Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

Napapansin ko ang tinginan ni Mak at Roy sa isa't isa tapos ay biglang bubungisngis na parang mga siraulo. Pinagmamasdan ko sila dahil nasa tapat ko lang sila.

"Anong gusto mo, juice, softdrink, coffee, tea or water?" napalingon ako kay San Agustin nang lumabas siya mula sa kusina nila.

Hindi ko mapigilang mapangiwi. Parang kanina lang ay ang taray niya sa'kin tapos ngayon ay balik San Agustin na naman siya.

"Tubig na lang," sagot ko.

Binalingan niya ang dalawang kaibigan.

"Tubig na lang din ang sa inyo mga hangal," bulalas niya saka muling bumalik sa kusina. Mabilis na nagreklamo ang dalawa dahil mas gusto daw nila ng kape.

Kinuha ko na lang ang isang magazine sa taas ng center table para aliwin ang sarili kaysa naman makipag-usap dito sa dalawa. Maya-maya lang ay bumalik na si San Agustin na may dalang tatlong baso ng tubig. Naglapag siya ng isa sa tapat ko.

"Bakit ka nga pala nandito, mare? Namiss mo agad ako?" nang-aasar na untag nito. Tumaas ang kilay ko saka siya tiningnan. Maaliwalas na ang mukha niya, hindi katulad kanina na para bang pasan niya ang problema ng buong mundo.

"Hindi, gusto kong ko makita si Cronos, iyong pusa mo? Hindi ko pa siya nakikita," saad ko.

Ilang segundo siyang tumitig sa mukha ko bago tumayo at umakyat sa kanyang kwarto. Siguro ay para kunin ang alaga niyang pusa.

"May pusa si David?" nagtatakang tanong ni Roy.

"May pussy siya?" segunda ni Mak. Mabilis na humagalpak ng tawa ang dalawa habang nalilito akong nakatingin sa kanila.

Mga siraulo nga. Naisip ko.

Nakita kong pababa na si San Agustin ngunit wala akong nakitang pusa sa braso kun'di isang stuffed toy na garfield. Nakangiti siyang tumabi sa'kin saka nilagay sa kandungan ko ang bitbit niya.

"Meet Cronos, mare," nakangiti niyang ani.  Sarkastiko akong tumingin kay San Agustin habang rinig na rinig ko ang tawanan ng dalawa.

"Hindi naman 'to totoong pusa," malalim akong nagpakawala ng buntong hininga. Parang bigla ay nagsisi akong sumama sa dalawa kanina.

Nilagay niya ang kaniyang dalawang palad sa likod ng ulo saka siya sumandal sa sofa. Nakanguso siya at halatang pinipigilan ang pagsupil ng ngiti sa labi.

"Wala naman akong sinabi na buhay, sabi ko lang pusa," pagdadahilan niya.

"Sabi mo inaalagaan mo," bulalas ko.

"Oo nga, araw-araw ko 'yang nililiguan tapos katabi ko pa 'yan matulog. Kaya alam niyan lahat ng sikreto ko sa buhay," makahulugan siyang ngumiti sa'kin. Tipid akong napailing saka uminom ng tubig.

Wala na akong masabi sa pangangatwiran niya.

Nag-unahan sa pagtayo ang dalawa nang may nagdoorbell mula sa gate. Hindi kami nagdoorbell kanina dahil inakyat lang naman ni Mak ang bakod para buksan ang nakasaradong gate.

Pagkapasok ng dalawa ay may bitbit na silang mga pagkain na mula sa isang sikat na fast food chain.

"Kain ka na, mare," pag-aalok ni San Agustin habang abala sa pagbubukas ng mga supot.

Tipid akong tumango habang hinihintay siyang bigyan ako. Maya-maya ay inabutan niya ako ng isang spaghetti at isang inumin.

Habang kumakain ay kung anu-anong bagay ang pinag-uusapan nilang tatlo. Mula sa pagbabasket hanggang sa mga babaeng nagbibigay ng motibo sa kanila. Hindi ko napigilang magtaas ng kilay nang marinig ang sinabi ni San Agustin.

"Iyong si Quenn Guerrera nga, binigyan ako ng love letter at tobleron kanina," nagmamalaki niyang sabi sa dalawa.

"Si Queen, yung maganda sa Section C?" hindi makapaniwalang tanong ni Mak. Mabilis ang pagtango-tango ni San Agustin na para bang nagmamalaki talaga.

Si Queen Guerrera, kilala bilang isa sa magaganda sa buong school pero wala namang maibubuga sa talino. Ang alam ko, bumagsak siya sa isang subject noong nakaraang taon pero nakiusap ang magulang dahil sayang ang taon na ginugol ng anak.

"Ayaw mo na ba, mare?" tanong ni San Agustin. Hindi ko napansing na nakatingin na pala siya sa'kin.

"Bakit ayaw niyo na ba?" tanong ko habang tinitingnan ang mga pagkain na hindi pa nila nagagalaw.

"Busog na kami, mare. Sa'yo na lang," sabat ni Roy, ilang segundo lang ay may tumama  sa kaniyang unan.

Si San Agustin pala ang bumato.

"Kumare ko 'to, ako lang may karapatang tumawag ng mare sa kaniya," pabiro niyang singhal.

Nang sumapit ang alas-sais ay nagyaya na akong umuwi dahil nagsisimula ng dumilim sa labas. Pero humirit pa ang dalawa na mamaya na lang 6:30 kaya wala akong nagawa kun'di ang maghintay.

Ilang ulit akong tumitingin sa orasan nina San Agustin. Pakiramdam ko'y ang bagal ng bawat pitik ng kamay ng orasan nila. Nakakainip na, wala naman akong maintindihan sa pinanunuod nilang pelikula.

"Gusto mo bang ihatid na lang kita?" mahinang tanong ni San Agustin sa'kin.

"Ayos lang, malapit na naman ang 6:30 eh," sagot ko.

Tumango siya at muling nagpokus sa panunuod.

Pasakay na sana ako sa backseat ng sasakyan ni Mak nang biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako kay San Agustin at isang malambot na bagay ang sumalubong sa mukha ko.

Nang ilayo ko ang mukha'y nakita ko ang alaga niyang si Cronos.

"Bakit?" naguguluhan kong hinawakan si Cronos.

"Sa'yo na lang," maliit ang ngiti niyang sabi.

"Talaga?"

"Oo, nabili ko 'yan ng dalawang libo sa mall. P'wede mo naman hulugan kada buwan," sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

Mahina akong napasinghal pero kaagad din siyang natawa.

"Saka mo na lang pala bayaran kapag may trabaho ka na," aniya.

"Ano namang gagawin ko rito?" maang kong tanong.

"P'wede mo siyang maging story keeper. Kapag may bagay ka na hindi mo mailabas kahit kanino, p'wede mong ilabas kay Cronos," muli siyang ngumiti, nawala na ang nakakaloko niyang ngisi sa labi.

"Tanggapin mo na lang kasi ang pussy ni David, Lezelle," sumilip mula sa bintana si Roy para magsalita.

Tatlo silang humalakhak sa sinabi niya. Napangiti ako at bahagyang niyakap si Cronos. Nagtama ang tingin namin habang parehas na may ngiti sa mukha.

"Babayaran kita kapag mayaman na ako," nakangiti kong sagot. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa binigay niyang si Cronos kahit na pinapabayaran niya.

"Looking forward. May interest 'yan," saad niya.

Mahina akong natawa.

"Tara na!" sigaw na naman ni Roy habang nakalabas na ang kalahating katawan mula sa bintana.

Tinaas niya ang gitnang daliri para ipakita kay San Agustin. Mabilis akong bumaling kay San Agustin pero mabilis niya ring naibaba ang kamay niya. Tipid akonh napailing.

"Uuwi na ako," pagpapaalam ko.

"Ingat ka, mare."

***



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro