Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Five

Kahit kalagitnaan pa lang ng linggo ay maraming tao sa Club Infinity nang dumating sila ni Jeff. Nilagpasan nila ang mahabang pila sa labas at diretso sa pinto. Hindi miyembro ng Club Infinity si Kody kaya nag-alangan pa siyang sumunod kay Jeff. Baka hindi siya papasukin. Ang boss niyang si Anthony ay pending ang approval ng application nito. Alam niya dahil siya ang nagfill-up ng application form nito noong isang buwan.

"Business ang pangunahing dahilan kaya gusto kong maging member ng Club Infinity," sabi sa kanya ni Anthony noong tinanong niya ang lalaki.

"Business? Ano'ng mapapala mo doon eh clubbing scene 'yon?"

"You don't realize why Club Infinity is so prestigious. Mga may sinasabing tao ang miyembro nila. Ang ilang walang kaya sa buhay na nakapasok, like students or ordinary citizens, they were deemed to succeed someday."

Napataas ang kilay ni Kody. Kaya ba parang walang specific na requirement ang club sa pagtanggap ng miyembro? "Pag nag-apply ako, matatangap kaya ako?"

"I don't know how they work. Subukan mo."

Naputol ang daloy ng alaala niya nang akbayan siya ni Jeff. "She's with me," anang binata.

"You don't have an extended guest list, Sir Jeff. Gusto mo bang ilagay ko siya?" tanong ng isang security personnel. Kagaya na nakikita niya sa pelikula ang porma ng lalaki. Naka-suit and tie tapos may nakakabit na device sa tainga.

"Puwede ba, Oscar?"

"Yes sir. Ako na mismo ang maglalagay ng pangalan niya sa database."

"Thank you. Her name is Nikoda Baltazar Cortez. For the mean time, 'yan muna. I'll send you her IDs bukas for verification."

"No problem. This way, sir." Nahawi ang dalawang naglalakihang lalaking nakaharang sa pinto ng club. Nang sabay nilang buksan ang pinto ay tumambad kay Kody ang dance floor na puno ng tao.

"Welcome to Club Infinity," bulong ni Jeff sa kanya.

Napanganga si Kody. Fusion ng modern at retro ang interior. Dalawang palapag ang club, may guwardiya rin sa hagdan paakyat sa second floor. Hula niya ay nasa second floor ang VIP area dahil naka-kordon ang hagdan. Sumasabay sa musika ang pagpapalit-palit ng mga kulay ng ilaw. Makintab ang itim na sahig, puwede siyang manalamin kung trip niya.

Ang mga waiter ay hindi bihis waitier. They looked like rock stars, with leather jackets and all. Dalawa lang ang nakikita niyang babae sa lugar, ang bartender at and DJ sa loob ng booth nito. Mukhang rock star ang theme sa gabing 'yon.

"Let's find you a booth," narinig niyang sinabi ni Jeff bago siya nito iginiya papasok. Tuloy-tuloy sila sa may hagdan.

"Good evening, Sir Jeff," sabay na bati ng dalawang lalaking nagbabantay sa hagdan.

"Magandang gabi. Wala bang naligaw sa mga kaibigan ko dito ngayong gabi?"

"Wala naman po," sagot ng isa sa kaliwa.

"Good." Lumingon sa kanya si Jeff. "Come on, Kody."

Nasa pinakasulok ng VIP area sila naupo ni Jeff. Gusto niya ang napili nitong lugar, may semblance ng privacy. Sa lambot ng upuan ay parang gusto niyang humilata. Lagpas tao ang taas ng backrest, para silang nilamon.

"Alam ba ng Tita mo na may OT ka ngayon?" mayamaya ay tanong ni Jeff.

"Oo. Pero ang hindi niya alam ay ito. Pero okay lang, hindi naman mahigpit si Tita Jane. Baka nga magpamisa pa 'yon 'pag nalaman niyang lumabas ako at nag-iinom." Natawa siya sa nasabi.

Cool ang Tita Jane niya, young at heart wika nga. Nang maulila siya sa ina ay naiwan siya sa pangangalaga ang bunsong kapatid ng nanay niya. Dalaga pa rin ang Tita Jane ni Kody sa edad na thirty nine. Ang tatay naman niya ay wala siyang ideya kung saang lupalop o kung buhay pa ba ito. Anim na taon siya nang ipagpalit sila nito sa ibang babae.

"Still, you should call her. Para hindi ma-shock 'pag nauwi kang bangag sa kalasingan."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro