Thea's POV
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.
TANGINA HAHAHA. Anong pinakain ng Chase na'yan at bakit hindi gumagalaw si Ria. Ginayuma ata.
Bakas sa mukha ni Ria ang inis pero hindi niya sinusubukang tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ni Chase.
Si Chase naman, tumatango-tango habang nakikinig sa dalawang leaders ng Gamma.
Nasa isa sa tents kasi kami ngayon kung saan makikita ang mapa ng buong Pilipinas. May nakacrossed out na ibig sabihin ay nalinis na.
Yung problema nga lang, yung mga nakapaligid na lugar. Baka mag migrate yung ibang nilalang at bumalik ulit sila sa nalinis na mga areas.
"Eh yung mga tao ba.. hindi ba nila inaano?" tanong ni Cesia.
"Well... that's the surprising thing actually dahil hindi nila ginagalaw ang mga mortal na tao." sagot ni Ice.
Hmm. Siguro wala pang binibigay na command ang mga rebel deities. Pero alam kong sa oras na may gagawin sila sa mga tao, magkakagulo na lahat.
Mapipilitan ang mga Olympians na mag make move bago pa maubos nila lahat ng tao sa mundo.
"Pero.. kinakain nila lahat ng mga pagkain sa grocery stores... sinusuot ang mga damit sa mga boutiques..." dagdag ni Rosie.
"well atleast they don't eat the people." ani Kara habang sinusuri ang mga papeles na nakalatag sa mesa.
"not yet." dugtong ni Dio.
Ngayon ko lang napansin na basang-basa pa ang buhok ng dalawa.
Napatingin ako kay Trev na seryosong nakatingin sa nakalahad na mapa sa harap.
Ba't ba ang tahimik nyan? Ngayon lang ako nakakakita ng leader na ang tahimik. Jusko. Kung magsasalita man siya, mga dalawa o tatlong salita lang.
Pero nahahalata ko rin eh kung paano niya tinatrato si Cesia. Pinagpalaan talaga ang dalawang 'to. A match made from heaven. Charot.
"Hey.." tumabi sa'kin si Seht.
Ha. Bahala na. May pambato rin naman ako oh. Pak. Ang paborito kong doktor.
"Yooo.." nilingon ko siya.
"I think I forgot my blanket." muntik na akong mabulunan ng hangin sa sinabi niya.
Ano nga ba si Seht kung wala ako.
"Yung mga pagong ba?" tinanguan niya ang tanong ko.
"Nasa bag ko." nginitian ko siya.
Mas mahalaga pa siguro yung blanket niya kesa sa weapon niya. Ang tanda-tanda na ng gagong 'to pero nangagailangan pa rin ng yaya.
"Thank you..." ginantihan niya ako ng malapad na ngiti.
Malaki ang pasasalamat ko kay Apollo at nagawa pa niya itong si Seht kahit alam kong ang busy ng schedule niya bilang God.
"My enchanted watch says it's night time already. I'll reserve plates for you guys. You can go back to your tent." kinuha nila Ice at Rosie ang mapa.
Nagpaalam na kami sa kanila bago bumalik sa tent namin.
Nakita kong hindi na magkahawak ang kamay ng dalawang ewan. Nakita ko rin ang dagger na hawak hawak ni Ria sa kabilang kamay niya.
Natawa ako ng mahina. Ang mga fates na ang bahala sa'nyo.
Huminto ako sa paglalakad nang makita ang isang tent na may sparks na nagliliwanag mula sa loob. Sumilip ako at natagpuan ang dalawang Gamma na may inaayos na mahine ata.
"Hi!" bati ko sa kanila. "May problema ba?"
Tumango kaagad sila saka nila ako pinapasok sa loob. Okay naman sila nang nag offer ako ng tulong.
Hmm. Katulad ito ng mga generators na nasa Academy.
Chineck ko na lahat maliban sa mga wires. Binuksan ko ang metal lid at nakita ang mga wires na nagkakagulo. Natural lang naman yan kaso may dalawa na hindi nakakonekta.
Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko saka lumabas ang maliit na apoy sa hintuturo ko.
Tinapat ko ito sa wire na dahan-dahang natutunaw hanggang maging isang wire sila.
Napangiti ako bago hinipan ang apoy sa daliri ko. Binalik ko ang takip saka binalik ang tingin sa dalawang Gamma na nakatulala.
"Siguro pagkatapos ng mga 5 minutes okay na'to. Pakicheck na rin kung meron pang sira tas tawagin nyo lang ako kung meron nga." nakangiti kong sambit sa kanila.
Tumango sila.
Lumabas na ako at dumiretso sa tent namin.
•••
Grabe.
Bumagsak ako sa higaan at napapikit.
Grabe yung kain ko kanina. Feeling ko magiging lobo ako pag kakain na naman ako.
Ang sarap naman kasing magluto ng mga in-assign na cooks nila!
Ilang plato ba yung naubos ko... ano... 1... 2... 3... 4... paki insert na rin nung desserts.
'11 pm' tinignan ko ang orasan ni Kara na nakapatong sa mesa. Alas onse na pero di pa rin natatapos yung meeting nila.
Di nalang ako sumali kasi nga magpapakababoy ako sa gabing 'to. Ang plano ko talaga ay kumain tapos matulog. That's all. Thank you.
Pero mukhang hindi ako dadalawin ng antok nito. Wala pa naman akong kasama dito sa tent.
May kani-kanilang pinagbubusyhan ang Alphas.
Tumayo ako at napagdesisyunang bumalik sa dating tent kung saan nandoon ang inayos kong machine.
Naglakad lang ako nang madatnan ko si Cesia na hindi mapakali na tila may hinahanap.
"May problema-"
"Nakita mo ba si Trev?" biglaang tanong niya.
Nag abot ang kilay ko. "akala ko ba nasa meeting siya?"
"Kaya nga eh kaso wala siya..." problemado niyang sabi. Tinignan ko lang ang anak ni Aphrodite na hindi maguhit ang mukha. Para siyang nawalan ng anak.
Di kaya... asawa.
Napansin ko ang mga halaman sa paanan niya na para ring natataranta. At medyo nakakapangamba ang simoy ng hangin kaya pati ako kinabahan rin.
"A-ano... tutulungan kitang mahanap siya okay? Kumalma ka nga." hinahaplos ko ang balikat niya. Pero wala epek talaga yung pagpapakalma ko.
Tumango siya.
"Sa'n mo ba siya huling nakita?" kulang nalang talaga mag s-snow dito sa kinatatayuan namin.
"Nung kumain tayo." mahigpit na nakakapit ang kamay niya sa gawing gilid ng shirt niya.
Kinuha ko ang kamay niya. "Kilala natin si Trev. Hindi siya madaling makidnap o kung ano pa..."
"Mas kilala ko siya." tugon niya. "Palagi yung nag-iisa eh. Hindi siya nagpapatulong."
TANGINA TREV HA. ANONG GINAWA MO KAY CESIA. Sasapakin ko talaga ang lalaking 'yan pag nagpakita sa'kin yan. Pucha!
"Gusto mo tawagin natin yung iba?" aya ko.
Umiling siya. "di ko gustong madistorbo sila. Tulungan mo lang akong hanapin siya please." pakiusap niya.
Kusang tumango ang ulo ko. Hindi ako makakatanggi kay Cesia. Putek. Na s-stress na ako ha. Balak ko pa naman sanang mag beauty rest.
Narinig ko ang reklamo ng mga gamma nang mamatay ang apoy ng bonfire nila.
"Huminahon ka muna Cesia. Buong isla ata nadadamay mo." nag-aalala na talaga ako hindi lang para sa kanya kundi sa buong isla.
Shet. Baka mag Aphrodite mode 'to.
Sinabihan ko siya na huminga ng malalim.
Naramdaman ko kasi ang paglakas ng hangin.
POTEKTANGINSHET.
Magbabagyo talaga dito.
"Eto na. Eto na! Hahanapin natin siya ano?! Maghiwalay tayo. Dun ka. Dito ako." tinuro ko ang dalawang daan na entrance ata patungo sa gitna ng isla. Daanan papasok sa madilim na kagubatan.
Huminga rin ako ng malalim.
Nakita kong nawala na si Cesia sa kinatatayuan niya kaya napamura na naman ako bago magsimulang maglakad.
Ewan ko kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Mahanap lang 'yang putanginang Trev na'yan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro