
23
"Nasaan ang motor mo?" tanong ko sa kaniya habang may ngiti sa labi. Nakasuot siya ng isang itim na tshirt at kulay blue na jersey short. May suot din itong sumbrero na pabaliktad.
"Nasa bahay. Naisip ko lang kasi na mas mabagal kapag bike ang sasakyan natin, mare. Mas matagal ang oras na magkakasama tayo," sagot niya sa'kin sabay kindat.
Mahina akong tumawa sa dahilan niya. Minsan ay hindi ko rin alam kung paano tumakbo ang isip nito. Minsan, nakakagulat pero kadalasa'y nakakakaasar.
Tinapik niya ang upuan na nasa likuran ng bisikleta. Humakbang all palapit doon at ang kanan kong kamay ay awtomatikong humawak sa balikat niya lara pangsuporta sa pag-upo. Pagkatapos ay bumitaw din ako para humawak sa magkabila niyang baywang.
"Ano ba 'yan, mare? Tamis-tamisan mo naman. Iyakap mo gano'n," reklamo niya. Siya na rin mismo ang nagpalibot ng braso ko sa buo niyang baywang.
Napairap ako nang tumama ang kaliwa kong pisnge sa likuran niya. Dahan-dahan ang bawat padyak niya sa bisikleta habang isinasayaw ng hangin ang buhok ko. Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingala sa nagtataasang puno.
"Para tayong nasa loob ng k-drama, 'di ba?" narinig kong saad ni San Agustin.
"Hindi ako nanunuod ng k-drama," sagot ko ngunit nanatiling nakangiti. Napailing-iling siya.
"Halos lahat ng kabataang babae ay nanunuod ng k-drama. Hays, kakaiba ka talaga, mare. Pakiss nga," bulalas niya.
Umingos ako. Bahagya kong inalayo ang mukha ko sa likod niya. Ang ibang hibla ng buhok ko'y tumatabing na sa mukha ko.
"Kiss mo mukha mo."
"Ang hirap naman no'n." Humalakhak siya.
Kinabukasan, maaga akong gumising para magtinda. Hindi na 'ko magpapaabot hanggang hapon dahil ngayon ang simula ng trabaho ko sa Cafe. Baka hanggang alas-nueve lang ako ng umaga magtitinda. Kapag hindi naubos, si Lyka ang ipagtitinda ko.
Alas-diyes ng umaga ang pasok namin sa Cafe kaya p'wede ko pang isingit ang pagtitinda ko. Sayang din kasi.
"Ang tagal mo naman, mare," napatingala ako mula sa pag-aayos ng sapatos sa nagsalita.
Napangiti ako nang makita ko ang nakangiting si San Agustin. Nakaupo ito sa motor niya paharap sa direksyon ko. Tumayo ako, kinuha ko sa upuan ang bilao bago siya nilapitan.
Madilim-dilim pa dahil alas-sais pa lang ng umaga. May mga tao na rin naman sa palengke ng ganitong oras kaya makakabenta naman siguro ako. Sana lang talaga.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman po," sagot niya.
Katulad ng palagi niyang ginagawa ay hinahatid niya 'ko gamit ng motor papunta sa palengke pagkatapos ay aalis din dahil may pupuntahan daw sila nina Roy at Mak. Hindi na ako nagtanong dahil nakaalis na siya.
Nag-ikot ikot ako sa loob ng palengke para alukin ang mga tindera at ibang mamimili na nakakasalubong. Marahan kong pinunas ang manggas ng jacket sa pawis na namumuo sa noo ko. Malalim akong nagbuntong hininga.
Hinihintay ko na lang si San Agustin dahil sabi niya'y susunduin niya ako.
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yong binilhan ko dati nung puto't kutsinta!" sumulpot sa harapan ko ang isang magandang babae.
Muntik ko ng mabitawan ang dala dahil sa gulat sa kaniya. Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak ko sa bilao. Isang tipid na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.
"Salamat."
Malapad siyang ngumiti. Ang ganda niya. Para siyang anghel na ibinaba sa lupa para maghasik ng kabutihan sa sanlibutan.
"Tig-dalawang balot po ate. Saka nga po pala, palagi po ba kayong nagtitinda rito sa palengke?"
Tumango ako sa tinanong niya habang nilalagyan ng kinayod na niyog ang binibili niya. Pagkatapos ay inabot ko 'yon sa kaniya.
Mahinhin siyang tumawa at nagpasalamat bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita. Isang malakas na busina ang gumulat sa'kin. Paglingon ko'y nakakalokong ngisi ang bumungad sa'kin.
"Kaasar ka ah," reklamo ko. Natatawa niyang kinuha ang bilao sa kamay ko samantalang ako naman ay kinuha ang helmet para isuot.
"Kanina ka pa ba?" untag niya. Simple akong umiling bilang sagot sa kaniya.
Hinatid niya muna ako sa bahay para makapagbihis ako pagkatapos ay hinatid niya 'ko papunta sa Cafe. Umalis din kaagad siya pagkahatid sa'kin kaya hindi ko na naman nagawang magtanong sa kaniya. Balak ko sanang itanong kung saan sila galing kanina.
Nagpakawala ako ng buntong hininga kasabay ng pagtulak ko sa pinto ng Cafe. Malapad ang ngiting sinalubong ako ni Lilac. Mahina akong natawa nang itulak niya 'ko papunta sa staff room. Excited niyang inabot ang uniform ko at halos itulak niya rin ako papunta sa banyo para magbihis. Naiiling at natatawa akong pumasok sa loob ng banyo.
Wala pa si Zira at si Miss Heart. Ang narito lang ay ako, si Lilac at si Miss Shasha. Si Lilac ang na-assign bilang cashier habang ako naman ang maglilinis at magbibigay ng order sa costumer.
"Hala! Late ako!" napa-angat ang tingin ko sa kakapasok pa lang na si Zira. Pawis na pawis ang mukha niya habang hinahabol ang hininga.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Nilapitan ko siya.
"5 minutes ka lang naman late eh," pagpalubag loob ko sa nakasimangot niyang mukha.
"Salamat, Zelle pero late pa rin ako," nakasimangot niyang bulalas. Tipid akong napailing bago bumalik sa pagpupunas ng mga table.
Pagkapasok ni Zira sa staff room ay may pumasok na tatlong magkakaibigan sa Cafe.
Sumunod ang tingin ko sa kanilang tatlo na dumeritso sa counter kung saan nandoon si Lilac. Pagkasabi nila ng order ay inukupa nila ang isang table malapit sa pinto.
Nagpatuloy ako sa pagpupunas hanggang sa tawagin ako ni Zira para kuhanin ang mga in-order. Nagmadali akong lumapit sa kaniya para kunin ang isang tray. Nakaplaster ang tipid na ngiti sa labi ko habang nilalapag ang mga inumin na binili nila.
"Enjoy your drinks, ma'am."
"Thank you."
Nang tumunog ang pinto ay kaagad ako bumaling para batiin ang bagong dating. Bahagya ko pang iniyuko ang ulo ko.
"Welcome to N'N Cafe!" masigla kong bati.
Inangat ko rin ang tingin sa mga bagong dating na costumer. Ngunit hindi ko napigilang magulat nang tumambad sa'kin ang mukha nina San Agustin pati ni Mak at Roy.
Kapwa sila nakangisi sa'kin.
"Bagay sa'yo ang pusang hairband, pfft." Mak.
"Bagay nga, nagmukha kang shitzou, pfft!" Roy.
"Tanga, aso ang shitzou." Mak.
"Alam ko." Roy.
"Manahimik nga kayo. Um-order na kayo ro'n,' ininguso niya ang counter. Sumunod ang dalawa sa sinabi niya.
Siningkitan ko siya ng mata bago ko itinuro ang isang bakanteng table malapit sa
pwesto ng counter. Sinamahan ko siya hanggang sa makaupo.
Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.
"Mukhang magiging regular costumer mo 'ko, mare."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro