya, Kody. Paano mo natatagalan 'to?"
"Sanayan lang. Ganyan naman 'yan kahit dati pa, kung ituring ako para akong batang walang sariling isip. To think mas matanda ako d'yan ng apat na taon," naiiling na sagot ni Kody.
"Masarap sa pakiramdam na may nag-aalaga sa 'yo no? Pero 'pag ganyan ang lalaki minsan nakakairita na rin." Inilapit ni Vivienne ang bote ng beer nito sa kanya.
"True," sang-ayon ni Kody at idinikit rin ang sariling beer kay Vivienne. Sabay silang uminom at nagkatawanan.
"Wala nga pala ako dito. Okay, go on. Kunyari upuan ako or fixture sa dingding," sarkastikong komento ni Jeff. Lalo lang silang nagkatawanan ni Vivienne.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro