4 - Can't Stop
chapter four - can't stop
dawne
Naiayos na namin ang lamesa sa pwesto, may sapin na rin ito. Ngayon naman ay gagawa nalang kami ng samples para maka-attract ng members. Ang sabi ni Yezsa, since paniguradong kaunti lang ang interesado at marunong sa graphic designing, magtuturo rin kami kaya hindi required na marunong ang sasali.
"Dev, make an advertisement banner for us, I'll make the fliers," Sabi ni Yezsa at nagsimula nang gumawa sa laptop niya. Well, tambak din kasi kami ng homeworks kaya hindi na kami nakagawa sa bahay. Mabilis lang naman ito, may samples na rin kami na gawa dati. At may printer naman sa Press room.
Nagsimula na rin ako. Hindi tulad ng mga nauna kong clubs ay na-e-excite ako sa isang ito. I'm really intrigued about that seventeen guy, sino kaya siya at pati ang prefect namina ay sumasakay sa trip niya? Sana lang ay maging maayos ang members namin.
At may problema lang, bakit sa dinami dami ng lugar, sa harapan pa talaga namin naka-pwesto ang basketball club?
Una sa lahat, napakaingay nila. Tawanan sa mga walang kwentang bagay at kung ano-ano. Ang hirap tuloy mag-focus.
"Hoy," Biglang may tumawag sa'kin kaya't napatingala ako.
"Oh my gee, Jaze!" 'Yan ang naging reaksyon ko nang makita ang taong tumawag.
"I lived bishes!" Tapos ay tumawa siya ng malakas, at parang baliw. Siya si Jaze Bergman, isa sa circle of friends ko na nagbakasyon sa Italy. Ngayon ko lang siya ulit nakita since last school year. Nawalan din kami ng kontak sa kanya. It's like he died for two months.
"Ang tagal ng bakasyon ah," Sabi ni Yezsa habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin niya sa laptop.
"Yeah. Nakalimutan ko na ngang umuwi eh. Buti kinontak na ko ng school, walang paki 'yong mga kasama ko doon eh," So literal na nakalimutan na niyang umuwi.
"Talagang nakalimutan mo?"
"Oo eh, nalibang ako masyado!" Tapos tumawa nanaman siya. Nakakahawa ang tawa niya kaya natawa nalang din kami.
"Siya nga pala, ayos 'to ah! Sali ako!" Kasabay ng pagkasabi niya niyan ay may kumalabog bigla. Napalingon ang lahat sa pinanggalingan nito.
Nakita namin ang ring ng basketball na nakatumba sa harapan namin. Lahat ng members ng team ay nakatingin kay Fermin, kaya malamang sa siya ang may kasalanan.
"Pre, anong nangyari?" Tanong ng isa niyang kasama na may halong pangaasar.
"Wala, wala, nadulas lang sa kamay ko." Dahilan ni Fermin, pa'no naman kaya madudulas ang ganong kalaking bagay mula sa kamay niya? Inayos na nila ulit ang ring.
"Aba, si Zylan na nga talaga ang bagong captain, hindi naman na nakakagulat." Papuri pa ni Jaze.
Hindi maikakailang magaling nga so Fermin. Pero sa sobrang yabang niya ay ni minsan hindi ko naisip na magiging captain siya.
"Anywho, let me sign up now!" Pagpilit ni Jaze kahit na alam niyang bawal 'yon. Malamang sa may balak 'tong mag-hunting bukas. And by hunting, I guess you know what I mean.
"Hindi pwede, unfair 'yon para sa iba." Pagsaway sa kanya ni Yezsa. Ngumuso naman siya at wala nang nagawa.
"Bukas ka nalang mag-sign, panigurado namang kaunti lang ang sasali rito." Sabi ko sa kanya para hindi na siya magreklamo. I don't mind limited people, I actually like that better.
Hindi nagtagal ay umalis na si Jaze para ipakita sa iba na buhay pa siya. Abala pa rin kami sa paggawa ng flyers at bannera at kung ano-ano pa. Iyon namang club sa harapan namin ay patuloy pa rin sa pagiingay. Nagpaparamihan pa sila ng score sa pag-shoot ng bola, may mga pagkakataon pang natatamaan kami.
"Dawne, can you think of a quote for me? 'Yong malalim ang hugot."
"Bakit ako?"
Tumingin siya sa'kin habang seryoso ang mukha, "Alam naman nating lahat na ikaw ang may pinakamalalim na hugot sa buhay." Sabi niya na parang iyon na ang pinaka obvious na fact sa mundo.
"Rude, but fine." Pagsangayon ko nalang. Hindi naman gano'n kalalim ang hugot ko 'no, sakto lang.
"Peaches and Rye to your self centered lies." I whispered, not expecting anyone to hear.
Kahit na hindi naman ito ang gusto kong ibigay kay Yezsa, dahil parang ang lungkot, pero nakita kong nagsimula na siyang mag-type.
"Yez, hindi pa sana 'yon ang gusto kong ibigay." Napatingin naman siya sa'kin at nagtaas ng kilay.
"Talaga? Ang ganda kaya." Ayos naman na raw kaya hindi na ako nagisip ng iba. Nagpatuloy nalang kami sa ginagawa namin.
"Hey nerds." Biglang lumapit sa amin si Fermin at nagsimulang kumuha ng ilang samples ng mga naprint na.
"I have a favor, Yez, pagawa naman kami ng poster." Diniinan pa talaga niya ang pagsabi ng 'Yez'.
"Uh—," Bago makasagot si Yezsa ay ako na ang nagsalita.
"Walang favor favor, may fee rin 'yan." Hindi ako tumingin sa kanya pero ramdam ko ang inis na tinging binibigay niya sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong sumingit.
"Yez nga 'di ba? Ikaw na ba ngayon si Yez, ha, Ms. Fierro?" Tanong niya kaya lalo akong nainis.
"Bakit ba kasi nandito ka?" Malamang sa mauwi 'tong usapan na 'to sa mali dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Okay, tama na, sige Zylan gagawa ako ng poster ninyo hintayin mo nalang." Pagpigil sa'min ni Yezsa kaya nagiwasan na kami ng tingin. Nagpasalamat siya kay Yezsa at umalis na.
________
6:00am palang ay nandito na kami sa school dahil ngayon na gagawin ang Club Fair. Hindi ko pa kasama si Yezsa dahil kailangan pa siya sa Council. Inaayos ko nalang ang sign-up papers para hindi kami magkagulo mamaya kung may sasali man sa'min. Nakapagkalat na kami ng flyers kahapon kaya kaunti nalang ang aayusin kong papel.
"Aga natin ah." Biglang sulpot ni Jaxeline na may bitbit na gitara.
"Yeah, same to you. Congrats at nagising ka ng maaga." Ngumuso naman siya at sumimangot.
"Grabe ka ah!" Tinawanan ko nalang siya at naupo na sa harapan ng booth namin.
"By the way, kamusta naman ang ating love team?" Siniko siko pa niya ako kaya pinalo ko siya sa braso, mahina lang naman.
"Tigilan mo nga ako, love team, magkakapatayan na kami love pa rin?" Katwiran ko naman. Sumimangot siya ulit.
"Makikita mo, Dev, kakainin mo lahat ng sinasabi mo." Iyong mga matatandang nagsusumpa sa mga movie o teleserye? Parang ganun 'yong dating ni Jaxeline no'ng sinabi niya 'yan.
"Sige, tingnan natin." Tinanggap ko nalang ang hamon niya. Sigurado naman ako, ang nasira na, wala nang pag-asa.
"Attention students, the fair is about to begin. May everyone be in their respective place for the opening..."
Ang arte naman kasi, kailangan pa ng opening. Pumunta na si Jax sa booth nila ni Ainee at dumating na rin si Yezsa sa tabi ko.
Natapos ang opening at nagsimula nang maglibot ang mga estudyante. Hindi naman talaga ako umasa na may magiging interesado rito pero mukhang mayroon din palang may gusto nito. May mga pumunta na marunong na at ang iba naman, gustong matuto.
"Looks like we're fine." Sabi ni Yezsa habang tinitingnan ang mga papel na nasulatan na.
"Yeah, buti nalang." Initially, we thought that we were going to disband. Hindi kasi namin nakita ang chance na magkakaroon kami ng members.
We have 15 members in total. Marami na 'yon dahil 25 ang maximum.
"Let's wrap up, 5 minutes nalang at matatapos na ang oras na ibinigay sa atin." Tumango naman ako at nagsimula na kaming magligpit. Napatingin ako sa tapat namin, marami pa rin ang nakapila sa Basketball Club. Dadaan muna sa try-outs ang mga 'to kaya mayroon na silang second choice kung sakaling hindi papalarin. Lumingon naman ako sa gawi nila Avrine at nakita kong magkatabi sila nung coach nila, na katabi naman si Audret. Mukhang marami rin ang recruit nila. Si Serene naman ay mukhang nag-eenjoy dahil tulad namin, hindi niya inasahan na maraming sasali sa kanila. Iilan lang naman kasi ang mga babaeng may hilig sa Basketball. Sila Jax at Ainee ay nagliligpit na rin. Si Vilet? Ayon, tuwang tuwa, si Clive ba naman ang kasama niya. Buti nga at mas pinili ni Clive na samahan si Vilet kahit na may Basketball team pa siya.
"Ako na magdadala nito sa office mo." Sabi ko kay Yezsa. Lahat daw kasi ng natitirang Sign-up paper ay ibabalik sa Council Office.
"Sige, hintayin nalang kita rito, may iuutos yata sa'kin ang Principal." Sabay kaming umalis at naghiwalay sa elevator. Nang makarating ako sa Third floor—kung nasaan ang office ng Council— nagsimula na akong maglakad bitbit ang forms. Medyo maraming natira.
"Ms. Dawne!"
Sa isang iglap ay biglang nawala lahat ng papers sa kamay ko at napunta sa sahig.
"Sh*t sorry!" Lumuhod siya para pulutin ang mga papel. Hindi niya yata inakalang haharap ako kaya dirediretso siyang tumakbo at nabunggo ako.
"Ayos lang." Kahit hindi, wala ako sa mood magalit ngayon. Tsaka hindi naman niya talaga kasalanan. Napapadalas ang mga encounter namin nitong Special Transfer na'to.
"Ah, gusto ko lang kasi sanang mag sign-up sa club ninyo, kailangan daw pala kasing may pangalawa pang club ang mga nasa sports. Pasensya na ngayon ko lang nalaman." He had this embarrassed look while scratching his nape. Mukha naman siyang matino kaya binigyan ko siya ng form.
"Salamat. Nga pala, pasensya ka na nung mga nakaraang araw. I guess I creeped you out?" Buti naman at may pakiramdam naman pala 'tong isang 'to. Hindi tulad nung iba diyan, epal na hindi pa marunong makiramdam.
"A bit, but it's fine. See you at the first meeting." Tumango siya at lumakad palayo. Dumiretso naman ako sa dapat kong puntahan.
"The first club meeting will be held at 1:00pm, attendance is a must..."
________
zylan
"Pre, mukhang madami pang gustong sumali." Sabi sa'kin ni Jit na mukhang pagod na. Nasa 30 na kasi ang nailista namin. Sa sports clubs kasi, walang maximum ang members. Siguro naman ay may mababawas sa trentang ito mamaya sa try-outs.
"Nakapag-sign-up na ba kayo sa ibang club?" Tanong ko sa kanila dahil baka nakalimutan nilang kailangan pa ng isa pang club.
Pare-pareho naman silang sumagot ng 'Oo'. Ako nalang pala ang hindi. Plano ko naman nang sumali nalang sa Photography, nandoon si Clive at madali lang ang trabaho.
Lumipas ang oras at kaunti nalang sa wakas ang nakapila. Nakapagligpit na ang ibang club at nandito pa rin kami.
"Pre, ikaw ba saang club ka sumali?" biglang tanong sa'kin ni Fuse kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Hindi pa nga pala ako nakakasali!" Ngayon lang pumasok sa isip ko ang tungkol sa isa pang club, ako pa 'tong nagpaalala kanina!
"Sige na pre humanap ka muna kami na bahala rito kaunti nalang naman." Sabi niya kaya nagmadali na akong umalis. Hindi pa naman ako nakapagsabi kay Clive.
"Clive!" Lumingon siya kaagad. Nang marating ko ang pwesto nila agad kong kinuha ang list ng members, at parang gumuho mundo ko nang makita kong puno na ang listahan.
"Bakit pre? Gusto mo ba sumali? Sayang, wala nang pwesto." Hindi ko alam kung nangaasar siya o ano dahil wala manlang emosyon ang mukha at boses niya.
"Baka naman pwede mo kong isingit?" Tinaas baba ko ang kilay ko dahil desperado na talaga ako.
"Sorry pre, bad 'yon 'e." Binatukan ko naman siya, akala mo kasi kung sinong malinis
"Zylan naman, bawal naman talaga 'yang balak mo!" Pagtatanggol ni Vilet sa ungas kong kaibigan. Ano ba 'yan, daming kontra sa'kin.
"Vi, baka naman pwedeng—"
"Hindi nga! Hanap ka nalang ng iba, ikaw talaga kapag nalaman 'to ni Yez ewan ko nalang sa'yo." May point siya. Talsik ako pag nagkataon.
"Bakit hindi nalang doon sa club nila Dawne? May bakante pa sa kanila." Sumimangot naman ako sa suhestyon niya, bakit ako sasali doon?
"Ayaw ko nga." Tapos ako naman ang binatukan ni Clive.
"Loko, wala ka nang choice, sila nalang yata ang may bakante." Sabi niya dahilan para maasar ako.
"Hindi naman siguro. Bakit naman ako sasali doon? Wala akong alam sa ganoon!"
"Tumatanggap sila ng hindi marunong." Sabi naman ni Vilet.
"Ah basta hahanap ako ng iba!" Lumakad na ako palayo. Hahanap ako ng iba!
________
"Sir, wala na po ba talagang iba?" Tanong ko sa kay Sir Aldrin, naipasa na kasi sa kanya lahat ng total number sa lahat ng club.
"Sorry Mr.Fermin, ang Graphic Design Club nalang talaga ang may bakante. Don't worry, I heard Ms. Lacsamana and Ms.Fierro are accepting newbies." Tumango na lamang ako at lumabas na ng office niya.
"All students please head to your respective clubs for your first meeting. Meeting will last until 5:00pm. Try outs will be given two hours..."
Ibig sabihin ay mapipilitan talaga akong pumunta sa club ni Da—Yezsa. Hay ewan, pupunta na nga lang ako sa try outs. Nakapagpalit naman na ako ng damit kanina.
Pagpasok ko sa court ay nakalinya na ang mga sasalang. Mabuti naman at inayos na sila. Kinuha ko ang pito mula sa bag ko at humarap sa kanila.
17 mula sa nakuha naming 30 ang nakapasok. Ganoon talaga, kailangan ay sigurado kami sa mga tatanggapin namin. Natapos ang dalawang oras at kailangan na naming pumunta sa isa pa naming club. At ayaw ko iyong gawin.
"So doon na talaga ang bagsak mo?" Paasar na tanong sa'kin ni Jit kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam nilang lahat na ayaw kong nakakasama si Dawne kaya masaya 'to para sa kanila.
"Ayos lang 'yan, hindi ka naman laging nandoon." Buti pa 'tong si Fuse, support sa'kin.
"Students from sports clubs, please head to your secondary clubs..."
Nagkanya-kanya na kami. Sana naman ay may kakilala ako doon.
Nasa computer room ang club nila kaya sa second floor lang ito.
Nang marating ko iyon ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
"Yes—" Si Dawne ang nagbukas ng pinto. Ngumisi ako at kumaway ng bahagya,
"Yo."
________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro