Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Papalayain

Papalayain ko na yung ideya na pwedeng magkaroon ng tayo.
Papalayain ko na yung pangarap na makasama ka.
Papalayain ko na yung pag-asa na umpisa pa lang ay wala naman talaga.
Papalayain ko na yung ilusyon na magiging akin ka kahit pa sa 'yong-sa 'yo ako noon pa.
Papalayain ko na yung mga panaginip kahit na doon lang tayo este ako masaya dahil doon lang kita pwedeng mahalikan at mayakap.
Papalayain ko na yung mga masasayang alaala na ngayon sa 'kin ay nagpapalungkot na.
Papalayain ko na yung pagmamahal ko sa 'yo na bumilanggo sa 'kin ng matagal na panahon.
Pinapalaya na kita.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro