Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na ba 'kong nakatitig sa blangkong papel sa 'king harapan. Kahit anong gawin kong pilit sa 'king sarili na huwag isipin ay paulit-ulit na bumabalik sa diwa ko ang naging usapan namin ni Mrs. San Agustin.

Mahina kong ipinilig ang ulo at saka pumikit nang mariin.

Dinadalaw na 'ko ng antok ngunit wala pa akong nasisimulan na dapat kong gawin. Tipid akong napailing sa sarili ko bago niligpit ang mga librong aking binuklat ngunit hindi ko naman nabasa.

Pagkaligpit ko ng mga gamit sa lamesa ay pumunta na 'ko sa malawak naming higaan. Malalim na ang tulog nina Lianne at Lyka tapos heto ako't gising na gising pa habang nakatitig sa kisame.

Malalim akong bumuntong hininga bago ipinikit ang mata. Pinilit ko ang sarili kong matulog ngunit hindi ko magawa kaya muli kong iminulat ang aking mata.

Ilang sandali akong tumitig sa puting kisame na blangko ang isip. Hanggang sa makatulugan ko na lang at hindi namalayan.

"Ate! Ate! Yuhoo! Gising na!" naalimpungatan ako sa pagyugyog ng kama at sa sigaw ni Lianne.

Nagmulat ako ng mata at kunot-noo siyang sinipat sa tabihan ko habang nakatayo siya sa higaan.

"Bakit ba Lianne?" tanong ko sa kaniya gamit ang mahinang boses.

Yumuko siya at tumabi sa'kin saka ko naramdaman ang mahigpit niyang pagyakap sa baywang ko.

"Ate, alas-otso na ng umaga at saka nasa baba si Kuya Dav," mahina niyang aniya dahilan para tanggalin ko ang kamay niyang nakapulupot sa'kin at napabangon.

"Kanina pa ba siya nand'yan?" tanong ko habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin.

"Hindi naman. Kadarating lang niya, ate. Magtootbrush ka muna tapos maghilamos bago ka bumaba," rinig kong suhestiyon niya bago bumungisngis.

Tipid akong napailing bago sinunod ang sinabi niya.

Kahit hindi pa ako tuluyang nakakababa ay natanaw ko na si San Agustin na masayang nakikipag-usap kay ate Heart at sa mga kapatid ko.

Awtomatiko akong napangiti habang pinagmamasdan ang maaliwalas niyang mukha habang nagsasalita. Si Lyka ang unang nakapansin sa'kin bago sabay-sabay na napatingin sina San Agustin sa direksyon ko.

Nakita ko ang paglawak nang ngiti at nang maliit niyang pagkaway sa akin. Natawa ako bago tuluyang nakalapit sa kaniya.

"Good morning," nakangiti niyang bati saka ako dinampian ng halik sa noo.

"Wala kang pasok?" tanong ko sa kaniya nang pakawalan niya ako.

Umiling siya bilang sagot bago kami napalingon sa sabay-sabay na pagtayo nina Lyka.

"Doon muna raw kami sa kusina. Tutulungan namin si Ate Heart sa paghahanda ng umagahan natin," hindi nakawala sa pandinig ko ang pang-aasar sa boses ni Lyka kaya't tipid akong napailing at mahinang natawa.

Pagkatapos niyang sabihin iyon at tuluyan na nila kaming iniwan sa sala.

Umupo ako sa tabi niya. "Buti pinapasok ka? Mukha pa namang hindi katiwa-tiwala ang itsura mo," mahina kong binunggo ang balikat niya kasabay nang mahina niyang pag-ismir sa akin.

"Ah talaga ba, Qalawacan?" naka-ingos niyang sambit.

Natawa ako habang nakatingin sa magkadaop naming kamay.

"Wala akong pasok bukas sa university at sa cafe. Gusto mo ba mag-date tayo maghapon?"

"May exam ako sa dalawang subject bukas, mare. Hayst, p'wede bang the next day 'yan? Hinding-hindi ko uurungan 'yang pagyayaya mo pero kailangan ko i-take yung exam mare," aniya at naramdam ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko.

Saglit akong natahimik bago tumango. Balak ko sanang yayain siyang makipag-date sa buong dalawang araw bago ko sundin ang dapat kong gawin.

Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Hindi ka ba magtatagal dito ngayon? May exam ka bukas, kailangan mo magreview," sabi ko na lamang.

"Iyon nga ang balak ko, mare. Binisita lang kita para sa pampagana mamaya," aniya saka kumindat at kinagat ang pang-ibabang labi.

Natatawa akong napailing at hinampas ang braso niya.

"Kakain na!" sigaw ni Lianne mula sa kusina.

---

Kinabukasan, inagahan kong magising para kausapin si Ate Heart dahil pinanindigan niya ang palaging pagluluto ng almusal para sa amin at gabi-gabi akong nagpapasalamat sa kaniya sa panalangin ko.

Naabutan ko siyang naghihiwa ng kamatis sa kusina habang suot-suot ang makulay na apron. Sa gilid ay mayroong maliit na bluetooth speaker na mahinang tumutugtog.

"Magandang umaga ate Heart," agaw ko sa pansin niya. Kaagad siyang napatingin at ngumiti.

"Good morning, Zelle. Ang aga mo yata, if I am not mistaken, wala kang klase today, 'di ba?" aniya kasabay ng pagbabalik niya sa paghihiwa ng mga kamatis.

Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa katapat niya.

"Wala nga po, pero sinadya ko po talagang gumising ng maaga dahil gusto kong makausap ka ate," sabi ko habang pinapanuod ang paghahalo niya ng itlog pagkatapos at sinalang na niya ang frying pan.

Saglit niya pa akong tinignan saka nilagyan ng kaunting mantika ang kawali.

"Nakapagdesisyon ka na?" tanong niya.

Tumango ako.

"Opo. May isang malaking sign na nagpakita sa akin kahapon na mas dapat kong gawin ang dapat na gawin bilang isang ate at taong gustong magtagumpay," wika ko.

Napabuntong hininga siya bago pinatay ang stove at lumapit sa akin. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko saka muling bumuntong hininga.

"Alam ko naman na mas pipiliin mo ang pag-ibig mo para sa mga kapatid mo. Naniniwala akong mas mangingibabaw ang pagiging ate mo kaysa sa pagiging babae na nagmamahal. Tratuhin mo na lang ito bilang isang pagsubok ninyong dalawa at sa future natin malalaman kung malalampasan niyo ba itong pagsubok na ito," saad niya.

Tipid akong tumango.

"Salamat ate, sa magandang pagkakataon na ibibigay niyo sa aming tatlo. Salamat po sa kabaitan at tulong niyo, sobra pong laking tulong niyo sa akin lalo na nung nawalan kami ng bahay. Kayo po ang hulog ng langit sa aming tatlo. Maraming-maraming salamat, Ate Heart," mahina kong sambit.

Natatawa niyang ginulo ang aking buhok. "Walang anuman, Zelle," aniya bago siya tuluyang bumalik sa kaniyang pagluluto.

Tinulungan ko siya sa pagluluto hanggang sa dumating na ang dalawa kong kapatid dahilan para umingay ang kusina. Sabay-sabay kaming kumain na may kasamang kwentuhan.

Pumasok sina Lyka at Lianne sa school pero ito na ang huling araw nila para pumasok dahil naasikaso na ni Ate Heart ang pagtatransfer nila, ang kailangan lang ay matapos nila ang ibinigay na activity ng mga guro para sa second grading nila.

Habang ako naman ay lilipat ngayong second semester.

Habang nag-aayos ng gamit sa kuwarto ay biglang pumasok sa isip ko ang maaliwalas na  mukha ni San Agustin. Wala sa sarili akong napangiti at napatigil sa pag-aayos.

Nang bumagsak ang hawak kong hanger ay saka lang ako natauhan at napailing.

Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang iiwanan ko siya nang walang paalam? Magagalit ba siya? Kamumuhian niya ba 'ko?

Napabuntong hininga ako.

Sino bang tao ang hindi magagalit kung aalis ka ng walang paalam?

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro