Crushed
Ilang minuto na'ng nakatingin sa screen
Hindi pa rin alam kung anong sasabihin
Ilang beses na 'kong nag-type pero buburahin ko lang din
Ang daming gustong sabihin pero inuunahan ng takot ang damdamin.
Kung may word count lang ang isip ko,
Paniguradong punong-puno na 'to
Lahat ng hindi ko masabi sa 'yo
Doon lang nakatago
Parang yung pag-ibig ko sa 'yo
Na nananatili sa puso ko.
Kaya ayokong magkagusto sa 'yo
Kasi kahit walang tayo
You can break my puso
Kasi nga crush ang tawag dito.
Nagkasalubong tayo sa hallway kanina
Syempre hindi ka nag-hi, ngumiti, kumaway at hindi mo 'ko nakita
Paano ba naman kasi ay hanggang ngayo'y di mo pa rin ako kilala.
Hindi ko alam kung darating ang araw na pangalan ko'y iyong maaalala.
Salamat sa sayang nadudulot mo sa araw ko
Pag nakikita ko ang ngiti at mga tawa mo
Masaya na 'kong panoorin ka sa malayo.
Distansya lang kasi ang meron tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro