Lovesick
Nagsimula nung 2019
Ang aking pagtingin.
Parang Covid-19
Na dumapo sa 'kin.
Hindi maitatago ng facemask mo
Yung ngiting tumatakas sa mga mata mo.
Kaya tuloy ang puso ko,
Sa pagtibok ay hindi mahinto.
Kapag malapit ka
Hindi ako makahinga
Negative sa Covid-19 ang resulta
Pero sa Love ay positive ako sa 'yo, sinta.
Isa hanggang dalawang metrong layo
Ang puso natin hindi magtagpo.
Forever na may physical distancing
Ang pagmamahal ko sa 'yo'y wala nga bang mararating?
Mas posible pa yatang magkaroon ng bakuna
Kaysa sa ako ay iyong mapuna.
Ugali natin hindi man magkapareho,
Pero aasa pa rin ako na magugustuhan mo rin ako.
Kung ang ECQ nga ay pwedeng maging GCQ,
Siguradong pwede ring magkaroon ng "me and you".
Sa pagbubukas ng klase sa Agosto,
Malay mo, buksan mo rin para sa 'kin ang puso mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro