/12/ The Test of Courage
It's a reality
that not all
the time
we can
be brave.
Shit happens
and we get
afraid.
/12/ The Test of Courage
[LOUELLA]
WE honestly didn't know what to say after Ellon told us what he saw.
"Uusad na ba tayo?" basag ni Benjo sa katahimikan nang muli itong bumalik. Nandito pa rin kasi kami sa camping site.
Tumayo si Lysander at siya ang humarap kay Benjo. I heard him saying we need to give more time for Ellon because we want to make sure that he's fine before we move forward.
"I-I think I saw something unordinary," Ellon told us. "H-hindi ko sigurado kung nagha-hallucinate lang ba 'ko dahil m-may makita 'kong malaking ibon... T-tapos may narinig akong boses, pinapaalis na tayo rito. D-delikado pang magtagal dito."
We're all dumbfounded when he said that. Mas lalo lang 'yon dumagdag sa mga tanong sa isip namin. Pero hindi naming magawang usigin si Ellon dahil kitang-kita sa kanya ang pangamba. Bukod do'n ay wala na siyang ibang detalye na sinabi sa'min.
After that, Raven and Lee suddenly confessed that they might had hallucinations too, but it's different from Ellon's. Naalala nila bigla na bago sila magkamalay ulit ay may narinig silang kakaibang huni.
"I'm sorry, guys." Sabay-sabay kaming napatingin kay Ellon. "I'm sorry kung naging selfish ako. K-kung hindi ako pumunta ro'n mag-isa..."
Napabuntong-hininga si Raven. "Bakit mo nga ba ginawa 'yon in the first place? Ni hindi ka man lang ba natakot, ha?"
"I'm sorry," sabi ulit ni Ellon saka nagtama ang paningin namin. "I-I'm too ashamed to tell you all."
"Let me see your wound again," sabi ni Lysander na tumabi kay Ellon. Mabuti na lang ay may baon kaming medicine kit kaya nabigyan ng first aid si Ellon. Muling tumayo si Lysander at humarap sa'min. "I don't know what this means."
"Maybe forfeited 'yung ginawa ni Ellon dahil hindi niya tayo kasama?" hula ni Raven.
"I-I'm sorry." Muling napayuko si Ellon.
"So, what are we going to do now?" tanong ni Lysander saka bumaling sa'kin. "Louella," he called my name. "Its' your call." Nakatingin sila sa'kin ngayon ni Raven.
Oo nga pala, ako ang may pasimuno ng lahat ng 'to kaya ako dapat ang magdesisyon. Pinakiramdaman ko sila. Lysander's obviously relying on my decision, he's sticking with our deal. Si Raven naman ay alam kong nakadepende kay Lysander ang desisyon. At si Ellon... He doesn't look really well.
Sa totoo lang ay mas nangingibabaw 'yung kunsensya ko sa nangyari kay Ellon kaysa sa mga hallucinations na binanggit nila. Kahit na mas lalo 'yong nagpapatunay na baka nga somewhere near out there... It's real... Alpas is real...
Sa kabila ng maraming ebidensya, katulad ng dalawang himalang nangyari at isang talimuwang babala na huwag na kaming magpatuloy, may kung anong kumurot sa'kin sa nakitang takot sa mga mata ni Ellon.
"Lou?" I snapped from my thoughts when Raven called me.
Napapikit ako saglit saka bumuntong-hininga. Dumilat ako at nakitang nakaabang sila sa kung anong sasabihin ko.
"Let's just go back. Ellon's injured, kailangan natin siyang dalhin sa ospital."
"L-Lou," biglang tumayo si Ellon, "I-I'm sorry again, p-pero baka pwede pa nating ulitin 'yung ritual sa third falls? I-I'll tell everything—"
"No. You don't have to tell anything, Ellon," putol ko sa kanya. "You don't need to force yourself to do it. I'm sorry... Ako dapat ang humingi ng tawad dahil dinamay kita rito... Wala akong alam sa pinagdadaanan mo. It's too much to ask you to do those things."
Gusto ko ring sabihin sa kanya na naiintindihan ko kung bakit niya ginawa 'yon, kung bakit siya tumakas. He's scared. And I should have known better because I know what it feels like to be afraid and you got no choice but to keep it to yourself.
"Lou—"
"I'm sorry, Ellon." Hinawakan ko siya sa balikat saka tumingin sa kanila. "I'm sorry, guys. Naging selfish ako masyado. Mas mabuti pa sigurong bumaba na tayo."
Ilang segundong namayani ang katahimikan bago bumuntong-hininga si Lysander.
"Alright. If that's your decision," Lysander said and Raven didn't object.
"What if trick test lang 'yon?" napakunot kami nang sabihin 'yon ni Benjo.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Paano kung pagsubok lang 'yong nangyari kay Ellon? Paano kung sinusukat lang ng Alpas 'yung katapangan n'yo?" Nagkatinginan lang kami at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "I mean, hindi ba't katapangan ang sukatan kung magpapakita ba ang Alpas? Kung sa nangyari palang ay natatakot na kayo, kung gano'n ay hindi kayo pumasa. You're not worth it."
"Hey—" Inunahan ko si Raven.
"Benjo, nasaktan si Ellon... At isa pa, hindi natin siya pwedeng pilitin na gawin 'yung ritual dahil hindi siya handa na sabihin ang totoo," protesta ko. "Let's respect his privacy."
"Wow, Lou, sana noong una palang sinabi mo na 'yan," kontra ni Raven pero tinapik siya ni Lysander. "What? I mean, kung hindi naman pala natin tatapusin 'to, anong point ng pagbubuwis buhay nating pagtalon?"
"Raven, please... Ellon's hurt. Hindi rin niya ine-expect na hindi mangyayari sa kanya 'yung nangyaring himala sa inyo ni Lysander," sabi ko at mukhang napaisip naman siya. Muli akong humarap kay Benjo. "Okay, I admit, I'm scared now. And maybe after all I'm not worth it of seeing the Alpas."
"Don't say that," sabi bigla ni Lysander. "We already went this far and it's just that we're kind of disappointed na hanggang dito na lang tayo. Maybe, Benjo's right."
"Guys, can you please consider Ellon's feelings?"
"Kami? Hindi mo ba kino-consider ang feelings namin?" sabat ni Raven. "For dragging us here?"
Napapikit ako. Damn...
"Lou," tawag ni Ellon sa'kin at tumingin ako sa kanya. "Alam ko na mahalaga sa'yo ang quest na 'to. Hindi mo man sabihin pero nararamdaman ko na may mabigat kang dahilan kung bakit ginusto mong makarating dito para mahanap ang Alpas. Kaya dapat din akong humingi ng tawad dahil naduwag ako—"
"No—"
"Sorry, Raven, Lysander. Pero ayoko ring masayang lahat ng pinagpaguran natin ng dahil lang sa'kin."
"But you're hurt," sabi ko.
"Okay, guys, may naisip akong idea," bigla ulit sumabat si Benjo. "Sinabi ko na sa inyo na traverse 'yung dadaanan natin at may good news ako sa inyo. Kung pababa rin lang tayo, madadaanan pa rin natin 'yung fourth hidden falls."
"You're saying that we should finish this, right?" si Raven.
Tumango si Benjo.
"Pero palagay ko walang bisa 'yung ginawa kong solo ritual sa third falls," sabi ni Ellon. "Alam ko na! Benjo! You should take my place!"
Pumalatak si Benjo. "Sasabihin ko palang 'yan, kaibigan. Mabilisan lang, pagkatapos diretso na agad tayp sa pang-apat at voila!"
"Gaano katagal 'yon?" tanong ni Lysander.
"Mabilis naman ang pacing n'yo, at kung hindi kayo mag-i-stop over at aakyat sa pinaka-summit, kaya ng two hours, nakababa na rin tayo no'n," Benjo sounded very optimistic kaya medyo nawala 'yung tensyon kanina.
"What do you think, Lou?" Lysander asked.
Nakatingin sila sa'kin at hinihintay ang sagot ko. Are we just going to ignore the warning? Benjo might be right, baka pagsubok lang 'yon para masukat ang katapangan at katapanan namin sa paglalakbay na 'to.
Tumingin ako kay Ellon. "Can you endure it for two hours?" Sunod-sunod itong tumango. "Are you sure you'll be okay?"
"Magiging okay ako, Lou... Para sa'yo, kakayanin ko 'to—tatapusin natin 'to."
And so, we continued our quest again. Mas mabilis kaming umusad, marahil ay mas nakaipon kami ng energy sa haba ng naging pahinga namin kanina o sadyang pare-parehas kaming determinado na matapos kung anong sinimulan namin.
Bawat hakbang ay walang pag-aalinlangan. Walang kumikibo, walang lumilingon, patuloy lang sa paghakbang nang tuloy-tuloy. Kinikimkim ang bawat paghabol ng hininga, hindi alintana ang anumang walang kasiguraduhang naghihintay sa amin sa dulo ng paglalakbay na 'to.
Wala pang isang oras nang marating namin ang ikatlong talon. Huminto kaming pare-parehas na habol ang hininga habang tirik na tirik ang araw. No one bothered to ask if we want to eat lunch, we just want to finish this and continue as fast as possible.
Habang nagbibigay ng instruction si Lysander kay Benjo kung ano ang dapat niyang gawin ay narinig kong nagsalita si Ellon sa likuran ko.
"Wow, kabisado talaga ni Benjo 'yong pasikot-sikot dito." Lumingon ako sa kanya at nakita kong hawak niya ang isang lukot-lukot na papel.
"Is that a map?" tanong ko at tumango siya.
"Kinuha ko sa kanya ng walang paalam. Ni hindi man lang niya napansing nawala sa kanya," sabi nito.
"Dito talaga siguro siya lumaki," sabi ni Raven na nasa gilid lang namin. "Pero napansin ko lang 'yung pagsasalita niya."
"Ano?" tanong ko.
"Tag-lish."
"Napansin mo talaga 'yon?"
"Duh. Kapansin-pansin naman. Feeling ko nga sa Maynila siya nag-aaral."
Napatingin tuloy ako kay Benjo. Saka ko lang naisip na tama nga si Raven. Hindi sa panghuhusga pero kung iisiping maputi ang kutis ni Benjo ay hindi siya mukhang tiga-rito. Kung ano man ang sasabihin niya maya-maya, mukhang masasagot ang mga tanong namin.
Lumusong na si Benjo papunta sa dulo. Nakatingin lang kami sa kanya at hinihintay ang kanyang sasabihin. Sumulyap ako kay Ellon at nakita ang bahagya niyang pagyuko, marahil ay naalala ang ginawa niya kanina.
Tinapik ko siya sa likuran kaya ngumiti siya sa'kin.
"Umm... Kailangan kong mag-confess, hindi ba?" napatingin kami ulit kay Benjo, hawak-hawak niya sa kanang kamay 'yung maliit na kutsilyo.
Huminga nang malalim si Benjo. "Ako nga pala ulit si—"
"Jomir!" nagulat kami nang sumulpot mula sa kakahuyan ang isang pagewang-gewang na lalaki. "Bakit ngayon ka lang dumating? Nagpa-inom si pinuno! Ang dami naming napatumbang berdugs kagabi! Silent ambush! Krrk!" Lasing pala ito base sa hawak nitong bote ng alak.
Pare-parehas kaming natigalgal sa lalaking palapit sa direksyon namin. Napatingin kami kay Benjo na nanatiling tuod sa kinaroroonan nito saka nagsalita.
"Lucas—"
"Aba, ito ba ang mga bagong recruit mo? Wow, may dalawa kang chics na nabingwit!" Napaatras kami nang marinig 'yon habang humarang sa'min sina Lysander at Ellon. "Patingin nga ng mga chics, umm... baka type 'yan ni commander."
In a blink of an eye, when the man raised his hands, Lysander quickly took him down. Mas lalo kaming napaatras ni Raven sa komosyong nangyari. Nasa ibabaw si Lysander habang mahigpit na hawak ang braso nito at ang isang kama'y niyang nakadiin sa leeg ng lalaki.
My hands trembled when I saw why Lysander did it, on the man's waist there's a gun holster.
"Shit!" may tinuro si Raven at nakita kong tinuro niya ang likuran ng lalaki, may logo ang suot nitong t-shirt. Noong una'y hindi ko alam kung ano 'yon pero kaagad ko ring natandaan na minsan ko nang nakita ang logo na 'yon sa TV.
The man is part of an insurgent group. Benjo's one of them?
Lysander shouted at us and my body just became numb when I felt something cold at the back of my head. I heard the click of the gun and when Benjo spoke, I felt shivers down my spine.
"Huwag kayong gagalaw kung ayaw n'yong masaktan. Pakiusap—"
"Lou! Raven! Tumakbo na kayo!" It was Ellon who tackled Benjo. Now they're both struggling on the ground.
"Lou!" Hinigit ako ni Raven pero bago pa kami makatakbo ay parehas kaming natigilan nang marinig namin ang malakas na paputok ng baril.
"E-Ellon!" Tuluyang nanghina ang mga binti ko nang makita siyang nakahandusay, naliligo sa sarili niyang dugo dahil sa tama sa kanyang dibdib.
Before Benjo could get up, Raven kicked him hard. But Benjo managed to get up faster and strangled Raven from behind.
Napatingin ako kay Lysander, nakabangon ang lalaki at ngayon ay nagsasagupaan ang dalawa. Muli akong tumingin kina Raven at nakitang lumalaban pa rin siya.
Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko'y natulala lang ako. Parang umiikot ang paningin ko't gusto kong maduwal sa nakitang namumulang tubig dahil sa dugo.
Do something! My mind is screaming but my body literally froze. Raven was clearly overpowered and she lost her consciousness when Benjo got to punch her gut. Lysander is now kneeling while his hands are up.
"Tangina naman, Lucas!" sigaw 'yon ni Benjo. "Wala 'to sa plano!"
Tumawa ang lalaking lasing na may hawak ng baril at nakatutok 'yon kay Lysander. "Sorry, wrong timing. May pagkain pa sa HQ, pakainin mo muna ang mga bisita. Patay na ba 'yang isa? Teka, huwag mong sabihing 'yang natumba 'yong apo ni Vireo?"
Tumalikod si Benjo at napasigaw sa galit. Nanghihinang napaupo ako habang nakatitig kay Ellon at Raven na nakahandusay.
"B-Bakit? B-Bakit mo 'to nagawa?" iyon lang ang nagawa kong sabihin sabay nang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. "E-Ellon... R-Raven..."
Tinapunan lang ako nang malamig na tingin ni Benjo. Sabay kinuha ang isang maliit na itim radyo sa loob ng bag niya. Narinig kong nagtawag siya ng iba pang mga kasamahan nila.
Ilang sandali pa'y dumating ang apat na lalake at isang babae na may suot na mga bandana. Hindi nalalayo ang edad nila sa'min base sa itsura nila. What terrified me more is the fact that they're all armed and have their own rifles. It means it's real...
They're all rebels and our lives are in their hands.
"May approval na ba ni pinuno na dalhin sila sa HQ?" tanong ni Benjo sa mga kasama niya. Namalayan ko na lang na may mga gapos ang kamay namin ni Lysander at nakatutok ang mga armas nila sa'min.
"Yes. Commander was thrilled to know that they're looking for Alpas," sabi ng isa. "He's looking forward to meeting them. Especially, the grandson of his old friend." Bigla nitong sinuntok sa sikmura si Lysander.
At saka sila nagtawanan.
Please... Sana panaginip na lang lahat ng 'to.
Was it the Alpas told us to not continue? Kung gano'n, tama ang aparisyon na nakita ni Ellon.
Or maybe... all of this... is the real test of courage?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro