Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Price

Cesia's POV

Malalim ang binibitawan kong hininga dahil alam kong nakikiisa rin sa pakiramdam ko ang kapaligiran.

Wala talaga akong naririnig na heartbeats maliban nalang sa'kin na mas maingay pa sa pinagsamang kanta ng mga crickets at tunog ng bawat pagtapak ko sa lupa.

Wala na rin akong alam kung saang bahagi na ako ng isla... kung ilang metro o kilometro na ba ang layo ko mula sa camp.

"Kuyaaa!!"

Napatigil ako nang marinig ang boses ng bata. Wala naman akong nakikitang bata ah.

"Habulin mo'ko kuyaaa!"

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman akong naalala na haunted ang lugar na'to eh! Minumulto na ba ako?

Pero ang pamilyar na boses lang talaga ang sinusubukan kong itrace mula sa di kalayuan.

"Come back here!"

Boses ni Trev.

"Lah. Andyan na si masungit! Kyaaah!"

"That's it. Hahabulin ko na talaga kayo."

May kasama ata siyang dalawang batang babae base sa mga boses na naririnig ko. Alam kong boses rin ito ng lalaking hinahanap ko pero... ibang-iba..

Naririnig ko ang mga tawa nila.
Buhay na buhay ang boses niya. Malaki ang pinagkaiba ng boses niya ngayon.

"Trev?" ilang beses na ba akong umikot sa pwesto ko para maghanap kahit anino lang pero wala talaga.

Medyo naguguluhan na ako sa mga tinig na naririnig ko ngayon hanggang sa matumba ako.

Pumikit lang ako saglit at pagdilat ng mga mata ko, nasa ibang lugar na ako. Nasa mortal realm na ako.

Tumayo ako at pinagpag ang jeans ko saka inilibot ang tingin sa buong lugar.

May malaking bahay sa harap ko. Eto ata yung urban areas sa mga probinsya. Pero asan nga ba kasi ako?
Nahagip ng mga mata ko ang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa loob ng gate nila habang may binabasang libro.

"Trev!" sinubukan ko siyang tawagin pero tila hindi niya ako naririnig.

Pero lumingon siya...

Nang ibang pangalan ang itinawag sa kanya.

"Sky!" isang babae ang lumabas sa pinto saka sinenyasan siya na pumasok sa loob.

Sky?

Nakita ko siyang ngumiti at tumango bago tumayo at pumunta sa babae.

Ibang Trev 'to.

Hinalikan niya ang babae sa pisngi nang lumabas ang dalawa pang mga batang babae at kinuha ang libro na bitbit niya.

"Treasure! Eva!" hinabol niya ang dalawang batang babae na malapad ang mga ngiti sa mukha.

Saka ko lang napagtanto.

Nasa ibang panahon ako.

Pero bakit ako nandito? Bakit ko nakikita ang nakaraan niya?

Kumunot ang noo ko nang makita si Trev na naglalaro ng habulan kasama ang mga bata.

Mga kapatid nya ba yan?

Teka. May mga kapatid siya?

Napadako ang mga mata ko sa babaeng nakatayo at nakangiti habang pinapanood sila.

Siya ata yung nanay nila... Alam ko ito dahil magkapareho sila ng hugis ng labi...

Ang ganda niya...

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan kaya napatingin ako sa itaas. Saka ko ibinalik ang atensyon ko sa magkakapatid... na nawala na.

Gabi na pala.

Nakita ko si Trev... o Sky na tumatakbo kaya nagawa kong sumama sa kanya. Tumigil kami sa harap ng itim na lawa.

Nakalutang ang dalawang damit na suot ng mga kapatid niya kanina lang.

Napasinghap ako nang makita ang isang babae na kinakain ang isa sa mga kapatid niya. Nasa gitna siya ng lawa at punong puno ng dugo ang mga kamay at bibig niya.

A-anong klaseng nilalang yan?!


Naramdaman kong may humila sa'kin paatras.

Saka ako nagising.

Tinignan ko ang lalaking may hawak sa braso ko.

"T-trev?" nanlalaki pa rin ang mga mata ko. "Trev-" Lumapit ako sa kanya nang luhaan ang mga mata.

Hindi ko gusto ang nakita ko. Ayokong makita ulit yun.

Ayoko.

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko. "It's okay..." bulong niya habang hinahagod ito.


"It's not okay."

Napalunok ako nang marinig ang tinig ng isang babae. Napagtanto kong nasa harap namin ang lawa na nakita ko nang hanapin ko kung saan nanggagaling ang boses.

Sa gitna, naroon ang isang babae...

Agad akong nakaramdam ng takot, kasabay nito ay ang pagbigat ng hangin na nakapalibot sa'min.

"That was the best dinner I had." Umiiling siya habang nakasandal sa bato.

Pakiramdam ko masusuka ako kaya inalis ko muna sa isip ko ang ginawa niya.

"Two plump girls and oh! Such sweet-"

"Shut up Lamia." halatang galit si Trev.

Lamia...

Lamia...

Pumasok sa isipan ko ang nabasa ko tungkol sa mga nakakatakot na mga nilalang sa Greek Myth.

Lamia... ay isang napakagandang reyna noon. Kaso babae siya ni Zeus kaya kinuha ni Hera ang mga anak niya. Nang dahil sa pagkawala ng mga anak niya, kumukuha siya ng mga bata saka... kinakain sila dahil sa inggit. Hanggang unti-unti siyang naging halimaw.

"Mabuti nalang at hindi sumunod sa'kin yung ina mo. Mahirap magkaroon ng kompetisyon!" natatawa niyang sabi.

Napatingin ako sa malaking ulap na nasa itaas. Hindi maganda 'to.

Nagulat ako nang bumagsak mula sa taas ang limang kidlat. Natamaan niya si Lamia na nakangiti parin kahit may sugat na sa balikat niya.

"You still don't know it, do you?"

Pinapagalit lang niya si Trev. Ano bang balak niya?

"Pinadala ako ni Hera para ubusin ang pamilya mo!" sigaw niya.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya na nagpipigil ng galit. Lumiliwanag na yung mga mata niya...

"alam ng lahat kung ano ang mapapala mo kapag isa kang anak ni Zeus hindi ba? Matatanggap mo ang galit ng reyna." dagdag niya.

Wala akong masabi... dahil sa katotohanan ng sinabi niya. Pero hindi naman namin kasalanan na ipinanganak kami na ganito, diba? 

"B-Bumalik na tayo..." nanginginig kong tugon.

Wala kaming mapapala kapag ibalik naman ang nakaraan na paniguradong magdadala lang ng sakit at galit sa'min.

Hindi kumibo si Trev, pero naririnig ko ang paghina ng heartbeats niya.

Tama. Makinig ka sa'kin. Wag sa kanya.

"Trev?" Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Nandito na tayo. Nandito na ako. Hanggang ala-ala lang sila. Wala na tayong makukuha mula sa kanya.." bawat salita na binibitawan ko ay binibigyan ko ng diin.

Nagawa niyang bumangon noon at alam ko ring matalino siya sa mga ganitong bagay. Walang magandang maidudulot ang paghiganti. Tapos na. May nakuha na sa kanya at hindi na niya ito mababawi kahit anong gawin niya sa siyang kumuha.

Nag abot ang kilay niya saka unti-unting bumalik ang dating kulay ng mga mata niya.

Nagpakawala ako ng hangin.

Ang hirap n'on. Akala ko talaga malaking gulo ang mangyayari.

"Sweet," puna ni Lamia.

Kinuyom ko ang aking palad para pigilan ang sarili kong galit.

"thank you." sarkastiko kong sagot. Nginitian ko muna siya bago magsimulang maglakad pabalik sa camp ng Gamma.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Trev sa'kin.

Hatinggabi na at gusto kong magpahinga.

Nang makalayo na kami kay Lamia, narinig ko ang sabay sabay na tunog ng kidlat sa likuran namin.

"Son of Zeus." sinamaan ko siya ng tingin. Ba't ba ang tigas ng ulo nito.

"what?" tinaasan niya ako ng kilay.

Siningkitan ko siya ng mata. Pero mayamaya, bumalik rin ang dating mood ko saka nagpatuloy nalang.

Nakatalikod siya sa'kin kaya di ko maiwasang maalala ang nakita ko.

"Sky?" tanong ko.

Huminto siya nang marinig ang sinabi ko.

"Trev." sagot niya.

Natawa ako ng mahina. "sabi ko nga."

'Treasure! Eva!'

Trev...

"TANGINA MAGKASAMA NA PALA KAYO. ASAN KA BA GALING TREV AT MUNTIK MO NANG PINAIYAK 'YANG SI CESIA?!" biglang nagpakita si Thea sa harap namin.

"Di kaya!" naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Etong si Thea kung makabulgar parang wala ako dito.

"ANONG HINDI-" tinakpan ko ang bibig niya bago pa siya may masabi na ikakahiya ko lang.

Bad timing talaga ang babaeng 'to. Gods. Pakitulungan niyo naman ako.

"really?"

Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita siya.

Oh no.

"NOT ONE WORD." utos ko sa dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro