Hinahanap Mo
Hinahanap mo yung taong makakatanggap sa nakaraan mo.
Hinahanap mo yung taong tatanggapin ka kung sino ka at ano.
Hinahanap mo yung makakapagpasaya sa 'yo.
Hinahanap mo yung taong laging nandyan pag kailangan mo.
Hinahanap mo yung taong pupunasan yung luha mo.
Hinahanap mo yung taong mananatili kapag may problema at hindi tatakbo.
Hinahanap mo yung taong mapapansin yung bagong hairstyle mo.
Hinahanap mo yung taong mamememorize yung order mo sa Mcdo.
Hinahanap mo yung taong kakarga sa 'yo kapag ayaw mong maputikan yung sapatos mo.
Hinahanap mo yung taong magtyatyagang makipag-usap sa 'yo sa telepono.
Hinahanap mo yung taong pupuntahan ka kapag masama pakiramdam mo.
Hinahanap mo yung taong pagdadalhan ka ng extrang Tshirt kapag pinawisan yung likod mo.
Ang dami-dami mong hinahap sa taong 'to.
Pero tanong ko lang 'no?
Hinahanap mo ba talaga 'to?
Kasi kung oo,
Bakit hindi mo magawang tumingin sa direksyon ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro