Dangerous Woman
Cesia's POV
Pagpasok ko, binati ko ang mga aurai na medyo busy sa mga gawain nila. May mga estudyante ring napalingon sa'kin.
"Asan po pala si Doc?" tanong ko sa isang aurai na may dalang mga folders at naka eyeglass.
"I'm here." kinawayan ako ni Doc na kalalabas lang sa cubicle.
Nginitian ko ang aurai bago pumunta sa direksyon ni Doc. May kinuha siyang folder na may pangalan ko saka binuksan ito.
May chineck siya bago ibalik ito sa mesa at isinuot ang stethoscope niyang nakasabit sa leeg.
Sinunod ko ang lahat ng instructions niya. Inhale, exhale... hanggang sa huling test para sa motor reflexes ko. Kinuha niya ang reflex hammer and finally, natapos na rin ang check-up ko.
"I didn't see any problems." saad niya habang may isinusulat sa folder. Tinignan niya ako. "may nararamdaman ka bang... medyo unusual?" tanong niya.
Umiling ako.
"Well.. let's just hope na hindi na babalik 'yun. You can go now. Alam kong may gagawin ka pa." narinig kong sabi niya.
Nahalata niya siguro ang kinikilos ko. Na nagmamadali ako. May training kasi ako ngayon eh at hindi ko 'to palalagpasin.
Pagkatapos magpaalam sa kanya, dumiretso na ako sa Training Room. Nakita kong walang tao sa loob nang isinara ko ang pinto.
"pasensya na po kung nalate ako principal." humakbang ako papalapit sa kanya na nakatayo sa gitna.
"Kerensa, Cesia... is my name. Or just Keren." pagbibigay-alam niya. Lumapad ang ngiti niya nang sinubukan kong sabihin ang bawat kataga ng pangalan niya.
"It means love." dagdag niya.
Dahil sa sinabi niya, di ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili ko kung ano ang ibig sabihin ng pangalan ko.
"and Cesia... a rare name that means heavenly." sabi niya as if nabasa niya yung utak ko.
Heavenly...
kaya pala yan ang tawag sa'kin ni Aphrodite. Naalala ko rin.. na si Aphrodite ang nagbigay ng pangalan na 'yan sa unang araw ko dito. Di naman ako umangal kasi magandang pakinggan.
"Let's start shall we?" tanong niya.
Tumango ako.
"step back and kneel" kusang gumalaw ang katawan ko pagkatapos marinig ang utos niya.
Napasinghap ako ng bumagsak akong nakaluhod sa harap niya. Naramdaman ko ang kapangyarihan na nagmumula sa kanya.
Mabagal ang tunog ng heartbeats niya. Pero ang lakas lakas niya.
"Aphrodite... the goddess of love.. sexuality.. beauty..." nagsimula siyang maglakad habang nagsasalita.
Sinubukan kong tumayo. Nakatayo nga ako saglit pero nginitian niya lang ako kasabay nag-utos ng "wag kang gagalaw."
Paborito na ata namin ang command na yan. Nakakadagdag kasi ito sa kapangyarihan namin. Maganda kasi sa pakiramdam kapag alam mong ikaw ang superior.
Nagaganahan nga ako sa tuwing ginagamit ko ang ability ko.
And I owe it all sa deity ko. Kung bakit minsan nagiging conscious ako sa appearance ko. Kung bakit marunong na akong pumili ng mga perfumes at mga damit. Kung bakit mahilig ako sa mga bagay na maganda sa tingin ko.
"She is not what you think she is Cesia. She's more complicated." tinignan niya ako.
"Some say she's older than time..." pero nagpatuloy siya sa paglelecture sa'kin.
"Some think of her as a sacred prostitute." dagdag niya.
Sacred Prositute? May ganun ba?
"At hindi pa jan kasama ang Aphrodite na kilala ng lahat.. maganda, mapagmahal, matulungin..." natawa siya ng mahina.
'Tumayo ka Cesia.' hindi yan utos kundi motivation para sa sarili ko. Para kasing nakasuper glue ang tuhod ko sa sahig.
Naiinis ako. Ayaw kumilos ng katawan ko.
Nagbuntong-hininga nalang ako at dahan-dahang ginalaw ang mga paa ko.
"and then we hear... 'femme fatale'"
Agad kong tinaas ang kamay ko nang nakatayo na ako.
Hinila ko ang neckline ng damit niya at tinapon siya sa kabilang dako ng room. Kinabahan ako ng makita ang bahagi ng pader na nagiba dahil sa impact niya. Pero mas kinabahan ako nang mapansing nawala siya.
"The Great Seductress..."
"The Enchantress..." bulong niya mula sa likod.
Bago pa ako makaiwas, naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Agad kumalat ang manhid sa katawan ko mula sa balikat.
Bago to ah... May ganito pala kaming ability?
Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Di kinaya ang bigat ng katawan ko. At sa pangalawang beses, natumba na naman ako.
"A dangerous woman.." nakita ko ang dugo sa likod niya nang pumunta ulit siya sa harap ko.
"A woman who kills for pleasure... who desires for attention... who destroys cities.. dahil takot siyang bumagsak ang pangalan niya. She fears of her high position. She is selfish.. and wicked.. and vain." tinignan niya ako at narealize kong hindi ko kayang basahin ang utak niya.
Wala akong nakikitang weak spot sa katawan niya. Mula ulo hanggang paa. Wala talaga. Ang tanging nariring ko langa ang pintig ng puso niya na walang kahulugan para sa'kin.
Paano niya ginagawa yan?
"and you are too."
nahinto ang pag-iisip ko dahil sa sinabi niya.
"A-ako?"
Selfish? Wicked? Vain? Sino? Ako ba talaga ang tinutukoy niya?
"Wala na bang nakapagsabi sa'yo na sarili mo lang ang iniisip mo?"
Narinig ko ang sinabi niya. At agad nanumbalik ang bigat ng mundo sa balikat ko nang nagpakita sa'kin si Athena.
Tila dulo ng kutsilyo ang mga salita niya.
Napalunok ako nang tumulo ang isang luha sa pisngi ko.
Okay lang sa'kin eh... kapag isang beses akong tawagin na ganyan. Dahil sisiguraduhin kong magbabago na ako...
Pero... ang marinig yan.. sa ilang buwan na naninirahan ako dito sa Academy...
Wala bang nagbago?
Sinubukan kong ipakita kay Athena na nagkamali siya...
"P-pero deity mo rin si Aphrodite.. paano mo nasabi yan?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
Hindi niya ba naririnig ang sinasabi niya?
"They're all facts Cesia.. and there are still worsts." sagot niya.
Sinuri niya ang mukha ko. "ba't ka umiiyak?" Napalitan ng pag-aalala ang pagiging seryoso niya.
Tinanggap ko ang kamay niya nang tinulungan niya akong tumayo.
Umiling ako at pinunasan ang pisngi ko.
Nakita ko ang ngiti niya. "That's your weakness right there." tinuro niya ang utak ko.
"H-huh?"
"That's your ego."
"but... that's natural for us actually. Nasa dugo na natin ang pride and reputation." binigyan niya ako ng sympathizing look saka tinuro ang dibdib ko.
"and this weakness too..."
Dalawa ba talaga ang weak spot ko?
"This is your biggest weakness. The fear of not getting hurt." puna niya.
Takot ako... na hindi masaktan?
"That makes you so sensitive and vulnerable, Cesia." natawa siya bigla. "but that makes you stand out among the beautiful things in this world."
Unti-unting nagliwanag ang mga mata ko nang maramdaman ang weak spot niya. Nasa utak rin niya ito... at yung isa.. yung isa na pinakamadaling hanapin...
ay nasa mga mata niya.
Takot siyang mawalan ng sense of sight. Hindi sight na paningin. Mas malalim ang weakness niya.
Takot siya na balang araw, wala na siyang makikitang kagandahan sa mundo. Yung totoong kagandahan.
Kagandahan na higit pa sa nakikita.
Biglang nawala ang koneksyon ko sa weak spots niya.
"Want me to teach you that?" nakangisi niyang tanong.
Tumango ako. "Mm!"
Nagtaka ako nang bigla na namang sumeryoso ang mukha niya.
"But tell me Cesia... kung bakit may kutob ako na may isa ka pang kahinaan maliban sa dalawang nasabi ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro