Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

45

Basang-basa na ako, maging si Cronus ay bumibigat na dahil sa ulan ngunit nanatili akong nakatitig sa kawalan habang patuloy na bumabagsak ang malalaking patak ng ulan sa 'king mukha.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid. Ang kanilang mukha ay mababakasan ng pagtataka dahil sa ginagawa ko. Sa tingin ko'y iniisip nilang nababaliw na ako.

Nababaliw na talaga siguro ako, malapit na. Konti na lang.

Muli akong tumingin sa paligid habang patuloy na bumabagsak ang malakas na ulan. Bumagsak ang dalawa kong balikat nang hindi ko siya makita kahit saan. Nanlalambot akong napaupo sa upuan habang nasa kandungan ko si Cronus.

"Babalikan ka ba raw niya?" para akong sirang kumakausap sa bagay na walang buhay. Nababaliw na nga ako.

"Burara talaga 'yang amo mo," muli kong bulong at sa pagkakataon na ito'y ramdam ko na ang lalong pagbigat sa 'king dibdib.

Sa kabila ng malamig na tubig na pumapatak sa 'king mukha ay naramdaman ko pa rin ang mainit na likidong dumadaloy sa'king pisnge.

Huminga ako nang malalim bago napatingin sa kaliwang gilid dahil biglang dumating ang mga batang naglalaro sa kalagitnaan ng malakas na ulan.

Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kanilang lahat. Halata ang kasiyahan sa kanilang mukha. Ang mga ngiti nila sa labi ay halatang hindi pinipilit at walang itinatago.

Ilang beses akong kumurap bago tiningnan si Cronus sa'king kandungan. Parehas na kaming basang-basa ni Cronus habang nanatiling nakaupo sa kinatatayuan ni San Agustin kanina.

Gusto kong maghintay dahil umaasa akong babalikan niya si Cronus. Alam kong hindi niya magagawang basta-basta na lang iwan si Cronus dito. Kilala ko siya, mapagpahalaga siya sa mga bagay-bagay.

"Kalahating oras na lang Cronus. Dapat magpakita siya sa'kin," mahina kong sabi kay Cronus kasabay nang aking sunod-sunod na pagbahing sa harapan niya.

"Sorry, nilalamig na 'ko. Ikaw ba?" wala sa sarili kong sabi sa kaniya pagkatapos bumahing. Mahina akong napatawa sa sarili habang hinahaplos ang ulo ni Cronus.

"Baliw ba 'ko? Kasi ang gulo ng isip at desisyon ko sa buhay?" pansin kong nanginginig na ang mga daliri kong marahang humahaplos kay Cronus kaya napatigil ako't saglit na hinipan ang kamay upang mainitan sa pamamagitan ng aking hininga.

***

Dalawampung minuto na lang ang natitira sa'kin dahil kailangan ko pang bumalik sa airport at magpalit ng damit. Sa bawat paglipas ng minuto'y mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Nasa tabi ko na si Cronus na tahimik lang akong sinasamahan sa bawat segundong lumilipas. Nanginginig na ang buo kong katawan habang tahimik na nakaupo at patuloy na naghihintay kay San Agustin.

Yakap-yakap ko ang aking sarili nang bigla kong maramdaman ng pagtigil nang pagpatak ng ulan sa akin. Bahagyang nagkasalubong ang kilay ko kasabay nang marahan kong pagtingala.

Nakita ko ang isang payong na kulay pula na pilit akong sinisilong mula sa ulan. Dalawang beses akong napakurap bago ko nagawang harapin ang taong humahawak sa payong.

Mabilis na bumagsak ang pag-asa na naramdaman ko nang bumungad sa'kin ang mukha ni Roy. Malungkot ang mata niyang nakatingin sa'kin habang hawak-hawak ang payong na dala.

Dinampot ko si Cronus bago ako tumayo upang harapin siya.

"Roy, ano'ng ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong, hindi alintana ang lamig na nararamdaman mula pa kanina.

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin kasabay nang paghugot niya nang malalim na buntong hininga.

"Zelle, aalis ka na ba talaga? Babalik ka ba?" imbis na sagutin ang tanong ko'y nagbalik din siya ng katanungan.

Napalunok ako habang magkasalubong ang kilay na nakaharap sa kaniya. Yakap-yakap ng kaliwa kong braso si Cronus na saglit tinapunan ng tingin ni Roy.

"Oo," tumango ako. "Sinabi ba sa'yo ni San Agustin? Nasaan siya ngayon?" puno nang pag-asa ngayon ang mata kong nakatingin kay Roy.

Wala ng natitirang oras, gusto ko siyang makita at makausap ulit. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kanina. Kailangan kong bawiin 'yon.

Umiling siya dahilan para bumagsak ang balikat ko.

Ilang beses siyang napalunok na tila ay nahihirapan sa sasabihin. Saglit pa siyang tumingla at huminga nang malalim.

"Zelle, naaksidente si Davido. Nasa ospital siya ngayon at binabalak ni Tita na dalhin siya sa Canada ngayon din mismo," mabigat ang bawat paghugot ng kaniyang hininga habang sinasabi iyon.

Para akong binagsakan ng malaking tipak ng bato sa narinig mula kay Roy. Napatulala ako't nabitawan si Cronus. Sunod-sunod na bumigat ang bawat paghinga ko habang tuloy-tuloy na tumulo ang mainit na likido mula sa'king mata.

Bumagsak ako dahil sa biglaang panlalambot ng aking tuhod. Nakatulala akong umiiyak habang pilit akong inaalalayan ni Roy patayo.

"Kumusta siya, R-Roy? A-ayos lang ba s-siya? H-Hindi naman g-grabe ang nangyare sa k-kaniya, h-hindi ba?" puno nang pagmamakaawa ang boses kong untag sa kaniya.

Patuloy ang paghugot ko nang malalim na paghinga habang pinipilit si Roy na hindi magawang sagutin ang katanungan ko. Nakatagilid lang ang ulo niya habang hawak-hawak ang kanan kong braso upang maalalayan ako.

Napasinok ako't hindi mapagilang humikbi. "Ayos lang naman s-siya, h-hindi dapat g-ganito ang pag-iyak ko k-kasi g-galos lang n-naman ang n-natamo niya, h-hindi ba?" muli kong sambit habang tuloy-tuloy na bumabagsak ang patak ng aking luha na tila ay sumasabay sa bawat patak ng ulan.

Nakita ko ang pagpikit ni Roy bago niya 'ko tiningnan sa mata.

"Walang malay at duguan na dinala si Davido sa ospital. Hindi ko pa alam ang lagay niya. Pinuntahan lang kita dahil nabanggit sa'kin ni Lilac ang pag-alis niyo ngayon. Iniisip ko lang, baka gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon?" mahina niyang saad sa'kin.

Napatigil ako sa paghikbi at ilang segundong napatitig kay Roy. Ang huli niyang sinabi ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon.

Makita sa huling pagkakataon?

Sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kaniya at ako na rin mismo ang tumayo gamit ang natitirang lakas. Muli kong pinulot si Cronus bago naunang naglakad kay Roy.

"Saang ospital?" wala sa sarili kong tanong habang hindi lumilingon sa kaniya.

"Dadalhin kita sa kaniya, Zelle pero magpalit ka muna ng damit," sagot niya kasabay nang paghila niya sa'kin mula sa braso.

Nagpatangay ako sa kung saan niya 'ko dadalhin habang punong-puno ng mga senaryo ang isip ko sa maaaring maabutan sa ospital.

***

Katulad ng sinabi ni Roy ay dinala niya 'ko sa ospital kung nasaan si San Agustin ngayon. Malakas ang bawat kabog ng dibdib ko habang binabaybay namin ang pasilyo papunta sa kuwarto niya.

Hindi ko rin maiwasang hindi humigpit ang pagkakahawak kay Cronus na hanggang ngayo'y basang-basa pa rin.

Ilang sandali pa'y tumigil na kami sa tapat ng isang pinto. Napatingin muna sa'kin si Roy bago niya binuksan ang pinto. Pagkatapos ay hinayaan niya 'kong mauna sa pagpasok.

Mabigat at halos hindi ko magawang ihakbang ang aking paa papasok sa loob ng kuwarto. Parang bigla'y ayaw ko nang malaman ang nangyare, pakiramdam ko'y hindi kakayanin ng puso ko ang makikita ngayon.

Pero hindi naman ako patatahimikim ng isipan ko kapag umatras ako dahil lang takot akong masaktan lalo sa katotohanan. Alam ko kung ano at hanggang saan ang halaga ni San Agustin sa'kin.

Mahalaga siya sa'kin. Mahalaga na hindi ko kayang mawala sa buhay ko. Iyon siya para sa'kin.

Napatakip ako sa'king bibig kasabay nang muling pagbagsak ng mga luha mula sa'king mata. Napako ang tingin ko sa taong nakahiga sa hospital bed. Marami ang mga tubo na nakakabit sa kaniyang katawang ngayon.

Bigla kong naalala ang masaya niyang mukha nang makita ako kanina, mula sa masaya niyang pagsalubong at pagyakap sa'kin kanina.

Ilang oras lang ba mula nang umalis ako? Bakit ganito kaagad ang nangyari? Bakit parang ang bilis? Ang sakit makita sa ganitong kalagayaan ang taong palaging nakangiti sa'kin. Parang dinudurog ang puso ko.

Nakalapit ako sa kaniya makalipas ang ilang segundo. Ang aking mukha ay basang-basa na ng luha. Pilit kong pinipigilan ang pagkawala ng hikbi habang inaabot ang kamay niya.

"Sorry. Sorry, m-mahal ko." yumuko ako upang halikan ang likod ng kaniyang kamay.

"Mahal na mahal kita. Binabawi ko na ang s-sinabi ko kanina. H-hindi k-ko pala kaya, babalik ako o hindi kaya ay h-hihintayin kita, hmm?"

Muli kong pinatakan ng halik ang kamay niya bago tumayo.

"Babalik a-ako..." pinakawalan ko ang kamay niya.

"Hihintayin k-kita, San Agustin."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro