Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11


Nagugulat akong napalingon sa kaniya nang sabihin niya kung ilang siopao ang bibilhin niya. Bahagyang napaawang ang bibig ko habang bitbit ang mineral water na binili niya sa tindahan ni aling Janeth, na siya ring nagtitinda ng siopao rito.

“Patay gutom,” bulong ko na hindi nakatakas sa pandinig niya. Habang karga-karga ng isang braso si baby Lianne ay  hinarap niya ‘ko.

“Patay gutom ako kung sa’kin lahat ‘to. Sa’yo kaya ‘yong pito tapos kay baby ang isa tapos sa’kin ang dalawa,” nagmamalaki niyang saad.

Umingos ako, “Ah, talaga ba San Agustin? So, patay gutom ako sa paningin mo?”

Isang ngiting peke ang pinakita niya at hindi sumagot. Umirap ako sa kaniya. Hinanda ni Aling Janeth ang sampung siopao na in-order ni San Agustin.

Pagkatapos ay muli kaming bumalik sa inupuan namin kanina. Nakaupo si baby Lianne sa kaliwa niyang hita habang sinusubuan niya ito ng maliliit na kurot mula sa siopao. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang bawat galaw niya.

Kumuha ako ng isang siopao sa supot na nakasabit sa pulso niya. Tiningnan niya pa ‘ko habang kumakagat.

“Ano?” untag ko.

“Pogi ko,” bulalas niya saka muling sinubuan si baby Lianne. Kumunot-noo ako habang nakatingin sa kaniya.

“Zelle!” napatunghay ako para tingnan ang tumawag sa pangalan ko. Natanaw ko si ate Rosalyn na kumakaway sa’kin.

Tipid akong ngumiti at kumaway pabalik. Maya-maya ay sinenyasan niya ‘kong lumapit sa kaniya. Nilingon ko si San Agustin na abala sa pagkain ng siopao niya.

Paglingon kong muli kay ate Rosalyn ay naglalakad na siya palapit sa’min. Nakasuot siya ng isang pulang tshirt at isang maiksing short na kulay itim.

“Tara, maglalaro,” pagyayaya niya nang tumapat sa’kin. Saglit siyang napatingin kay San Agustin para tumango.

Tiningnan ko ang ibang mga kababaihan na nag-aayos ng net para maglaro ng volleyball.

“Eh, kasama ko kasi si Lianne ate,” dahilan ko kasabay ng pagsulyap ko kay baby Lianne.

Mahinang kinurot ni ate Rosalyn ang pisnge ng kapatid ko bago sumulyap kay San Agustin.

“Eh nandito naman ‘tong nobyo mo para bantayan si bebe Lianne e,” nakangisi niyang sambit dahilan para mapangiwi ako at humakhak naman ang katabi ko.

“Bagay ba kami, ate Rosalyn?” tanong niya saka ako inakbayan sa balikat.

Mabilis kong binaklas ang kamay niya mula sa balikat ko. Hinampas ko ang braso niya dahil sa asar.

Narinig ko ang natutuwang tawa ni ate Rosalyn kaya napabaling akong sa kaniya ay bahagyang sumimangot. Pero mas lalo siyang napatawa.

“First time kong makitang maasar si Zelle. Good job, Davido,” nakipag high five siya kay San Agustin na may nakakalokong ngiti sa labi. Nang magtama ang tingin nami’y mabilis niya ‘kong kinindatan.

“Tara na, Zelle. Sunod ka na ah?” pagkuha ni ate Rosalyn sa atensiyon ko. Nakita ko na siyang palapit sa ibang kaibigan niya.

“Marunong kang maglaro ng volleyball?” untag ni San Agustin. Bumuntomg hininga ako ng kawayan nila ‘ko, tila pinapalapit na ‘ko para magsimula na ang laro.

“Sakto lang. Aalis ka na ba?” tanong ko.

“Hindi pa. Gusto kong makita kang maglaro,” ngumisi siya at tinaas-baba ang kilay. Napaingos ako saka naglakad palayo sa kaniya.

Pagkalapit ko kina ate Rosalyn ay pare-parehas silang nakangiti ng pang-aasar. Bahagyang akong natawa at umiling-iling. Ang lalakas talaga mang-asar.

“Team namin si Zelle. Siya ang libero namin,” saad ni ate Rosalyn habang hawak-hawak ang braso ko. Napakamot ako sa kaliwang pisnge dahil nagsimula na silang mag-agawan sa’kin. Ni hindi nga ako gano’n kagaling maglaro e.

“O sige, bato-bato pick na lang. Ang panalo, sa kanila si Zelle,” pagbibigay nila ng pinal na desisyon.

Napabuntong hininga ako habang pinanunuod ang pagbabato-bato pick ni ate Rosalyn at ni ate Desiree. Gunting ang kay ate Rosalyn habang bato naman ang kay ate Desiree.

Tuwang-tuwa si ate Desiree bago niya ‘ko hinatak papunta sa kaliwang side ng net. Ako ang ginawa nilang Libero katulad ng balak ni ate Rosalyn.

Pinaghiwalay ko ang binti at bumaba ng bahagya. Nakababa rin ang dalawa kong kamay habang hinihintay na magserve ang kalaban.

Mabilis ang bawat galaw namin habang nag-uusap.

“Akin,” mahina kong usal bago ko pinalo ang bola. Isinet ni Karen at mabilis ang pagtalon ni ate Desiree para paluin ng bola papunta sa kalaban. Nasalo nila ang tira at sila naman ang naghahanda.

Pinilit kong habulin ang bola pero sapul sa mukha ko ang talbog ng bola. Napatingala ako at bahagyang nakaramdam ng hilo sa tinamo.

Nilapitan nila ‘ko at tinanong kung okay lang ba. Nagthumbs up akao para ipaalam na ayos lang. Nagdesisyon silang lumabas muna ako dahil sa nangyare. Nahihilo akong tumabi kay San Agustin.

“Ayos ka lang ba, mare?” untag niya. Napansin kong tulog na sa braso niya ang kapatid ko. Ginawa niyang sumbrero ang sariling damit sa ulo si baby Lianne.

Tumango ako. Bahagya ng umaayos ang nararamdaman.

“Papadilim na. Ihahatid ko na kayo sa inyo,” aniya saka tumayo. Hinawakan niya ang braso ko para hilahin patayo.

Nagpaubaya ako sa pagkaladkad niya. Narinig ko pa ang pagpapalam nina ate Roasalyn sa’min. Nilingon ko sila at tipid na kumaway.

Kinabukasan, mag-isa akong naglalakad patungo sa silid namin. Maaga pa kaya kakaunti pa lamang ang mga estudyanteng narito ngayon. Pero ang iba ay pawisan na dahil sa paglalaro nila, feeling mga elementary pa lang.

Pumasok ako sa room at dumeritso sa upuan ko. Hindi ko nakita ang bag ni San Agustin sa upuan niya kaya naisip kong wala pa siya rito sa school.

“Good morning, mare. You’re so early bird ah,” napa-igtad ako nang may biglang bumulong sa likuran ko malapit sa tainga.

Naiilang akong humakbang palayo sa nakangisi niyang mukha.

“Huwag ka ngang manggulat,” saway ko. Hindi ko matingnan ng diretso ang mata niya. Ramdam ko pa rin ang mainit niyang hininga sa tainga at batok ko. Bigla akong kinilabutan at nakaramdam ng kakaiba sa tiyan.

“Tingnan mo ang binili ko,” binuka niya ang kanang palad sa harapan ko. Nakalagay doon ang dalawang hairpin na kulay tanso.

“Hindi ko alam na mahilig ka pala sa hairpin,” komento ko bago ko tiningnan ang nakangiwi niyang reaksyon.

“Hindi kasi para sa’kin. Ibibigay ko ‘to sa babaeng liligawan ko,” nagmamayabang niyang saad.

Tumaas ang kilay ko.

“Sino namang babae ang papatol sa ugali mo?” nakaingos kong tanong.

“Harsh mo naman masyado, mare,” hinawakan niya ang dibdib at umaktong nasasaktan. Inirapan ko siya.

“Wala ka bang tiwala sa kagwapuhan ko? Lahat nahuhumaling sa itsura ko, mare.”

“Talaga ba?”

Tumango siya.

“Hindi ako kasali sa lahat na nahuhumaling sa’yo. Ilusyunado ka masyado, San Agustin,” naka-ismir kong sabi sa kaniya.

Pero ngumisi lang siya ng nakakaloko sa’kin.

“Talaga ba, Qalawacan?”

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro