/11/ What He Saw
Sometimes,
keeping secrets
are not for
ourselves but
to protect others
from the
painful reality,
we don't want them
to see
/11/ What He Saw
[LOUELLA]
ELLON is missing.
Nagising na lang kaming kaninang madaling araw, una naming nadatnang gising si Lysander at sinabing umalis si Ellon. We waited for one-hour pero hindi pa rin siya bumabalik, kinutuban na kami ng hindi maganda.
Akala rin namin ay baka bumalik na siyang mag-isa sa baryo pero iniwan niya 'yung bag niya, tanging naiwan lang ang wallet niya. We tried to contact his phone but to no avail, walang signal dito sa bundok.
We began to worry when two hours had passed. Sinabi ni Benjo na baka nasa malapit lang si Ellon at baka na-trap lang ito somewhere o naaksidente kaya mas lalo kaming nabahala.
Ginalugad namin ang kagubatan kahit madilim. Tinawag namin ang pangalan ni Ellon sa pagbabaka sakaling marinig niya kami.
Huminto ako saglit at napaupo. Naririnig ko 'yung boses ng mga kasama ko 'di kalayuan na walang humpay ang pagtawag sa pangalan ni Ellon.
God, please... I hope nothing bad happened to him. Tumingala ako sa kalangitang puno ng bituin. Pinahid ko 'yung luha sa gilid ng mga mata ko. We'll find him, he'll be fine.
Parang noong nagdaang gabi lang ay nakikipagbiruan si Ellon sa amin habang kumakain kami ng dinner. Ellon was enthusiastic as always, since we began this quest, I never heard him complain and even saw him frown. Kaya sobra-sobra 'kong nag-aalala ngayon.
Last night, tinulungan niya pa nga si Benjo na gumawa ng apoy at mag-set up ng tents. Excited din niyang pinakita sa'min na marunong na siyang magsaing gamit 'yung kawayan. Without him, this trip will be very dull. He's talkative and even joked in awkward moments.
Naalala ko pa nga na tumikhim siya noon at sinabing, "Guys, hindi ba ito na 'yung part na... Parang sa movies... 'Yung heart to heart talk... Kasi friends na tayong lahat?" Walang kumibo sa kanya. "Benjo, dapat pala nagdala tayo ng gitara, 'tapos jamming, ano?"
Raven rolled her eyes. "Ang daldal mo, pwedeng kumain ka na lang?"
"Ang sungit talaga nito. I'm just trying to start a conversation, mapapanisan ako ng laway sa inyong mga introverts."
"Excuse me? Don't even try to bring that up," sagot sa kanya ni Raven.
"Umm... Actually, I took the MBTI test and I found out that I'm fifty-four percent extrovert," sabi ko at napahanga si Ellon.
"Wow, almost ambivert ka pala, Lou!" puri niya. "Pero maiba lang ako. Raven, alam mo, kapag nalaman ni Macky 'yong totoo mong background, na anak mayaman ka pala, naku, baka pakasalan ka na agad no'n."
"Shut your mouth, Ellon."
"Why? Did your ex-boyfriend dumped you?" tanong ko no'n kay Raven.
"Oo! Ubod kasi nang buraot niyang ni Raven!" tumawa pa no'n si Ellon at binato lang siya ni Raven ng maliit na bato. "Aw! Huwag kang manakit! Parang 'di n'yo lang kababati ni Lou, ah!"
"Really?" biglang sumabat si Lysander. "You two are okay now?"
Walang umimik sa'min ni Raven. Naalala ko kasi bigla 'yung sinabi niya. Sumulyap ako noon kay Lysander at napagtanto na gusto siya ni Raven. Though at first, I didn't understand why... I mean... There's clearly nothing going on between me and him.
"Alam n'yo, guys, ever since na napunta tayo rito, wala pa tayong group picture kahit isa! This is a good timing for a groupie," basag ni Ellon sa katahimikan at nilabas ang cellphone.
"Seriously? Ngayong madilim talaga?" angal ni Raven.
"Don't worry, maganda pa rin quality ng camera ko kahit madilim." Tinawag noon ni Ellon si Benjo para kuhanan kami ng picture. Kumislap ang flash ng camera at pagkatapos ay nakita kong nakangiti si Ellon habang tinitingnan ang cellphone niya. "This is going to make me famous, kasama ko lang naman sa iisang picture si Louella Starling, Lysander Vireo, at Raven Arwani."
"Ellon, subukan mo lang ipagkalat ang secret ko."
"Ita-tag pa kita, Raven."
"Surely, you'll be canceled," sabi naman ni Lysander. "They'll call you an enabler."
"Kung sisikat ako, why not?" biro ulit ni Ellon.
Ellon kept joking that night until we went to sleep. And now, he's still missing and we're frantically finding him in this vast forest.
Muli kaming bumalik sa camping site at pare-parehas kaming bigo na mahanap si Ellon. I heard Raven's s sigh.
"Geez, he must be hiding something."
"What?" Lysander asked her.
"I don't know. It's just a gut feeling. Bakit siya magtatago? Baka ayaw niyang gawin 'yung ritual thingy?"
Ellon... is he hiding something?
*****
[ELLON]
SKELETON in the closet? Yeah. I do have one.
I mean, lahat naman tayo, hindi ba?
At least, I didn't murder anyone. But my secret's too embarrassing for them to know, lalo na kay Louella...
I started liking her ever since I saw her face reveal video na nag-viral lang naman during those time. She's really pretty... Gustong-gusto ko 'yong mga mata niyang nangungusap at parang tumatagos sa'yo kapag tumingin siya.
Alam ko na mababaw ang dahilan ng pagkakagusto ko sa kanya, na dahil lang sikat siya at maganda... Pero nang makausap ko siya ng personal, at kahit hindi pa kami matagal magkakilala ay magaan 'yung kalooban ko sa kanya.
Honestly, hindi rin ako sigurado kung totoo ba 'yung Alpas na hinahanap niya. Kinuha ko lang 'yung chance na 'to para makasama siya. I admire her passion.
But behind her smile I know she's also hiding something to the world. Minsan nasusulyapan ko siya't saka ko nakita ang lungkot sa mga mata niya na pilit niyang kinukubli sa mundo. Sumama ako rito para damayan siya kahit na hindi ko naman ine-expect na makikita niya ako... na magugustuhan niya ako.
Sapat na 'yon para sa'kin. 'Yong tanawin siya kahit na ilang dangkal na lang ang layo namin.
Akala ko kaya kong pigilan ang sarili ko pero natural lang pala talaga sa'tin ang maging ganid. I wanted to be someone special to her but... but it's not possible.
I'm too shameful.
Hindi ko kayang ipaalam sa kanya kung anong klaseng tao ba talaga ako.
Kanina ko pa naririnig ang pag-alingawngaw ng mga boses nila sa paligid. Inuusig ako ng kunsensya ko sa ginawa kong pagtakas pero diretso lang akong naglakad palayo sa kanila.
No, I'm not leaving them behind. Actually... Uunahan ko lang silang pumunta sa third hidden falls.
Nagawa kong ma-distract si Benjo at nakuha ko nang palihim 'yung sketch ng mapa na dala niya. It's a basic sketch of the four hidden falls. Hindi naman ako nahirapang sundan 'yon dahil lumaki rin ako sa probinsya at noong kabataan ko'y mahilig din kaming mag-explore sa mga gubat.
Habang papalayo ako'y unti-unting naglaho ang tinig nilang tumatawag sa pangalan ko. Hindi ako tumigil at mas binilisan ko lang ang paglalakad ko.
I need to do this faster. I'll be back soon. Babalikan ko rin sila... I just need to do this alone.
Walang sinabi sina Louella at Lysander na required bang may audience kapag ginawa ang ritual, kaya heto ako, nagkukumahog papunta sa ikatlong tagong talon para gawin 'yon mag-isa. Sana lang ay huwag silang makutuban na roon ako papunta.
Mas binilisan ko lalo ang paglalakad nang marinig ko na ang malakas na pag-agos ng tubig. Hanggang sa tumambad sa'kin ang talon na kasing taas ng unang talon na napuntahan namin.
Dali-dali kong hinanap 'yung daan papunta sa itaas. Nang makarating ako roon ay hinabol ko muna ang hininga ko bago lumusong sa tubig.
Nilabas ko 'yung sarili kong pocket knife, saka ko pumikit saglit. Okay, Ellon... Bilisan mo lang, 'tapos babalik ka rin. For sure, they're sickly worried.
Dumilat ako at saka inilawan ang paligid, sinisigurong walang ibang tao rito kundi ako lang. Tumingala ako at nakita ang buwan. Ilang sandali na lang ay sisikat na naman ang araw.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita, "Patawad... Patawad kung iniwan ko kayo, guys. Ayoko lang marinig n'yo 'yung totoo... Hindi lang ako handa na aminin sa inyo... Lalo na sa'yo Louella," sabi ko sa hangin kahit wala naman talaga akong kasama rito. "Sorry, Raven, kung inasar kita kagabi tungkol sa pagtatago mo ng katauhan mo. Ang totoo niyan... Mas malala pa ang kinikimkim kong lihim mula sa inyo, na kahit ang kaibigan kong si Macky hindi alam. Pero hindi ako anak-mayaman o anak ng politiko o ng sindikato. Galing ako sa mahirap na pamilya sa malayong probinsya.
"Dahil nakitaan ako magulang ko ng kaunting katalinuhan, at dahil nagawa kong magkaroon ng scholarship sa Maynila—akala nila ako na ang mag-aahon sa pamilya namin mula sa kahirapan. Yup. Typical breadwinner responsibility. Pero nang mag-aral ako sa Maynila, saka ko lang unti-unting narealize na hindi pala gano'n kadali ang lahat. Narealize ko na kahit makapagtapos ako at magkaroon ng regular na trabaho, hindi ko pa rin ma-i-aahon ang pamilya ko.
"Of course, I still want to make them proud... Not by succeeding academically... But by giving them a lot of money. So, I work hard. I took multiple part-time jobs para makapagpadala 'ko sa kanila ng pera. But it's not enough... Natanggal ako sa scholarship program kaya dumating ako sa punto na... Kailangan kong gawin 'yung mga bagay na makapagbibigay sa'kin ng malaking pera sa mabilis na paraan.
"I started to sell myself online. It was very easy and convenient for me to earn big amount of money. In just a few seconds of taking pictures and videos, dahil do'n nagawa kong matustusan 'yung tuition ko kada sem. Nakakapagpadala rin ako ng mas malaking pera sa pamilya ko na ikinatuwa nila. Akala nila successful na ako pero hindi nila alam..."
Biglang nanghina ang dalawang tuhod ko kaya napaluhod ako. Nakita ko 'yung sarili ko sa tubig.
Kung tatanungin ako kung pinagsisihan ko ba lahat ng mga ginawa ko? Alam kong hindi ang isasagot ko. I did those things just to survive.
Am I proud of myself? Hindi ako tatakas sa kanila kung oo. The fact that I'm too shameful to face them to tell this truth... I never knew this is going to be so damn painful. Keeping all of this by myself is slowly killing me.
To finally end this agony, like what Raven and Lysander did, I cut my hand using the knife. Napangiwi ako sa sakit at kaagad kong kinuyom 'yung palad ko.
Ngayon kailangan ko nang tumalon. Nanginginig akong tumayo at naglakad papunta sa dulo ng talon.
Pero bago pa 'ko makabwelo ay nawalan ako ng balanse, diretso akong bumagsak hanggang sa humampas ang katawan ko sa tubig.
I tried to open my eyes and looked upward. May nakita akong ibang tao bago ako bumagsak sa tubig.
*****
[LOUELLA]
WE were packing our things when he suddenly showed up out of nowhere. Nabitawan namin pare-parehas 'yung mga gamit namin.
E-Ello came back! And he is soaked.
"Gago ka, Ellon! Saan ka nanggaling?!" sigaw bigla ni Raven. Dali-dali kaming lumapit sa kanya.
"Y-yung kamay mo!" Nakita namin 'yung kaliwanag kamay na may balot ng panyo, kitang-kita ang pagdurugo nito.
"I-I'm sorry kung pumunta ko sa pangatlong falls nang hindi nagpapaalam sa inyo," nakayukong sabi niya. Napansin kong nanginginig siya kaya mabilis kong kinuha 'yung blanket sa bag ko. Pero nang ibabalot ko na 'yon sa kanya'y umatras siya.
"Ellon?"
"You did the ritual alone," sabi ni Lysander. "Why did you do that? Are you out of your mind?!"
"I-I know... I'm sorry... I'm sorry," nakayuko pa rin niyang sabi. "G-ginawa ko 'yon dahil ayokong ipaalam sa inyo 'yung lihim ko."
Narinig kong napabuga ng hangin si Raven. "Bakit nagdudugo 'yang kamay mo?"
"H-hindi ko alam. W-walang himalang nangyari," sabi niya sabay angat ng tingin sa'min. Nagulat kami pare-parehas nang makita ang itsura niya. Bakit mukha siyang natatakot? "Umuwi na tayo, wala tayong mapapala rito." Tinanggal niya bigla 'yung pagkakatali ng panyo sa kamay niya at pinakita sa'min ang malalim na sugat sa palad niya. "Nakita n'yo 'to? Walang himalang nangyari sa'kin!"
"E-Ellon—"
"Lou!" Bigla niya 'kong hinawakan sa magkabilang-balikat. "Let's stop this quest, please? Umuwi na tayo!"
"What the hell, Ellon?! You're scaring her!" bigla siyang tinulak ni Raven. "Ano bang nangyayari sa'yo, dude?!"
Hingal na hingal si Ellon pero hindi siya makapagsalita. Biglang dumating si Benjo.
"Ellon! Saan ka nanggaling?! Hindi mo ba alam na mamatay-matay kami sa pag-aalala sa kakahanap sa'yo?" ani Benjo pero hindi tumingin si Ellon sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa pisngi. "Ellon, please... Tell us what happened."
"M-may nakita ako."
When Ellon met my eyes, I saw fear.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro