Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16

Pagkatapos niya 'kong picturan ay muli siyang nagpaalam upang magbanyo. Isang tango ang isinagot ko saka ko pinanuod ang paglalakad niya palayo sa'kin. Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga bulaklak na nasa harapan ko.

Napakaganda. Ang sarap tingnan ng mga ito. Pakiramdam ko ay nasa isa akong malayong probinsya. Parang nasa isang fairy tale story.

Marahan kong hinaplos ang bulaklak na nasa tainga ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapalandas ang daliri dito. Kahit papaano'y may nagawang maganda ngayon si San Agustin.

"Mawalang galang na po, ate," wika ng isang boses sa likuran ko.

Napalingon ako at nagtatanong na tumingin sa kaniyang mukha. Nakita ko ang pagtingin niya sa bulaklak na nasa tainga ko.

"Bakit po?" magalang kong tanong. May tipid na ngiti sa labi.

"Ate, pinagbabawal po kasi ang pagpitas ng bulaklak dito sa Puting Harden. Kapag po lumabag ang mga guest ay may multa po na limang daang peso," wika niya dahilan para mabilis kong alisin ang bulaklak. Napaawang ang labi ko habang nahihiyang nakatingin sa kaniya.

Ang kaloob-looban ko'y nangangati nang sapukin ang mukha ni San Agustin na dahil siya naman ang nagbigay ng bulaklak sa'kin. Hindi ko alam kung sinadya niya ba 'to o hindi. Ughh.

Nakangiwi akong ngumiti sa babae.

"Hindi po kasi ako ang pumitas nito, ate. Iyon pong kasama ko, nasa banyo lang po," yumuko ako saka ko nilahad ang bulaklak na hawak-hawak sa kaniya.

"Pwede po bang hintayin natin 'yung kasama niyo, ate?"

Tumango ako saka sumama sa kaniya papunta sa kanilang post office. Pero hindi pa kami nakakarating ay nakasalubong na namin si San Agustin na nagawa pang kumaway sa'kin habang malawak ang ngiti.

Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya. Kailangan kong ikalma ang nasa dibdib ko. Hindi ko na alam kung galit pa ba 'to o iba na.

"Siya ba 'yung kasama niyo, ate?" untag nung babae nang tumapat sa amin si San Agustin.

Mabagal akong tumango. Naguguluhang nagpabalik-balik ang mata ni San Agustin sa'min ng babae.

"Anong meron, mare?"

"Magbayad ka raw ng five hundred pesos," maiksi kong sagot.

Gulat ang mata niyang tumingin sa'kin.

"Bakit?!" bulalas niya.

Imbis na ako ang sumagot ay iyong babae na ang sumagot sa kaniya. Hindi siya makapaniwala pero makalipas lang ang ilang minuto'y humalakhak siya na animo'y nakakatuwa ang nangyayare.

Siniko ko siya para tumigil.

Nanghihinayang akong tumingin nang humugot siya ng pera sa bulsa niya. Isang bulaklak, limang daan na kaagad ang katumbas. Napabuntong hininga ako.

Mabagal ang bawat hakbang namin ni San Agustin palabas ng Puting Hardin. Patuloy ang mahihina niyang halakhak habang nakalusot ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Panaka-naka akong sumusulyap sa kaniya. Nakaplaster na naman ang maliit na ngisi sa labi niya pero hindi ko inaasahan ang paglingon niya sa'kin.

Kaya nagtama ang tingin namin dalawa. Mabilis akong nag-iwas at mahinang tumikhim. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang nakakaloko niyang pagsipol.

"Ang gwapo ko, 'diba?" untag niya, bahagya pang binunggo ang balikat ko.

Napaismir ako at hindi siya pinansin. Patuloy ang mahihina niyang pagbunggo sa balikat ko hanggang sa makalapit na kami sa motor niya.

Kinuha niya ang helmet at inabot sa'kin ang isa. Sinuot ko iyon habang siya ay hinila ang motor palabas sa pinagparadahan nito.

Naghintay ako ng ilang saglit bago niya 'ko sinenyasan na sumakay. Hindi na ako naghintay na sabihan niyang humawak sa baywang niya dahil nagkusa na akong ipinalibot ang braso sa dibdib niya.

Narinig ko siyang umubo. Magtatanong pa sana ako kaso pinatakbo niya na ang motor nang walang pasabi.

Buong akala ko'y uuwi na kami pero tumigil siya sa isang kainan at nagyayang kumain muna. Hindi pa naman ako gutom pero baka nagugutom na siya kaya hindi na ako nagreklamo.

Nag-oorder siya habang nakaupo ako sa nakita namin na bakanteng pwesto kanina. Abala ako sa pagtingin sa mga litrato na kinuha ko kanina.

Napatigil ang daliri ko sa pag-swipe nang makita ko ang litrato ko. Nakangiti ako pero ang kilay ko ay bahagyang magkasalubong dahil sa sinag ng araw.

Tipid akong napangiti habang tinitingnan ang mga litrato ko pero kaagad ding nawala nang makita ko ang iba ko pang litrato. Hindi ako nakatingin sa camera dahil mukha akong abala sa pagmamasid sa mga halaman at bulaklak.

Hindi ko maiwasang mapalunok habang tinitingnan ang bawat litrato. Nang tingnan ko kung may iba pang picture ay wala na akong nakita. Iyong mga litrato lang na kinuha namin ngayong araw ang narito.

"Pucha, gutom na 'ko," reklamo nito saka nilapag ang dalang tray.

Dalawang kanin at dalawang order ng ulam ang nasa tray. Nilapag niya sa tapat ko ang isang cup ng kanin at ulam. Nagtatakang sumunod ang tingin ko sa kaniya nang maglakad na naman siya paalis.

Pagbalik ay may bitbit na siyang dalawang baso ng tubig. Seryoso ang mukha niya. Gan'yan talaga si San Agustin kapag gutom na gutom, seryoso o kaya nama'y nakasimangot.

Lihim akong napatawa dahil halos pabagsak niyang nilapag sa tapat ko ang isang basong tubig.

"Kain na, Qalawacan," anyaya niya.

Tumango ako. Nagsimula kaming kumain nang walang imikan. Hindi man lang siya nagdahan-dahan sa pagkain. Mukha siyang aagawan sa bilis ng bawat galaw niya.

"Gusto mo pa ba? Sa'yo na 'to," tinulak ko ang halos kalahating kanin sa harap ko.

Hindi ko kasi maubos dahil busog pa 'ko.

"Ang konti naman ng kinain mo. Hindi ka ba gutom?"

Umiling ako, "hindi."

Napatango siya saka tinanggap ang inalok ko. Ilang subo lang ay naubos niya na kaagad ang pagkain.

Ngayon, ay nagpapahinga na lang kami sa labas ng kainan para magpatunaw ng kinain. Tahimik lang kaming nakaupo habang pinapanuod ang mga dumadaang sasakyan.

Hanggang sa narinig ko na magsalita siya.

"Anong gusto mong maging trabaho in next 10 years, mare?"

Saglit akong sumulyap sa kaniya saka muling tumingin sa kalsada. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago sumagot.

"Gusto kong maging isang sikat na interior designer, pero kung magiging praktikal ako, siguro isa akong magaling na teacher," sagot ko.

"Ako, hindi mo itatanong ang gusto kong maging?" untag niya kaya mahina akong napatawa.

"Ikaw, Davido, anong gusto mo maging sa susunod na sampung taon?" pagtatanong ko.

Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong malawak ang ngiti sa labi niya ngayon.

"Ako, gusto kong maging isang engineer o kaya doctor ng mga hayop sa susunod na sampung taon."

"Sana kapag sumapit ang panahong 'yon ay magkaibigan pa rin tayo o p'wede rin na higit pa sa magkaibigan," natatawa niyang dugtong.

Napangiti ako dahil sa tawa niya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang magsalita nang magsalita.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro