Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 02

KABANATA 02

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Hindi na mapakali si Kristine na makita ulit ang bago n'yang kaibigan na aso sa gubat. Gusto na n'yang dalhin ang aso sa bahay n'ya at ipaalam sa magulang na mag-aalaga na s'ya ng aso.

Ilang araw na rin silang naglalaro ng aso at sinabihan ito na magpaalam na ito sa magulang dahil mapapadalas na ang pagpunta ng aso sa bahay n'ya. Kahit gustuhin man na angkinin ni Kristine ang kaibigan n'yang aso ay hindi maaari dahil may magulang pa rin ito na naghihintay sa gubat.

“Eat slowly, Kristine,” saway ng kan'yang Ama na si Gabriel nang napansin ang mabibilis na pagsubo n'ya sa pagkaing nakahain sa plato n'ya.

Tumango lamang si Kristine at medyo binagalan na ang pagsubo ng pagkain. Kanina pa s'yang napapalingon sa kagubatan, nagbabaka-sakaling nando'n lamang ang aso na naghihintay. Nalaman kasi n'yang naghihintay din ito sa kan'ya sa kanilang meeting place.

“Saan ka nagpupunta palagi, anak? Napapansin kong nasa labas ka tuwing hapon at pumapasok sa kagubatan. Baka mapahamak ka,”nagsalita si Lily habang nasa kalagitnaan ng tanghalian, may bahid na pag-alala sa boses nito para sa anak n'yang si Kristine.

Napaiwas ng tingin si Kristine. Kailangan na talaga n'yang papuntahin ang aso sa bahay n'ya nang hindi na mag-alala ang kan'yang Ina.

“May friend po ako. . . We're always playing in the forest.”

“Friend?” takang tanong ng kan'yang Ina. “Wala tayong kapit-bahay bukod sa kaibigan mo na si Penelope, anak. Imposibleng si Penelope ang tinutukoy mo dahil wala na s'ya rito. ”

Kinakabahan si Kristine. Hindi n'ya alam kung magugustuhan ba ng magulang n'ya na makipagkaibigan sa malaking aso na nakita lamang sa kagubatan.

Pinaglaruan ni Kristine ang kamay habang nakayuko sa Ina at Ama n'ya na naghihintay sa kan'yang sasabihin.

“Promise me you won't get mad, Mommy, Daddy.”

Binuhat s'ya ng kan'yang Daddy para paupuin s'ya sa kandungan nito. Hinalikan s'ya nito sa pisngi, nakapukol ang malambing na tingin sa kan'ya.

“We are not mad, baby. Nag-aalala lamang kami na baka may mangyari sa 'yong masama roon lalo na wala ako rito minsan,” masuyong sambit ng kan'yang Ama.

Unti-unting napanguso ang bibig ni Kristine, napatingin na sa Ama. Ang kan'yang Ina ay tabi lamang ng kinauupuan ng kan'yang Daddy.

“You are precious to us, baby. Nag-iisa ka naming prinsesa kaya gusto naming malaman kung ano ang nangyayari sa 'yo nitong nakaraang araw. Kung anong pinagkakaabalahan mo,” saad naman ng Mommy ni Kristine. Hinaplos nito ang kan'yang pisngi saka sinuklay ang mahaba at curley n'yang buhok.

Natahimik sandali si Kristine. Hindi n'ya maiwasang laruin ang dulo ng kan'yang kulay puting bestida na hanggang tuhod n'ya.

“I. . . I saw a dog in the forest po. He was big pero hindi n'ya ako kinagat,” pangungumbinsi pa ni Kristine sa huling sinabi na hindi talaga masama ang aso na nakilala n'ya. “We always playing roll the ball po. Hindi po s'ya bad dog, Daddy and Mommy.”

Natahimik ang kan'yang magulang. Alanganin na nag-angat ng tingin si Kristine para tignan kung galit ba ang magulang n'ya. Ngunit mukhang kanina pa ito nakatingin sa kan'ya na may halong pagtataka at gulat sa mga mata nila.

“Malaking aso, anak?” mabagal na tanong ng kan'yang Mommy sa kan'ya tila naninigurado lamang at napatango si Kristine.

Mabagal na napakurap-kurap ang nga mata ni Kristine habang tinitignan pa rin ang magulang n'ya na nagkatinginan. Tila nag-uusap ang mga mata nito na ayaw sabihin sa kan'ya. Mukha namang hindi galit ang magulang n'ya ngunit hindi n'ya maintindihan ang inaasta ng mga ito. 

“May mga ligaw na hayop pa pala sa gubat na iyon, mahal,” ani Gabriel sa asawa nitong si Lily.

Napailing si Lily. “Kahit ako walang ideya, Gabriel. Hindi ko alam na aso pala ang palaging kasama ni Kristine natin.”

“He's nice, Mommy! Gusto ko s'yang alagaan po!” masayang wika ni Kristine. Hindi naman kasi mukhang galit ang magulang n'ya. Gagawin ni Krisrine ang lahat para mapapayag lamang na mag-alaga s"ya ng aso.

Ngumiti ng tipid si Lily at kinurot ang pisngi ni Kristine. “I don't know kung ano ang mararamdaman ko, anak. Hindi ka naman sanay na mag-alaga ng aso dahil wala tayong hayop.”

“Please, Mommy! Daddy!” Pinagsiklop ni Kristine ang palad at pinakurap-kurap pa ang nga mata sa kan'yang magulang, pinipilit ang kan'yang gusto.


“Oh, sige. Kukunin natin ang aso mo sa gubat at aalagaan natin,” saad kaagad ni Gabriel nang hindi matiis si Kristine.

Lahat naman ng gusto ng kan'yang anak ay binibigay n'ya basta't mapasaya ito. Ang tanging gagawin n'ya lamang ay i-train ang aso nang hindi maging agresibo kay Kristine.

Hindi mapasidlan ang saya ni Kristine nang niyakap ang kan'yang Ama, gano'n din sa kan'yang Ina.

“Yehey! Maraming thank you, Mommy and Daddy! Hindi na magiging sad si Kristine! May playmate na ako!” nakangiting sambit ni Kristine, hinalikan pa ang mga pisngi ng magulang n'ya.

“Ako na ang sasama mamaya kay Kristine sa gubat. Hintayin mo na lang kami rito, mahal,” saad ni Gabriel sa asawa nito.

“Magluluto ako ng meryenda mamaya para sa pagbalik n'yo makakain kaagad kayo,” nakangiting saad naman ni Lily kay Gabriel.

“Oh! Food po pala mamaya ni baby doggy, Mommy, ah?” paalala ni Kristine na ikinatawa ng kan'yang Mommy.

Hinintay ni Kristine na matapos ang kan'yang Ama na kumain bago sila sabay na tumungo sa gubat na kung saan sigurado si Kristine na naghihintay ang kan'yang alagang aso sa kanilang tagpuan.

“Malaki ba ang aso na sinasabi mo, anak?” malumanay na tanong ni Gabriel habang hawak ang kamay ni Kristine at sinusundan lamang kung saan ang daan na tinatahak ng anak nito.

“For me po, big s'ya, Daddy. Pero I think hindi naman old ang baby doggy ko because he was also playing with me,” tugon ni Kristine habang hinahanap ng mga mata n'ya kung saan palaging naghihintay ang kan'yang aso.

“He? How did you know that he was a boy, anak?” manghang tanong ng Gabriel at yumukod sa harapan ni Kristine para pantayan ang mukha.

Nagkibat-balikat si Kristine. “Dahil sa color ng furr n'ya. I really think that the dog was a boy.”

Napatango-tango ang Ama ni Kristine. “Let's see about that.”

Nagpatuloy ulit sila sa paglalakad. Hindi nagtagal ay huminto na rin si Kristine sa paglalakad at napabitaw sa hawak ng kan'yang Ama.

“Baby doggy!” masayang tawag ni Kristine nang makita ang aso sa hindi kalayuan. She spread her arms while running towards the big dog who was waiting patiently at the big rock.

Saglit na natigilan si Gabriel nang makita ang anak na yakap-yakap ngayon ang hindi karaniwang hayop, higit pa sa pagiging aso ito. Hindi inaasahan ni Gabriel na makakakita ulit ito ng hindi pangkaraniwang hayop. At hindi rin nito inaasahan na ito pala ang aso na tinutukoy ni Kristine.

Mahigpit na niyakap ni Kristine ang malaking aso. Humiwalay din s'ya para hawakan ang magkabilang pisngi ng aso. Imbes na tignan s'ya ng aso ay sa ibang direksiyon ito nakatingin. Nakataas ang dalawang tainga ng aso na tila naging alerto sa kasama ni Kristine. Napansin iyon ni Kristine.

Binalingan ni Kristine ang kan'yang Ama na nakatulalang nakatingin sa kanila.

“Don't be afraid. He's my Dad that I am talking about. He just wants to meet you and bring you to our house,” ngiting pahayag ni Kristine sa aso na umatras lamang bigla, tila takot. “My parents are nice, baby doggy. Nag-cook pa nga si Mommy ng dog food para sa 'yo!”

Mas lalong tumaas ang dalawang tainga ng aso at tinignan si Kristine nang marinig ang sinabi n'ya. Napabungisngis si Kristine nang makitang kumulubot ang noo nito, tila nagsasalubong ang kilay.

“Ayaw mo pala ng dog food. Don't worry, kakain tayo ng masarap na pagkain.” Hinimas-himas pa ni Kristine ang aso na unti-unting kumakalma na rin.

“A-Anak,” doon lamang natauhan si Gabriel at dahan-dahang nilapitan si Kristine, hindi inaalis ni Gabriel ang tingin sa hayop.

“S'ya po ang sinasabi kong doggy ko. He's nice, right? He didn't hurt me and he loves me, Daddy!” Naglalambing na niyakap ni Kristine ang Ama. “Kaya please na, Daddy, alagaan po natin s'ya.”

Napalunok sa sariling laway si Gabriel. Hindi nito alam kung magiging masaya ba na nakakita ulit ito ng lobo o mabahala dahil hindi lamang basta-basta na isang werewolf ang nasa harapan n'ya. Makapangyarihan ito basi na rin sa tindig at kulay ng balahibo, ibang-iba ito sa normal na werewolf.

May ideya na si Gabriel kung bakit nagkakilala ang werewolf at ang anak n'ya ngunit hindi pa naman s'ya sigurado kaya sinawalang bahala n'ya iyon.

“You're welcome to our house, kiddo. Hahayaan kitang maging kalaro ni Kristine dahil alam kong hindi mo s'ya sasaktan,” ani Gabriel at ngitian pa ang lobo na sa tingin nito ay hindi nalalayo ang edad kay Kristine.

Napakurap ang ang mga mata ng lobo. Napatawa na lamang si Gabriel nang makitang gumagalaw ang buntot ng lobo. Doon pa lang ay alam ni Gabriel na naiintindihan s'ya nito.

“Yehey! Playmate na kami for real ni doggy!” masayang sambit ni Kristine nang marinig ang sinabi ng kan'yang Ama. Niyakap n'ya ulit ang inaakalang aso na iyon pala ay isang lobo.

Nakasunod lamang si Gabriel sa likuran ni Kristine kasama ang lobo na sumasabay sa paglalakad nito. Hindi masabi ni Gabriel sa anak na hindi aso ang kalaro nito, kundi isang werewolf. Nakikita nito na masaya ang anak kaya hahayaan ni Gabriel ito hangga't hindi mapapahamak si Kristine.

Si Kristine na mismo ang bumukas ng pinto ng bahay pagkarating lamang nila sa bahay. Hinayaan n'yang pumasok ang baby doggy n'ya. Ang kan'yang Daddy naman ang sumara ng pinto pagkapasok din nito.

“Mahal, nandito na kami,” malakas na tawag ni Gabriel sa asawa nito na siguradong nagluluto sa kusina.

“Wait lang, mahal!”

Naupo muna sa sofa si Gabriel habang hinihintay na lumabas ang asawa nito. Binalingan n'ya ng tingin si Kristine na nakaupo sa sahig habang hinihimas ang balahibo ng lobo na nakadapa sa sahig.

Habang hinihimas ni Kristine ang mabalahibong katawan ng inaakalang aso ay nawala lamang bigla ang atensyon n'ya nang buhatin s'ya ng kan'yang Ama. Pinaupo s'ya ng Daddy n'ya sa hita kaya napunta ang atensyon ni Kristine sa Ama.

“You really like him?” tanong ng Daddy n'ya na ikinalawak ng ngiti ni Kristine.

“I super like him po. I like his furr, so soft. Kaya later itatabi ko s'ya sa pagtulog,” masayang pahayag ni Kristine na ikinabuntong hininga ni Gabriel.

Tinignan ni Gabriel ang lobo na nakatingin na rin sa kanila. Nakaupo na ito sa kanilang harapan at tila kanina pa nakikinig.

“You can't sleep with him, anak,” malambing na sambit ni Gabriel sa anak na ikinataka ni Kristine.

“Why naman po hindi p'wede? Payag naman si baby doggy na matulog sa room ko kasama ako. Right, baby?” tanong pa ni Kristine sa lobo na nakatingin ngayon kay Gabriel.

Nakipagtitigan si Gabriel sa lobo. Nakikita n'yang walang problema sa lobo sa gustong mangyari ni Kristine. Mahinang gumagalaw ang buntot pa nito kaya napabuntong hininga ulit si Gabriel.

Walang magagawa si Gabriel dahil gusto rin naman ng lobo. Nababahala lamang si Gabriel na may makaalam na nilalapitan ng lobo ang anak nito. Hindi ito sigurado sa batas ng mga lobo ngunit sa pagkakaalam ni Gabriel, ang p'wede lamang na tumabi sa pagtulog ng isang lobo ay kanilang mate nito.

Napaangat ang tingin ni Gabriel nang maramdaman ang presensya ng asawa. Gaya ni Gabriel ay gulat din ang asawa nito nang unang makita ang lobo.

Lumapit ang asawa ni Gabriel an si Lily at umupo sa tabi ng asawa. Nagkatinginan silang dalawa ni Gabriel.

“He's a werewolf. Paano sila nagkakilala ni Kristine?” mahinang tanong ni Lily sa asawa.

“Iyan din ang iniisip ko kanina. Imposibleng aksidente lamang ang pagkikita sila,” pahayag naman ni Gabriel na ikinasang-ayon ni Lily.

“Kung tama ang iniisip ko, possible ba na magkaroon ng mate na lobo ang anak natin?” mas lalong humina ang boses ni Lily at minsan ay napapatingin sa malaking lobo na nakikipaglaro ulit kay Kristine.

Alam ni Lily na malakas ang pandinig ng lobo at sigurado itong naririnig sila ng lobo. Hindi lamang nagpapahalata.

“It was rare to find a werewolf who has a human mate but it is possible to happen.” Malumanay na tinignan ni Gabriel ang anak na halatang masayang kasama ang batang lobo. “Hindi ko alam kung makakabuti ba Ito kay Kristine o hindi.”

Tulad ni Gabriel ay nababahala rin si Lily. Ilang taon na silang namumuhay ng tahimik at malayo sa mga madaming tao. Kaya kung darating man ang panahon na totoo ang hinala nila, magiging handa na sila.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro