/3/ It's Hard to Say No
Don't you think
it's not fair to think
for others first?
When will you
prioritize your own
feelings?
/3/ It's Hard to Say No
[LOUELLA'S POV]
"CONGRATULATIONS, you passed the semester, Ms. Starling," bati ng professor ko sa'kin matapos nitong ipakita ang record ng grades ko sa laptop niya.
"Thank you po, Ma'am." Hindi naman mandatory pumasok ngayong araw dahil nakapag-finals naman na kami last week pa. But since I got nowhere else to go,ayoko rin namang magkulong sa condo buong araw kaya pinili ko na lang pumasok kahit wala na akong gagawin.
"No. You did this, tiga-compute lang ako ng output n'yo. So, you don't really need to thank me. Good job." Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am kahit na may pagka-istrikta ang pagkakasabi niya.
How I wish most people around us recognized our efforts, sana maraming nakakapagsabi sa'tin na deserve natin 'yung mga pinagpaguran natin.
Matipid na lang akong tumango at saka umalis ng faculty room. Marami-rami pa ring mga estudyante ang naghihintay sa labas para malaman kung bagsak ba sila o hindi, most of them panigurado'y nanalig sa remedial.
"Uy, si Lou." Nagbulungan sila nang makita ako. Ang iba'y napangiti, 'yung iba'y dedma, may umirap, at may kumuha rin ng stolen picture ko.
Nginitian ko na lang sila kahit na hindi naman talaga ako obligado. I don't want them to think that I'm a snob bitch. Naranasan ko na kasing makatanggap ng tweet noon na sinabihang suplada raw ako dahil hindi ako ngumingiti kapag naglalakad sa campus.
I quickly walked away, avoiding their curious gazes. They're probably wondering if I passed o isa sa mga estudyanteng nanganganib bumagsak.
Nang makalayo ako sa area na 'yon ay tumingin ako sa relos ko. Wala pang lunchtime, masyado pang maaga para pumunta ng mall at kumain.
Bigla akong napatingin sa isang arko 'di kalayuan. Easton University Museum.
Kusa akong dinala ng mga paa ko roon. I never went inside that museum before, huling kita ko kasi doon ay ginagawa palang ito at hindi pa open sa mga students.
Bukas 'yung pintuan at walang nagbabantay sa may reception, nagsulat na lang ako sa log book sa may entrance bago pumasok.
Bumungad sa'kin ang tahimik at malawak na silid. I'm the only visitor at the moment and I don't mind it. I never considered myself a true introvert, but right now, this place is like a haven to me. It's so quiet, my steps are echoing inside the vast hall.
I mindlessly walked around, punom-puno ito ng mga inventions ng mga STEM students at siyempre hindi mawawala ang paintings and sculptures ng mga artist Falconians. Ipinakita rin ng museum ang history ng university at napakarami nitong achievements in academia.
Suddenly, I stopped walking when I saw something enchanting. Sa dami ng nakadisplay dito'y iisa lang ang namumukod tangi kong napansin. It's a large painting.
Dahan-dahan akong naglakad sa kinaroroonan ng painting at mabuti't napigilan ko 'yung sarili ko na hawakan 'yon.
It's a purple-bluish mystical bird with full spread wings. The eyes of the creature is shining, para 'yong nakatitig sa'kin at hindi ko lang sigurado kung guniguni ko lang ba na nakikita ko ang repleksyon ko sa mga mata nito.
The painting made me enchanted, para akong nahulog sa mahika nito. Mas lumapit pa ako at saka nakita ang title ng painting: ALPAS.
"Alpas... It means... Break free," basa ko sa nakasulat. I slowly repeated those words. "Alpas... Break free..."
Now I know kung bakit kakaiba ang epekto nito sa'kin. Tila gumana ang imahinasyon ko at parang nakita ko sa aking isip na lumipad palabas ng painting ang ibon, lumipad-lipad ito sa silid at sinundan ko 'yon ng tingin.
Kusang tumaas ang mga kamay ko para subuking abutin kahit man lang ang buntot nito pero hindi ko iyon magawang maabot.
Sa isang iglap ay nagbalik ako sa realidad, I glanced at the painting and saw it's still there, the creature's still gazing at me intensely.
Muli kong tiningnan 'yung tag at wala na akong nakitang ibang description doon maliban sa kung sino ang maestro. By R. Diwani.
The name sounds familiar and I immediately remembered someone. Mabilis akong lumabas ng museum at dali-dali akong dinala ng mga paa ko sa second floor ng College of Arts.
Namalayan ko na lang na nasa harapan ako ng classroom niya at saktong nakita ko siya roon. Kumatok ako sa pinto at kaagad kong nakuha ang atensyon niya.
"Come in," she said while looking strict as usual.
Natigilan ako saglit pagpasok ko sa loob ng classroom, sa harapan ay may magkalayong estudyanteng nagte-take ng exam, remedial panigurado.
He immediately saw me, his stoic expression didn't change, and I quickly remembered his cruel words: You're fake, Louella Starling.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin. But I heard someone whistled. It's the person sitting near Lysander, it's Raven, an old classmate from grade school. Hindi ko na napansin si Raven dahil kaagad nakalapit sa'kin si Prof. Diwani.
"Ms. Starling, as far as I can remember, hindi kita estudyante ngayong semester. What brings you here?" Masungit is an understatement for Miss Rose Diwani. She's just a no-shit-taker person, wala siyang panahon para mag-aksaya sa mga walang katuturan.
"Umm... I just came here because I'd like to ask about something," I tried to lower my voice.
"Oh my god, s-si Louella!" sabay pa kaming napatingin ni Prof. Diwani sa estudyanteng nasa may teacher's table. Para kasi itong muntik nang mahulog sa lamesa. "H-hi, Lou!"
"Mr. Lawin, focus on checking those papers!" inis na sita ni Prof. Diwani.
"S-sorry po, Ma'am." He shyly smiled at me before continuing what he's doing. But he continued to steal glances. I've met him before that's why he looks familiar, Ellon Lawin, student assistant kasi siya sa Office of the Student Affairs.
Hinarap ako ni Prof. Diwani at humalikipkip, hindi pa rin bumababa ang kilay nito. There are rumors that she used to be bubbly and a buddy to students pero nagbago siya nang magkaroon ng insidente.
"I apologize for intruding—"
"You already are."
Napatikhim ako. "Umm... Gusto ko lang po itanong 'yung tungkol sa painting sa university museum."
Halos magsalubong 'yung kilay niya. "What do you mean? Painting?"
"The painting of the bird... The painting is called Alpas."
For a moment I saw a subtle change in her eyes as if she remembered something long ago. Muli ring nanumbalik ang katarayan sa itsura niya.
"What about it?" she asked, trying not to show something.
"Since you painted it po—"
"I'm not the one who painted it." She looked away for a moment. "My father painted it."
Napanganga lang ako nang bahagya. Hindi ko naman kasi sukat akalaing hindi siya ang gumawa noon.
"Why are you asking about that painting?" Now, there's a hint of inquisitive in her tone.
"I just found it... Enchanting... I'd like to know kung bakit po Alpas ang title nito. It intrigues me because it meant... break free."
"Oh. Obviously, the bird symbolizes freedom, ano pa ba?" Hindi ko maiwasang mapakunot nang kaunti, parang hindi kasi siya proud sa masterpiece na ginawa ng tatay niya. I wonder why...
"To be honest, Miss, I feel like there's more meaning about it." She looked at me but didn't say anything. "It feels... feels... it's unexplainable but it stirred something within me, I want to answers to a question I didn't even know yet." Napakamot tuloy ako nang kaunti.
"Ms. Starling, I'm afraid I can't help you with that. My father's long gone now, so..." blangkong sagot niya. Behind that mask, I can feel that she's already tired of it.
"Oh... I'm sorry po."
Umiling lang siya. Nang maramdaman kong wala na siyang sasabihin pa'y magalang akong nagpaalam.
Bumagsak na lang ang balikat ko nang mapagtantong panandalian lang pala 'yung mararamdaman ko kanina. It made me... alive.
But when I was about to exit the door she suddenly spoke.
"There's a book." Lumingon ako sa kanya, she's talking to me. "The title is 'The Search for Alpas', may nag-iisang copy nito sa university library. My father told me before that it was the book that inspired him to paint that bird."
I smiled at her. Parang ngayon na lang ulit ako ngumiti ng ganito kabukal sa kalooban. "Thank you so much, Miss!" She just nodded, muling tumaray ang itsura, she realized that I'm wasting her time.
Humarap siya kina Lysander at Raven. "Ten minutes. If you fail this exam, then better be ready to receive a singko."
Pagkalabas ko'y papunta na sana ako ng library pero biglang may sumalubong sa'kin.
"OMG, Lou! You're my idol! I'm your biggest fan! Pwede bang magpapicture!" Isang estudyanteng babae na nakasuot ng pink na one piece dress ang lumapit sa'kin.
Hindi ako nakatanggi at pinagbigyan naman siya, kinuhanan kami ng lalaking kasama niya. Napansin ko 'yung lanyard ng ID niya.
"My name is Wren, I'm from the Photography Club by the way, mabuti na lang nakita kita ngayon!" she looked bubbly base sa itsura niya. She's wearing a light makeup, iyong buhok naman niyang maikli'y naka-curly ang dulo at pinaresan pa ng ribbon hair band.
"Nice to meet you, Wren." I was about to go but she blocked my way.
She suddenly clasped her hands. "May favor sana ako, Lou!"
Wren asked for my time para sa isang mini photoshoot dito sa campus. Gusto niyang idagdag 'yung pictures ko sa portfolio niya. She showed me the sample of her shots at talaga namang hindi ko maikakaila na magaling siya.
I told her that I need to go somewhere pero nakiusap siya dahil ito raw 'yung perfect chance dahil walang katao-tao sa campus.
"Please, Lou, nag-uupload din kasi ako sa Tiktok ng videos and I'm sure kapag nakita nila na naging model ka baka pwedeng tumaas din 'yung followers ko." Napatakip siya ng bibig. "Hala! Sorry! I don't mean to sound like a user pero totoong idol kita, promise! I listened to all of your podcast episodes!"
Hindi ko kinakaya 'yung kataasan ng energy niya kaya sa huli'y pinagbigyan ko na lang ulit siya. Mas prefer ko nga 'yung sa una palang ay sinasabi na ng mga tao 'yung agenda nila, hindi 'yung akala mo talagang kinaibigan ka ng totoo pero may ibang habol lang pala sa'yo.
I was uncomfortable at first but it's really hard to say no. Dahil na naman sa takot ko sa kung anong sasabihin nila sa'kin?
Bahagyang nanikip 'yung dibdib ko nang maisip 'yon. While I'm giving my best smile to her camera, deep inside ay labag sa kalooban ko na nandito ako.
Kailangan mo lang magtiis, Lou. Like always, kailangan kong unahin ang iba.
Pero kailan ko naman kaya uunahin ang sarili ko?
*****
IT'S like the universe is testing my patience, kanina'y napasabak ako sa on the spot photoshoot, ngayon ay madidismaya na naman ako rito sa library.
"Umm... Please, pwedeng paki-check ulit," pakiusap ko sa estudyanteng assistant dito sa library.
"Sorry, Ms. Lou, may nanghiram na kasi no'ng librong hinahanap mo," sagot nito sa'kin at napakunot ako.
"May nanghiram? Pwede ko bang malaman kung kailan hiniram at kung sino?" Napatitig sa'kin ang lalaki, halatang pinag-iisipan kung pagbibigyan ba ako dahil alam namin parehas na bawal 'tong ginagawa ko.
"Please?" I gave him a sweet smile with pleading puppy eyes (I don't even know how I look right now).
Napabuntonghininga ang estudyante at sa huli'y wala itong nagawa kundi humarap ulit sa computer para i-check 'yung system kung sino ang nanghiram ng librong kailangan ko.
"Heto, nahanap ko na. Kanina lang hiniram," sabi nito sa'kin na mas lalo kong pinagtaka. Kanina lang hiniram? "Ang humiram... Si... Rachel Venice Arwani."
"No way... Si Raven?" Bulong ko sa sarili.
Tulala pa rin ako nang makalabas ako ng library habang winawari kung bakit hiniram ni Raven ang librong kailangan ko.
Then I suddenly remembered that she was there too awhile ago. Kasama nga pala siya ni Lysander na nag-eexam kanina. Narinig niya panigurado 'yung pinag-uusapan namin ni Prof. Diwani kanina.
"But... Why?" Maybe she just wants to piss me off. Raven and I are not exactly on good terms, iyon lang ang nakikita kong rason.
Siguro gusto niya na ako ang unang lumapit sa kanya. Hindi malabong iyon nga ang dahilan.
Napapikit ako saglit. Alright, I just need to go to her place to get the book. She knew how badly I need that book. Ugh.
Kinuha ko 'yung phone ko at kaagad na pinuntahan 'yung social media profile ni Raven, pipindutin ko na sana 'yung message button nang biglang may humampas sa likuran ko.
"Girl! Nandito ka pala! Kanina ka pa namin pini-PM!" It's Kiwi with the gang.
"K-kayo pala... Bakit?" Hindi ko napansin 'yung message notifications galing kanila dahil.
"Let's go sa Makati!"
"Anong gagawin natin do'n?" tanong ko.
"Parang 'di mo naman alam, eh 'di magpapakasaya." sagot ni Kyla.
Umangkla sa'kin si Prima at sa kabila naman si Kyla. Natangay na nila ako papuntang parking lot.
"Since tapos na ng first sem at academic break na, we'll celebrate!" masiglang sabi ni Dexter na nasa likuran namin. "Pupunta rin 'yung iba nating friends mamaya, balita ko manlilibre raw ang big time."
Umugong lalo ang excitement ng mga kasama ko habang ako naman ay wala sa sariling sumunod sa kanila. Sumakay sina Kiwi at Kyla sa kotse ko habang may sariling kotse naman sina Prima at Dexter.
It's really hard to say no... And even though I hate it. Wala akong ibang magawa kundi sumabay sa agos.
Hindi ko na nagawang ma-contact si Raven. Nawala na sa isip ko 'yung painting at libro na pakay ko. Kailangan ko lang muna silang unahin bago ko balikan 'yung kailangan ko.
That night I partied with those people... I let myself loose for a moment. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko kasama 'yung mga taong wala namang kamalay-malay sa kung anong pinagdadaanan ko.
We drank, we sang, we danced. The music was too loud for talking. We took lots of photos, videos—to show the world that we're having fun—that we're all freaking amazing, cool, and successful.
I'm having fun... Am I?
The booze gave us the temporary comfort that we're seeking. Live while you're young, it's an old saying. Is this what it looks like?
Sumulyap ako sa relos ko at nakitang mag-aalas dos na ng madaling araw. I want to go home but I don't think that I have the strength left. My whole body is becoming numb.
Tumingin ako sa paligid at hinanap 'yung mga kasama ko, they're nowhere to be found. Sa dilim at dami ng tao rito sa club, paano ko sila mahahanap?
Biglang may tumabi sa'king lalaki, inakbayan ako nito at pinatong ang isang kamay sa hita ko. He said something but I'm too dizzy to understand it. Tumingin ako sa kanya at pilit na inalala kung sino nga ulit siya, he was introduced to me earlier by the gang—he's one of 'us'.
I gasped when he suddenly leaned closer to kiss me. Mabilis akong nakaiwas pero masyado akong nanghihina para itulak siya palayo. I tried to get away from him but his arm around me is stronger.
"S-stop... L-let me go."
"Isa lang, Lou... Come on." Naramdaman ko 'yung hininga niya sa leeg ko. "Shit... Ang bango mo... Mas maganda ka talaga sa personal..."
"L-let me—"
"Tangina!" biglang may humila sa kanya at hinampas siya sa mesa sa harap. The guy was knocked out at napatingin ako sa lalaking nakatayo, he's wearing a hoodie and mask.
Bigla ako nitong hinila at mabilis na nadala sa labas ng club. Sa parking lot huminto kaming dalawa nang bigla akong maduwal. Damn... I hate this.
Lumapit siya ulit sa'kin at nang mag-angat ako ng tingin ay saka niya binaba ang takip sa mukha.
What is Lysander Vireo doing here?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro