Finding Out
Thea's POV
"To injure members of the staff is punishable. You should you know as you are the leader of your group." bumagsak ang kamay ng principal sa mesa.
Nasa office niya kami dahil sa insidente na nangyari.
Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Trev na kanina pag nagsasagutan. Eh kami naman, nananahimik lang dito.
"To send a dangerous mission in secrecy is punishable either. Am I right, Kerensa?"
Napanganga ako nang tawagin niya ang principal gamit ang unang pangalan niya.
"You have electrocuted two important personnels in the academy to what? To scare the hell out of everyone? You do not get me. Ako na mismo ang nagpadala ni Ria doon!" galit na tinuro ng principal si Ria.
Lah. Ba't wala akong dalang popcorn. Amputa.
Ganito kasi 'yon...
Nang maisugod si Cesia sa clinic, sinabi ni Doc sa'min yung tungkol sa abilities niya.
Pero hindi dun nagsimulang magkagulo ang lahat.
Tila bumaliktad ang buong Academy nang napaligiran ito ng mga kidlat.
Nalaman kasi ni Trev yung tungkol kay Ria... pinilit niya sina Sir Glen at Sir Rio na sabihin kung ano ang alam nila.
Eh ang tagal sumagot ng dalawang profs kaya... ayan... sabay silang nakuryente. Akala ko nga mamamatay na sila kasi ang daming lightning marks sa balat nila.
Ish.
"Do not attempt to correct my way of protecting the Alphas."
Napaatras ako nang biglang kumulog sa labas.
"K-kara.. wala ka bang.. ano.. intermission number?" bulong ko kay Kara na nakikinig lang rin sa kanila.
Dapat talaga may pumigil na sa kanila eh! Kanina medyo chill lang pero ngayon. Aba. Ramdam na ramdam ko lahat ng tensyon na namumuo dito sa office.
"This is your words against mine Trev. You are talking to your principal-"
"You know what I am capable of."
Napansin ko ang pagkagulat ng principal. Tinitigan niya si Trev na nanlilisik ang mga mata.
"Are you threatening me?!" galit na tanong ng principal.
Hoo. Grabeng drama na'to.
"I'm giving you a choice." seryosong tugon ni Trev. "Do this again and I will end you."
Woah. Amazing.
"Trev..." nanghina ang boses ng principal. "Please. Calm down and talk-"
"Your abilities will not affect me."
Napatingin ako sa bintana at nakitang malapit nang maging itim ang kalangitan.
"Enough with this already." FINALLY! Sumingit na rin ang anak ni Athena! Nag enjoy ata si Kara kaya siya natagalan.
Napatigil kaming lahat nang maramdaman ang pag gaan ng atmosphere. Nawala bigla ang nakakatakot na tensyon dito dahilan na lumuwag ang paghinga ko.
Isa lang ang makakagawa nito.
"Kara, she's awake." nagsalita si Trev.
Tumango si Kara at inaya kaming lumabas. Ayoko sanang sumama sa kanila kaso pinilit nila ako.
Gusto ko pa naman sanang manood.
Papunta sa clinic, napaisip ako kung ano ang magiging resulta ng away sa pagitan ng principal at ni Trev.
Katabi ko si Dio na nakatingin sa harap habang naglalakad.
"Hindi ba natatakot si Trev sa principal?" tinanong ko si Dio.
Paano kung ma suspend siya diba?
Natawa lang siya ng mahina. "Thea. Pag may taong dapat katakutan dito, hindi yon ang principal nor the staffs."
"eh sino?" kumunot ang noo ko.
"It's Trev." dugtong niya.
Tumango ako bilang sagot. Di ko pa nga nakita ang limitation ng kapangyarihan ni Trev pero nakakasigurado akong kaya niyang sirain ang buong Academy na mag-isa.
Kinilabutan ako.
Baka kasi hindi maganda ang ending nito.
Pumasok kami sa clinic at dumiretso sa cubicle kung saan nandoon si Cesia.
Natagpuan namin siyang nakaupo. Agad dumako ang mga mata niya sa'min na para bang alam niyang darating kami.
"Cesia.." si Ria ang unang lumapit sa kanya. "I should have known.. I'm so sorry. Wala talaga akong alam na-"
"Ria." malamig ang pagkasabi ni Cesia.
Uhh...
Nagtinginan kaming lahat.
TANGINU.
Mas kinilabutan ako sa boses niya.
Mahina nga pero... ang lakas ng epekto nito sa'min.
Parang sinampal ako ng boses ni Cesia ah.
Kinurap-kurap ni Kara ang mga mata niya kaya alam kong hindi lang ako ang nakaramdam.
"Okay lang." nginitian niya si Ria. "Walang may kasalanan dito."
Gusto kong umiyak. Ewan kung bakit pero gusto kong umiyak sa tabi ni Cesia tas siya yung tatahan sa'kin.
Langya. Ba't di ganyan ang abilities ko. Puta naman oh. Gusto ko rin nyan!
Yung mapapatigil nalang ang buong mundo sa bawat salita na lalabas sa bibig mo.
Hmm..
Sumingkit ang mga mata ko.
Pero delikado rin pag may ganyan akong ability ano? Gagamitin ko lang ang kakayahan ko para malibre!
Mababankrupt talaga lahat ng shops na pupuntahan ko. Saka, mag w-wild rin siguro ako kung ganon.
•••
"You mean there are still giants lurking there?" nakapameywang na tanong ni Heather.
Katatapos lang magreport ni Ria tungkol sa nangyari sa lair ng mga giants. Nakakainggit nga kasi nagkita sila ni Ares, ang God of War. Siya mismo ang nagligtas ng anak niya.
"I believe lahat ng mga anak ni Gaia ang nandoon. After I created a mess, I'm pretty sure she sent a lot of her children." sagot ni Ria.
"Kailangan na nating gumawa ng paraan. Let us not waste time. The more children she sends, the more dangerous it is for the mortal realm." dagdag pa ni Kia, ang leader ng mga amazons.
Kawawang mortals. Nakafreeze lang sila at wala silang alam kung ano ang totoong nangyayari sa mundo ngayon.
Ang swerte din nila.
"Kara? What do you think?" kinonsulta ni Ria si Kara na malalim ang iniisip habang nakikinig sa kanila.
Naghihintay lamang kami na magsalita siya.
Sa ngayon, nag-iisip ako kung paano umandar ang utak ng isang anak ni Athena, ang Goddess of Wisdom.
Nalaman ko mula kina Chase na tanging si Kara lang ang demigod na nirerespeto ng mga amazons at huntres ng todo-todo.
Nung birthday daw ni Kia, may ibinigay si Kara sa kanya na libro na naglalaman ng mga combat strategies. Hanggang ngayon, dala-dala pa rin ito ng amazona.
"Trev should be the one to make the decision." anunsyo ni Kara.
Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi niya.
Pagkatapos mag report, bumalik na kami sa dorm.
Nakita ko si Cesia na nasa labas ng veranda.
"Cesia, kumain ka na ba?" tanong ko.
Umiling siya.
"Ha? Eh anong ginagawa mo dito?" tumabi ako sa kanya.
"Nagsasanay lang sa bagong abilities ko." tinignan niya ako saka ngumiti. "Ang hirap kasi pag mga heartbeats ang naririnig ko palagi. Masakit sa ulo."
Tumango ako. "Hmm... Hindi ako makakarelate sa pinagdadaanan mo pero kakayanin mo yan Cesia. Fighting!"
Lumapad ang ngiti niya.
"Kain tayo?" alok niya.
"Sige!" nagmukha akong bata na inayang maglaro sa playground.
Gutom na gutom rin kaya ako. Syempre magtatalon-talon ako pag pagkain na ang pag-uusapan.
Kapansin-pasin ang pagtitig ng mga tao kay Cesia pero binalewala lang niya lahat ito.
Tinanong niya ako kung kung saan ko daw gustong kumain.
"Kahit ano ang bet ko eh." sagot ko.
"May alam akong lugar. Masarap yung chicken wings nila dun." hinila niya ako at nagmamadaling pumasok sa mall.
Mayamaya, nakaupo na kami sa isang table. Inilahad ng dalawang aurai ang apat na plato kasi apat na flavors rin yung in-order namin.
Napansin kong lumiwanag ang mga mata ni Cesia kaya natawa ako.
"Palagi nalang akong nasa clinic eh." paliwanay niya. "Ambrosia o dextrose lang ang pumapasok sa sistema ko. Imagine."
"Buti naman at okay na yung pakiramdam mo." puna ko. "Nag-alala talaga ang buong Academy. Wew." napailing ako.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka niyang tanong.
"Have you heard about Sir Glen and Sir Rio?"
Narinig namin ang pag-uusap ng dalawang estudyante na nasa tabing table.
"Yeah. Kawawa talaga sila. I heard they're not waking up till now."
"May alam ka ba kung bakit nangyari yun sa kanila?"
"Malabo eh. But some said it was because of a secret mission or something like that."
"One thing we know, it's because of the Alph- ahh!" napasigaw ang dalawa nang biglang kinain ng apoy ang bulaklak na nasa gitna ng table nila.
Sana sinunog ko pati buhok nila. Sa dinami-dami ng lugar na pwede nilang pag-usapan yan, dito pa?!
"Thea." dahan- dahang binaba ni Cesia ang tinidor na hawak-hawak niya. "Ba't mo ginawa yun? Saka ano yung tungkol kina Sir Rio at Sir Glen?"
"Ano kasi..."
Tangina.
Paano ko ba sasabihin sa kanya 'to.
Matagal akong nakasagot kaya't halos nawalan ako ng hininga nang tinitigan na niya ako.
"Kinakabahan ka ata." kumulimlim ang bagong kulay ng mga mata niya.
"H-ha?"
"May hindi ka ba sinasabi sa'kin Thea?" isang malambot ngunit nakakatakot na ngiti ang natanggap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro