Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3


UNEXPECTED SLEEPOVER


Mabilis na lumipas ang mga araw, sabado na ngayon. At dahil day off ko ay nagpasya akong mag grocery, ubos na kasi ang stocks dito sa bahay.

Nasa kwarto pa ako nagpapatuyo ng sumigaw si Alas, "Ate, andito na si Kuya!" vibes na sila Austin at ang nag-iisa kong kapatid. Siyan a lang meron ako dahil iniwan na kami ni mama at wala na rin si papa.

"Paki sabi, sandali lang." dapat kasi ay mag-isa lang akong aalis kaso mapilit masyado kaya hinayaan ko na lang. Knowing Austin, hindi siya magpapatalo pagdating sa ganto. Sa halos isang linggo naming magkasama never pa ako nakaalis o nakauwi na hindi niya hinahatid. Ayaw niya daw kasing mangyari ulit yung nangyari last time.

Kinuha ko na ang bag at lumabas na ng kwarto. Sinalubong kaagad ako ng gwapong si Austin na may ngiti sa mga labi.

Naka corporate attire siya, habang ako ay naka simpleng puting T-shirt lamang at maong pants. May sling bag din ako na kulay black at nag rubber shoes nalang ako para hindi ako mahirapan mamaya.

Gusto sanang sumama ni Alas kaso ay may assignments pa siya kaya maiiwan siya dito. Dito rin nakatira ang mga pinsan kong sina Jea, Jao at Marj, na hindi pa nagigising dahil nga weekend. Sinusulit ang day-off.

Kasama ko din sila sa trabaho kaya nakakasawa na ang mga pagmumukha nila. Pero syempre biro lng iyon. Mahal ko yung mga yon eh. Kahit minsan ay naiinis at nag-aaway kami ay sobrang solid nila kasama. Hindi ko sila ipagpapalit noh!

"I'll fetch you after." Sabi ni Austin ng makarating kami sa mall. Tumango ako at hinalikan niya ako sa noo.

"Mag-iingat ka." Ngumiti ako at tumalikod na para makapasok na sa mall.

Dumiretso na ako sa supermarket para mamili. Pagkatapos ay kumain muna ako saglit sa foodcourt ng mall para bumili ng shawarma wrap.

Napadaan din ako sa isang bookstore para maghanap sana ng magandang libro, pero nakakita ako ng cute na ballpen kaya kahit na hindi ko naman kailangan ay bumili parin ako. Gagamitin ko nalang sa office.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na tao. Ang kapal talaga ng mukha niya!

Imbes na dumiretso ako ay iniba ko ang landas na tinungo.

Dire-diretso lamang ako hanggang nakakita ako ng hallway patungong restroom.

Nag text ako kay Austin na tapos na ako, ayoko kasi tumawag dahil baka nasa meeting at maka-istorbo pa ako pagnagkataon.

Inayos ko muna ang sarili, nag retouch na rin bago lumabas. Pabalik na ako sa Supermarket para kuhanin sa baggage counter ang mga pinamili ko kanina.

From: Austin

I'm here at the parking lot. Where are you?

Hindi na ako nag reply at tinahak na ang daan papunta sa parking area.

Pagkalabas ko ay sinalubong agada ko ni Austin, kinuha niya ang aking mga dala at nilagay sa likod ng kaniyang sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat tsaka siya umikot para maupo na sa driver's. Kinuha niya ang aking akliwang kamay at hinagkan iyon, bago tuluyang mag maneho.

Akala ko ay diretso na kami sa bahay pero dumaan muna kami sa isang restaurant para mag take out ng ulam.

Sa bahay nalang daw kami mag lunch para hindi na ako mag-alala kay Alas.

"Ate!" excited na lumapit sa sasakyan ang kapatid ko ng makita niya kaming naka park na sa labas ng gate. Ibinigay ko sa kanya ang dala naming pagkain, nauna ng pumasok para ihanda iyon sa hapag.

Pagkapasok naming, bumungad agad ang mga pinsan kong bored na bored sa mgta buhay nila.

Nagulat pa sila Jea at Marj ng makita si Austin. Si Jao palang ang na meet ni Austin sa office.

"Umm, Austin mga pinsan ko nga pala." Turo ko kina Jea at Marj.

Tumayo silang tatlo at lumapit sa amin. Naglahad sila ng kamay kay Austin na inabot naman nito.

"Austin." Ngumiti siya sa kanila. Niyaya na kami ni Alas sa hapag. Napapagitnaan ako ng kapatid ko at ni Austin, sa harap naman namin naupo ang tatlo.

Nag unahan sa pagkuha ng kanin si Alas at Jao, napangiwi naman ako nahihiya sa inaasta ng dalawa. Siniko ni Jea ang kakambal kaya umayos ito sap ag-upo.

May Palabok, Spare Ribs at Chicken Teriyaki. Kahit ako ay takam na takam kaya kumuha din ako ng maraming kanin. Hindi po ako mahinhin pag dating sa kainan pero hindi po ako tumataba.

Tahimik kami na kumain, busy sa pag nguya at tila may competition pa kung sino ang huling matatapos at padamihan ng kaning naubos.

"Thank you sa pakain, Austin ah!" si Marj.

"Oo nga, sa uulitin pare!" si Jao sabay tawa kaya binatukan ni Jea.

Tumawa lang din si Austin, nakikisabay. I really appreciate his efforts, alam ko naman na hindi siya sanay sa simpleng pamumuhay pero hindi siya nagdadalawang isip pag dating sa akin.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Austin dahil may meeting pa daw siya. Wala naman na akong naisip na gawin kaya inayos ko na lang sa cabinet at ref ang mga pinamili ko kanina. May mga ini-stock rin ako sa kwarto. Si Marj na ang naghugas at ang kambal naman ay naglinis ng bahay. Si Alas ay busy din sa pag walis sa bakuran.

Humiga na rin ako sa kama pagkatapos, nag vibrate agad ang cellphone ko.

From: Austin

Arrived at the Office, the meeting is about to start. What are you doing?

Nagtipa ka agad ako ng reply.


To: Austin

Nakahiga na ako ngayon, inaantok. Baka makatulog ako.


From: Austin

Okay, sweetdreams Alie.


Hindi na ako nag abalang mag reply dahil baka nagsimula na ang kanilang meeting, ayoko makaistorbo.

Madilim na ang buong kwarto ko ng magising ako, kinapa ko ang cellphone ko pero naramdaman ko na may katabi na ako.

"Let's eat dinner, sleeping beauty." Nagulat ako sa nag salita, si Austin! Nakakakilabot yung bedroom voice niya. Luluhuran po, opo.

Kakagising ko lang pero ano na naman ba itong iniisp ko! Napasapo ako sa aking noo, biglang nag-alala ang ekspresyon sa mukha ni Austin.

"Kanina ka pa?" hindi ko kasi naramdaman ang pag higa niya sa tabi ko.

"Yes! After the meeting dumiretso na ako dito."

"Ahh, pagod ka?" umiling siya kayo bumangon na ako.

Sabay kaming lumabas ng kwarto ko, napalingon ang apat sa aming gawi. May mapang-asar na ngiti sa labi ni Jao.

"Umupo na kayo, kumain na tayo." Si Marj.

Nagkwentuhan lang sila Austin at Jao sa mga bagay bagay tungkol sa kumpanya.

Hindi na ako sumali pa sa usapan, nakinig lang din sina Jea.

Si Alas ang nag linis ng mesa at nakatoka na mag hugas. Dumiretso naman kaming lima sa sala para manuod ng movie.

Nagluto din si Jea ng popcorn para may kainin kami habang nanunuod.

Hindi naming namalayan ang oras at lagpas alas dyes na pala! Mabuti nalang at linggo bukas kaya pwede siyang dito nalang muna matulog ngayong gabi.

Kinuha nila Jao at Alas ang foam ng kanilang kama at nilagay dito sa sala.

Inayos nila ang mg unan, foam pati narin ang sofa. Dikit dikit iyon na animo'y nag babahay bahayan. Dito nalang daw silang tatlo matutulog.


Hinihgit ko si Austin papuntang kusina, "Sigurado ka ba na okay kalang dun?" nag-aalala kasi ako nab aka hindi siya sanay at hindi siya makatulog.

"I'm fine with anything, love." Kinindatan niya pa ako kaya kinurot ko siya sa tagiliran, tumawa siya inaasar pa ako lalo.

"Balik ka na sa kanila" tinulak ko na siya pabalik sa sala.

Iniwan ko na siya doon, papasok na sana ako sa kwarto ko pero pinasok naman ako ni Jea sa kwarto niya. Nagulat pa ako na andito rin sa loob si Marj.

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

"Hindi pwede na sila lang noh!" hinatak na ako ni Jea pahiga sa kama. Dinaganan niya ako at ganun din ang ginawa ni Marj. Mga isip bata talaga.

Si Marj ang pinaka matanda sa aming lima, buwan lang naman ang agwat naming kaya ayaw niya na tawagin ko siyang ate, kasunod ko ay ang kambal na mas bata sa akin ng isang taon. Si Alas ang bunso at nasa first year college na.

Maagang namayapa ang mga magulang ng kambal. Habang nasa abroad naman ang parents ni Marj na siyang kumupkop sa aming apat. Maswerte nga kami na tinulungan at tinuring din kaming mga anak nila tita.

Hindi ko kinalimutan ang pangako ko sa kanila. Bumawi ako, ako ang unang nakapag trabaho kaya simula nun ako na ang nagpapaaral kay Alas, tinulungan ko rin maka pasok ko sa kumpanya sina Marj, Jea at Jao.

Naglaro lang kami ng UNO at Snakes and Ladder. Inantok na si Jea kaya nagpasya kaming mahiga na rin. Hindi pa ako inaantok dahil nakatulog ako kanina. Chineck ko ang phone ko at nakita ang chat ni Austin, ten minutes ago iyon.



From: Austin

Good night, Love.


Kanina pa siya sa 'love' niyang yan ah! Hindi ko napigilan ang mga paru-paru sa aking tiyan. Binabaliw mo ako sa'yo, Austin!

Nag reply ako sa kanya kahit na baka nakatulog na iyon.



To: Austin

Good night po! HAHAHA


Mabilis siyang nag reply, nagulat pa ako.


From: Austin

What took you so long? 


WALA NA, HULOG NA AKO!


To: Austin

Naglalaro kasi kami kanina, sige na pahinga kana. 

Akala ko ay hindi na siya mag rereply pero,


From: Austin

I'll go home early in the morning. I'll be back before lunch, we'll have a date. Sweetdreams my sleeping beauty.


Nakangiti akong nagtalukbong ng kumot dahil sa huli niyang text. Hindi nagtagal ay dinalaw na din ako ng antok, at nakatulog na.



✽✦✽.◦.✽✦✽

—𝓃𝑜𝓈𝓌❀

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro