SC: Reminisce
Elysian Oracle's POV
Nginitian ko si Claire, isang demigod na anak ni Achelois, a minor goddess of the moon. Pumipitas siya ng mga herbs at bulaklak saka niya ito nilagay sa basket niya.
May gagawin nga pala kaming healing potion mamaya para sa lalaking 'yun.
Nagpout ako.
Eh kasi antagal naman niyang magising! Ilang araw na ba siyang tulog? Aba malay ko! Hindi uso ang panahon dito sa Elysium!
"Iniisip mo siya ano? Yiieee!" tinignan ko si Claire na tinutukso ako.
Binelatan ko siya.
"OA mo!" kinurot niya ang pisngi ko dahilan na mapa-aray ako. "Tara na nga! Lagyan ulit natin ng gamot yung mga sugat niya." kinuha niya ang kamay ko.
Sabay kaming bumalik sa maliit na kubo na tinitirhan ko ngayon.
Pagpasok namin, naabutan namin ang lalaki na nakahiga pa rin at hindi gumagalaw.
"Magpapainit lang ako ng tubig saglit okay?" hindi pa nga ako makasagot at nawala na siya sa harap ko.
Tinignan ko ang lalaki na wala pa ring malay hanggang ngayon. Lumuhod ako sa tabi ng hinihigaan niya at dahan-dahang hinipo ang mga sugat sa mukha niya.
"Gumising ka naman oh..." ewan pero naiiyak ako sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko. "Tignan mo oh! Pinaiyak mo na naman ako!" tumayo ako.
"Umiiyak ka ba?" nagulat ako nang biglang pumasok si Andrei, kakambal ni Claire. Napailing nalang siya nang makita ang namumula kong ilong.
"K-kumusta na ang mga demigods?" tanong ko sa kanya.
Sabay kaming lumabas at umupo sa bench na nakatanaw sa buong field ng Elysium.
"Papunta sila ngayon sa Academy kasama ang mga refugees nila..." mahina niyang sagot.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinanap ang mga demigods sa mortal realms.
Napangiti ako nang makita ko sila.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang malaking ibon na nasa himpapawid, tila nagmamasid sa buong lugar.
Iminulat ko ang mga mata ko. "Ang haba pa ng lalakbayin nila..."
Naramdaman ko ang kamay ni Andrei sa balikat ko. "Why are you stressing over them? Dapat focused tayo sa katawan ni Cronus.. na ewan kung saang lupalop ng universe napunta..."
Nginitian ko siya. "Isa akong oracle, Andrei... at alam ko ang mga taong mahalaga.. in the future.. I think.. hihi.." napailing siya.
Nagpout ako. "Ah basta! Ang alam ko, mahalaga sila sa future... sila ang magiging heroes at heroines ng mga realms. Alam ko yun!" depensa ko.
Alam ko naman talaga eh... na ang mga demigods na 'yon ang tutulong sa mga Olympians.. ang sabi nga lang sa ikatlong propesiya, twelve.. so dapat twelve demigods.
Eh kulang pa sila.
"Nga pala, alam ko na rin kung nasaan ang katawan ni Cronus..." inangat ko ang ulo ko.
Pagdating ko dito sa Elysium, huwag niyo kong tanungin kung paano dahil di ko rin alam. So ayun na nga, pagdating ko dito, nawala na rin si Cronus.
Dapat nandito siya sa Elysium kasi dito rin ang punta niya nang mapatay siya ni Zeus. Sa elysium dapat ang resting place niya.
"Isa sa demigods ang namatay... saglit... pangalan niya ata ay Seht..." sinimulan ko na ang kuwento. "Nakita ko ang nakita niya sa underworld... nandoon ang naka chopchop- ihhhhh nakakadiri!"
Naalala ko kasi yung nakita ko sa Underworld ihh!!!
"Anyways." nagpatuloy ako. Nainis ko ata si Andrei. "Nandoon ang naka chopchop na katawan ni Cronus.."
"The rebel deities are planning something. May ideya ka ba oracle?" tinaasan niya ako ng kilay.
Siningkit ko ang mga aking mga mata at tumango. "Kinidnap nila si Cronus... dinala sa Underworld... ibig sabihin niyan bubuhayin nila ulit ang titan. At pag tuluyan na nga siyang nagising, he will side with the rebels..."
"P-pero si Gaia..." nanginginig niyang sambit.
Tumango ako. "Mmm. Dalawang titans ang makakalaban nila."
•••
Napabuntong-hininga ako. Mag-isa na naman ako dito sa labas ng munting kubo. Gabi na dito sa Elysium pero sa mortal realms, palaging hapon.
Muli akong pumikit at napangiti sa nga demigods na kakarating lang sa Olympus Academy.
Hindi sila maalis sa utak ko. Feeling ko nga sila yung priority ko eh.
"You flew the whole trip. You must be tired. You can take a rest, Ria." lumapit ang anak ni Athena na nagngangalang Kara kay Ria at binigyan siya ng pat on the back.
Nakasettle na yung refugees. Buti nalang at nandun si Cesia, ang anak ni Aphrodite para tulungan sila.
Naririnig ko ang sinasabi niya katulad nalang ng 'okay na po ba kayo diyan?', 'may kumot po dito oh..', 'papunta na po yung pagkain..'
Interesado ako sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang pinagdadaanan niya. Wala rin akong nakikitang future niya.
Parang may... sariling barrier ang katawan niya. Hindi tumatalab ang pagiging oracle ko sa kanya.
Dumako ang mga mata ko sa lalaking minamasdan ang bawat galaw ni Cesia.
Nakita ko na ang pinagdaanan ng anak ni Zeus.. sa kanya nga ako napaiyak ng todo eh.
Pero... WALA TALAGA AKONG NAKIKITANG VISIONS SA MAAARING MANGYARI SA KANILANG DALAWA.
Something's preventing me from looking at their future. Hays ewan.
Eto namang anak ni Apollo na si Seht. Di ko nakikita ang past niya.
Akala ko talaga makikita ko lahat kasi oracle ako.. huhuhu.
Alam ko ang posibleng mangyayari with the rest so... gumagawa rin ako ng paraan para makatulong sa heroes ko.
Like nung kinuha ni Medea ang Alphas at Gamma... nagpadala ako ng isang cute na butterfly.
Alam ko na rin ang susunod kong gawin para matulungan sila.
Malapit na ang tinutukoy ko... ang itinakdang panahon. Kakailanganin nila ako. Alam ko yun.
At malapit na...
"Why aren't you asleep?"
"WAAAHHH-ARAY!" natumba ako sa inuupuan ko.
Tinulungan ako ng lalaki na makatayo.
Sinamaan ko siya ng tingin saka pinagpag ang damit ko.
"Pwede ba? Huwag ka ngang manggulat! Hmp!" inis kong sigaw sa kanya.
Hindi niya ata ako nagets dahil bigla nalang niya akong niyakap.
"T-teka nga.." pilit akong kumawala mula sa kanya pero ayaw niya paring bumitaw.
"Shhh... just stay still." bulong niya sa'kin.
Hinayaan ko nalang siya. Nakakapagod naman kasing manlaban. Ang liit ko naman kasing babae.
Mayamaya, binitawan na niya ako kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Phew.
"Kung makahug parang close tayo ah. Kaano-ano ba kita?" siningkitan ko siya ng mata.
Ewan pero pakiramdam ko nalungkot siya sa sinabi ko kaya agad kong binawi ito.
"A-ahh.. gutom ka ba? Lika nga!" hinila ko siya.
"Vegetarians ang mga tao dito pero... hmm.. may niluto akong... fried chicken? Wag mong sabihin ah! Secret lang natin to! Hihi." nginitian ko siya.
Tumabi ako sa kanya at sabay kaming kumain.
Hindi niya alam pero sinusuri ko ang buong pagkatao niya.
Agad kong nalaman na anak siya ni Hades. Nakita ko rin ang mga kakayahan o abilities niya... pero wala akong nakukuhang visions about sa past niya.
Feeling ko talaga may mali sa'kin.
Pagkatapos kumain, niligpit ko ang mga pinggan. Sinabihan ko siyang umupo muna para matignan ko ang mga sugat niya.
Napalunok ako nang hubarin niya ang t-shirt niya.
Umiling-iling ako.
Bad Oracle!
Tinignan kong nawala na yung mga sugat. Walang iniwan na marka maliban nalang sa isang straight line sa likod niya.
"A scar I got from an arrow several months ago. I was protecting someone." pagbibigay-alam niya.
Tumango ako.
Supposed to be patay na siya dahil napakalalim ng sugat na'to. Walang nakakasurvive kung ganito kalalim ang naabot ng dulo ng palaso. If I know, tumagos rin ito sa puso niya.
Grabe naman pala pinagdaanan ng lalaking 'to.
Umupo ako sa tabi niya. "Paano ka nakapunta dito?"
Pamilyar ang mukha niya... Nakasalubong ko na ba siya dati?
"I am looking for someone." maikli niyang sagot.
"Hulaan ko. Galing ka sa mortal realms tas bumaba ka sa Underworld. Binigyan ka ni Hades ng free pass kaya pumunta ka dito?" nakataas ang isang kilay ko.
"I may have met rebel creatures in the Underworld on my way here... but yes."
Hmm... kaya pala natagpuan namin siyang naliligo sa sarili niyang dugo.
"Pangalan mo?" tanong ko.
Sabi nga nila, stranger danger.
"I'm Cal."
Ngayong alam ko na ang pangalan niya. Ibig sabihin.. di na siya stranger!
At walang danger!
But wait.
Napaisip ako. "Cal..." inulit ko ang pangalan niya. I swear narinig ko na yan dati!
Aaahhhh! Saan ba... saan ko ba narinig yan.
Nagkibit-balikat nalang ako. "Ah... ako nga pala yung oracle dito!" nginitian ko siya. "Nice to meet you Cal!"
May naalala ako. "Sino nga ulit yung hinahanap mo?"
Nagbuntong-hininga siya at tinitigan lamang ako.
Eh? Problema ng demigod na'to?
"You."
Nagtaka ako sa sinabi niya. "Huh?"
"You.. have to help me get back. Can you create a portal?" tumayo siya kaya napatayo rin ako.
Tumango ako.
•••
Nagsummon ako ng portal sa fields. Nakita ko sa other side ang Underworld.
Napasimangot ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na ayaw ko talaga sa underworld.
"Mag c-close na ang portal in ten... nine... eight... seven... six..." nag countdown ako.
Pumasok kaagad siya sa portal.
five...
four...
Kumaway ako habang unti-unti nang naglalaho ang portal.
three...
two...
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang kamay na hinatak ako papasok sa portal.
"HINDIII!!!" sigaw ko nang makitang tuluyan na nga itong mawala.
Hindi na ako makakasummon ng portal papuntang Elysium mula dito. Wala akong oracle abilities dito.
KAILANGAN NILA AKO DOON. WALA SI CRONUS. SINO NA ANG MAGBABANTAY SA ELYSIUM?!
Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harap. "A-anong ginawa mo?!" padabog akong lumapit sa kanya.
Wlang tigil ang pag agos ng mga luha ko habang hinahampas ng mahina ang dibdib niya.
Madali akong nanghina kaya bumagsak kaagad ako.
Nababaguhan ang katawan ko.
Kung doon sa Elysium, magaan ang pakiramdam ko. Dito naman, mabigat. Idagdag mo pa ang acido sa hangin at ang init na gumagapang sa balat ko.
"Waahhh!! Di na ako makakabalik!" mangiyak-ngiyak akong nakaupo sa paanan niya. "w-walang-hik-magbabantay sa-hik-Elysium."
"Rhadamanthus will take care of Elysium for now."
Rhadamanthus? yung wise king?
Tumingala ako at nakita ang isang lalaki na may dalang staff. Nasa likuran niya ang aso na may tatlong ulo.
Hades?
"Take her to the castle before a rebel senses her. Mahirap na." utos niya kay Cal.
Gusto kong matulog...
Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko. Nakapikit ang mga mata ko pero nakikinig pa rin ako sa mag-ama.
"Gusto ko sanang magpatawad sa nangyari noon... Cal. I should have known about your destiny. I failed. I failed being a father."
"She's fine now... she's safe. Sapat na ang naitulong mo Hades."
"I just wanted you to know... that I'm always watching you, son. Day and Night."
"You don't have to... dad."
"Alam ko at sana alam mo rin anak, na ipinagmamalaki kita. Consider visiting the Underworld sometimes... temporarily or permanently. The castle will always welcome you."
"Thank you."
"Hmm... Art is a very lucky girl, isn't she? Oh wait. I forgot. I believe these wedding rings belong to you."
•••
Nagising ako sa malaking kama. Sa pagkakatanda ko, dinala ako ni Cal sa palasyo ng ama niya.
Tumayo ako at hinanap ang banyo para maghilamos.
Lumipas ang ilang minuto at nakatingin ako ngayon sa sarili kong repleksyon sa salamin.
Napayuko ako dahil biglang sumakit ang ulo ko. Tinignan ko ulit ang sarili ko at napaatras ako nang makita ang mga mata ko.
At bam!
Sunod-sunod na pumasok ang mga ala-ala ko. Ang buhay ko habang nasa mortal realms ako. Ang buhay ko kasama ang mga Alphas.
Ang pangako ko na babalikan ko sila.
'Rhea!' tinawag ko ang goddess na kilala kong nakikinig sa mga oracles ngayon.
'Hindi mo sinabi sa'kin na malapit na palang matutupad ang propesiya mo tas ngayon?! Late na ba ako?!' galit ako. Sapat na ang oras na naninirahan ako sa Elysium. Nagawa ko na lahat ng gawain ng isang oracle.
Alam ko na kung sino ang hahanapin para makukumpleto ang labindalawang itinakda.
Alam ko na kung ano ang dapat naming gawin.
At ngayon dapat ako makakabalik eh!
'From the ends of the world, the war will cease. Each of the twelve will hold a piece. Together they will look for the key that is buried deep within time.' narinig ko ang boses ni Rhea...
Akala ko.. ang tinutukoy niyang ends of the world ay ang literal na ends of the world.
The heavens, the underworld, and the mortal realms.
But then, may anim palang 'ends' ang mundo.
The heavens...
the underworld...
the mortal realms...
the past...
the present...
and the future.
Twelve demigods ang nakasaad sa propesiya. So every 'end' must have two destined deities.
Nagmamadali akong lumabas at nakita ko kaagad si Cal. "Cal! Huhuhu! Sorry kung hindi kita nakilala. Sorry talaga!" niyakap ko siya.
"Pero wag muna tayong magd-drama okay? May kukunin pa tayong dalawang babaeng demigods! Nandito sila sa Underworld ngayon pero di nila alam. Basta! Tara na!" hinatak ko siya.
Hintayin niyo kami Alphas!
(A/N: I advice you to read again 'A Vision from Hell' though. Ai'ght? xx.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro