Promise of the Twelve
Kaye's POV
Sinundan ko ng tingin ang anak ni Zeus. He rocketed straight up towards the sky.
He summoned the mist and after a few seconds, pinapalibutan na kami nito. Narinig ko ang iyak ng mga gigantes dahil alam kong nauubos sila, which I know is caused by Chase.
If our plan works, then we could defeat Gaia.
But first, we have to clean up the area around her. Ang ibig kong sabihin, ay paalisin ang mga anak niya pati na rin ang mga huntres at amazons.
Si Chase ang bahala sa mga giants while Matilda was in charge of taking care of our allies.
"Tapos na ako!" sigaw ni Chase.
Napatingin ako sa direksyon niya. I can see through mist kaya nakita ko ang isa pang giant na nasa likod niya.
"Chase! Behind you!" sigaw ko.
"Ayy-gago. Hindi pa pala!" Madali siyang nakaiwas sa giant. I saw his shadow tripled. Tatlo? Isa ba yan sa abilities niya?
In the end, nagawa niyang patumbahin ang giant.
I looked around the mist and nodded. Wala na akong nakikitang nilalang maliban nalang sa kapwa ko demigods. Easy to say, madali ko silang nadidistinguish dahil lumiliwanag sila sa paningin ko.
"It's clear!" anunsyo ko.
"I am immune to the mist." narinig namin si Gaia. "I cannot be blinded."
I saw the mist being lifted up. Naglagay lang naman kami ng mist hindi para sa kanya, kundi sa mga anak niya... para madali naming malinis ang mga giants.
Tch. You dumb bitch.
Just then, nagsimula ng bumuhos ang malakas na ulan. Umuulan ng malakas pero dito nga lang sa gitna.
Sumunod na nagliyab ang mga puno na nakapaligid sa amin.
"What are you-" nagpupumilit na gumalaw si Gaia. The ground was shaking but only for a few seconds.
I smirked.
Hindi niya kaya.
She can't control the surrounding land because fire is holding it down.
At alam naman natin kung sinong demigod ang may kayang kontrolin ang apoy.
She can't control herself either.
Dahil ito sa tubig mula sa ulan at nakapasok sa lupa. The water inside her is preventing her from moving too.
That is, Dio is keeping the water in the soil tight and unstretchable.
"You!" bakas sa boses niya ang matinding galit.
Deep inside, nagdadasal ako na matutupad ang planong 'to. Ito lang ang naisip namin. Ito lang ang pag-asa naming lahat.
Naramdaman ko ang paglambot ng lupa na pinapatungan namin.
"Diieee!!" agad akong napatingin sa demigod na sumugod bitbit ang espada niya.
Her red wings slowly formed and after a few seconds, she made a giant leap from the ground to the top of Gaia's head.
Ibinaon niya ang kanyang espada sa gitna at pagkatapos, narinig namin ang iyak ng titaness.
"No!" sigaw ng titaness. "No!"
A huge lightning connected with the end of the sword dahilan na mapaatras ako.
And that is how a crack appeared on the center of her head.
'Look here Gaia.' narinig ko ang boses ni Cesia sa isipan ko.
Ipinikit ni Gaia ang kanyang mga mata. 'What you are doing is unacceptable!'
'I said...' her voice was heavy as the atmosphere surrounding us.
'Open your eyes.'
Napatingin ako sa direksyon ng anak ni Aphrodite.
Nasa likod niya ang dalawang kambal.
Behind them, the sun is quickly rising from the horizon.
Siguro yung iba ay hindi makatingin sa kanila dahil sa matinding liwanag ng araw.
But not me.
Sapagkat nakita ko siya.
Nakita ko ang anak ni Athena na tumatakbo papunta kay Gaia.
The moment Gaia opened her eyes, she screamed from the intense light of the scorching sun.
Pero hindi lang 'yan ang tanging nangyari.
Inangat ko ang ulo ko at minasdan kung paano sinalubong ng mukha ni Gaia ang paa ni Kara.
The titaness let out a shriek of pain while half of her face exploded due to the impact.
Maybe she's wondering why... it only took one kick to break her form.
Dahil ito sa ulan.
Kaya nag antay kami na manlambot ang lupa. The crack on her head signified that the soil was loosening and breaking apart.
Napatingin ulit ako sa itaas dahil nagkaroon na naman ng kasunod na pagsabog mula sa itaas.
It was the son of Zeus sending Gaia's broken pieces everywhere.
Ngunit hindi pa talaga kami tapos.
Half of Gaia is still left standing.
Nakabukas ang isa pa niyang mata at nakatingin sa direksyon namin.
'This is not the end of me.'
Nagulat kami dahil gumalaw ang katabi niyang lupa para punan ang nasirang bahagi ng kanyang mukha.
Bago pa bumalik ang dati niyang anyo, narinig ko ang boses ni Cesia.
'Gaia.' her voice soft as ever sending me goosebumps.
'Do not fool me, daughter of Aphrodite.' sagot ni Gaia.
My head followed the direction of the demigod whose presence was giving everyone an uncomfortable feel.
Noon.. hindi ko makita kung ano talaga siya kaya wala akong ideya kung anong meron sa kanya.
But now that I can see more than just what the eye can see, masasabi kong hindi siya katulad ng iba.
'Pagod ka na..' her voice sounded like a whisper.
Akala ko hindi tatalab ang kapangyarihan niya dahil titaness ang kausap niya.
But I must have underestimated her...
dahil tumigil ang paggalaw ng lupa.
Kinikilabutan ako dahil hindi matanggal ni Gaia ang mata niya kay Cesia.
Hindi ba siya kinakabahan? Kausap niya ang ina ng mga titans. Mas malala, inuutusan niya ang isa sa kauna-unahang deities ng mundo.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Gaia. 'I will not listen to you anymore. I know what you are doing.'
'and I know what you are supposed to do.' sagot ni Cesia.
Too brave for a demigod.
'You are to continue your slumber.. hanggang sa makagawa ka ulit ng bagong giants.' dagdag niya.
'My children...' nanghihina na si Gaia.
'Your children is stressing you out. You need... rest.' bakas sa boses ni Cesia ang determinasyon na patulugin ang titaness.
Pero huminto talaga ang lahat nang sabihin niya ang kanyang huling utos.
'Close your eyes love. You've had enough.'
At dun ko na nalaman kung bakit..
bakit iba ang naramdaman ko nang utusan niya ako noon.
Sa Academy...
Papunta ako sa gubat para kausapin si Hecate kaso...
Tinawag niya ako.
Pinabalik niya ako.
"CAL! NOW!" narinig ko ang sigaw ni Ria mula sa itaas.
Bumalik ako sa realidad.
Sinampal ko ang sarili ko. Muntik na kasi akong madala.
I looked at the titaness that was already starting to fall. Kaso, hindi sa lupa ang bagsak niya.
At the other side of the area, tinanguan ako ni Cal before he summoned an opening.
Beside Gaia, the ground opened, revealing the dark abyss underneath.
Lumuhod ako at naghanap ng maaaring koneksyon sa ibaba. I can see through the ground at nakikita ko ang mga espirito na kung saan-saang direksyon lumulutang.
Pinikit ko ang aking mga mata.
"Spirits of the Underworld." With both my hands on the ground, tinawag ko sila.
Naramdaman ko ang iba sa kanila na napatingin sa itaas.
Great! Naririnig nila ako.
I held my breath as I waited for the titaness to fall.
For a second there, her eyes opened but it was too late... Kara quickly jumped to push the titaness towards the pits of hell.
Gaia was taken out of balance.
"Spirits of the Underworld..." ginamit ko ang lahat ng makakaya ko para tawagin sila.
Lost spirits.. or not. I called for them.
"I offer you the eyes of Gaia."
I felt their hunger drawing closer and closer.
Napatingin ako kay Gaia na hindi lang nahulog kundi pinalibutan rin ng mga galit na espirito mula sa Underworld.
I nodded at Cal.
He finally closed the portal.
Mayamaya, tumayo na ako.
What seemed like a moment of silence was followed by the cheers of the Amazons and Huntres.
"D-did we really do it?" humihingal na tanong ni Ria pagkatapos bumaba mula sa ere.
I felt the sky becoming clearer.
Dahan-dahan akong napangiti nang makita silang lahat na nagsasama-sama sa harap ko.
"Now you understand why I didn't choose to side with the Arae?" tumabi si Matilda sa'kin. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko.
I sighed out of relief.
I can breathe now. Finally.
"Kaye! Matilda!" tinawag kami ni Art.
I lifted my head and looked at the ten of them walking towards our direction.
With my new sight... I can now see what makes them different from other demigods.
And what makes them different from each other.
I mean... look at them.
Matilda, the revived healer...
Seht, the light that binds the others...
Art, the purest form of energy...
Thea, the passion bearer...
Ria, the warrior of the battlefield...
Chase, the cunning fox...
Dio, the saint of the cerulean seas...
Cal, the prince of the Underworld...
Kara, the seeker of boundaries...
Tumigil ang mga mata ko sa dalawang demigods na nasa huli.
Trev, the scion of all the realms..
and Cesia, the invincible rose.
I smiled.
As the previous oracle, masasabi kong sila ang graces na ibinigay ng Olympians para maprotektahan ang mortal realms mula sa totoong digmaan.
Oh wait.
Ibinigay ba talaga ng Olympians?
May konting kaalaman kasi ako tungkol sa rebellion. Mula sa mga visions at impormasyon na nagmula sa mga rebel deities na kinakasama ko dati.
And one thing that I learned from them,
we were given life not just to live...
but to fulfill a prophecy..
Kasi hindi pure coincidence ang pagsasama-sama namin. It was written to happen. It was carved on the Moirai's hands.
A promise given a long long time ago.
The Promise of the Twelve.
But in the other realms, iba ang tawag nila sa propesiya na ito...
The Promise of Mnemosyne.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro