Chapter 6
Masakit ang ulo ko simula kaninang umaga, ilang araw na kasi akong kulang sa tulog kakaayos ng mga kakailanganin para sa collaboration. Ngayon naman kaharap ko ang computer, habang chinecheck ang mga documents at mga files.
"Beshywaps! Kape oh." Si Jackie, sabay lapag ng kape sa mesa ko. Lunch time na pala, bilis ng oras.
"Salamat. Hindi pa ako pwede mag lunch break eh." Gusto ko kasi matapos muna ang pag sort bago ko iwan para wala na akong iisipin pa mamaya.
"Alam mo magagalit si papi Austin pag nalaman niya yang pagpapalipas mo ng gutom."
"Babawi nalang ako mamaya sa hapunan." Nginitian ko siya para hindi na siya magalit sa akin, bumalik na rin siya sa kanyang upuan para magtrabaho.
Ilang oras pa at natapos ko rin sa wakas. Nakahinga na ako ng maluwag pero naramdaman ko naman ang kalam sa sikmura ko. Parang isang tapik lang sa akin titilapon ako dahil sa sakit ng ulo ko.
Shit!
Hindi muna ako tumayo dahil nandidilim paningin ko.
"Jack, paalalay naman please..." Agad lumapit sa akin si Jackie. "Punta tayo clinic." Nanghihina na ako.
Pagkapasok sa clinic, humiga muna ako sa higaan para makaidlip. Bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang boses ni Jackie, "Sige, antayin kita dito."
Jackie's POV
Nanginginig kong kinuha ang phone ko para e text ang pinsan ni Alie. Tumawag si Jao para sabihing papunta na siya. "Sige, antayin kita dito."
Ilang minute pa dumating na siya kasama ang dalawa pa nilang pinsan. "Babalik lang ako, bibilhan ko muna siya ng makakain." Iniwan ko na sila sa loob ng clinic at nagpunta ng foodcourt.
Nag order ako ng arroz caldo na may itlog, para naman hindi mabigla ang tiyan ni Alie.
Bumili rin ako ng crackers para may ipares siya mamaya sa sabaw.
Pabalik na ako ng clinic ng matanaw ko si Austin Zabala, seryosong seryos ang mukha.
Nauna siyang pumasok sa pinto, sumunod ako. Tila tumigil sa paghinga ang lahat ng lumuhod siya sa gilid ng kama kung saan naka higa si Alie, may nakakabit ng dextrose sa isang kamay.
"Hey sleeping beauty, I'm here now." Hindi ko akalaing ganyan ka sweet ang isang Austin Zabala. Kanina lang parang makakapatay siya ng tao pero pag dating kay Alie, tanggal angas niya pare.
Austin's POV
"Youshould be there, Ethan." I didn't answer. Andito na naman ang kapatid ko inaaya akong gumala mamaya.
"You're just wasting your time, Kuya Dust." Bria's right. Hindi ko alam kung anong trip nilang dalawa at magkasunod pa silang pumasok sa opisina ko para lang tumambay at inisin ako.
Nagpatuloy ako sa pag pirma ng mga papeles habang nag-uusap ang mga kapatid ko. Hindi na ako nag abala pang making sa kanila. I was trying to focus with what I'm doing, na d-distract ako sa ingay nila Kuya, when I received a call from Jao.
What the hell! Alie fainted and she's now in the clinic. I rushed out of my office, narinig ko pa ang tawag sa akin ng mga kapatid ko pero hindi ko na sila nilingon at nag patuloy sa pagtakbo hanggang makarating ako sa parking lot.
Muntikan ko ng paliparin ang kotse ko, I'm freaking worried.
Everyone was looking at me when I entered the building, but I didn't care. I walked straight to the where Alie is. Nakasalubong ko ang isa sa mga palaging kasama ni Alie tuwing sinusundo ko siya.
Hindi ko alintana ang mga mat ana nakatingin sa aking ng makapasok ako sa clinic, I went to the bed side para lumuhod. "Hey sleeping beauty, I'm here now." Ang lapsi ng kaniyang labi. May nakakabit na dextrose sa isa niyang kamay yet she looked peaceful in her sleep.
Alie's POV
Mabigat man ang pakiramdam pero pinilit kong imulat ang mga mata ko, hindi pa malinaw ang aking panigin. Nasisigurado ko na si Austin ang nasa gilid ko, naamoy ko ang kaniyang pabango.
"Finally, you're awake my luv." He whispered to me softly.
"Kanina ka pa?" He nodded. Sabay sabay na tumikhim sila Jackie at mga pinsan ko, medyo nagulat pa ako sa presensya nila.
"Beshyy, iwan ko nalang dito yung pagkaing binili ko para sayo kainin mo nalang mamaya." Nagpasalamat kaagad ako kay Jackie, hinatak niya na si Jao kaya nagpaalam na rin ang mga pinsan ko at lumabas na ng clinic.
Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom, na guilty tuloy ako dahil andaming nag-alala dahil sa pagkabaya ko.
Inayos ko ang upo ko sa kama habang inaayos ni Austin ang pagkain. Medyo mainit pa ang ang arozz caldo ng tikman ko, tamang tama lang para hindi manibago ang tiyan ko.
Ramdam ko na ngayon ang bigat at sakit ng buong katawan ko habang nakahiga sa aking kama. Pagkatapos kong kumain kanina ay inuwi na ako ni Austin. Hindi ako papasok bukas dahil nakarating kay sir Oliver ang nangyari, nag text siya na mag sick leave muna ako ng dalawang araw.
Ayoko man pumayag ay wala narin naman akong nagawa. Ang boring kaya ng walang ginagawa!
Nagising ako ng madaling araw, pinilit ko makatulog ulit pero hindi na ako binista ng antok. Umupo ako at sinandig ang likod sa headboard ng aking kama. Wala akong maisip gawin kaya nag facebook na lang ako, bigla pumasok sa isip ko si Austin. I searched his name, pero walang lumabas. I tried to look for Bria's account, at hindi nga ako nabigo. I clicked her profile.
Brynn Asteria A. Zabala (Bria)
I scrolled down her account, baka sakaling mahanap ko ang kapatid niya.
She barely posts, puro tagged lang ang ankikita ko. Marahil ay naka private.
I added her. At dahil madaling araw na hindi rin ako nag expect na ma-accept agad. Nag scroll na lang muna ako sa mga videos.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nanunuod. Wala akong plano gawin ngayong araw dahil biglaan naman ang leave ko. Hindi ako sanay na naiiwan dito sa bahay, buti na lang andito ang kapatid ko kaso busy rin sa online class niya. Tinirahan naman nila ako ng pagkain kaya ininit ko nalang iyon at kumain na.
Wala akong ginawa buong umaga kundi humilata sa sala habang nanunuod ng kung anong ano sa TV.
Mga bandang lunch time ng makatanggap ako ng text galling kay Austin.
From: Austin
Get ready, I'll pick you up for a lunch date.
Hindi na ako nag reply at mabilis na nag ayos, mabuti na lamang at naka ligo na ako kanina. Nag t-shirt na lang ako na kulay maroon at maong pants. Sandals nlng ang Pinares ko at hinablot ko na ang sling bag ko ng marinig ang busina ng sasakyan ni Austin sa labas.
Nagpaalam lang ako kay Alas na nasa kusina nagluluto ng makakain niya. Mukhang hindi na rin naman siya nabigla na hindi ako dito kakain kaya dumiretso na ako sa labas. Nakatayo sa gilid ng kotse niya ang isang gwapong nilalang.
"Hi." I waved at him. His serious aura faded and gave me a sweet smile. Sa simpleng ganyan niya lang mas lalo akong nahuhulog.
He was wearing a red polo shirt matched with blue jeans and white sneakers. Simple lang din ang suot niya pero bakit sobrang expensive parin ng dating? Hustisya naman po!
"Hi my luv, I missed you." He smelled my hair and hugged me tight. Hindi agad ako nakapag salita dahil sa hindi ko inasahang hirit ni Austin.
"Kahapon lang tayo nagkita ah!" bahagya din akong natawa sa sinabi ko.
Kumain kami sa isang sikat na Seafood restaurant dito sa Bacolod, ang Golden Fortune. Masarap ang kanilang mga putahe kaya binabalik balikan ito ng mga tao.
"Let's watch a movie after, I wanna spend time with you." Yun nga ang ginawa naming after kumain. Nagpunta kami sa SM.
Nakapila ako ngayon para sa popcorn habang bumili na man ng ticket si Austin.
"Austin..." hindi ko alam paano sabihin sa kaniya ang ilang araw na bumabagabag sa akin.
"Alie, don't force yourself. I'll wait." His words are my comfort. Sa loob lamang ng maikling panahon nagawa kong magtiwala sa kaniya. He was very patient with me, sa lahat ng bagay.
Naging mabilis ang oras, katulad kahapon sabay ulit kami kumain ng lunch ni Austin pero dito na sa bahay para makasama naming si Alas. Babalik na ako sa trabaho bukas. Tamang tama sa araw ng collaboration ang pagbalik ko.
I checked our team's GC para updated ako sa mga nangyayari. Ako pa rin ang naka assign para bukas kaya sinisuguro ko na walang papalpak.
Mas maaga ako ngayon pumasok dahil madami akong kailangan gawin bago magsimula ang lahat.
Busy na ang lahat, thanks to my cousins at mas napadali ang trabaho ko.
"Alie!" sigaw ni Jao sa likod ko kaya napahinto ako at hinarap siya na hinihingal kakatakbo.
"Nagkita na kayo ni Boss?"
"Hindi pa, bakit?"
"Hinahanap ka niya, nag tanong din siya kung magaling ka na daw ba talaga."
"Paki sabi na okay na ako, baka mamaya na kasi kami magkita. May inaasikaso pa ako." Tumango si Jao at umalis na. Nagpatuloy lang ako sap ag check ng mga slides, decorations at kung ano-ano pa.
"Aliana bakit ka nandito?" napalingon ako dahil sa lakas ng boses ni Jackie.
"Bakit moa ko tinawag sa first name ko?" hindi ako sanay!
"Ay gaga, sorry! Nagulat lang ako dahil andito ka."
"Nagtatrabaho ako dito, ano ba ang problema?" naka-kunot na ngayon ang noo ko. Bakit parang ayaw nil ana nandito ako? Gulat din ang mga pinsan ko kanina ng makitang nakabihis ako pang opisina.
"Alam mo ba na pupunta ang pamilya ni Austin dito mamaya?" hindi ako kumibo at pinag patuloy ang ginagawa ko. Malamang pupunta ang mga Zabala dahil kumpanya nila iyon. Yun nga lang hindi ako sure kung handa na ba ako.
"Huy!" niyugyog pa niya ang balikat ko. "Narinig kita!" nakuha ko ang atensyon ng ibang nagbubuhat ng mga décor dahil sa pag taas ng boses ko.
Hindi naman ako galit pero naiirita ako dahil may ginagawa akong importante. Malaking kahihiyan pag may pumalpak mamaya kaya seryoso ako sa pag check ng lahat ultimo maliliit na detalye inaayos ko.
"Okay, mamaya na kita kukulitin." Nakahinga ako dun.
Palipat lipat ako ng floors, sinisugurong lahat ay nakaayos.
Bago ako bumalik sap ag check ay bumili muna ako ng egg sandwich sa food court, para naman magka laman ang aking tiyan. Natatakot na akong maulit ang nangyari.
Pumasok ako sa hall kung saan gaganapin ang event mamaya, patapos na ang pag lalagay ng decorations sa center stage. Natapos na rin ang ayusin ang mag table at ang carpet ay nakalatag na rin.
Around ten gaganapin ang collaboration at dito na rin mag la-lunch kaya may food catering sa gilid.
Malapit na magsimula kaya aligaga na ako. Pabalik na ako sa hall galling sa comfort room ng may humawak sa palapulsuhan ko at mahina akong hinigit.
"I know you worked hard for this. I'm proud of you, my Lioness." He kissed my hair dahil nakadikit ang ulo ko sa dibdib niya. Austin, you never fail to make me feel the butterflies in my stomach!
"Austin, maraming salamat saiyo. I appreciate you, s-sobra." maiiyak pa ata ako habang nagsasalita dahil pumiyok pa ang boses ko.
"My family will be here, but I know you're not yet ready kaya hindi kita pipilitin." Nilayo ko ng bahagya ang ulo ko para titigan siya. I saw his reassuring smile.
"I'm lucky to have you." Mahina kong bulong sapat lang para marinig niya.
"Nah! I'm the lucky one." Kinindatan pa niya ako. Medyo natawa ako dahil ang corny ko na ata.
"Excuse me po, sorry to disturb the two of you. Pinapatawag na po kasi si Sir Austin sa loob." Sabi ng babae na parang secretary base sa kaniyang suot at pananalita.
Tinignan ko si Austin na walang plano umalis sa tabi ko, his serious face is back. Ang bilis talaga mag bago ng facial expression niya. I pushed him lightly para makapasok na siya ng hall.
Hinanap ng aking mga mata sina Marj, kakatapak pa lamang nila sa seconf floor kung nasaan ang hall. I waved at them, nagsitakbuhan agad silang tatlo kasama si Jackie. Parang mga bata talaga! Pero ang cute nila, kaya mahal ko sila eh.
Nagsimula ng magsalita ang emcee sa ibabaw ng stage hudyat na magsisimula ng ang program.
Isa-isa niyang pinatayo at pinakilala ang mga CEO ng dalawang kumpanya. Syempre, special mention ang mga investors, tsaka mga board members.
"Welcome to the biggest collaboration in Negros, Villacorta Real Estate together with Zabala Group of Companies! Let's give the a round of applause." Lahat kami ay tumayo at nagpalakpakan.
Tinawag si Sir Oliver bilang President ng VRE, siya ang nagbigay ng speech in behalf of his father.
Pagkatapos niya magsalita ay tinawag naman ang COO ng ZGC.
"May I call on the Chief Operating Officer of Zabala Group of Companies... Mr. Ethaniel Austin Zabala." Nagpalakpan muli ang lahat habang umaakyat sa stage si Austin. Tinignan ko rin ang ama nito nan aka ngiting pinagmamasdan ang anak. Nasa tabi nito ang asawa ang at ang dalawa pang anak.
"...Thank you to my brother for giving me the chance to handle this project in his behalf." Biglang tumayo ang kapatid nito para mag flying kiss kay Austin kaya natawa ang kanila ama. Kahit si Austin ay mahinang natawa habang umiiling sa inasta ng kapatid.
Nawala ang tension dahil sa nangyari na ipinag papasalamat ko. After magsalita ni Austin sa harap, pinatawag na ang dalawang may ari ng kumpanya kasama ang mga pamilya nila para sa pictorial.
Natapos ang program ng matiwasay kaya nakahinga na talag ako ng maluwag. Kumakain na ngayon ang lahat maliban sa akin. Nakita kong papunta sa aking direksyon si Austin. Uminom muna ako ng tubig para mawala ang bumabara sa lalamunan ko.
Ako nalang ang natitira sa table naming dahil nag cr ang tatlo, busy naman si Jao sa may projector.
Umupo sa kanan ko si Austin, nakasanuod pala sa kaniya ang dalawang kaptid. Bumeso sa akin si Bria bago umupo sa kaliwa ko. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ng isa pang kapatid ni Austin, Bria laughed sweetly. Katabi niya si Austin kaya siniko niya ito. "Magkakilala na kayo?" He lookd at Bria still surprised.
Tumatawang tumango si Bria. Hindi kumikibo si Austin, mukhang seryoso na naman.
"Tsk. Wala atang plano si Ethan na ipakilala ako sayo kaya ako nalang gagawa." Tumikhim si Austin pagkatapos magsalita ng kapatid niya.
"Dustin, nakatatandang kapatid nila Austin at Bria." Naglahad ito ng kamay, tatanggapin ko n asana iyon ng biglang binaba iyon ni Austin. Dustin chuckled.
"She's Alie, that's all you need to know." Mas lalong natawa si Dustin sa inasal ng kapatid. Kahit si Bria ay natawa na. Nahiya naman ako kaya siniko ko ng mahina si Austin.
Akala ko ay aalis agad sila ng matapos magpakilala pero mali ako, dito pala sila kakain! Tinawag ni Dustin ang waiter na nag s-serve ng mga pagkain para magpalagay dito.
Kahit parang wala akong gana kumain ay pinilit ko, infairness naman sa mga kapatid ni Austin hindi sila yung snob type na mayaman. Si Austin lang ata yung masyadong seryoso sa buhay.
Masaya sila kausap, madali akong nakapag-adjust.
Habang nagk-kwentuhan ay nakahawak ang isang kamay ni Austin sa isa kong kamay. Mainit iyon kaya hindi ko na nararamdaman masyado ang lamig.
Nag-tagal pa ang party ng ilang oras. Mga four na kami natapos, pero kinailangan ko pang masiguro na maayos at wala ng mga kalat bago ako maka alis. Hinatid ako ni Austin pauwi, hindi sumabay ang tatlo dahil pupunta pa daw sila sa mall. Niyaya din naman nila kami, pero napagod ako sa dami ng ginawa ko sa opisina.
"Uuwi ka na rin ba?"
"Not yet, I still have unfinished work waiting for me."
"Sige, ingat ka sa pag drive." He kissed my forehead and went inside his car.
Nag half bath lang ako. Pagkahiga ko hinila na agadako ng antok.
✽✦✽.◦.✽✦✽
—𝓃𝑜𝓈𝓌❀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro