Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Affected

Cesia's POV

Nagising ako dahil may humahaplos sa buhok ko. Pero hindi ko na kailangang tignan kung sino yun. Amoy palang nalaman ko na kaagad.

Napangiti ako.

"Anong ginagawa mo dito?" binuksan ko ang aking mga mata.

Nakita ko ang isang plastic bag na nakapatong sa tabi ko.

Sinubukan kong bumangon pero nahirapan ako. Buti nalang at tinulungan nga niya akong makaupo sa kama.

Aish.

Di ko inaasahang ganito pala pag nanghina ang katawan ko. Akala ko magiging okay na ako pagkatapos ng ilang oras.

Sumimangot ako.

Kailan kaya babalik sa dati ang kondisyon ko?

"I'm sorry for waking you up." napuno ng pag-aalala ang boses niya.

"Okay lang." umiling ako at napangiti.

Naalala ko ang sinabi ni Kara kay Galatea kanina lang kaya bumagsak ang mga mata ko sa plastic bag.

"Ambrosia?" hula ko.

Nasagot ang tanong ko nang kumuha siya ng dalawang vials ng ambrosia mula dito.

"Sa'n mo nakuha yan?" curious kong tanong.

Hindi ko alam kung saan galing yan basta ang alam ko, mahirap hanapin ang ambrosia sa panahon ngayon.

Binuksan niya ang ambrosia at inabot ito sa'kin. Tinignan ko lang siya at tinanggap ito.

"Ba't ang dami nito?" pangilang tanong ko na pero wala pa rin akong natatamong sagot mula sa kanya.

Nagbuntong-hininga ako.

"I'm sorry." pumikit siya saglit. "Your eyes kind of distracted me." binigyan niya ako ng malungkot na ngiti.

Ah.. kailangan na talaga naming masanay sa bagong kulay ng mga mata ko.

Tumango ako habang nakangiti na parang bata. Wala lang. Naalala ko na naman kasi ang sinabi ni Kara. Mas pinili niyang maghanap ng ambrosia kesa pumunta sa meeting nila.

Ngunit nawala ang ngiti sa mukha ko nang may mapansing kakaiba sa kanya.

"Trev..."

Ang hina ng heartbeats niya ah.

"Trev." umayos ako ng upo. "okay ka lang ba?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na namumutla siya.

"T-teka-" Ano bang nangyayari sa kanya.

Nagsimula na akong kinabahan.

Hindi naman siya mainit pero nanlalamig ang buong katawan niya.

Kaya ba ang marami ang ambrosia na dinala niya... kasi masama rin yung pakiramdam niya?

Tinignan niya ako saglit bago tuluyang mawalan ng malay at bumagsak sa higaan.

"T-trev?" lumapit ako sa kanya.

"Trev!" Mahina kong sinampal ang pisngi niya.

Ang hina pa rin ng heartbeats niya!

Umm.. ano ba.. ano bang gagawin ko.

Eh hindi ko naman siya kayang dalhin sa clinic mag-isa katulad ng ginawa niya sa'kin diba?

Ginulo ko ang buhok ko.

Suddenly, naramdaman ko ang isang vial na gumulong sa kamay ko.

"Ambrosia.." nanginginig ang mga kamay ko nang kunin ko ito. "A-ambrosia.." dali-dali kong binuksan ang vial at itinapat sa bibig niya.

Hindi ako mapakali.

Ibinuhos ko na LAHAT ng ambrosia na laman ng vial.

Mayamaya, gumalaw ang lalamunan niya.. which means.. which means.. nalunok niya ang ambrosia.

Okay. Okay. Kalma ka lang Cesia.

PAANO BA KUMALMA?!

Lumipas ang isang minuto at di pa rin siya gumagalaw.

Oh Gods.

Tatayo na sana ako para tawagin si Doc kaso bigla niya akong hinawakan ang braso ko.

"Did I scare you?" nanghihina niyang tanong.

Nagbuga ako ng hangin. Akala ko talaga hindi na siya magigising. Handa pa naman akong gamitin ang ability ko para tumawag ng tulong.

"Agh-" napapikit siya dahil sa sakit pagkatapos ay umupo.

"Alam mo. Gusto kitang saktan ngayon na." naiinis kong sabi sa kanya.

SCARED?! DID HE SCARE ME?!

EH KULANG NALANG LUMIPAD ANG KALULUWA KO AT HATAKIN SI APOLLO MULA SA LANGIT PARA TULUNGAN NIYA AKONG MAGISING KA.

Huminga ako ng malalim.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong.

Alam kong once in a lifetime lang nanghihina ang leader ng Alphas. Siguro malaki ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Matagal siyang nakasagot.

Halatang nag-hehesitate kung sasabihin ba niya sa'kin o hindi. Pero wala naman talaga siyang choice dahil anak ako ni Aphrodite.

Makukuha at makukuha ko rin ang katotohanan mula sa tao.

"It's Nyx." sagot niya. "She has weakened the ability of darkness... only those of Hades' and his descendant possess..."

Nyx... kasali nga siya sa mga rebels.

Saka ko narinig ang pagbukas ng pinto.

Pumasok si Galatea at napasigaw nang makita si Trev.

"I SHOULDN'T HAVE LEFT YOU CESIA!"

Padabog siyang pumunta sa'min. "GET OUT OF HERE YOU PERVERT-" tinakpan ko ang bibig niya.

"Shh Galatea. Binigyan niya lang ako ng ambrosia. Tignan mo oh. Okay na ako." ibinaba ko siya tabi ko.

"Why the hell is he lying on your bed?" galit niyang itinuro si Trev.

"Sumama kasi yung pakiramdam niya kaya ayan.." kinuha ko ang plastic bag na may lamang ambrosia at isinantabi ito.

Sumingkit ang mga mata ni Galatea. "Right. Nakalimutan ko. Isa ka rin palang descendant ni Hades. Ang dami kasing isinugod sa clinic na mga demigods kanina dahil bigla silang nahimatay."

Nagtinginan kami ni Trev pagkatapos marinig ang sinabi niya.

"A-ano namang sinabi ni Doc?" usisa ko.

Umusog ako ng konti.

"Well. Alam na ni Trev 'to but for you Cesia, I will tell you..." nagsquat siya. "The rebels have made their first move. They have taken the empire of Hades. We don't know where the God is.. siguro nakatakas siya or something... but nonetheless, the rebels took over the entire realm."

Napasinghap ako.

Nakuha na nila ang Underworld...

"Kilala mo si Nyx diba? Nyx, their great mother, is also the goddess of the night. She IS the personification of the night which means she can frickin' control dark or nightly abilities. Kaya hindi lang ang mga descendants ni Hades ang naapektuhan. Kasali na rin diyan ang mga huntres... and many many more! YOU GET ME?!" dagdag niya.

Pumasok sa isipan ko si Cal... Anak siya ni Hades.. at hindi pa rin siya bumabalik hanggang ngayon.

Tumayo si Galatea at inayos ang damit niya. "Welp. My time is over. Nanghingi lang ako ng 5-minute break para i-check ka. Kailangan kong bumalik sa meeting. Natunton na kasi ng mga huntres at amazons ang mga giants."

Tumalon siya pababa ng kama. "I'm watching the both of you huh. You better not do anything rated SPG." pagbabanta niya.

Di nagtagal at lumabas na nga si Galatea sa dorm.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Makulimlim pa rin ang kalangitan. Hindi lumalabas ang araw.

Wala pa ring pagbabago.

Lumalala lang ang nangyayari sa'min.

"So the third prophecy is true afterall." narinig kong sabi niya.

Pumikit si Trev na tila malalim ang iniisip. "It will be those demigods that will end the war. The Gods will have to depend on them."

Kaya ba madaling nakuha ang kaharian ni Hades... dahil nakasulat sa tadhana na tanging ang mga itinakdang demigods lang ang makakatalo sa rebel deties...

"The Gods will have to depend on us." iminulat ni Trev ang mga mata niya.

Bumalik ang kaba sa dibdib ko.

Nagsimula na naman akong magpanic. "Pero paano kung... matatalo nila tayo? Trev. Isang beses lang magaganap ang digmaan na'to. Either mabibigo tayo o-"

"You still don't get it do you?"

Kumunot ang noo ko. "Ang alin?"

"It is destiny we are talking about. We can't change what we will go through but we can only control what will come out of it. If we choose to let them win, then we will lose. But if we try to win then we will win. There's no stopping us. It is now or never."

Nagtaka ako. Destiny? at galing pa talaga sa kanya?

"Umm.. akala ko ba hindi ka naniniwala sa tadhana?"

Last time I checked, natanong ko sa kanya kung naniniwala ba siya sa destiny na yan at sinabi niya sa'kin hindi. Bago pa nga ako sa academy sa panahon na 'yun eh.

Tumahimik siya sa loob ng ilang segundo...

"I didn't... until I met someone who made me believe it."

(A/N: Happy Valentines Day everyone! xx.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro