AIZ: Chapter 8
The sun strikes noon signalling the people to gather in the dining room. Hindi nagtagal at napuno na ang hapagkainan. Due to the lack of chairs, some of the people are eating outside the house.
At isa na roon si Alice. Nakasandal sa isang puno ang babae habang pinagmamasdan ang mga kasamahan ni Ginang Loridel na magpamigay ng pagkain. It's a good thing that they have excess plates for the new comers.
"Sama ako," A childish voice suddenly rang above her.
Alice' eyes rolls immediately after hearing that. Alam na alam talaga ng babaeng ito ang mga balak n'ya kahit na wala pa man s'yang sinasabi.
Lumambitin si Jiyo sa sanga ng punong kinasasandalan ni Alice. Leaves fall down joining the already dried ones on the floor. She sways her body like a kid playing on a monkey bar while whistling a familiar song.
"Hindi ba't magtuturo ka pa sa mga bata ngayon?" Tanong ni Alice sa kaibigan.
Jiyo released her grip from the branch and landed on the ground in a perfect stance. Pinagpag ng babae ang kamay kasabay nang pag-iling nito.
"Nah. Hahayaan ko muna silang maglaro kasama ang mga bagong bata. Besides, I know you need help." Nakangiting sabi nito.
"I don't," Maiksing sagot ni Alice sa babae.
Dumaan sa harap nila ang isa sa nagpapamigay ng pagkain. Kinuha niya ang para sa kaniya at gano'n din ang ginawa ni Jiyo. Tumulak din paalis ang babae saka nagpamigay ng pagkain sa iba.
"So it's veggie day today." Mahinang sabi ni Jiyo habang nakatingin sa sariling hawak.
Napatitig din si Alice sa pagkain. It only contains some steamed vegetables and rice. Not the same meal that they have before.
"And probably on the next days."
Sabay na napatingin ang dalawang babae sa bagong dating. Cyrus stood infront of them. He's also holding a plate that contains the same food as them.
Bahagyang napataas ang kilay ni Alice sa sinabi nito. She didn't like what he is pointing.
"You shouldn't say something like that." Suway ni Alice sa lalaki. She leans on the tree comfortably and starts to eat her meal. Si Jiyo nama'y naupo sa ugat ng puno saka tahimik na kumain.
"I'm just telling what I have predicted, Chief. You know that my premonitions are accurate and-"
"Not all the time," mabilis na pagputol ni Alice sa sinasabi nito. Hindi siya nag-angat ng tingin sa lalaki. "Not all the time, Cyrus."
Bilib si Alice sa kakayahan ng lalaki na umalam ng mga bagay-bagay sa hinaharap ngunit mas gugustuhin n'yang hindi paniwalaan ito ngayon. Lalo na't kahapon pa ito umaakto ng kakaiba.
"Magpasalamat ka na lang na may kinakain tayo ngayon." Dagdag niya saka pinagpatuloy ang pagkain.
Dumaan ang ilang saglit bago n'ya narinig ang malalim na buntong hininga ng lalaki. "I'm sorry, Chief."
Hindi naman pinansin 'yon ng dalaga ngunit umani naman ito ng pagtaas ng kilay mula kay Jiyo. Ang sana'y isusubo n'yang gulay ay napatigil sa kan'yang bibig. Nagpalipatlipat ang tingin niya sa dalawa.
And when Alice looked at her, she swallowed the awaiting vegetable without even chewing it. She coughed violently because of that. Nabitiwan n'ya ang kanyang plato. Mabilis siyang tumayo saka kumaripas ng takbo patungo sa kusina upang maghanap ng tubig.
Hawak ang lalamunan, tila baliw na umiikot si Jiyo sa loob ng kusina. At kung mamalasin nga nama'y hindi s'ya makakita maski isang bote ng tubig. Kapos hiningang kumapit sa isang lamesa ang babae.
Nalintikan na! Ito na ata ang katapusan ng kagandahan ko!
Maluha-luhang tumungin si Jiyo sa pintuan ng kusina nang may narinig siyang nabasag mula roon. At tila mas lalo s'yang nahirapang huminga nang makita n'ya kung sino 'yon.
Standing on the doorway is Lenon who is looking hot in his white fitted shirt.
Mariing kinutusan ni Jiyo sa isip ang sarili dahil doon. Susmaryosep! Mamamatay na nga ako't lahat ay nagawa ko pang purihin ang lalaking 'to! Ano ba!?
Nakakunot ang kilay ng lalaki at tila gulat na nakatingin sa kaniya. His red lips were open and he looks a little pale than the usual. Sa paanan ng lalaki ay isang basag na plato at nakakalat na kutsarang marahil ay pinagmulan ng ingay kanina.
"What the fuck is happening to you!?" Sigaw ng lalaki sa kaniya. Jiyo closed her eyes, it's the girl's initial reaction whenever Lenon is shouting at her. Iniling ng babae ang ulo nang may maulingan s'yang pag-aalala sa boses nito.
Minulat n'ya ang kanyang mga mata upang sana'y salubungin ang nagbabagang pares ng kay Lenon. Ngunit may ibang nahagip ang mga ito.
She didn't mind the concern that she saw in Lenon's eyes. Her vision instantly zoomed above his broad shoulder. At tila may sariling utak ang kanyang mga paa na dali-daling tumakbo palabas ng kusina.
Hindi n'ya alam kung paano n'ya nalagpasan ang mga bubog sa lapag maging ang makisig na katawan ni Lenon. The next thing that she knew is that she's greedily gulping all the contents of the glass that she snatched in mere seconds. Walang pinalagpas maski ni isang patak ng tubig si Jiyo.
"Wooh!" Masiglang hiyaw n'ya matapos punasan ang labi gamit ang braso. Muling s'yang nakahinga ng maluwag nang mawala ang bara sa kan'yang lalamunan. Nakangiting ibinalik n'ya ang ngayo'y walang lamang baso sa may-ari nito. "Salamat sa tubig! Utang ko sa'yo ang buhay ko."
Nagtaka naman ang babae nang hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya.
"Err, hello? Still there? I said thank you for saving my life." Pagi-ingles n'ya dahil napansin n'yang mukhang may halo ito.
Doon naman napakurap ang lalaki. His ears suddenly became red as his grip on the glass tightens. "W-walang anuman." He softly said. Hinagod nito ang may kahabaan nitong buhok kaya mas nakita ni Jiyo ang mukha nito.
He has a square face that made him looked mature. Makapal ang kilay nitong tila perpekto ang pagkakaayos. His nose points proudly complementing his red lips. His brown hair is quite long. Moreno ang kulay ng kanyang balat na bagay na bagay naman sa lalaki. Matangkad ito ng ilang pulgada sa kaniya. He's handsome but Lenon is way more handsome than him.
Teka, ano raw?
Kumunot ang noo ni Jiyo. Ano? Lenon na naman? I should not think of him anymore!
Binigyang pansin na lang ni Jiyo ang lalaki sa kaniyang harapan kaysa ang kanyang isipan. Saka n'ya lang napagtuonan ang kulay asul na mata ng lalaki. Muling kumunot ang noo n'ya nang tila nagmukhang pamilyar ang mukha ng lalaki.
"Nagkakilala na ba tayo noon?" Takang tanong n'ya dito. Mas lalo namang namula ang tenga ng lalaki.
"I don't think so and if we were, I think I can remember your pretty face instantly." Diretsyong sabi nito dahilan upang mapamulahan ng mukha si Jiyo. Bahagyang nanlaki ang mata ng lalaki. "Pasensya! Did I offend you? Hindi ko sinasadya! Sadyang ganito lang talaga ako kapag nakakakita ako ng maganda!" Mas mabilis na sabi nito. Sa bandang huli'y napapalo na lamang ang lalaki sa kan'yang noo. "I'm screwed. Sige miss, sampal na."
Hindi na napigilan ni Jiyo ang sarili. Pinakawalan n'ya ang tawang pilit n'yang pinipigilan. She laughed loudly and even slapped her knees continuously. Ngayon, pareho na sila ng lalaki na namumula ang mukha.
After awhile, her laugh toned down. "Jeez, that was hilarious!" Nakangiting sabi n'ya.
Nagtaka naman ang lalaki. "You find that funny? Hindi mo ako sasampalin?"
"Hindi no! Bakit ko naman gagawin 'yon?" She's not insane enough to do that. Pinatawa s'ya nito ng sobra at isa pa, utang n'ya dito ang buhay n'ya.
Umiwas ng tingin ang lalaki. Maybe he didn't want to answer her question. Jiyo noted that in her mind. "Anyway, what's your name?" Agad na tanong n'ya bago pa man lumipas ang ilang segundo.
But then before he could answer, a rough calloused hand grips her arm making her jerk in her position. Hindi pa man s'ya nakakabawi sa pagkakagulat ay kinakaladkad na s'ya nito patalikod. Halos magkanda tilapid siya dahil doon.
Marahil pati ang kanyang kausap ay nagulat din sa nangyari kaya natulos lang ito sa kinatatayuan. After some seconds, he was able to compose himself. "My name is Serge!" He shouted while waving his hand. Mukhang hindi nito binigyang pansin ang kalagayan n'ya.
Bago pa man tuluyang madapa si Jiyo ay tumigil na rin ang kumakaladkad sa kaniya. Ito na mismo ang nag-ikot sa kaniya upang magharap ang kanilang mga mukha. That's when she saw the stoic face of Lenon. It's just that this time, his face looks colder and intense.
Pilit n'ya namang inalala kung ano ang ginawa n'yang makapagpapagalit dito ng husto. She can't recall anything.
Nakipagtitigan sa kaniya ang binata. Kunot noong nagpalipat-lipat ang mata nito sa kaniyang mga mata. Matapos no'y bigla na lang s'ya nitong inikot paharap. Noon n'ya lang napagtanto na sa kusina s'ya dinala ng lalaki.
"Ba't ka ba nanghihila?" Lakas-loob na tanong n'ya dahil hindi naman nakaharap sa kan'ya ang lalaki.
"Clean your mess." Lenon whispers on her ear that sends shivers in her whole body. Jiyo bites her lips as she tore his hand from her arm.
Hindi n'ya na pinansin ang kuryenteng bumalot sa kan'yang kamay nang magtagpo ang kamay nilang dalawa. Agad na sinimulan ang pag-aayos sa ilang mga kagamitan na nawala sa ayos dahil sa kan'ya. Pinagpatuloy niya ang pag-aayos at binaliwala ang titig ng lalaki sa kan'yang likod.
I should get you out of my sistem, Lenon. ASAP.
🏹
"Kukulangin tayo sa materyales kung mga bukod na bahay ang ating gagawin, Chief." Pahayag ng isang lalaki kay Alice.
She's at the training ground. Dumaan siya roon para tingnan ang sobrang kagamitang kanilang itinabi matapos nilang magtayo ng mga bahay. Tulad nga ng sinabi ng lalaki ay kukulangin sila sa mga gamit.
"Mabuti pa siguro kung isang malaking bahay tulad ng hapag-kainan ang ating gawin. Sasakto ang mga kagamitan kung gayon." Suhestyon naman ng isa pang binata. Napatango ang mga kalalakihang nakapalibot sa kanila.
"No. I've planned to give each families or groups a house. Isa pa, kung mangyaring may magkasakit na isa sa kanila ay madali silang magkakahawaan kung nasa iisang lugar lamang sila. We can't risk that." Paliwanag ni Alice. She's thinking of the elders and the baby while saying that. She surely can't risk that.
Tumahimik ang mga kalalakihan ngunit nagsitanguan naman ang mga ito pagkaraan. "Kung ganoon ay espasyo para sa mga bahay naman ang ating problema." Sabi ng isa.
"We can build treehouses instead." Alice answered.
"'At 'yung mga materyales?"
"I'll be looking for those." Bago pa man makasagot si Alice ay naunahan na s'ya ni Cyrus. Kanina pa naroon ang lalaki. Nanatili lang itong tahimik habang pinagmamasdan ang pinuno. "There's a hardware store in town. I can go there today and will look for the materials that you'll need." Sabi ni Cyrus sa kanila.
Tinitigan ni Alice ang binata, bahagyang nagulat dahil sa biglaang desisyon nito. Ngunit alam na n'ya ang puno't dulo no'n. Her lips twitch to smile but she refrain from doing so. Hinarap niya ang mga kalalakihan.
"Ngayon, kailangan ko ng ilan sa inyo upang sumama sa amin ni Cyrus. We'll be leaving shortly. May katagalan din ang byahe patungo sa bayan at hindi dapat tayong magpang-abot ng gabi sa daan." Diretsyong paliwanag n'ya.
Muling sinulyapan ni Alice si Cyrus na ngayon nakatingin na sa kanya. He didn't say anything but his face shows relief. Napabaling na lang s'yang muli sa harap nang may nagpresintang sumama sa kanila.
Matapos ang ilang minutong pag-uusap, hawak na ni Cyrus ang listahan mga kakailanganin nila. May tatlong kalalakihan silang makakatuwang, lahat ay mas bata kaysa sa kanilang dalawa. She eyed the three boys who seemed to be happy in joining them. Umiwas din siya ng tingin pagkaraan.
The men in the parking lot automatically salute as they saw Alice. Nagsibalikan din naman ang mga ito sa mga ginagawa pagkaraan.
Inutusan ni Alice ang tatlong kabataan na kumuha ng kanilang armas. Umalis ang mga ito at naiwan ang dalaga kasama si Cyrus. They walked towards an SUV. She sat at the passenger's seat while Cyrus sat on the driver's seat.
Hindi na nag-abala ang dalawa na kumuha ng armas dahil mayroon na sila sa kanilang damit. Cyrus has his gun with a reserved magazine. Alice on the other hand has her katana. She also hid two assault knives in her boots.
Tahimik lang ang dalawa sa mga naunang segundo hanggang sa nagsalita si Cyrus. "I'm sorry again, Chief." Mahinang sabi nito. He's looking outside the car while his right hand grips the wheel.
Umiling naman si Alice, ang mga mata'y nanatili rin sa labas ng sasakyan. "Hindi ko kailangan 'yan, Cyrus. Besides, I can clearly see how sorry you are." Banayad na sabi n'ya rito.
Alice heared Cyrus whispered something. Tila nahiya pa ang binata dahil napuna niya ang balak nito. Bahagyang napangiti si Alice.
Cyrus might act differently sometimes but he has a good heart. Heto nga't ito na ang nagboluntaryong kumuha ng mga gamit sa bayan na kung tutuusi'y s'yang balak naman talaga ng dalaga.
Binuhay na ni Cyrus ang makina ng sasakyan nang makitang papalapit na ang kanilang mga kasamahan. The man on the watch tower waits for their signal to open the gate.
"So lovers, where are we going?"
Sabay na nilingon ni Alice at Cyrus ang pinanggalingan ng boses na 'yon. Hawak ang patalim na madaling n'yang nakuha, hindi malaman ng babae kung tuluyan niya ba itong itatarak sa leeg ni Maron. Cyrus on the other side held his gun aiming for Maron's head.
The latter grins widely showing his perfect set of teeth. His head pops between the passenger and driver's seat. Ang mga kamay ay nakahawak sa magkabilang upuan na tila nakaakbay kay Alice at Cyrus. Seems like he didn't mind the knife and gun pointed at the sides of his face.
Bumaling ito sa dalaga. As his emerald eyes bore into her, images of what happened this morning flashed in Alice' mind. Umakyat ang dugo sa ulo ng babae. Inalis na niya ang patalim sa leeg nito bago niya pa tuluyang magilitan ang lalaki.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong n'ya sa lalaki.
"I looked at the condition of my bus. And it looks like you have great mechanically intelligent people in here 'cause look!" Maron happily pointed the bus just meters away from their car. "My baby looks brand new! Oh, I've fallen in love for the second time when I saw her today." Madamdaming saad nito.
Naguguluhan ma'y 'di maiwasan ni Alice na bigyang pansin ang malaking pagbabago sa bus ni Maron. Maayos na ang mga salamin nito. Maging ang mga bakal na may ilang lamang loob ng zombies ay napalitan na ng bago. Muling nagkapintura ang buong sasakyan na nagbigay buhay dito. Ang mga gulong ay napalitan na rin. Walang kahit anong bakas na sumabak ang sasakyang 'yon sa isang madugong paglalakbay.
"Ang ibig kong sabihin, bakit ka narito sa loob ng sasakyan?" Muling tanong ni Alice.
"Oh," His lips formed an 'o' shape. "Well, I'm just taking a nap." Baliwalang sagot nito.
"You're sleeping in here?"
"Just a nap."
"Paano kung hindi ka nakahinga?" Kunot-noong tanong ng babae.
"Relax, sleeping inside a vehicle became normal to me. Besides, I left the windows open." Doon lang napansin ng babae na bahagya ngang nakabukas ang bintana sa likod ng sasakyan. Ipinatong ni Maron ang kanyang baba sa sandalan ng upuan ni Alice.
"My, are you concern about me?" Pilyong tanong nito sa dalaga.
Mas lalo namang uminit ang ulo ni Alice. She thought twice if she should stab him right away. Magkukuskos pa siya ng dugo sa upuan kapag nagkataon. But she wasn't able to bring her thoughts into action when Cyrus suddenly coughed.
Tumaas ang sulok ng labi ni Maron bago hinarap si Cyrus. "Oh, you're still there! Zup, man?" He aimed for a highfive. Hindi naman 'yon sinagot ng lalaki. But instead of lowering his hand, Maron straigthened his right hand and put it infront of his eyes in a sideway manner. Idiniretsyo patagilid din nito ang kaliwa n'yang kamay ngunit nakaharap ito pataas.
He's like poiting something on the ceiling of the SUV only that his head is hidden on his right arm.
"Dab!" Biglang sabi nito na mas lalong ipinagtaka ng dalawa. Bumalik naman sa dating pwesto si Maron nang mapansing walang ni anong reaksyon ang nanggagaling sa kanila. Poker faced itong naupo ng maayos sa likod at nagsimulang magsalita ng mag-isa.
"These people are bonkers. I mean, the hell? Dab? They don't know what dab is!? I've been showing it to every people I've met today and they look at me like I'm a nutcase which I am clearly not..or am I? Am I? Was I? Have-"
"Moron," hindi mapigilang sabihin ni Alice. Napatigil naman si Maron sa pagsasalita at diretsyong tumingin sa kaniya. "A moron, that's what you are." Pagpapatuloy n'ya.
Saglit pang tumitig ang lalaki sa kaniya bago unti-unting ngumiti. "Ah yes, I guess you're right." Masayang sabi nito na tila ba isang papuri ang sinabi ng babae.
Umiling na lang si Alice saka inayos ang pagkakaupo nang makapasok ang tatlo. Nagulat man ang mga ito sa 'di inaasahang kasama ay tahimik lang sila at 'di nagbigay ng kumento. Mukha namang walang balak bumaba ang lalaki kaya pinaandar na ni Cyrus ang sasakyan.
Pinagbuksan sila ng tarangkahan at agad na nakalayo sa lugar na 'yon. It might took them an hour to go to the town so Alice decided to entertain herself on the view outside. Pilit n'yang inaaliw ang sarili kahit na mga inaagnas na katawan, lamang loob, at mga bahid ng dugo lang naman ang kanyang nakikita.
She glanced at the rearview mirror when she felt something. Mula roon, diretsyong nakatitig sa kaniya ang luntiang mga mata ni Maron. She could see the gleam in his eyes as she stares on those emerald orbs. Bumawi lang siya ng tingin nang ngumiti muli ng nakakaloko ang lalaki. Alice brushed her hair and decided to close her eyes.
A moron indeed.
--
I'm back again! Wooh! AIZ reached 1.41k reads! Cheers to that! Thank you everyone! Muah! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro