Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Secrecy

Thea's POV

Sinundan ko ng tingin si Kara na pinakahuling dumating dito sa conference. Kanina pa ako nakaupo dito katabi si Cesia. At kanina pa sumasakit yung tenga ko dahil sa bangayan ng dalawang Alphas sa likod ko.

"Ba't ba kasi ngayon lang namin nalaman ang tungkol sa meeting na'to?!" inis na tanong ni Ria.

"Kasalanan ko nga oh! Aaminin ko na!" pabulong na sigaw ni Chase.

Narinig kong nagbuntong-hininga si Cesia.

Nilingon ko ang dalawa at sinamaan sila ng tingin. "Pwede ba?! Tumahimik nga kayo. Kanina pa tumatalsik yang laway nyo kakaaway!"

Inirapan ko sila at umayos ng pagkakaupo. Hays. Totoong nakalimutan ni Chase na pagbigyan kami ng alam tungkol sa meeting na'to.. kaya nga kami yung huling dumating eh.

Umupo si Kara sa tabi ni Cesia. Nakita kong nag-iba ang ekspresyon niya pagkatapos siyang batiin ni Cesia. Hindi nga niya kami pinansin eh.

Tumayo si Madam Viola saka pumunta sa harap naming lahat. "Today, I am gonna reveal to you the second prophecy." may kinuha siyang paper sa ilalim ng desk at inilapag ito sa table.

May picture ng scroll na nasa gitna ng apoy. May mga letra din na hindi ko mabasa. Galing ata sa ibang language eh. Greek?

"My children will be blinded. Their children, good as dead. The world, a cradle of bloodshed... that is what is written there." tinuro niya ang nakasulat sa scroll.

"Quote na naman ba yan?" tanong ko kay Cesia. Umiling siya bago sumagot. "Mukhang hindi na..."

Nagbuntong-hininga ako. Phew. Akala ko quote na naman yung second prophecy katulad nung una.

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa itaas ng pinto. 2 pm na pala... Dapat ko pang tulungan si Bo sa paglilinis.

Makapagreserve nga ng isang araw para makapagpahinga ako. Ang dami ko na kasing gawain. Nakakapagod rin kaya.

"As usual I will leave you on your own. You can investigate or do a research as long as it is not of disturbance." tumigil ang mga mata ni Madam Viola sa'min. Inayos niya ang eyeglasses niya bago bumalik sa upuan niya.

Sunod na tumayo si Principal sa harap namin. Hmm... anak rin siya ni Aphrodite... interesado na talaga ako sa mga anak ni Aphrodite ngayon.

Ang unique kasi ng ability nila... inveiglements.. yun ang tawag ni Cesia sa kakayahan niyang magmanipulate ng tao gamit ang will niya.

Pag ako, may ganyang ability. Ewan ko nalang. Gagawa siguro ako ng army.

"Headmistress of the Aurai?" tinawag ni Principal ang Aurai na nakaupo sa likurang bahagi ng room. "I want to speak to you in my office right now."

"This is the end of our gathering. You all can go back to your businesses." pagtatapos ng Principal.

Nagsilabasan na rin kaming lahat.

Dumiretso ako sa mechanical room ng Academy at dun nakita si Bo na nakahiga sa gitna ng silid.

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling nilapitan ang satyr na tila walang malay. "B-bo?!"

Sinampal ko siya ng may lakas kaya nagising siya. "H-ha?!?! B-bakit?! Anong nangyari?"

"Nawalan ka ng malay!" tinulungan ko siyang tumayo.

Tinignan niya lang ako saka humalakhak. Tinulak ko siya palayo nang maamoy ko ang alak sa hininga niya.

"Putangina." tumayo ako at pinagpag ang damit ko. "Akala ko tinuluyan ka na eh! Bo naman! Muntik na ako nun!"

Hawak-hawak ang dibdib ko, sumandal ako sa generator. Letseng satyr na'to. Binibigyan ako ng atake sa puso!

Dumaan ang isang minuto at bumalik na rin ang hangin sa sistema ko. "Ba't ba ang lasinggero nyong mga satyrs." puna ko.

Uminom muna siya bago sumagot. "H-hahahehe.. nasa lahi na namin 'yan The-" hindi pa nga niya matapos ang pangalan ko at bumagsak na naman siya sa sahig. Napailing nalang ako.

Tinanggal ko ang suot kong jacket at ginamit ito para gawing unan ni Bo.

Dumaan ang ilang oras ng paglilinis at natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng painting ng isang babae.

Tila may mga kaluluwa na lumabas sa container na bitbit niya.

Naalala ko'to. Siya ang pinakaunang babae dito sa mundo. Medyo tragic nga yung story ni Pandora eh.

Paki ko ba?

Dinaanan ko lang yung painting saka nagpatuloy sa paglilinis. Inayos ko na lahat ng shelves... katatapos ko lang ring mag mop sa sahig.

Napadako ang mga mata ko kay Bo na tulog pa rin hanggang ngayon. Rinig na rinig ko pa nga ang paghihilik niya.

Isinantabi ko ang paghihilik ni Bo dahil may narinig akong ingay na nagmula ata sa malaking painting ni Pandora. Bumalik ako para suriin ito.


"Ba't ba ang laki ng painting na'to..." bulong ko sa sarili ko.

Tumigil ang mga mata ko sa metallic bull figure na nasa ibabang bahagi ng frame. Para siyang metal statue ng toro na idinikit sa ibaba ng painting.

"Ah.. the Brazen Bull..." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Bo sa tabi ko.

"Brazen Bull?" ngayon ko lang narinig yan.

"It is a device used in Ancient Greece to torture criminals. Imagine mo nalang... isang life-size na bull.. gawa sa bronse. Pinapasok nila ang tao sa loob. Saka ikakandado para hindi makalabas..." nakasingkit ang mga mata niya.

Torture Device...

"Pagkatapos, sa ilalim ng toro, gagawa sila ng apoy... isang malaking apoy sa ilalim ng nakakaawang nilalang na nasa loob... boom! roasted!" kinaway-kaway ng satyr ang flask niyang nakabukas at may nalalaglag na kaunting alak mula dito.

"Literal. Maririnig mo ang iyak at sigaw ng tao mula sa loob na nagmimistulang tunog ng isang toro." umiiling-iling siya.

"Nga pala... una na'ko. May bagong release daw ang mga aurai. Anong tawag dun? Telekila? Yung inumin-"

"Tequila." natatawa kong sabi.

Tumango siya bago lumabas at iwanan ako na mag-isa sa harap ng painting na'to.

Tinitigan ko ang bull...

May maitim na bahid sa ilalim na bahagi ng tiyan niya. Ito yung marka na iniiwan ng apoy sa metal...

Hmmm...

Naramdaman ko ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko.

Tinignan ko ang daliri kong nag-aapoy saka ko ito tinapat sa tiyan ng brazen bull na tinutukoy ni Bo.

Lumabas ang usok mula sa ilong ng toro. Naghugis tali muna ito bago pumasok sa likod ng painting.

Nakarinig ako ng ilang clicks.

Napaatras ako nang bumukas ang bahagi ng pader na nasa tabi ng painting. Isang secret room?

Ginamit ko ang apoy sa kamay ko para magkaroon ng ilaw pagpasok ko sa loob.

Isang maliit na kwarto... nabibilang lang ang mga kagamitan dito..

Kinuha ko ang kandila at sinindihan ito. Binalik ko ito sa mesa at dun ko nakita ang picture frame na katabi ng kandila.


Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang dalawang babae na nasa litrato.

Napalunok ako at tinignan ang kabuuan ng silid.

May wine glass at clay figure na nakapatong sa mesa.. maliban nalang sa picture frame. May upuan rin. Sa sulok ay ang bookshelf na puno ng mga libro.

Bumalik ang atensyon ko sa litrato.

Isang dalaga ang nakangiti... bitbit ang isang sanggol... kusang tumulo ang luha ko dahil kilalang-kilala ko kung sino ang nasa larawan. Bumigat rin ang pakiramdam ko kaya umupo ako sa upuan.

Si mama...

at ang batang 'yan.. walang iba kundi ako.

Ngayong nakita ko ulit ang mukha niya... bumalik na naman ang sakit na naramdaman ko nang mawala siya.

Umiyak ako.

Dahil nakikita ko ang ngiti niya sa litrato. Ngiti na alam kong hinding-hindi ko na makikita.

•••

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko.

Kmunot ang noo ko nang tignan ang bagay na hawak-hawak ko ngayon.

Yung picture namin.

Inangat ko ang ulo ko at napagtantong nakatulog ako sa kwarto na nadiskubre ko kanina lang.

Huminga ako ng malalim bago mapagdesisyunang bumalik na sa dorm.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro