Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Cetus the Sea Monster

Dio's POV

"Leche! Ibaba mo nga kami! Nanggigigil na'ko sayo!!!" narinig namin ang sigaw ni Thea na nasa loob ng sasakyan na hawak-hawak ni Cetus, a sea monster that is supposed to be imprisoned under the water..  also known as the kraken.

Unfortunately, the monster has been shaking the car at ewan ko nalang kung ano na ang kalagayan ng mga babae na nasa loob.

Lalong-lalo na yung maliit na statue nila.

Dumaan ang ilang minuto at nakita namin si Ria na lumabas mula sa bintana para idistract ang nilalang. Tinapon nga ang sasakyan but surprisingly, it landed perfectly upright.

"Manonood lang ba tayo?" tanong ni Chase.

After we defeated the giant who stood in the middle of the way, I sensed a familiar presence kaya sinabihan ko silang huminto somewhere the kraken wouldn't see. So we just hid our cars and ran back here... to hear the girls screaming.

Nakasalubong ko na kasi yan dati. Nagbabakasyon lang ako sa Norway noon.. and then I took a dive. I went deeper than I was supposed to go because I felt it. I felt its vacuum pulling me.

At yun na nga. Natagpuan ko ang nilalang na 'to na nakakulong sa ilalim ng tubig.

Narinig ko ang tunog ng kidlat kaya napalingon ako kay Trev.

I guess I have to do something now. Baka magwala 'tong anak ni Zeus.

"Dito lang kayo." I motioned them to stay put before walking towards the monster.

I grinned while summoning the waters. One huge wave smashed the kraken's grip dahilan na mabitawan nito si Ria.

I sighed when I saw Ria landing on Chase's arms.

"Long time no see..." puna ko nang makita si Cetus na nakatingin rin sa kinatatayuan ko.

Suddenly, I felt his arms encircle around my waist. Nakita ko ang mga reaksyon nila kaya natawa ako ng mahina. It is very unusual to see a monster hugging a demigod is it not?

I heard him purr kaya napayakap din ako. "I missed you..." bulong ko.

"You're... friends with that guy?" usisa ni Ria nang ibinaba ako ni Cetus sa lupa.

"Krrrrr--" narinig ko ang galit na tunog mula kay Cetus kaya nagtaka ako saglit. Then I realized, nandito pala ang isang anak ni Zeus.

Cetus was slain a long time ago by another son of Zeus, Perseus, a legendary hero of Greek Mythology. Cetus hates the smell of Zeus in other words.

"He's harmless." puna ko while rubbing one of his cute little octupus arms. Well not really cute dahil kaya niyang gibain ang isang two-floor building with just its grip.

"Harmless? Really?" sarkastikong tanong ni Kara. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko while giving Cetus a defensive look. As if handa siyang hatakin ako if ever this creature tries to do something.

"Yeah." tumango ako.

Napansin kong nakatitig si Cetus kay Cesia like they are having a silent conversation. Are they though?

"Ahh-Hahaha" humalakhak si Cesia nang kilitiin siya ni Cetus. Oh wow. A daughter of Aphrodite makes acquaintances that fast? At sa isang sea monster pa?

Nginitian ko si Cetus habang inaalala ang unang pagkikita namin...

I heard the water splash behind me after I jumped. The ocean was calm... in fact, calmer than usual kaya napagdesisyunan kong pumunta sa ilalim. Naramdaman ko ang mahinang hila mula sa baba. Out of curiousity, nagpadala ako.. determined where this feeling is coming from.

At first... I thought it was an octopus or a squid dahil anino lang nito ang nakikita ko. I swam closer and that's when my eyes widened.

Nakagapos siya.

I was about to leave it alone. I know it wasn't my business. He's jailed so that means he may have done something. Isang nilalang na ganito kalaki ay may kakayahang makasakit.

I swam away pero narinig ko ang tunog niya kaya napalingon ako.

It was hurt. I noticed his other arm gone kaya lumapit ako dito. I saw his eyes.

He must be starving. Napaisip ako.

Lumangoy ako papalayo sa kanya. I even heard him cry.

But I wasn't leaving him. I was getting some food for him. Baka kasi pag pinakawala ko siya, ako ang gagawin niyang pagkain. I made a sphere out of swirling water and I managed to trap several fishes inside.

Bumalik ako sa kanya at pinakain siya.

After a few minutes, I decided na kailangan ko na talagang bumalik. I waved my hand goodbye.

Halfway out of the water, I saw a dozen of sharks above me.

Well. Swimming was a bad idea. I cursed myself nang makita na patungo sa'kin ang buong gang para pagpiyestahan siguro ako.

Bumalik ako para magtago sa likod ng malaking nilalang na ito. Akala ko lalayo na sila dahil sa takot but it turns out, the sharks surrounded the huge creature ready to chunk every peice of meat from him.

Isang pating ang kumagat sa ulo niya at narinig ko ang pag-iyak niya. Mabilis kong pinutol ang nakatali na lumot sa kanya eventually, setting him free.

Siningkitan niya ako ng mata. For a moment there, akala ko sasaktan niya ako. But no. He grabbed me out of the way. Nakakatawa ngang tignan. He was slapping the sharks, throwing them off.

After the fight of the preys, binalik niya ako sa lupa.

I did my research about him after a few days, and during those days, siya ang kasama ko sa tuwing pumupunta ako sa ilalim ng tubig.

"Alphas, this is Cetus. We fought together under water." kinindatan ko si Cetus.

Cetus, in turn, responded with a grumbling sound. He held his head high, proud.

Thea titled her head. Mayamaya, nakita ko ang malapad na ngiti niya. "Ang cute niya!"

Cetus squinted his eyes out of joy.

"Woah-" lumapit si Chase sa kanya. Lahat sila lumapit sa kanya. They were curious which made me smile.

Tumigil ang mga mata ko kay Kara na sinusuri ang balat niya.

"Krrrr--" nagulat ako nang pumatong sa balikat ko ang isa sa mga braso ni Cetus. He pointed at Kara teasingly.

Napangiti ako. "Yeah... that's the one."

I heard him create another sound na tila kinikilig pa yung gago. We fist bumped. Alright.

"We have to go now." anunsyo ni Ria. Chineck up niya muna yung sasakyan bago pumasok.

"Bye Cetus!" kinawayan siya ni Thea which he responded with a wave back.

Napangiti ako saka tumungo sa harap ni Cetus. I waved my hand, gesturing him to come closer which he did.

Now that I can see him clearly, ngayon ko lang napansin ang mga sugat sa ibabang bahagi ng mga mata niya.

Kumunot ang noo ko. "Nasaktan ka na naman ba?"

Suddenly, he backed away. Mukhang ayaw niyang ikuwento sa'kin kung saan nagmula ang mga sugat niya.

"Alam mo na siguro kung anong nangyayari ngayon..." nagbuntong-hininga ako.

He looked at me with lonely eyes. Siningkit ko ang mga mata ko.

Cetus and his puppy eyes.

"No." I gave him a poker face. "Hindi ka kasya sa Academy."

He made another grumbling sound.

"No Cetus. You can't go with us-"

"But why?" nagulat ako nang marinig ang boses ni Kara.

"Anong but why? We all know kung ano ang magiging reaction nila pag nakita ang isang-" napahinto ako sa pagsasalita dahil sa hitsura ng dalawa.

They're giving me pleading looks.

Tumigil ang mga mata ko kay Kara. "seryoso ka ba?"

Tumango siya before giving me a stabbing stare.

"Fine." I raised my hands in defeat.

Kinuha ni Cetus si Kara para yakapin siya. She giggled in return.

Napailing nalang ako.

These two will be the death of me.

"Aww- you're slimy!" puna ni Kara.

Pinuntahan ko sina Trev na naghihintay sa'min. I told them na susunod nalang kami.

"You're bringing Kara with you?" tanong ni Seht.

Tatanungin ko na sana si Kara kaso enjoy na enjoy siya kasama si Cetus.

"Well.. it looks like it." sinagot ni Seht ang sarili niyang tanong nang makita rin ang dalawa.

Sinundan ko ng tingin ang dalawang sasakyan na unti-unting naglalaho.

Umikot ako at nakita si Kara na nakaupo sa isang carpet na nagawa niyang ipatong kay Cetus.

I let out a laugh.

A daughter of Athena at its finest.

I sighed. Sino nga bang mag-aakala na isang sea monster pala ang maghahatid sa'min papauwi sa Academy?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro