Chapter 4
DATE
Nakatanday sa akin si Jea pagkagising ko kaya hindi agad ako gumalaw.
Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan para tignan kung may message ba doon si Austin, at tama nga ako may apat na text akong natanggap galing sa kanya.
From: Austin
Good morning my sleeping beauty, I cooked breakfast for you.
Sent at 6:15 am.
From: Austin
On my way home.
Sent at 6:40 am.
From: Austin
I'm home.
Sent at 7:10 am.
From: Austin
I'll pick you up later at 4pm.
Sent at 7:30 am.
Magtitipa na sana ako ng reply para sa kanya ng mag text siya muli.
From: Austin
Hey...
Sent just now.
To: Austin
Good morning, kakagising ko lang. Thank you!
Dahan dahan akong inalis ang pagkakatanday ni Jea sa akin para makalabas na ng kwarto niya at makapag ayos na ng sarili.
Lumabas din kaagad ako sa aking kwarto pagkatapos ko maligo at magbihis. Naabutan kong patapos na kumain sina Jao at Alas, habang kumukuha palang ng makakain si Marj.
"Tulog parin si Jea?" tanong ko kay Marj.
"Naliligo pa, susunod naman daw siya agad."
"Alie, yung pagkain mo nasa microwave. Ibinilin sa amin ni Austin na initin iyon pag kakain kana." Si Jao iyon na proud na proud pa dahil nagawa niya ang ibinilin sa kaniya.
May egg, bacon at ham sa aking plato. My kind of breakfast.
"Kuha ka nalang ng kanin, mainit init pa 'yan. Hindi na niya muna nilagyan kasi ayaw mo daw ng malamig na kanin." Ayoko kasi na na-eexpose ng matagal sa hangin yung kanin na kakainin ko. He's indeed a good observer.
Tinext ko ka agad siya ng matapos akong kumain.
Nagpahinga lang ako sa sala kasama ang mga pinsan ko na bored na naman sa mga buhay nila.
Mabilis na lumipas ang oras, ala una y media na pala ng hapon.
Iniwan ko na ang apat sa sala at naghanda na para sa date na sinasabi ni Austin. Hindi ko alam kung formal o casual kaya nagsuot na lang ako ng Off-shoulder floral blouse at black pants. Nilipat ko sa isa ko pang sling bag na black ang mga gamit ko, nag suot din ako ng floral peep-toe sandals na may two inches heels.
Nilugay ko ang nakatali kong buhok, kay mas nalantad ang curly kong buhok. Hindi na ako nag-abalang mag make up, nag lip balm lang ako para hindi mag crack ang bibig ko mamaya.
Nag text na si Austin na nasa labas na daw siya. Nagpaalam na ako sa apat at pinuntahan na ang sasakyan ni Austin na naka park sa harap ng bahay namin.
Hindi ko na hinintay na bumaba pa siya at pagbuksan ako, sumakay na kaagad ako sa sasakyan niya.
Nag drive na siya kaya naglaro muna ako ng games sa cellphone.
Ilang minute ang lumipas at nawala ang atensyon ko sa nilalaro ng makita ang magandang tanawin sa aking harap.
Nag video ako dahil nakakamangha ang aking nakikita. I also took a video na pinapakita si Austin na nagmamaneho, I didn't expect him to smile kahit nasa daan parin ang tingin.
We are in Don Salvador Benedicto, pumasok kami sa Jomax Peak at sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito ako ay namangha na naman ako.
May café sila at may viewing deck, makikita mo ang buong syudad mula sa kung saan kami ngayon nakatayo. Austin suddenly hugged me habang nakatalikod ako sa kaniya. Dinama ko iyon at napapikit ako ng humampas ang malamig na hangin sa aking mukha. Masaya ako at napuntahan ko ito kasama siya.
Ilang minuto pang ganun lang ang aming posisyon. Bumitaw lang siya mula sa pagkakayakap sa akin dahil kukuhanan daw niya ako ng picture.
Itinukod ko ang dalawang siko habang nakasandal ang aking likod sa railing. Tsaka ako ngumiti sa camera.
Kinuhanan ko rin siya pagkatapos niya akong gawing model. Natawa siya ng agawin ko ang camera sa kaniya.
Binawi niya din kaagad iyon pagkatapos ko siya kunan ng tatlong litrato.
Kumuha siya ng upuan sa gilid at nilagay ang kaniyang camera sa aming harap. Nag timer siya at umupo na sa sahig kaya umupo rin ako sa kaniyang tabi. Iba't ibang pose pa ang ginawa naming bago kami huminto para pumasok na at kumain.
Nag-usap lang kami habang nag-aantay sa oras. Gusto kasi naming masilayan ang pag lubog ng araw dito. Alas singko ng masimulang mag iba ang kulay ng paligid, lumabas kami ulit sa may viewing deck para tignan ang paligid at hindi nga kami nabigo dahil sa napakagandang kulay na animo'y ipininta sa kalangitan.
"Face me, my luv." Nagulat ako ng hawakan ni Austin ang aking kamay at pinaikot ako. He was taking a video of me!
"The sunset is beautiful, and my girl is gorgeous." Natunaw na ng tuluyan ang aking puso. I hugged him na ikinagulat niya.
"Recharged."He whispered. "Thank you for being here with me." Bago niya ako halikan sa aking noo at mas niyakap ako ng mahigpit.
Pauwi na kami ngayon, ramdam ko ang pagod. Hindi talaga ako mahilig sa mga mahahabang byahe dahil mahihiluhin akong tao. Buti nga at hindi ako nasusuka tsaka maingat din si Austin sa pagmamaneho.
Nakarating kami sa bahay na tahimik ang naging buong byahe. He kissed me again on my forehead bago ako tuluyang pumasok. Umalis na din agad siya dahil lunes na kinabukasan at kapwa kami may mga trabaho.
Habang nag-aayos ng sarili, si Austin lang ang tumatakbo sa aking isipan. Hindi ata ako makakatulog nito.
Lunes, muntik ko ng hindi maramdaman ang aking alarm dahil sa sobrang pagkapuyat. Alas tres na nang madaling araw ng dalawin ako ng antok.
As usual sinundo ako ni Austin sa bahay, sumabay na rin sa amin ang mga pinsan ko. Online class parin si Alas kaya nasa bahay lang siya.
Pag dating namin sa opisina, marami na kaagad ang nag bubulungan. Talk of the office na naman ata ako. Last time, hindi nga ako nagkamali at ako ang topic sa buong floor after akong hablutin na lang bigla ni Austin. Akala ko ay aalis na kaagad siya pero sumama siya sa amin sa papasok sa building.
Buti nalang at kasama ko ang mga pinsan ko kaya hindi na masyadong big deal kung sakali. Makakahinga na sana ako ng maluwag pero hinawakan ni Austin ang aking beywang para ilapit ako sa kanyang tabi.
Napasinghap ako sa ginawa niya, tinignan ko ang paligid at kitang kita mo sa mga mata nila ang gulat at pagtataka.
Umiwas ako ng tingin ng tinignan ako ni Austin. How can he act so chill? Namamawis na ata ang kilikili ko dahil sa kaba at hiya.
Papasok na sana ako sa employee elevator pero dahil hawak parin ako ni Austin ay sumunod na lamang ako sa kanya ng pumasok siya sa executive elevator. Kaming dalawa nalang ngayon ang nasa loob.
"Are you uncomfortable with me?" hindi man niya sinasabi pero halata sa boses niya ang lungkot. Bakit niya naman naisip yon?
"Hindi naman sa ganun, Austin. Ayoko lang talaga kasi ng issue." Pagdadahilan ko na totoo naman.
Kung tutuusin nga ako ay ako dapat ang ikahiya niya, simple lamang ang aking pamumuhay. At walang wala ang estado ko kumpara sa kanya.
Pero alam ko sa puso ko na gusto ko siya, higit pa sa inaasahan ko.
Please wait for me a little more, Austin.
✽✦✽.◦.✽✦✽
—𝓃𝑜𝓈𝓌❀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro