Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1-burn ice

imagine how fire and ice would work well

-c h a p t e r o n e

-Bitbit ang bag, pinilit kong ipinagsiksikan ang sarili ko sa dami ng tao. Huling araw palang ng unang linggo ng pasukan kaya't maaga pang nagsisipasok ang mga estudyante. Next week, malamang sa five minutes before the bell papasok ang mga 'to.

Clad in a maroon and black uniform, I struggled to reach the lobby. Hindi pa naman ako katangkaran para unahan ang mga kasabay kong higante.

Tagumpay kong naabot ang lobby kung nasaan ang elevator para makapunta na sa classroom. Reignford is not that awesome but it really helps.

"Wait!" Hindi ko muna sana pipindutin ang button kaso lang nakilala ko ang boses, kaya halos mapudpod ang daliri ko sa kakapindot.

Sa kasamaang palad, masyado siyang mabilis at nahabol pa niya. Bago siya tuluyang pumasok ay tiningnan muna niya ako ng masama, inirapan ko nalang siya.

"Way to start my day," Bulong niya pero rinig ko pa rin.

"I thought so first," Bulong ko rin. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa Sixth floor. Sa sobrang bigat ng hanging namamagitan sa'min, parang walang nangahas pang sumakay ng elevator.

Agad akong lumabas at binilisan ang paglakad sa takot na makasabay siya. Pero kahit ano naman ang gawin ko, iisa pa rin naman ang pupuntahan namin, magkaklase kami.

Pagpasok ko palang ay nagiba na ang mga mukha ng mga kaibigan ko, 'yong tipong nang-aasar dahil kasunod ko lang pumasok ang aso.

"Sabay ba kayong-,"

"Hindi," Pagputol ko agad sa sasabihin ni Jax. Jax is one of my friends, and the other six, Yezsa, Avrine, Vilet, Audret, Ainee and Serene, are bickering as well. Ang dami namin, 'no?

"Okay, okay," Pagsuko niya. I sat at my usual spot by the window, and by usual I mean for five years already. Simula noong mag-freshman ako, ito na ang laging nagiging pwesto ko, mula sa second floor hanggang dito sa sixth.

Naramdaman ko ang presensya sa tabi ko, isang masamang presensya. Oo, hindi ko lang siya kaklase, katabi ko pa. Siyempre, walang kibuan ulit hanggang sa dumating na si Ma'am. Since first week palang, wala pa kaming klase whatsoever, puro orientation ng kung ano-ano.

"Good morning Class A! Ngayon, alam niyo naman kung ano ang gagawin natin, hindi ba?" Oo nga pala, first day pa lang sinabi na ni Ma'am na ngayon ang election of officers. Pero psh, sino pa ba ang sumusunod sa mga officer?

"Let's start with the President! And unlike what you've done the past years, ako ang mag-no-nominate para hindi tayo naglolokohan, okay? Okay." Sabi ni Ma'am habang nakangiti ng nakakatakot.

"So, I want Yezsa and Ancy, you can decline my nomination if you want!" Hindi nagalinlangan si Ancy at tumayo na kaagad. Si Yezsa naman, kinailangan pa naming pilitin sa pamamagitan ng tingin.

"Okay, hands up for Ancy!" May 13 ang nagtaas ng kamay sa klase namin. 30 kami in total, so automatically, si Yezsa na ang President. Kawawa, President na nga sa council, President pa dito. Isa pa 'yon sa rason kung bakit wala nang sense ang class officers, may Council na kami. Sa madaling salita, joke nalang 'to para sa'min.

We're Seniors, somehow old enough not to need officers.

"Hands up for Avrine!" Nagulat nalang ako, sa tagal ng paglutang ng isip ko, Vice President na pala ang binoboto. Itinaas ko agad ang kamay ko para kay Av. Sa resulta, sampu ang lamang ni Av sa kalaban niya.

"For Secretary..." Halatang nagiisip pa si Ma'am habang tiningnan ang buong room.

"Ah! Dawne and Zylan!" Nakakaasar naman 'tong araw na 'to, umaga palang ah. Wala na rin naman akong nagawa at tumayo nalang. Hindi ako interesado sa ganito lalo pa't wala naman akong ibang gagawin kundi ipagsulat ang mga teacher, pero parang competitive ang feeling ko ngayon.

"Alrighty, you guys write on the white board," Lumakad kami parehas papunta sa harapan. Usually, I'll just go with my actual crappy writing, but today, I'll make an effort.

"Pangalan niyo nalang ang isulat ninyo," At sinulat nga namin, ginandahan ko talaga ang sulat ko. May advantage naman ako, sa pagkakatanda ko, mukhang kinayod ng manok ang sulat nitong isang 'to. At isa pa, he's already Student Council Vice President, lalo lang lalaki ang ulo niya.

Sumilip ako sa sinulat niya at nagulat-

-maybe people do change.


"Alright, hands up for Dawne!" Nagtaas ng kamay lahat ng babae sa room, 14. Doon pa lamang ay alam ko na,

talo ako.

"This means Zylan gets 16, dahil mas marami ang boys natin," Ramdam ko ang galit sa loob loob ko, dahil sa kanya pa talaga ako natalo.

"So, can we just give Dawne the Assistant Secretary place?" Sumangayon naman ang lahat. Ayaw ko, pero wala na naman akong nagawa. Ang ibig sabihin lang nito, alalay niya ako, 'di ba? Psh, in his wildest dreams.

"Better luck next time," Bulong niya habang naglalakad kami pabalik sa upuan.

"Good luck on your first time winning," Kung akala niya magpapatalo ako, pwes nagkakamali siya ng malaki.

Nagpatuloy ang botohan, naging treasurer si Jax, P.R.O. sina Ainee at Audret habang nasa Beadle sina Serene at Vilet.

Patuloy ang daloy ng oras hanggang sa pinapunta kami sa Main Hall para ipakilala ang iba pang personnel ng school.

"Balita ko, pogi 'yong bagong coach Nina Av," Bulong sa'kin ni Ainee. I gave her a weird look.

"Tumigil ka nga, ikaw nga 'tong sakal na," Inirapan naman niya ako.

"Maka-sakal ka naman, okay lang 'yong ganito, marunong lang talaga akong mag-appreciate ng magandang likha ng Diyos," Dinamay niya pa talaga si Lord sa trip niya. Nakukuha pa talaga niyang 'mag-appreciate' kahit na high-key taken na siya.

"Sige, sabi mo 'e," Sabi ko nalang para wala nang away.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng mga estudyante hanggang sa magsalita na ang Principal.

"Good morning Reignford, today you will be meeting the new personnel of this establishment,"

Nakahilera na ang mga bagong taong magpapahirap sa'min ngayong taon. Nagtilian ang mga babae nang umakyat sa stage ang isang lalaki, mukhang ito na iyong sinasabi ni Ainee. Nagsigawan talaga silang lahat. Ako naman, I kept it low-key. Pero si Av mukhang hindi impressed dahil nakasimangot lang siya habang kino-congratulate siya nina Audret.

"Kunwari pa 'to, kinikilig din naman," Napapikit ako ng madiin ng marinig ko ang boses ng demonyo. Sa sobrang kawalan ko ng pake sa kanya, hindi ko na napansing katabi ko siya. Pinagpatuloy ko nalang ang hindi pagpansin sa kanya, kanina pa talaga siya.

"Dart Santiez, the new coach for our Women's Volleyball team," Funny, he looks too young.

"Baka matunaw 'a," Buti nalang at napraktis ko na na huwag mapikon dito sa academy. Kung hindi, baka napatirik ko na mata nito.

May nag-ring na phone at malapit lang ito sa akin. Sobrang lapit, katabi ko lang talaga.

"Hey babe," Bulong niya at muntik na akong masuka. Sino at saan naman kaya nanggaling ang babae niya ngayon?

"Bastos," Umubo ako para kuhanin ang atensyon niya at tsaka bumulong. At siya pa talaga ang nanalo kanina, alam niya naman na bawal gumamit ng phone kung hindi naman break.

Naramdaman ko ang masama niyang tingin at narinig ko ang pagpaalam niya sa kausap niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at tinapos na nila ang program. Break na ang sunod kaya dumiretso na kaming walo sa harap ng academy, kung saan mayroong isang area na puro damo at isang malaking puno sa gitna nito. We did not claim the area. Kami lang talaga ang nagkagustong tumambay rito. Ako at ang pito, sina Jax, Yezsa, Avrine, Audret, Ainee, Vilet at Serene. Masyado na kasing maingay sa likod kung nasaan ang karamihan ng estudyante.

"Mukhang bad trip ah," Sabi ni Audret pagkainom mula sa juice niya.

"Head to head nanaman kasi sila ni Zylan," Sagot naman ni Vilet.

"Sino ba naman ang hindi maiinis?" Singhal ko at kumagat sa sandwich na gawa ni Jax.

"Well, parehas lang naman kayong nag-iinisan," Sabi naman ni Yezsa na parang wala namang kinakampihan.

"Tama, I bet inis din ngayon si Zylan," Paggatong naman ni Serene.

Tiningnan ko silang dalawa ng masama.

"It's being fair, you know, the 'wala kaming kinakampihan'?" Paliwanag ni Yeza na tinanguan ni Serene.
Sumimangot nalang ako lalo at kumain.

Pagkatapos kumain, naging ritual na namin ang pumunta sa hallway ng lockers para kuhanin ang mga gamit namin for the next class.

Pagkarating namin doon ay marami narin ang may parehong plano. Mabuti nalang at magkakalapit lang ang mga locker namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbukas ng locker ko nang biglang napuno ng mas malakas na bulungan ang hall. Lumingon ako sa gawi ng mga nagbubulungan na hindi na nga bulong sa lakas. And there I saw four boys dramatically making their way towards us. Iyong tipong tumatabi lahat ng dumadaan para sa kanila, madapa sana.

"Ainee," Sabay sabay kaming umungol sa inis nang marinig namin ang boses ng nobyo ni Ainee, si Fuse, na isa sa apat na lalaking madramang lumakad. Ibig sabihin nanaman kasi nito ay ipapamukha nila sa'min na perpekto sila.

"Hey," Bawal ang PDA sa academy kaya simpleng ngitian lang ang ginawa ng dalawa. Siyempre si Ainee, may kasamang hagikgik ang bati.

"Hi Vilet~," Singit naman ng isang ungas, isa rin sa apat, ang may gusto kay Vilet na ni minsan ay 'di naman napansin, si Jit. Iba kasi ang napapansin ni Vilet, at iyon ay isa ulit sa apat, si Clive.

At siyempre, hindi mawawala ang isang problema, si Jax naman kasi ang nagkagusto kay Jit. Hindi man niya ito pinapakita, pero kahit papaano ay naiinggit siya kay Vilet.

"Inggit ka 'no?" At siyempre ulit, mayroon pang isa sa apat. Hindi ko nanaman siya pinansin at itinuloy ang pag-ayos ng gamit ko. Talagang katabi ng locker ko ang kanya. Planado na yata 'to.

"Ayan nanaman sila," Rinig kong sabi ni Serene.

"Hayaan nalang natin," Rinig ko namang sabi ni Avrine.

We 12 aren't actually that close. Nagkakasama lang kami dahil kina Ainee at Fuse. Hindi naman kasi maikakaila na sobra ang pagkakaiba namin. Nasa section B si Fuse, nasa section C naman sina Jit at Clive, and of course, sa kasamaang palad ay nasa section namin, section A, si Fermin.

"Mapapagod ka rin sa hindi mo pag-pansin sa'kin," Sabi nanaman niya.

"Mapapagod ka rin sa pagpapapansin," Bakit ko ba siya kailangang pansinin? In the first place, hindi na kami close, so what's the deal?

Bumalik na kami sa classroom at nagpatuloy ang iba't ibang pakulo ng adviser namin. Dumating din ang punto kung saan wala na kaming ginagawa kaya naisipan kong matulog nalang.

________

"Dawne, Dawne,"

Napadilat ako sa pagtawag sa'kin. Nang iangat ko ang ulo ko, si Fermin ang tumambad sa'kin.

"Sa wakas! Uwian na, nauna nang lumabas ang mga kaibigan mo, pinalabas na kasi lahat ng hindi naman maglilinis ngayon. At sa kasamaang palad, magkasama tayo sa mga naka-assign ngayon." Paliwanag niya. Mga walanghiya, pwede naman nila akong gisingin bago sila lumabas.

"'O," Itinapat niya sa mukha ko ang walis, kinuha ko naman 'yon pagkatayo ko at nagsimula nang magwalis. Buti nalang at hindi lang kaming dalawa ang nandito, ang kaso, hindi ko rin naman ka-close 'yong iba. Naramdaman kong mag-vibrate ang phone ko kaya itinigil ko muna saglit ang pag-wawalis.

From: Yezsa

Devvv, nauna na kami dito sa baba kasi pinalabas na kami. Hindi ka na namin nagising kasi nagmamadali na talaga si Ma'am. Maglilinis ka pa naman 'e! Kita nalang tayo sa lockers~

As if naman na 'yon lang ang dahilan. Alam ko namang kasama na sa dahilan itong ugok na 'to. Alam naman nilang wala na talaga, pero pinipilit pa rin nila.

Natapos ng mapayapa ang paglilinis at nauna na akong lumabas. Sumakay ako ng elevator, buti nalang at ako lang ang nandoon.

"Wait!" Ugh.

Buti nalang, this time, hindi na si Fermin kaya hindi ko muna isinara. Nababanas na kasi ako sa lahat ng encounter ko sa hayop na 'yon. The amount of coincedence with him is already disgusting.

"Thanks, Dawne." Napatingin ako sa lalaking nagpahintay at ngumiti naman siya. Okay, hindi ko siya kilala. Mukha namang ka-edad ko lang siya. Transferee? Pero bakit kilala niya ako? Hindi na rin ako nagatanong dahil hindi naman ako ganong ka-interesado. Hindi na rin naman siya nagsalita.

Nakarating kami sa ground floor at bago siya lumabas, nginitian niya muna ako. Hindi naman na ako nag-react dahil agad siyang umalis. Binalewala ko nalang iyon at pumunta na sa lockers.

"Hey Dev!" Bati ni Audret. So, Dev is my nickname. Dawne + Evin = Devin, simplify = Dev.

"Hi, friends," Diniinan ko talaga 'yong friends na part para dama nila.

"Dev naman, may proper reason naman kami, 'di ba?" Katwiran ni Vilet.

"Oo na, sige na," Sumuko nalang ako para matapos na. Nang binuksan ko ang locker ko ay isang maliit at kulay itim na papel ang kumuha sa atensyon ko. Nasa gilid ito at mukhang pinasok sa pamamagitan ng pag-suksok nito sa space sa gilid ng locker. Itim ito kaya akala ko death threat na.

"Sa inyo ba 'to?" Tanong ko at ipinakita ang papel. Umiling naman sila at mukhang seryoso kaya naniwala ako, minsan kasi adik din ang mga 'to kaya pwedeng sila ang gumawa nito.

Binasa ko ang nakasulat, metallic pen na silver ang pinangsulat dito.

Would fire burn ice, or would ice freeze fire?

Para namang adik iyong nagsulat nito. Hindi naman nasusunog ang yelo, hindi rin naman nagyeyelo ang apoy.

"Aba, mukhang may secret admirer ka na 'a," Komento ni Aduret nang mabasa rin niya ang nakasulat.

"Look 'o, may nakasulat sa likod," Pagturo ni Jax. Binaliktad ko ang papel,

-seventeen

________

Audret (Odrey) - former Adryanna

Hindi kailangang alam mo ang "Love? Not Entirely" para mabasa 'to :)))

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro