CHAPTER 001 - The Beginning of The End
MAINGAT NA BUMABA SA KAMA ANG PITONG TAONG GULANG NA SI GERRY upang hindi lumikha ng ingay. Nang maramdaman ang carpet sa mga talampakan ay sandali itong nahinto upang muling makiramdam sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay tumayo ito at marahang humakbang patungo sa pinto.
Hating-gabi na at nagising ito nang makarinig ng kalabog mula sa ibaba. Ang silid nito ay nasa second floor ng bahay at sarado ang pinto subalit sa lakas ng kalabog ay hindi iyon nakaligtas sa panding ng bata.
She was too young to understand what it was, but Gerry could tell it was something like a table smashing the floor. Hindi nito mawari nang maayos kung ano iyon, pero alam ng bata na may nangyayari sa ibaba.
Nasa bahay ito ng Lola Merlie nito sa gabing iyon. Her Lola Merlie was a sixty-two year old widow who was living alone in her two-story, four bedroom house. Merlie was a primary school teacher who retired just a few months back. Simula nang magretiro ito ay madalas nitong hinihiram ang bunsong apo upang dumalaw at matulog doon.
The door creaked when Gerry opened it. She peeked through the opening and observed the hall. Tahimik sa second floor; tahimik ang magkakatabing mga silid. Madilim din ang hallway, at ang tanging liwanag na tanglaw nito ay mula sa maliit na lamp sa magkabilang gilid ng pader na bandang landing ng hagdan.
"Granny?" Gerry whispered in the air. Mula sa kinatatayuan ay naririnig nito ang kaluskos sa ibaba.
Gerry knew no one else was inside the house but just her and her grandma. But the little girl couldn't step her feet out of the door. An unexplainable fear consumed her chest as she listened to the unfamiliar noise downstairs.
Something within her couldn't just explain the dread she had inside. She was unexplainably worried... and anxious.
"No... No!!!"
Napasinghap si Gerry sabay bukas ng pinto nang marinig ang sigaw ng lola mula sa ibaba. Nilakihan nito ang pagbukas ng pinto ng silid, subalit hindi pa rin ito umaalis mula sa kinaroroonan. Her little hand was still gripping the doorknob, her foot was just a few inches outside the door.
Hindi nito alam kung itutuloy ang paglabas upang silipin ang lola o bumalik sa silid at magtago. Saan o kanino, hindi alam ni Gerry.
Isa pa muling kalabog ang narinig nito kasunod ang mahinang pag-ungol. This time, Gerry was not able to stop herself; she was worried her nana fell off the floor or may have hit something and needed help. So, she stepped out of her room and walked through the hallway. Nang marating ang puno ng hagdan ay sandaling nag-atubili si Gerry; mahigpit nitong ini-hawak ang kamay sa railing at sumilip sa ibaba.
Madilim sa hagdan subalit may ilaw na matatanaw mula sa living area. Gerry guessed it came from the TV screen; her nanny would always spend her night watching her favorite cooking show and would often doze off on her chair. Sa pag-aakalang baka nahulog ang lola sa higaan nang makatulog ay itinuloy ni Gerry ang pagbaba sa hagdan sa kabila ng dilim. Hindi nito inalis ang kamay sa hawakan upang gabayan ang sarili sa pagbaba.
Subalit... nang marating nito ang kalagitnaan ay biglang napahinto si Gerry nang may makita mula sa ibaba.
There was a man who just walked past the stairs and went straight to the kitchen.
At nahinto si Gerry sa kinatatayuan hindi dahil sa gulat, kung hindi dahil sa nahagip ng mga mata nito.
The man was holding a hammer full of blood.
Gerry was too young to understand what had happened, but she knew that blood meant something was wrong. That something bad happened. And she knew it could be her nana.
Nang muling maisip ang lola ay sandaling nawala ang takot sa dibdib ni Gerry at itinuloy ang pagbaba. Sandali itong sumilip sa kanan kung saan naroon ang direksyong tinumbok ng lalaking may hawak sa duguang martilyo. Nang marinig ang pagbukas ng fridge ay madaling itinuloy ni Gerry ang pagbaba hanggang sa marating nito ang pader ng living area. Sumilip ito roon at nang makitang wala ang lola ay itinuloy nito ang pagpasok sa living area. Tama ito ng hinala na ang pinagmumulan ng liwanag ay ang nakabukas na TV screen. And just like Gerry guessed, the TV was on the cooking channel.
But where was her granny?
"Granny?" Gerry whispered. Napapalingon ito sa entry ng living area upang tingnan kung muling nagbalik ang lalaki. Pero base sa naririnig nitong ingay sa kusina ay mukhang hindi pa rin umaalis sa harap ng fridge ang taong naroon. He was scanning through the content, probably looking for food.
"Granny, where are you?" bulong nitong muli. Itinuloy nito ang paghakbang patungo sa upuan ng lola hanggang sa mahinto ito bigla. Nakita nito ang paa ng lola sa ilalim ng upuan nito. Mabilis itong nilapitan ni Gerry at dinaluhan, hindi nito napansin ang dugong naapakan dahil ang buong atensyon nito ay sa lola na nakadapa sa sahig at duguan ang ulo. Gerry sat beside her granny, shaking in mixed emotions. "Granny..."
Sinubukang yugyugin ni Gerry ang balikat ng lola, pilit na inihaharap, subalit para sa pitong-taong gulang na bata ay hindi kinaya ng lakas nito ang bigat ng matanda. Gerry leaned closer and was about to whisper in her granny's ear, when suddenly, she heard footsteps coming back.
Gerry's heart was filled with fear that her body moved as if it had a life of its own. She stood up and ran to the darkest corner of the living room. Doon sa sulok kung saan naroon ang malaking porcelain jar. She squeezed her body behind it and watched in horror as the man emerged in the room. Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang martilyo, habang nasa isang kamay naman nito ang lata ng orange juice. He was drinking it as if he hadn't murdered someone.
Naupo ito sa single couch at itinuon ang tingin sa nakabukas na TV screen saka ipinatong ang mga paa sa katawan ng wala nang buhay na matanda. Nanood ito nang ilang sandali, at habang naroon ang pansin nito'y pinilit ni Gerry na umalis sa pinagtataguan. Nakatalikod ang lalaki sa kinaroroonan nito; kung aalis ito sa pinagtaguan ay hindi ito makikita.
Gerry also had a way out, and she took that chance to leave the area and run out the door. Dahan-dahang gumapang si Gerry patungo sa entryway ng living area, at nang marating iyon nang hindi nakagagawa ng ingay ay madali nitong tinungo ang front door kaharap ng hagdan. Subalit... may nakaharang doon.
Isang malaking traveling bag na sa hula ni Gerry ay dala ng lalaki. Sinubukan iyong alisin ng bata sa daan, subalit puno iyon at mabigat. Hindi nito magawang alisin iyon mula sa daan nang hindi gumagawa ng ingay.
It took a few seconds for Gerry to realize that she couldn't use the front door.
Napalingon ito sa kusina. May backdoor doon, at iyon ang sunod na tinumbok ng bata. Muli itong lumingon sa kinaroroonan ng lalaki, at nang makitang abala pa rin ito sa pagharap sa nakabukas na TV screen ay itinuloy ni Gerry ang paghakbang hanggang sa marating nito ang kitchen entry. Tuluy-tuloy ito patungo sa backdoor, at nang marating iyon ay kaagad na binuksan.
Pero nataranta ang bata nang sa pagpihit nito pabukas ng pinto ay lumagitnit ang spring niyon sa itaas. She had no idea that the back door had that function, and it made a sound that almost made Gerry's heartbeat skip.
"No... No..." Gerry uttered under her breath. Sa isip ay kailangan nitong lumabas upang makahingi ng tulong. Her granny needed medical attention; her granny was bleeding!
Humugot nang malalim na paghinga si Gerry bago muling binuksan ang pinto; maingat sa paghila upang kahit papaano ay hindi maglikha ng ingay. Nakabukas ang TV subalit mababa ang volume; hindi maririnig ng lalaki ang ingay sa pagbukas ng backdoor kung mag-iingat si Gerry.
It was her only way out. If Gerry messed up this change, there would be no other way.
Subalit nang muli na sanang pipihitin ni Gerry ang pinto ay saka naman nito narinig ang pagtunog ng single couch na kinauupuan ng lalaki. And Gerry recognized what that meant—tumayo ang lalaki sa kinauupuan nito.
Sa takot na lalong mapahamak ay hindi bumitiw si Gerry sa pagkakahawak sa pinto. Nanlalaki ang mga matang lumingon ito sa kitchen entry nang marinig ang papalapit na mga yapak. Gerry gulped and waited for the man to appear on her sight.
But then...
It never happened.
Ang sunod na lang nitong narinig ay ang pag-akyat ng lalaki sa hagdan. At narinig iyon ni Gerry dahil sa bigat ng mga hakbang ng lalaki.
Gerry took that chance and opened the door. It creaked a little, but she was able to open it through. Sa labas ng pintong iyon ay may screendoor pa, at doon muling kinabahan si Gerry. The screen door makes a lot of noise, and she wasn't sure if she would be able to get through it without sending the man in her direction.
Pero sinubukan pa rin nito.
She pushed the screen door open.
Sa dismaya ni Gerry ay hindi iyon bumukas. At hindi iyon bumukas dahil may lock sa ibabaw. At hindi iyon maabot ni Gerry malibang gagamit ito ng papatungan.
Napalingon ang bata, naghanap ng maaaring patungan. Napatingin ito sa mga upuang nasa tabi ng mesa, at bago pa man nito maisip ang tamang gagawin ay bumitiw ito sa pinto at mabilis na humakbang patungo sa mesa.
Gerry forgot that the door was closing on its own due to the spring installed on it, at dahil sa pagbitiw nito ay lumikha iyon ng ingay.
Nahinto si Gerry, pinanlakihan ng mga mata sa takot.
Subalit nang marinig nito ang mga yabag sa second floor ay nataranta ito at imbes na humila ng upuan patungo sa pinto ay yumuko ang bata at gumapang patungo sa ilalim niyon.
Saktong naikubli nito ang sarili sa ilalim ng mesa ay siya namang pagbaba ng lalaki. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo nito ang kusina kung saan nito narinig ang ingay. While the man was still holding the bloody hammer, he stood at the kitchen entry and strolled his eyes around the dark room. Wala itong balak na magbukas ng ilaw dahil ang bintana sa kusina ay gawa sa salamin, at kung magbubukas ito ng ilaw roon ay saktong may gising pang mga kapitbahay at baka magkanda-letse-letse ang plano nito.
The man took his chance as he stepped into the kitchen. He was walking slowly as he roamed his eyes around him. Napatingin ito sa pinto—sigurado itong may narinig itong ingay sa ibaba noong nasa itaas ito, at siguradong hindi iyon ang matandang babae dahil hindi na iyon humihinga nang iwan nito kanina.
Noong nasa itaas ito kanina ay nakita nito ang nakabukas na pinto sa ikalawang silid, at mula roon ay may liwanag itong nakita. Hindi nito alam kung may tao roon, dahil bago pa man marating ng lalaki ang silid ay narinig na nito ang ingay mula sa kusina. Sa takot na baka may dumating ay kaagad itong bumaba upang salubungin ang kung sinoman ang naroon.
And here he comes... looking for that someone.
Lumapit ito sa pinto at binuksan iyon. Lumikha iyon ng ingay—katulad ng ingay na narinig nito kanina habang nasa ikalawang palapag ito ng bahay. Itinulak nito ang screen door, subalit nang makitang naka-lock pa rin iyon mula sa loob ay napangisi ito.
Walang dumating.
Walang pumasok mula sa labas.
Kung sino man ang sumubok na magbukas niyon ay nasa loob pa ng bahay.
At kung sino man iyon ay siguradong....
Lumingon ang lalaki at ngising-demonyo na sinuyod ng tingin ang madilim na kusina.
Kung tutuusin ay hindi gaanong madilim doon dahil may kaunting liwanag na nagmumula sa poste ng ilaw sa kalsadang katapat ng kusina. Ang ilaw na iyon ay sapat upang makita nito ang daan palabas ng kitchen entry.
At sapat din ang liwanag na iyon upang makita nito ang munting mga yapak sa tiled floor.
Bumaba ang tingin ng lalaki sa sahig, at doon ay nakita nito ang maliit na mga yapak. At kapansin-pansin iyon dahil sa dugo.
The man chuckled in a sinister tone.
May bata sa loob ng bahay. At ang batang iyon ay nakita at nakalapit sa pinaslang nitong matanda sa sala. Hindi nito alam kung papaano itong nakasalisi, subalit sigurado ang lalaki na naroon lang ang batang iyon at naghihintay sa sunod nitong gagawin.
Ibinalik ng lalaki ang pansin sa mga yapak. Sinundan nito iyon ng tingin hanggang sa makita kung saan iyon patungo...
**
Si Gerry naman ay sinalakay ng matinding kaba nang makita ang malaking binti ng lalaki na huminto sa harapan ng mesa—doon mismo sa kung saan ito nakaharap. She took her hands to her mouth to stop herself from making any noise. At that moment, Gerry's body quivered in terror— uncertain of what to do if the man finds her.
Napa-igtad pa si Gerry nang makitang ibinaba ng lalaki ang kamay na tila ba iyon ay sadyang ipinakita sa bata. Ang kamay nitong may hawak pa rin sa duguang martilyo ang bumaba, at mula roon ay nakita ni Gerry ang pag-tulo ng dugo sa puting tiled floor.
Gerry moved backward when the man pulled one chair and sat on it. He then placed the hammer on top of the table and started to whistle like a demon. Napatitig naman si Gerry sa sapatos na suot ng lalaki. Maputik, luma na, at mukhang gamit na gamit. Hindi maintindihan ng bata kung bakit sa kabila ng dilim sa ilalam ng mesa ay nagawa pa nitong mapansin ang maliit na butas sa sapatos—doon malapit sa hinliliit sa kaliwang paa ng lalaki. Sandaling natuon ang pansin ni Gerry sa butas bago umangat ang tingin nito sa suot na pantalon ng lalaki.
She noticed something.
But before that thing registered into her mind, the man suddenly pushed his seat away from the table. At sa pagkagulat ni Gerry ay biglang yumuko ang lalaki, inilihis ang table cloth, at sumilip sa ilalim ng mesa.
Gerry's eyes met the perpetrator's, and that's when Gerry almost forgot how to breathe.
And when the man's large hand shoved under the table to grab her, Gerry quickly pulled herself away, trying to get out of the table. Unfortunately, the man was able to grab her sleeping pants, pulling her toward him.
Gerry screamed in fear, but it was only brief because the man pushed her to the floor and stepped on her face, shutting her mouth up. Yumuko ang lalaki at mariin pang itinapak ang paa sa bibig ni Gerry na pilit na nagpupumiglas sa pag-asang makasigaw at makahingi ng tulong.
Ang lalaki naman ay ikinatuwa ang paghihirap na inidudulot nito sa batang babae.
Sa kabila ng pagkakatapak ng lalaki sa mukha ni Gerry ay nagawa pa rin nitong buksan ang mga mata upang titigan ang mukha ng lalaki. Pero dahil nakatalikod ang lalaki sa salaming bintana kung saan nanggagaling ang liwanag mula sa poste ay anino lang ng mukha nito ang nakita ng bata.
Itinaas ni Gerry ang mga kamay at ini-hawak sa binti ng lalaking nakatapak sa mukha nito. She whimpered and mumbled her plead. Pero diniinan pa ng lalaki ang pagkakatapak nito sa mukha ng bata kaya wala nang nagawa pa si Gerry kung hindi tahimik na umiyak.
Nang marinig ang tahimik na paghikbi ni Gerry ay nakangising inalis ng lalaki ang paa nito mula sa pagkakatapak sa bibig ng bata. Muli itong yumuko saka hinablot sa buhok si Gerry at bitbit ang duguang martilyo ay kinaladkad nito pabalik sa living area ang bata kung saan nakabulagta pa rin ang bangkay ng lola nito.
Inihagis ng lalaki ang bata sa tabi ng wala nang buhay na lola nito saka ipina-ikut-ikot sa ere ang hawak na martilyo. Humakbang ito palapit nang may nakapanghihilakbot na ngisi sa mga labi, at sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa nakabukas pa ring telebisyon ay malinaw na nakita ni Gerry ang anyo nito.
Subalit ang imahe ng lalaki ay sandali lang na mananatili sa isip ng Gerry dahil ang sunod na nangyari ay siyang magiging dahilan kung bakit magkakanda-letse-letse ang buhay ng ibang tao sa mahabang panahon.
Bago pa man tuluyang rumehistro sa walang-muwang na isip ni Gerry ang katauhan ng lalaki ay sunud-sunod nang humampas sa ulo nito ang martilyo, dahilan upang tuluyang bumigay ang katawan ng bata at tuluyang mag-dilim ang paningin nito...
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro