/19/ Rise Above Hate
Have courage
to break the cycle
of hatred
with compassion,
and forgiveness.
Rise above
the negativities
because love
is the real
power.
/19/ Rise Above Hate
[LOUELLA]
MAYBE it's all meant to happen from the beginning. Sabi nga nila wala namang coincidence na nangyayari sa mundo, it's all according to a bigger plan. That includes all the pain and sorrow parts of our lives to contribute to something meaningful.
We live in an age where everybody's trying to conceal any weaknesses and inadequacies of their lives. We all created our own social images to keep up in this world, to somehow show others that we're better than everybody else.
But what if... everything we thought we had was taken away in a snap. Where does this put us? Anong saysay ng buhay natin sa mundo? I unconsciously longed for the answers to these questions. Who am I without all the bling and glitz?
The answer I found was disheartening . . . I am nothing. In reality, maybe I am just a nobody.
And everyone is scared of that truth, that's why they strive to be relevant every day, they speak and speak of everything they thought is the only truth. If you can't accept it, for them, then you're just shameful.
I was scared of that too. That's why I chose to conceal my thoughts of the rampant wickedness of their hearts. I, too, tried to be relevant for the sake of keeping up, for fitting in this messed-up society.
Apart from the impending illness, the reason why I wanted to find Alpas was also to find the courage to be true. At least to myself.
And when it happened, when you decided to be you—they will ostracize you. Including the people you cared for in the community, that somehow you thought of as friends. Iyon pala, wala pala talaga akong naging kaibigan sa kanila. It's all for the show, for the image, for the freaking fame.
It sucks.
Naghuhumiyaw ang puso mo sa sakit pero walang gustong may makinig at umintindi.
I've been alone for a long time until someone told me he loves me—always been.
"Y-you. . . "
Hindi pa rin niya 'ko pinakakawalan mula sa pagkakayakap niya, lumuwag 'yon nang bahagya para mas makahinga ako nang maluwag.
"You might think it's crazy to fall in love with somehow you don't know," sabi niya. "Palagi kitang pinakikinggan, ni hindi ko alam pa noon kung anong itsura mo sa personal, but with only your voice I already felt the light you want to share. I heard you, Lou. I heard your heart." Hindi niya pa rin ako binitawan.
Napapikit ako saglit para alalahanin 'yung bawat sandaling nagre-record ako ng episodes, maraming mga pagkakataon na nawawalan din ako ng gana pero inisip ko noon na para na lang 'yon sa mga tao na baka kailangan ang boses ko.
"You gave me so much hope, Lou." Dahan-dahan siyang lumayo sa'kin at nagsalubong ang tingin naming dalawa. "I will protect you."
"I want to protect you too."
Hinawakan niya 'yung mga kamay ko bago lumapit para idikit ang noo niya sa akin. We both closed our eyes and shared a brief silence.
"I'm not going to let them take away the light in your heart," he said before moving away. Nang dumilat ako'y nakita ko siyang dinampot sa table 'yung phone ko at pinatay 'yon.
"What now?" I asked.
He looked at me and gave me a bright smile as if every problem in this world faded away.
"Fuck them," sabi niya at inakbayan ako. "Let's go somewhere."
"Saan tayo pupunta?" Napangiti na rin ako.
"I don't know, saan mo gusto? Let's pretend we're normal for a day."
"Normal?" maang ko. "Ibig sabihin hindi tayo normal?"
Natawa kami parehas.
"Yes, because we're freaking outcasts."
So, Lysander and I decided to go out. We both know it, that it could be like waging war to our oppressors. Pero noong mga sandaling 'yon, wala na kaming pakialam parehas kung anong mangyayari kung hindi kami tumupad sa napagkasunduan.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng unit ko. We decided to go to a nearby park para roon kumain. Parehas kaming nakasuot ng sunglasses, face mask, at baseball cap, habang may tig-isang bagpack na dala na naglalaman ng lunch na dinala ni Lee.
Sa kabutihang palad, wala gaanong tao sa park nang pumunta kami sa bahaging may lilim at malamig. Payapa kaming kumakain ng lunch nang biglang may sumagi sa isip ko.
"Nag-announce pala ako about sa livestream," halos pabulong kong sabi.
"Hmm?" si Lee.
Tumingin ako sa kanya. "I just wonder—"
"Don't think about them," putol niya sa'kin. "Just focus right here at the moment."
Natahimik kami parehas nang mapagtanto ko 'yung sinabi niya. Marahil parehas naming nasa isip kung ano na ba ang iniisip ng ibang tao ngayon tungkol sa'min. What's the fuss? And then we didn't show up.
Hinawakan ako ni Lysander sa kamay at marahan na pinisil 'yon.
"It's probably noisy out there," sabi niya at tumango lang ako. Bumuntong hininga siya't saka kinuha 'yung phone niya. "Imagine, our whole lives being dictated by this tiny device." Napangisi kami parehas.
Walang ano-ano'y bigla niyang binato 'yung phone niya sa 'di kalayuang fish pond. Halos mapatalon ako sa gulat.
"Bakit mo hinagis?!"
Ngumiti siya. "It's just a phone." Halos mapanganga lang ako nang sabihin niya 'yon. Akma niyang kukuhain 'yung phone ko pero mabilis ko 'yong nakuha.
"Sira ka ba?" saway ko sa kanya.
Tumigil din naman siya sa pangungulit. Then we stayed for a while just to observe our surroundings. Kapansin-pansin na lahat ng mga tao ay abala sa kani-kanilang mga phone na hawak. Nakuha ko na kung anong punto ni Lee kung bakit niya tinapon ang kanya. That tiny device is indeed controlling our lives, our thoughts, our emotions.
Pagkatapos naming tumambay sa park ay nagpasya kaming mamasyal sa mall. We know the risks but we didn't mind it. Kumbaga, bahala na. Ano pa bang maibabato sa amin ng mga tao kung matagal na nilang ginagawa? Ano pa nga ba ang saysay ng pagpapaliwanag kung may mga kanya-kanya na silang hatol sa buhay mo. Might as well to spend a normal day with peace, without minding all the negativity.
Naglibot-libot lang kami sa mga stores kahit wala naman kaming balak bumili. Nagpunta rin kami ng arcade para maglaro kung saan halos maubos 'yung oras namin. Noon ko lang nalaman na parehas pala kaming mahilig ni Lee sa ganito. We also went to cinemas for the sake of like the usual couples would do. Pero ang ending, parehas lang kaming natulog sa loob ng sinehan dahil sa sleep deprivation.
Paglabas namin ng sinehan ay madilim na ang paligid at sarado na halos lahat ng mga stores, gano'n lang kabilis lumipas ang oras. Nagpaalam ako saglit kay Lee na pumunta muna ng CR.
Ako lang naman ang tao sa loob kaya tinanggal ko 'yung mask ko at nilugay ko 'yung buhok ko para makapagsuklay. Akma palang akong maghihilamos nang biglang bumukas 'yung isang cubicle at saktong nagkatinginan kami ng babaeng lumabas mula roon. Kaagad din naman siyang naglakad palabas pero bigla siyang tumigil.
I thought she doesn't know me but she suddenly turned around to face me while holding her phone. My instinct suddenly kicked in, should I run? I know she's recording me.
"Bakit ka ganyan?" biglang sabi ng babae sa akin na sa palagay ko'y mas bata sa akin. "You're so disappointing." There's a deep disgust in her voice, as if I murdered somebody.
Akala ko aalis na siya pero nakuha ko kung ano ang gusto niya. She wants me to react and to show it the world that she cornered Louella Starling.
"They're all laughing at you, alam mo ba 'yon? 'Yong mga sikat mong friends halos isuka ka na dahil nakakahiya ka," dagdag pa ng babae nang hindi ako nagsalita. "Nakakadiri ka as in big EWW."
Pakiramdam ko noong mga sandaling 'yon, nakatagpo ako ng literal na tao na nag-eemulate ng buong mukha ng sosyedad. It's like the universe is telling me that I can't escape this, I should know all of this—kung anong sinasabi nila sa'kin.
"Imagine, after telling us what should we do in our lives? Your optimism is so annoying, wala kang karapatang diktahan ang buhay namin sa mga pinagsasasabi mo sa podcast mo. Akala ko pa naman matalino kang tao pero hindi namin alam na ganyan ka kalala?"
Tila nag-eecho sa CR 'yung mga salitang binibitawan ng babaeng hindi ko naman kilala, na kung tutuusin ay walang ambag at walang kaalam-alam sa buhay at buong pagkatao ko. Pero bakit ganito siya makapagsalita?
"What did I do wrong?" kusang lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko. I thought my whole body already froze but I still managed to ask her that question. Ano nga bang kasalanan ko?
She scoffed. As if I told something obnoxious.
"Why don't you ask yourself? And don't lecture me about morality, itong mga pinagsasasabi ko sa'yo? At least ako totoo, ito ako, hindi ako plastic. Hindi katulad mo na nasa loob ang kulo. Enabler. Ipokrita. You got what you deserve. Mabuti nga sa'yo."
Ah, ang totoong dahilan kung bakit niya 'ko kinukuhanan ng video, dalawa lang: gusto niyang maprovoke ako at saktan siya para sa huli baliktarin ang narrative o 'di kaya'y gusto niyang makita na umiyak ako at mapaluhod sa sobrang kahihiyan.
I thought she's finished in humiliating me but she still added, "Kaya kung ako sa'yo, wala na 'kong mukhang ipapakita. Huwag ka nang bumalik, teh. You should be ashamed to yourself!"
"Why are you so hateful?"
Nagkatitigan kami nang bigla kong sabihin 'yon. Tumingin ako ng diretso sa camera ng phone niya para ulitin ang sinabi ko.
"Why are so hateful? Your heart . . . Why? Why is it full of hate?"
She pursed her lips, thinking about how to answer my unexpected question. "Excuse me? I'm just stating all the facts."
"Is that all you know?"
Nagulat kami parehas nang biglang may bumukas na pinto ng isa pang cubicle at lumabas mula roon ang isang janitress na may hawak na mop.
"Magsasarado na kami hindi pa ba kayo aalis?" masungit na sabi nito sa'min.
"Hindi pa 'ko—" umalma pa ang babaeng kaharap ko pero biglang nagmop 'yung janitress sa direksyon niya kaya wala itong nagawa kundi lumabas ng CR.
Napagtanto kong nakatulala lang pala 'ko nang biglang lumapit sa'kin ang janitress. Nasa mid-thirties siguro ang edad nito.
"Kung ako ikaw, baka nasampal ko na 'yung babaeng 'yon sa una palang," sabi nito sa'kin at pagkatapos ay nagmop ulit ng sahig.
Humarap ulit ako sa salamin para ayusin ulit 'yung sarili ko. Nakita ko sa reflection nito na huminto ulit 'yung janitress sa ginagawa niya at nakatingin sa'kin.
"Alam mo minsan kailangan ding pumalag ka sa mga gano'ng klase ng tao. Hahayaan mo lang ba na apak-apakan ka ng gano'n? Bakit 'di ka lumaban?"
Siguro kung ibang tao lang ako ay malamang sinabihan ko na siya na, ano bang pakialam mo?
Lumingon ako sa babae at nakitang nakakunot ang noo niya. Sa paningin ng iba maaaring nagmukha akong duwag katulad ng nasa isip niya
"Paano naman ako lalaban sa gano'n?" tanong ko. Actually, parang hindi tanong ang pagkakasabi ko.
"Gumawa ka ba ng krimen? Pumatay ka ba ng tao? Nagnakaw o nang-scam ka ba?" sunod-sunod akong umiling sa mga tanong niya. "Kung gano'n, hija, wala kang kasalanan. At 'yong gano'ng klase ng tao na makapanghusga akala mo sila nagluwal sa'yo, dapat sa mga gano'n inuupakan."
Napangiti ako nang bahagya. "Hindi naman din natin alam kung bakit sila gano'n umasta, baka may pinagdadaanan din sila sa buhay nila."
"At tama ba na ikaw ang mapagbuntunan? Hanep, ah, ikaw na nga harap-harapang winalangya, ikaw pa mag-aadjust? Pambihirang mundo 'to." Iiling-iling siyang nagpatuloy sa paglilinis. "Kung hindi ka papalag, iisipin ng iba na totoo nga ang pinararatang nila sa'yo."
Iisipin ng iba... Bakit ba pinahahalagahan natin palagi kung anong iisipin ng iba?
This conversation is familiar that's why I suddenly remembered Lysander's words when I asked him how did he handle this kind of situation.
"At first it's normal to be defensive. Gusto mo silang sagutin lahat para ipagtanggol 'yung sarili mo. Then soon you will realize it's nonsense, dahil kahit ano pang sabihin mo'y may nabuo na silang conclusion tungkol sa'yo. They just want to savor the feeling of being powerful over you that's why you need to learn not to react because it feeds their wretched souls."
"So, you did nothing?"
"Nothing. I let them say what they want. Because, Lou, the reality is we can't control people and their thoughts. How we react to them is our only salvation."
"But... isn't that being a coward? Not confronting them? By not fighting them?"
"Louella, not all battles are required to be fought. Sometimes, you can win by not engaging."
He's right.
But the woman in front of me has a point also.
Hindi na ako kumibo pa at lumabas na ako ng CR. Kaagad akong sinalubong ni Lee.
"Are you alright?" napansin niya agad na hindi maganda ang pakiramdam ko. "What took you so long?"
"Masakit lang 'yung tiyan ko," pagdadahilan ko. "Let's go."
Inihatid ako ni Lee sa condo unit ko pero hindi ko na napigilan 'yung sarili ko.
"Hey, Lou, come on, tell me what happened," tanong niya nang kaagad mapansin ang namuong luha sa mga mata ko.
I covered my face using my two hands and just cried it all out. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ako. Hindi ko pala kayang kimkimin 'yung sakit.
Lee quickly wrapped his arms around me. I buried my face in his shoulders and cried shit.
Hindi siya nagsalita, hinagod niya lang 'yung likuran ko hanggang sa unti-unting gumaan ulit 'yung dibdib ko. Sometimes, all we need is a good shitty cry.
"I can't leave you like this," sabi niya saka hinawi ang buhok sa mukha ko.
"Parang gusto kong uminom ng beer," sabi ko bigla saka pilit na ngumiti.
Lee quickly bought some at saka pumunta kami sa rooftop ng building. Parehas kaming hindi pa inaantok dahil sa tulog namin kanina sa sinehan. Kinuwento ko kay Lee 'yung nangyari and he agreed to the janitress lady, the woman I encountered was mean.
And the fact na mas marami pang katulad ang babaeng 'yon out there, mostly sa social media with hidden faces and names? At maaaring mas may matindi pa sa kanya? Parang nakakapanglumong mabuhay sa mundo kung puno ito ng mga gano'ng klase ng tao.
"Remember what I told you before?" tanong ni Lee at tumango ako. "Yeah. They're all shitty, pathetic, and pitiful. So, I think the janitress was kinda right, that woman deserves to be slapped." Natawa kami parehas habang nakatanaw sa malawak na siyudad.
"You told me before that to choose our battles wisely, and also we can win by not engaging. Ibig sabihin, hindi mo pa rin sinusubukang labanan sila?" tanong ko.
Sumulyap siya sa'kin saka tumanaw ulit sa malayo. Marahang humahampas ang malamig na hangin sa'min kaya umusod kami palapit sa isa't isa.
Umiling siya. "That's what I learned from my family, I guess. I wanted to fight, actually—through you." He looked at me again. "Remember? When I first approached you?"
"I see," sagot ko. Tumingala ako para tingnan ang mga kumikinang na tala sa langit. "Sa totoo lang, alam ko kung anong sagot sa ganito. Sa dami ng mga nabasa kong libro para makatulong sa problema ng ibang tao. Paanong hindi ko matulungan ang sarili ko, hindi ba?"
"Paano nga ba, Ms. Louella Starling?" he said while pretending to have a phone in his hand as if a caller. "How do we rise above hate?"
Out of nowhere, there's an answer popped inside my head.
"When we found ourselves victims of others' bitterness and negativity, there's always a choice how to respond. First, be like them, we can also hate the world. Or... we can do the opposite. When they throw you hate, you need to throw a lot of love, not for them—but for yourself. And then you'll find yourself rising and rising because of that love. Pagkatapos marerealize mo na capable ka pala ng gano'ng klase ng pag-ibig, na kapag umapaw na sa'yo ay malaya mong maibibigay sa iba. At the same time, you let it all go, and then you can finally forgive them to for your own good. I think that's how we break the cycle of hatred."
Lysander just smiled and mouthed 'wow'. Hindi ko alam kung sarcastic ba 'yon pati 'yung palakpak niya.
"Bakit? Hindi ka agree?" tanong ko.
"I just found it amusing because I suddenly remembered something from my childhood. My grandmother was religious and what you said reminded me of her favorite verse."
"Ano 'yon?"
"Love your enemies, bless those who curse you. Do good to those who hate you." We looked into each other's eyes and at that moment I knew, I found peace with him. "I don't remember when was the last time I believed in God, but I think it's best to leave the rest to Him."
And that's how we broke free...
...when we realized that we're not alone. That somewhere up in the vast universe, is a grand figure who got our battles for us.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro