44
Walang mababakas na emosyon sa aking mukha habang nakasakay sa sasakyan papunta sa airport. Hindi ko magawang ilabas kung anong gusto kong gawin dahil ayokong makita ako nina Lyka at Lianne sa ganoong estado.
Tahimik lang akong tumatanaw sa labas ng bintana habang blangko ang isipan. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong isipin o kung mayroon man ay nakakadulot lamang iyon ng bigat at sakit sa dibdib ko.
Malamlam ang tingin ko sa bawat gusali at sasakyang nakakasalubong at nalalampasan namin hanggang sa matanaw ko na ang airport. Napapikit ako at inalala ang nakangiti niyang mukha kanina noong nakita ako.
Wala sa sarili akong napangiti nang mapait habang pinapakiramdaman ang nangyayare sa paligid. Pakiramdam ko'y nasa akin lahat ng atensiyon nila ngunit mas pinipili lang nilang manahimik at hayaan ako.
Pagkamulat ko ng aking mata'y saktong pagtigil din ng sasakyan. Napatingin ako kay ate Heart na nagbukas na ng pinto at bumaba. Sumunod naman si Lyka na binuksan ang tapat na pinto at bumaba na rin. Inalalayan niya si Lianne habang ako ang huling bumaba mula sa sasakyan.
Inayos ko gamit ng aking daliri ang nagulong buhok nang sumalubong sa'kin ang malakas na hampas ng hangin pagkababa mula sa sasakyan. Napatingin ako sa paligid nang may kaunting pagkamangha sa nakikita.
Hanggang sa dumako ang tingin ko sa pamilyang nag-iiyakan sa kaliwang bahagi namin. Yakap-yakap ng lalaki ang kaniyang mga anak, malalakas ang bawat iyak ng bata sa braso niya habang ang kaniyang asawa ay nagpupunas ng luha sa pisnge.
Matipid akong napangiti sa nakita bago napunta ang aking atensiyon sa dalawang tao na magkayakap sa hindi kalayuan ng pamilyang nagyayakapan.
Kapwa lumuluha ngunit mababakas ang kasiyahan sa kanilang mata. Nakangiti ang lalaki habang ang babae'y nakasimangot.
Nawala lang ang atensiyon ko sa kanilang dalawa nang maramdaman ko ang maliit na kamay na pilit humahawak sa kaliwang kong kamay. Napatingin ako lay Lianne saka napatingin kina ate Heart at Lyka na malayo na pala ang distansiya mula sa'min. Mukhang hindi ko namalayan na naglakad na pala sila papasok sa airport.
Nakita ko ang pag-iling ni ate Heart nang may ngiti sa labi habang hinihintay kami ni Lianne.
"Wala ka pa rin sa sarili mo, Zelle. Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong kaagad niya nang makalapit kami.
Tumango ako at ngumiti. "Opo. Medyo naguguluhan lang," sagot ko.
"Isang oras at kalahati bago pa ang flight natin. Inagahan lang natin pumunta para masigurong hindi tayo mahuhuli. Kung may gusto pa kayong ipabili, sabihin niyo kaagad sa'kin. Okay?" sabi niya pa.
Muli akong tumango bilang tugon sa sinabi niya.
***
"Kung iisipin, mahirap makipagrelasyon kapag malayo kayo sa isa't isa. Bakit mo piniling maging kayo pa rin kahit walang kasigarudahan na babalik ka?"
Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ni Lianne nang marinig ko ang sinabi ng babae sa likuran namin. Kasalukuyan kaming naghihintay ngayon para sa flight.
Parang bigla ay naging interasado ako sa usapan nilang dalawa. Kanina ko pa sila naririnig na nag-uusap pero ngayon lang nila napukaw ang atensiyon ko.
"Wala mang kasiguraduhan na babalik ako, atleast hanggang sa makakaya ko ay ipinaglaban ko ang relasyon namin. Bahala na kung magwork ang pagiging LDR naming dalawa. Gano'n kasi ang mindset ko girl, saka why would I cut our string that binds us. Ayoko ko rin na pahirapan pa ang sarili ko sa ibang bansa dahil ayokong maging broken hearted ako habang pumapasok at namumuhay roon," sagot ng babae.
"Kadalasan sa LDR hindi nagwowork at nagtatagal. Magiging brokenhearted ka pa rin kapag nagkataon." wika naman ng kausap niya.
"Ang sabi ko nga, atleast ipinaglaban ko ang relatiomship namin at atleast naipakita kong mahalaga siya sa'kin until the end."
Lumipas na ang bente minutos matapos namin makarating dito sa airport at halos tatlong minuto na rin ang lumipas matapos tumatak sa isip ko ang sinabi nung babae kanina.
Napayuko ako sa mga daliri kong nakapataong sa kandungan ko at malalim na buntong hininga.
"Huli na ang lahat, nakipaghiwalay na ako," mahina kong saad sa sarili. Mas lalo kong iniyuko ang sarili habang sunod-sunod na bumuntong hininga.
Nagsisimula na namang gumulo ang isip ko. Nagsisisi na ba ako sa ginawa ko kanina? Na pakawalan siya at putulin ang tali na nagkokonekta sa'min?
Pinikit ko nang mariin ang mata kasabay nang pagsapo ko sa'king ulo.
"Lezelle, tapos na. Wala na. Wala ka ng babalikan." napailing-iling ako habang pinapaalala sa sarili ang nagawang pinagsisisihan ko ngayon.
Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na tubig na dumaloy mula sa'king mata pababa sa'king pisnge. Mabilis ko iyong pinunasan at saglit na tumingala para tumingin sa mga ilaw sa itaas.
"Balikan mo na habang may natitira pang oras," mabilis akong napalingon sa taong humawak sa balikat ko. Paglingon ko'y bumungad sa'kin si ate Heart na may tipid na ngiti sa kaniyang labi.
Nagkasalubong ang aking kilay habang nakatingin sa kaniya. Lumabas ang ngipin niya nang lumawak ang kaniyang ngiti kasabay nang paghila niya sa'kin patayo. Nagtataka akong napatitig sa kaniyang mata.
"Kung binabagabag ka ng iniisip mo, mas maiging solusyunan mo na kaagad 'yan bago tayo umalis ng Pilipinas," kalmado na tila ay nanghihikayat niyang sabi sa'kin.
"Wala na 'kong mababalikan. Wala na siya ro'n," napayuko ako. Ilang oras na ang lumipas kaya sigurado akong umalis na siya.
Isa pa ay, sigurado akong nagtataka at nagagalit siya sa'kin ngayon dahil umalis ako nang walang binibigay na dahilan sa kaniya. Sino ba namang tao ang makikipaghiwalay na hindi nagbibigay ng rason kung bakit?
Umiling-iling si ate Heart at hinawakan ang aking baba upang i-angat ang mukha ang nakayuko kong ulo.
"Binibigyan kita ng pagkakataon sa huling sandali, Zelle. Binigyan na kita kanina at ito na ang huli. Ayokong pagsisihan mo 'to sa bandang huli," nakangiti niyang turan.
Ang padalos-dalos kong desisyon ang naglagay sa'kin sa sitwasyong 'to. Na ngayon pa lang ay pinagsisihan ko na.
Isang makahalugang tingin ang ibinigay ko kay ate Heart bago tumango nang marahan.
"Paano kung wala na siya roon?" nanghihina kong tanong at muling yumuko.
"Paano kung nandoon?" balik tanong niya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at nakangiting tumango sa'kin.
"Bibigyan ulit kita ng isang oras, Zelle. Bumalik ka rito bago matapos ang isang buong oras, okay?" Tumango-tanong ako nang may tipid na ngiti sa labi.
"Maraming salamat ulit, ate Heart. Hindi ko na alam kung paano ko pa ibabalik lahat ng naitulong at itutulong mo sa'ming magkakapatid," madamdamin kong sabi saka ko siya marahang niyakap.
Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Pagkatapos ay marahan niya akong tinulak palayo sa kaniya.
Mula sa mabagal na paghakbang ay unti-unting bumilis ang paglalakad ko hanggang sa takbuhin ko na ang entrance at mabilis na tumawid ng kalsada.
May malapad na ngiti sa mukha ko habang nag-aabang ng masasakyan. Ilang segundo pa'y nakakuha rin ako at sinabi ang destinasyon ko.
Magkahalo ang emosyon kong nararamdaman ngayon. Tuwa, kaba, umaasa at nananalangin na sana ay maabutan ko siya roon. Na sana ay nandoon pa rin siya hanggang ngayon sa kabila ng nagawa at sinabi ko sa kaniya.
"Kuya, p'wede pong pakibilisan?" untag ko kay kuyang driver. Mabuti na lamang at mabait ang nasakyan kong taxi, nakahanp siya ng shortcut na daan para mapaikli ang oras namin aa gitna ng daan.
Ilang sandali lang ay narating na namin ang parke. Kaagad akong nag-abot bg bayad, magpasalamat at mabilis na bumaba ng taxi.
Hindi na 'ko nagdalawang isip pa't tumakbo na kaagad. Humihingal akong tumigil, at saglit na tumigil upang huminga nang malalim.
Ngunit parang bumagsak ang lahat ng pag-asa ko nang makita kong wala na siya sa kinauupuan niya kanina. Humakbang ako palapit sa upuan hanggang sa tumapat ako roon.
Kumunot ang noo ko habang hinihingal pa rin kasabay nang pagyuko at pagkuha ko sa bagay na naging mahalaga na sa akin.
"Iniwan ka niya rito?" wala sa sarili kong tanong kay Cronus. Nakita ko siyang nakaupo at mukhang inayos pa bago iniwanan.
Napalingon ako sa paligid, umaasang nandito lang siya at hindi pa umaalis. Bakit niya iiwan ang bagay na pagmamay-ari niya?
"Nasaan ang amo mo?"
Pinagpagan ko ang kaunting alikabok na dumikit kay Cronus at tipid na ngumiti. Pero agad din iyong nawala nang bigla na lamang bumagsak ang malakas na ulan.
Huli na ang lahat para tumakbo dahil nabasa na agad ako. Wala akong nagawa kun'di ang tumingin nalang kay Cronus at mapait na ngumiti sa sinapit.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro