Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Love and Letters

Thea's POV

"Okay Bo! Last try!" sigaw ko sa likod ng umuusok na makina.

Tumango siya at sinuot ang safety goggles niya bago itulak ang malaking lever. Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang pag ikot ng dalawang higanteng screws sa itaas namin.

Sinundan ko ng tingin ang nakakabit na wire mula sa makina hanggang sa labas, sa dulo ng mga pakpak.

Noon pa namin ito sinubukang ayusin eh. Para naman may suporta yung pakpak. Baka kasi mapagod yung dalawang mala-anghel na pakpak ng Academy. Eto na muna ang magseserve bilang support.

"Pinamangha mo na naman ako, Thea." masayang bati sa'kin ni Bo.

"Olraaayt! Apir!" tinaas ko ang kamay ko para sana makipag apir sa kanya.

Pero pumasok kaagad sa isipan ko kung saang mundo siya nanggaling kaya binaba ko ito saka nagkamot ng ulo.

"Trabaho ko lang po." napatingin ako sa bintana. Sa kumikinang na metal rods ng pakpak. Wala akong nakikitang ibang kulay kundi puti, silver at di na talaga mawawala sa bintana ang kulay ng kalangitan.

Wala kasing ulap kaya puro sky blue nalang yung background.

Minsan ang ganda.


Pero nakakasawa.

Gusto kong makakita ulit ng mga ulap... ang kulay ng kalangitan sa madaling araw at sa tuwing lumulubog ang araw.

Gusto kong makarinig ng mga dahon kapag may simoy ng hangin na dumadaan... ang tunog ng alon.. mga ibon...

"May mali ba Thea?" narinig ko ang boses ni Bo.

"W-wala... naalala ko lang yung panahong natutulog pa ang mga titans." sagot ko saka binalik ang atensyon ko sa matandang satyr na kaharap ko ngayon.

"Huwag kang mag-alala. Kapag natapos na ang digmaan, sabay nating ibalik ang Academy sa lupa." nakangiti niyang sambit.

Tumango ako. "kapag di ka na atakihin ng arthritis mo! HAHAHAHA!" natawa ako bigla dahil pumasok sa utak ko nung magkasama kami habang nirerepair yung pakpak bago namin pinatawag ang mga anak ni Aphrodite.

Tas narinig ko nalang ang biglaan niyang pagsigaw kala ko inatake yung matanda. Tangina. Yun pala, masakit daw yung hooves niya.

Sinamaan niya ako ng tingin bago inumin ang flask niya na may lamang pinaghalong beer at ambrosia.

"Ewan ko talaga sa'yong bata ka. Matanda nga ako pero kaya ko pa namang makipagsapalaran sa mga aurai dito." kinindatan niya ako.

Pakikipagsapalaran amputa. hahaha.

"Kadiri!" puna ko. "Ang tanda-tanda mo na kaya Bo. Tas may pakikipagsapalaran ka pang sinasabi jan." tukso ko sa matanda.

"Alam mo kasi Thea..." umupo siya sa sahig saka uminom ulit. "Ang pag-ibig.. madali lang yang makita. Hindi si eros ang tinutukoy ko. Di rin si Aphrodite. Kundi... pag-ibig."

Umupo ako sa tapat niya nang nakangiti. Alam kong isa na naman to sa mga words of wisdom niya. Ginagawa niya kasi ito sa tuwing nalalasing siya.

"Ba't nga ba?" tanong niya sa sarili niya.

"Eh kasi... lahat ng ito. Lahat ng nakikita mo... ikaw.. ako... pati ang makinang ito. Lahat ito'y gawa ng pag-ibig." tinuro niya ang makina sa gitna.

"Lahat ng ito'y gawa... with love." natawa ako sa sinabi niya.

"Wala namang buhay ang makinang to eh. Paano naman ito magkakaroon ng pag-ibig?" natatawa kong tanong sa kanya.

Paano ka naman mamahalin ng isang makina?

"Ikaw talagang bata ka. Mas matanda pa nga ako sa'yo pero mas matalas pa ang memorya ko. Di mo ba naalala ang kwento nila Pygmalion?" May umagos na kaunting beer mula sa flask nang tinuro niya ang ulo niya.

"Kapag totoo ang pag-ibig mo... hahanap at hahanap rin ng paraan ang mundo para iparamdam sa'yo na mahal ka rin ng mahal mo." natawa ulit ako sa sinabi niya.

Kung totoo ang pag-ibig mo... mamahalin ka ng minamahal mo.

Ano nga ba ang kailangan para maging totoo ang pag-ibig?

"Eh kung mahal ko siya.. Iniwan niya ako... paano naibalik yung pag-ibig jan?" iba talaga kapag matanda ang kausap mo eh.

Tinignan niya ako. "Mahal mo siya... Iniwan ka niya..." saka ngumiti. "dahil sa pag-iwan niya, matutunan mong mahalin ang sarili mo."

Nag abot ang kilay ko.

"Mahal mo siya... Iniwan ka niya..."

"pero mas mahal mo ang sarili mo... kaya nag move-on ka."

•••

Kinuha ko ang ice cream na kinakain nila Ria at Cesia. Katatapos ko lang maligo. Nakasanayan ko nang maligo two times o di kaya three times a day dahil sa trabaho ko.

"So... did something interesting happen?" usisa ni Ria nang tumabi ako sa kanya.

Tumango ako. "may mechanical support na yung pakpak."

Halos tatlong araw rin naming pinaghirapan yun. Susunod naming gagawin, mag-install ng air condition sa hallways.

Kung pwede.

Pero hindi eh kaya mag-iinstall nalang kami ng dagdag na water pipes.

"Great! Sabi ko na nga ba. Kaya pala nasa mood akong kumain ng ice cream ngayon." nakangisi si Ria habang nanonood.

"Eh palagi ka namang nasa mood na kumain ng ice cream Ria eh." sagot ni Cesia.

Napangiti ako nang nakatanggap siya ng matatalim na titig mula kay Ria.

Alam kong sinusubukan ni Cesia na pagaanin ang atmosphere dito dahil wala na ang source of energy namin. Suportado naman ako sa ginagawa niyang pagpapangiti.

Nakarinig kami ng katok. Ako na mismo ang tumayo para buksan ang pinto. Pagbukas ko, wala nga lang akong nakita.

Pagkatapos bumalik na naman yung katok. Pero hindi nagmula dito eh kundi sa kabila.

Sinarado ko ang pinto at dumiretso sa veranda.

Hinawi ko ang kurtina at nakita ang dalawang batang ahas na nakangisi at may kinakaway na papel.

Binuksan ko ang malalaking pinto ng veranda.

"Caisy? Daisy?" tinignan ko sila. Narinig ata ako ng dalawa kong kasama kaya nasa likuran ko na sila ngayon.

Sumisilip yung dalawa sa loob na para bang may hinahanap.

"Umm.. may pinadalang sulat si Rio para sa'nyong Alphas." inabot ni Caisy ang sulat na agad namang tinanggap ni Ria.

Busy ata si Iris kaya yung kambal nalang ang pinadala niya. Tutal, magkakilala naman kami.

Ang alam ko, nasa mortal realms si sir Rio para samahan ang gamma sa misyon nila. Karamihan kasi sa mga estudyante dito, Gamma kaya malaki talaga ang pinagkaiba ng Academy ngayon at wala sila.

"Andito po ba si ate Art at kuya Cal?" tumatalon-talon si Daisy. Gayundin si Caisy na sabik na sabik habang naghihintay sa sagot namin.

Nagtinginan nalang kaming tatlo.

"Umalis pa sila eh.." ani Cesia at lumuhod para magkaheight na sila sa dalawang bata. "sasabihin nalang namin kung kailan sila babalik." nginitian niya ang kambal.

Napalitan ng lungkot ang saya sa mga mukha nila. Saka sila tumango. Tumayo si Cesia at ginulo ang buhok ni Caisy dahilan na mainis siya.

"ayaw niyo ba munang pumasok?" aya ko.

Umiling silang dalawa bago nag anyong ahas at gumapang papalayo sa'min at pababa ng veranda.

Bumalik kami sa loob. Walang ni isa namin na nagsalita tungkol sa hinahanap nila.

Binuksan ni Ria ang envelope at nilabas ang sulat na nasa loob nito.

Kusang binasa ng mga mata ko ang nakasulat sa gitna.

'Beta has failed. Return. Send Alphas.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro