Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eight

Ramdam na niya ang pamamaga ng mga mata. Isang tumpok na rin ang tissue sa mesa nila ni Jeff. Nabasa man ni Kody ng luha ang polo ng binata ay wala siyang narinig na reklamo. Nang sa wakas ay tumigil siya sa pag-iyak, nakaramdam ng pagsama ng sikmura ang dalaga. Walang salitang kumalas siya sa yakap ni Jeff at tinangkang tumayo.

It proved to be a bad move. Ayaw makipag-cooperate ng mga binti niya. Umiikot din ang tingin ni Kody sa paligid. Mabilis naman siyang inalalayan ni Jeff.

"Okay ka lang?"

"Shiyempre hindi," aniyang kumapit sa balikat ng binata. "Kailangan khong mag-CR."

"Ako'ng bahala sa 'yo."

Sa bawat hakbang nila ay tumitindi ang paghalukay sa sikmura ni Kody. Sa umiikot na paningin ay nakita niya ang haba ng pila sa CR. Hindi niya napigil ang mapaungol. Wala siyang sapat na tiyaga para maghintay.

"I guess you're not up for it," komento ni Jeff nang makita ang pila.

"Di kho na khaya." Bigla niyang naitakip ang palad sa bibig. Lalabas na talaga!

"Shit! Pigilan mo muna!"

Binuhat na siya ni Jeff. Sinalakay uli ng pagkahilo ang dalaga sa parang pagbaliktad ng paningin. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi niya maibuka ang bibig. Kaya pumikit na lang si Kody at mahigpit na kumapit sa binata.

Ilang sandali pa ay ibinaba na siya ni Jeff. Paglapat na paglapat ng paa ni Kody sa sahig ay naduwal siya. Sa kasamaang palad ay hindi pa siya tuluyang nakakalayo kay Jeff. Nanlalaki ang mga mata nilang pareho habang nakatingin sa nadumihang damit ng binata.

The rest, she donated to the toilet. Saglit na nawala sa tabi niya si Jeff pero bumalik din agad. Ito ang may hawak ng buhok niya habang nakaluhod siyang nagduduwal sa inidoro. Nang tumigil ang paghalukay sa sikmura niya ay hinang-hinang napasandal ang dalaga kay Jeff. Nasa likod niya ang binata, nakaupo rin sa sahig kagaya niya.  

Nahimasmasan na rin si Kody sa kalasingan. She sniffed. "Oh God! I stink."

"Right," sang-ayon ng binata, may bahid-tawa ang boses.

May kakaibang rhythm na nararamdaman si Kody sa likod. She felt deliciously warm too, despite the cold tiled floor. Pagbaling niya sa gilid ay nakita niya ang pagtaas-baba ng adam's apple ni Jeff nang lumunok ang binata. Ang masarap na init pala na nararamdaman niya ay galing sa hubad na balat nito. Nag-umpisang mag-riot ang pagkabog ng dibdib ng dalaga. Pati hininga niya ay nagbuhol lalo na nang pumatong ang baba ng binata sa balikat niya.

Why is he...uh...half-naked?

"Okay ka na?" mababa ang boses na tanong ni Jeff.

"O-okay na."

"Good." Naunang tumayo si Jeff, iniwan siyang nakaupo pa rin sa sahig. Inilahad nito sa kanya ang kamay. "Tumayo ka na, malamig ang sahig."

Agad siyang nagbawi ng tingin dahil hindi na sa mukha ni Jeff siya nakatutok. Pasaway kasi ang mata niya, kusang bumababa ang focus. Ilang laway pa ang nalunok ni Kody. Nakayukong tinanggap niya ang kamay ng binata para maitago ang nararamdamang pagkapahiya. Baka kung ano ang mabasa ni Jeff sa mukha niya, lagot na.

"Kailangan kong maghilamos," aniya.

"Sige. Ikukuha kita ng tuwalya."

Nakahinga ng maluwag si Kody nang mawala si Jeff sa banyo. Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin. Namumulang mga mata, sabog ang buhok at maputla ang labing Kody ang sumalubong sa kanya. Mabuti na lang pala waterproof ang mascara niya, nailigtas siya sa pagmumukhang panda. Sa dami ba naman ng iniyak niya kanina.

Pagkaalala kay Jax ay muling naluha si Kody. Pero bago pa man siya malunod sa emosyon, ipinilig niya ang ulo at naghilamos. Napahawak siya sa dibdib. Mabigat ang parteng 'yon, kumikirot pa rin kahit ilang balde na yata ang iniyak niya. Napayuko siya, hawak pa rin ang dibdib. Hinilot-hilot pa niya baka sakaling magluwag ang lalamunan niya.

Nang muli siyang mag-angat ng ulo ay nagtama ang mga mata nila ni Jax sa salamin. Nakasandal ang binata sa pinto, nakasampay sa balikat ang ipinangakong tuwalya. Walang kibong nilapitan siya nito at hinawakan sa braso. Nagharap silang dalawa. Siya, nagtatanong ang mga mata. Si Jeff naman ay hindi niya mabasa ang emosyon, nanatiling blangko ang mukha nito.

Unti-unting umangat ang kamay ng binata papunta sa mukha ni Kody. Parang namatandang nakatingin lang siya kay Jeff, inaabangan ang susunod na gagawin nito. HIndi niya maipaliwanag kung bakit napalitan ng kaba ang bigat ng dibdib niya kanina.

"Huling iyak mo na 'to sa kanya. Quota ka na, Kody." Seryoso ang mga mata ni Jeff.

"I c-cant promise but I'll try,” aniya sa namamaos na boses.

"You’ll be okay.”

May bumara na naman sa lalamunan ng dalaga pero tumango siya. Naniniwala siya sa sinabi ni Jeff. Bakit hindi? Sa una lang naman masakit. Hindi siya papayag na matulad sa Tita Jane hanggang ngayon ay mukhang hindi pa nakakapag-move on.

“Come on, mabuti pa magpahinga ka na.”

“D-dito ako matutulog?”

“Hindi mo kailangang dito magpalipas ng gabi. Magpababa ka lang ng tama kung gusto mo. Ihahatid kita kahit ano’ng oras ka pa magising,” sabi ni Jeff.

“S-sige.”

Paglabas ni Kody ng banyo ay nakita niyang may unan at kumot na sa malaking sofa. Hindi na siya nagtanong. Base sa narinig niya kanina kay Vivienne ay mukhang gawain na ni Jeff at ng mga kaibigan na dito matulog ‘pag hindi na kayang umuwi.

“Sa labas lang ako. Mag-alarm ka para magising ka.”

Hindi sigurado si Kody kung bakit nakaramdam siya ng pagkabalisa. “Iiwanan mo ako dito?”

“Baka mas kailangan mong mapag-isa. You know, to sort out your feelings and all.”

Umiling si Kody. “Ayoko na munang mag-isip. Kung pwede ko nga lang hilingin sa ‘yo na pablangkuhin mo ang utak ko, ginawa ko na eh. What I badly needed right now is distraction. Lots of it.”

Tumaas ang kilay ni Jeff sa narinig. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya para hawakan siya sa kamay. “But only if you promise me that tonight, you’ll let go all of your inhibitions.”

Napalunok si Kody sa nakikitang kaseryosohan sa mga mata ng binata. May kung ano sa boses ni Jeff ang naghatid ng kaba sa dibdib niya. Sandali siyang hindi nakapagsalita habang titig na titig sa kanya ang kaharap. A few heartbeats later, Kody found herself nodding her head.

Jeff’s infamous half-smile, half-smirk flashed.

 







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro