Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AIZ: Chapter 4

Matapos daanan ni Jiyo si Alice ay agad na siyang bumalik sa ginagawa. Muli niyang tinulak ang kariton na dala. Punong puno ito ng mga gulay na inani ng mga kababaihan kanina sa taniman. Nagprisinta si Jiyo na siya na ang magdadala ng mga ito kay Ginang Loridel. Tutal nama'y tapos na silang mangaso at sakto pa na napadaan sila roon ng kaniyang mga kasama.

Napatigil si Jiyo sa paglalakad nang magkumpulan ang mga batang naglalaro sa harapan ng kariton. Malalaki ang mga ngiti ng mga ito na tila ba galak na galak silang makita ang babae.

"Good morning, teacher Jiyosa!" Sabay-sabay nilang bati.

Napangiti naman si Jiyo at bumati rin sa mga bata. "Good morning, students! Oh, huwag ninyong kalilimutan ang mga takdang-aralin ninyo, okay?"

"Opo, teacher Jiyosa!" Magiliw na sagot ng mga ito. Napatawa naman si Jiyo dahil sa kabibohan ng mga bata.

"O sige, bumalik na kayo sa paglalaro." Sabi niya na agad naman na sinunod ng mga bata. Nang masigurong ayos na ang mga ito ay muling nagpatuloy si Jiyo sa kaniyang pupuntahan.

Aside from the fact that Jiyo is undeniably good at handling crossbows, she's also an elementary teacher. She was a teacher in a public school. Hindi man kataasan ang sweldong nakukuha niya noon, masaya naman siya na natuturuan niya ang mga bata.

Itinigil ni Jiyo ang kariton nang marating niya ang lutuan. Isang katamtaman sa laking bahay ang nagsisilbing kusina nila. Dito dinadala at iniluluto ang mga gulay at karne para ihain sa kanilang lahat. Karugtong naman ng bahay-lutuan ay ang kasing laki rin nitong bahay na nagsisilbing hapag kainan nilang lahat. Madalas na abala ang lugar na 'to lalo na't pang-malakihan palagi ang kanilang niluluto.

Itinaas ni Jiyo ang kamao upang kumatok. Ngunit napatigil siya nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng isang lalaki na bagamat pawisan ay 'di maipagkakaila ang kakisigan nito. Kumabog ang puso ni Jiyo dahil sa kaba nang masilayan ang lalaki.

Pero pagkakitang pagkakita ng lalaking 'yon kay Jiyo ay agad na nawala ang ngiti nito. Masamang tingin ang ipinukol nito sa dalaga. Dahan-dahang napababa ang kamao ni Jiyo kasabay nang pag-iwas niya ng tingin.

Jiyo swallowed the imaginary lump in her throat. 'Sa dinami-dami ba naman ng makakasalubong, bakit si Lenon pa?' Ngiwing tanong ni Jiyo sa sarili. But she mentally slapped her face when she remembered that Lenon is also in charge of cooking.

Damn it! How can I forget that!?

"Lenon, anak, bakit ka ba nakaharang sa. . O Jiyo! Aba'y nariyan ka pa lang bata ka." Nag-angat ng tingin si Jiyo nang marinig niya ang boses ni Ginang Loridel. Nakita niyang bahagyang tinabing ng ginang si Lenon upang makadaan ito.

"Magandang araw po, Ginang Loridel. Dinala ko lang po dito yung mga naani sa taniman." Itinuro ni Jiyo ang kariton sa likod niya. Napasilip naman do'n ang babae at tuwang nagsalamat sa Diyos dahil sa ganda ng mga ani.

"O s'ya sige, ipasok mo na sa loob 'yan nang amin nang mailuto." Utos nito.

Napatango naman si Jiyo saka bumalik sa likod ng kariton at sinimulang itulak ito. "Sandali lang Jiyo, hindi ikaw ang magpapasok niyan."

Napatigil naman si Jiyo sa pagtulak. Tinapik ni Ginang Loridel si Lenon na tahimik lang na nakatayo at pinagmamasdan ang bawat galaw ni Jiyo. "Ikaw na anak ang magpasok niyan. Sumunod ka sa akin sa loob, Jiyo." Pagkatapos no'y pumasok na ang ginang sa loob.

Napatikom naman ng bibig si Jiyo saka nakayukong sumunod sa loob. Ngunit napatigil siya nang marahas na hinablot ni Lenon ang kaniyang braso. Dumulas mula sa balikat ng dalaga ang lalagyan ng kanyang pana.

Nahigit ni Jiyo ang hininga nang marahas na bumulong si Lenon sa kaniyang tenga.

"Sa tingin mo ba, makukuha mo ang loob ni inay dahil diyan sa pagtulong mo?" Tanong nito gamit ang galit na tonong madalas gamitin ng binata sa kaniya.

"Pwede ba? Hindi ko kinukuha ang loob n-"

"Sinungaling!" Napapikit si Jiyo at napangiwi nang humigpit ang pagkakahawak ni Lenon sa kaniyang braso. Tila ba may balak ang lalaki na baliin 'yon base sa paraan ng pagkakahawak nito. "Bakit ba hindi mo na lang sabihin ang totoo, huh? Gaano ba kahirap 'yon? Sabihin mo!" Halos sumigaw na ang lalaki sa kaniyang tenga.

"Jiyo?" Tarantang napatingin si Jiyo sa harap nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng ina ni Lenon. Kasabay naman no'n ay ang marahas na pagbigtaw ng binata sa kaniyang braso. Saglit na napangiwi si Jiyo dahil sa hapding dulot no'n. She arranged the bag of arrows back on her shoulder.

"Andiyan na po!" Balik na sigaw ni Jiyo saka dali-daling pumasok sa loob, ni hindi na muling binalingan ng tingin si Lenon. Ngunit ramdam ng dalaga ang matalim na tingin nito sa kan'yang likod.

I want to get way from him as far as possible.

🏹

Napatigil si Alice sa pag-aayos nang makita niya si Ell na padabog na pumasok sa kanilang bahay. Nakakunot ang noo nito at may binubulong sa sarili. Dumaan sa harap niya ang dalaga na para bang hindi nito napansin ang presensiya niya.

"Bastos. Manyak. Mapagsamantala. Bastos. Manyak. Mapagsamantala. Bastos.."

Napakunot ng noo si Alice dahil sa mga binubulong ni Ell. Tuloy-tuloy naman ang huli sa sarili nitong kama at pikit-matang pinagpatuloy ang pagbulong. Maya-maya lang ay nakatulog na ito nang tahimik.

Bagamat naguguluhan sa ikinilos ni Ell, napagpasiyahan ni Alice na lumabas ng bahay. She needs to check how things are going inside and outside their place. Kailangan ay nasa ayos ang lahat dahil kahit ano mang oras ay maaring matagpuan ng mga sinumpang bagay na 'yon ang kanilang lugar. But she won't let it happen.

Mataas na ang sikat ng araw at sa hinuha ng babae ay oras na ng tanghalian. Pagkababa ni Alice mula sa kanilang bahay ay nakita niya ang mga tao na dumideretsyo na sa hapagkainan. Sumabay siya sa mga ito at 'di rin naman nagtagal ay narating na nila ang lugar.

Tatlong mahahabang lamesa na may kasing habang upuan sa magkabilang gilid ang tanging laman ng bahay na 'yon. Halos lahat ay naroon na maliban sa mga nagbabantay sa tarangkahan at sa mga nag-eensayo. Karaniwan naman na dinadalhan ng mga pagkain ang mga ito tuwing tanghalian dahil hindi nila maaring iwanan ang kanilang ginagawa.

Maingay ang loob ng bahay dahil sa mga batang nagkukulitan at sa ilang mga kababaihan na nagkukwentuhan. Nagtaka naman si Alice dahil hindi niya narinig ang maingay na boses ni Jiyo. Iginala niya ang paningin sa paligid at napataas na lang ng kilay nang makitang tahimik na nakaupo sa isang tabi ang matalik na kaibigan. Nilapitan niya ang babae upang alamin ang problema nito ngunit nang makilala niya ang taong nakaupo sa katapat na upuan ni Jiyo ay nagkaroon na agad siya ng ideya kung bakit ganoon na lang ang kaibigan.

Naupo si Alice sa bakanteng upuan sa tabi ni Jiyo. Dahil do'n, napabaling ang tingin ni Lenon mula kay Jiyo papunta sa kaniya. Saglit lang naman siyang tiningnan ng lalaki na para bang kinikilala kung sino siya at nang makilala siya nito ay muling bumalik ang tingin nito kay Jiyo na para bang walang nangyari. Napakunot naman ang noo ni Alice dahil do'n.

Nabawasan ang ingay sa hapagkainan nang bumukas ang pinto na nagkokonekta sa kusina. Lumabas naman mula ro'n ang mga tagaluto, na pinangungunahan ni Ginang Loridel, dala-dala ang mga pagkain.

Kasabay ng kanilang pagpasok ay ang pagsirko sa loob ng bahay ng masarap na amoy ng mga pagkaing niluto nila. Tila naglaway pa ang ilang bata dahil sa amoy na 'yon. Inabot ng ilang segundo bago maihain ang lahat ng pagkain.

Pumuwesto si Ginang Loridel sa kaniyang upuan. She cleared her throat as everyone's eyes darted to her place. "Tuloy-tuloy ang magandang pagtubo at ani ng mga tanim na ating pinaghirapang alagaan. Maganda rin ang kundisyon ng mga hayop na nakukuha ng grupong pinangungunahan ni Jiyo."

Ngumiti ang ginang sa gawi ni Jiyo na bahagya ring ngumiti sa ginang. "Kaya naman marapat na ipagpasalamat natin sa Diyos ang masaganang piging natin sa oras na 'to. Nawa'y gabayan niya tayo sa mga susunod pang araw at panatilihing ligtas ang ating lugar."

Tumahimik sandali ang paligid para sa kanilang tahimik na panalangin. Samantala, hindi ipinikit ni Alice ang kaniyang mga mata 'di tulad ng mga tao sa hapag-kainan. Tahimik na pinagmasdan niya lang ang mga tao sa paligid niya.

Si Ginang Loridel din ang nagbigay ng hudyat para simulan na ng lahat ang pagkain. At kahit pa halos kabisado na ni Alice ang paraan ng pagluluto ni Ginang Loridel, tahimik pa rin niyang pinuri ang pagkain dahil sa sarap ng lasa nito.

"I need some fresh air. " Napatigil naman sa pagsubo si Alice nang marinig niya si Jiyo na bumulong. Nang balingan niya naman ang kaibigan ay napagmasdan niya kung paano nito marahas na pinagpira-piraso ang karneng nasa pinggan nito.

"Hindi pa ba 'fresh air' ang nalalanghap mo dito?" Alice teased Jiyo. Pero alam niya talaga ang gusto ng kaibigan. Matalim naman siyang tinitigan ni Jiyo. Alice grinned. "Okay, you're in patrol with me." Sabi niya sa kaibigan na ikinaliwanag naman ng mukha nito.

"So am I." Napatingin naman si Alice sa kanan niya at nakitang paupo si Cyrus.

Napataas ang kilay ng babae. "No, you're not. Maiiwan ka rito at magbabantay kasama ang grupo mo."

"No. I'm going with you, Chief." Cyrus firmly said. Pinal na ang kaniyang desisyon sa sarili na sumama sa dalaga. "Besides, I got a feeling that something's about to happen." Dagdag pa ng lalaki.

Mariing napatingin si Alice kay Cyrus. She knows the capability of this guy when it comes to sensing what's about to happen. His premonitions, at some point, were true and accurate. Kaya naman nakuha ng kaniyang pansin ang huling sinabi nito.

Alice resumes in eating while thinking about the possible scenarios that might happen later. But whatever it may is, she will definitely make sure that their place and her people will remain in one piece.

Hindi naman nagtagal at nakaubos na ng pagkain si Alice. Agad niyang nilisan ang hapag-kainan ngunit bago 'yon ay nilapitan niya muna si Ross na nasa dulo ng lamesa at inutusang dalhan ng pagkain si Ell. She has a feeling that something happened between the two.

Pinuntahan ni Alice ang kaniyang motorsiklong nakaparada sa tabi ng puno. She starts the engine after she wore her helmet. She drove her way to the training ground. Kadalasan ay nagdadala si Alice ng lima hanggang sampung kalalakihan sa tuwing lumalabas siya sa kanilang lugar. Iyon na rin ang paraan ni Alice upang masubukan ang kakayahan ng mga ito.

Muling tumigil si Alice sa tapat ng lalaking nagbabantay sa lugar na 'yon. Sumaludo ulit ito sa kaniya na ginantihan niya naman ng tango. Pinadaan siya ng lalaki papasok at agad naman na lumibot ang paningin niya sa mga tao na naroon.

"In order to live, you must learn how to fight! And in order to fight, you must learn to discipline yourself!"

Napakunot ang noo ni Alice nang marinig ang malakas na boses na 'yon. Nagtatakang pinagmasdan niya ang limang tao na nakatayo sa kahoy na entablado. Ang apat sa mga 'yon ay halatang hindi nagpapakita ng interes sa sermon ng isang babaeng nakatingin sa iba pang nagsasanay na ngayo'y nakaupo sa lapag at nanonood sa kanila.

May hawak na arnis sa magkabilang kamay ang babae at halatang mahigpit ang hawak nito sa mga 'yon. Itinuro ng babae na 'yon ang apat na tao sa kaniyang likod gamit ang arnis.

"Sabihin n'yo, paano kayo makaliligtas sa isang pulutong ng mga zombie kung hindi manlang kayo nagsasanay!?" Malakas na sigaw nito sa apat.

Sabay-sabay na nagkibit-balikat ang apat. "Simple lang, edi huwag mag-ingay." Pare-parehong sagot ng mga ito.

Tamad na tamad ang mga tono nila na para bang wala lang ang nangyayari. Napatawa ang mga nanonood ngunit agad din nilang itinikom ang bibig ng balingan sila nang masamang titig ni Renzel.

Nagpasya naman si Alice na lapitan ang babae. Nabaling ang tingin ni Renzel sa kaniya at awtumatikong nawala ang inis sa mukha nito. Pati ang apat na lalaking nasa likod nito ay tila nabuhayan nang makita ang pinuno. Bumaba naman si Renzel mula sa entablado at lumapit kay Alice.

"Patrol time?" Bungad ni Renzel sa kaniya. Alice nods in response. "Then take whomever you like to bring," muling tiningnan nang masama ni Renzel ang apat na lalaking nanatiling nakatayo sa entablado.

Halatang gustong lumapit ng mga ito sa kanilang dalawa ngunit hindi naman magawang umalis ng apat sa kanilang pwesto dahil nakagapos ang mga kamay ng mga ito sa kahoy na pader ng entablado.

"But not those four idiots."

"I don't have any plan on bringing them anyway." Sinadyang ipinarinig ni Alice sa apat. Agad na umangal ang mga ito dahil sa narinig at mas lalong nagpumilit na umalis sa pagkakagapos.

Minadali ni Alice ang pagkuha ng makakasama sa pagpatrolya. Umalis din naman siya kaagad sa lugar na 'yon kasama ang sampung kalalakihan.

Naunang makarating si Alice sa himpilan ng kanilang mga sasakyan dahil sa kaniyang motorsiklo. Pagkarating niya ro'n ay saka niya lang napansin na naroon na sina Jiyo at Cyrus.

Hawak-hawak ni Jiyo ang paborito nitong crossbow samantalang baril naman ang inaayos ni Cyrus sa isang tabi. Hindi naman nagtagal at nakahabol na sa kanila ang sampung lalaking kinuha ni Alice. Binigyan ng babae ang bawat isa ng armas, pagkatapos no'y sumakay na silang lahat sa isang van. The gate opened as soon as the engine of their vehicle starts.

Inabot sila ng ilang minuto para makaalis sa kagubatan. Matapos no'n ay muling bumungad sa kanila ang malawak na kapatagan na may isang zombie na naglalakad. The zombie's clothes were gone and the only thing that's left is its pair of undergarments. Napabaling ito sa gawi nila dahil sa ingay ng sasakyan. Narinig naman ni Alice ang mahihinang singhap ng mga kasamahan niya nang humarap sa kanila ang sirang mukha ng zombie na 'yon. Ngunit sa kabila no'y nangibabaw ang matinis na tili ni Jiyo.

Takang napatingin si Alice sa kaibigan. Samantalang si Jiyo naman ay inis na nakatingin sa bintana at pinakatitigan ang nag-iisang zombie na naglalakad sa kapatagan.

"Anong problema mo?" Tanong ni Alice sa babae. Napatingin si Jiyo sa kaniya kasabay ng pagturo nito sa zombie na nasa labas.

"Nakikita mo ba ang suot niya? That's one of the latest I&D lingerie! Well, the latest two years ago. Pero kahit na! Hindi kaya ng isang buwang budget ko noon ang lingerie na 'yon tapos gaganyanin lang ng zombie na 'yan! Oh no, hindi makalalampas sa akin ang bagay na 'yan." Kinuha ni Jiyo ang crossbow niya at umakyat sa itaas ng van.

"This zombie needs to be thought some lessons and I'm willing to do the pleasure." She furiously said.

Napa-iling na lang si Alice habang tinitignan ang zombie na inaasinta ni Jiyo. Alam ni Alice na ginawa lang ni Jiyo na dahilan ang lingerie na 'yo. She knows that Jiyo wants to let out her rage. Halata naman sa babae na may kinikimkim ito simula pa kanina.

And Alice perfectly knows who triggered the anger out of Jiyo.

Kahit pa umaandar ang sasakyan nila, idadag pa na gumagalaw ang zombie na 'yon, nagawa pa rin itong patumbahin ni Jiyo. Hindi mahirap 'yon para sa babae lalo na't nahasa na ang kakayahan niya sa mga panahong nangangaso sila.

There were times that Jiyo aims for her prey while both of them were running but she still managed to knock it down. That's how good her skills are.

Pero habang inaasinta ni Jiyo ang zombie kanina ay ibang imahe ang pumasok sa isip niya. Sa pagbitaw at pagbulusok ng palaso sa direksyon ng zombie ay tila ba nagbago ang itsura ng nilalang na 'yon sa huling segundo.

Hindi nakita ni Jiyo ang zombie na nakasuot ng mamahaling brand ng panloob, sapagkat ang nakita niya ay isang zombie na nakasuot ng unipormeng pang-guro. 'Yon ang dahilan kung bakit kahit nakalayo na ang sinasakyan nila sa zombie ay tulala pa rin si Jiyo sa kawalan.

Ngunit natigil ang pagkatulala ni Jiyo nang biglang pumreno ang sinasakyan nila. Muntikan pa siyang mahulog kung hindi lang siya kaagad nahawakan ni Alice sa likod.

"Anak ng letchong zombie! Ano ba!? 'Di uso magdahan-dahan!? E kung k. ."

Napakunot naman ang noo ni Alice dahil sa pagtigil ni Jiyo. Kaya naman minabuti niyang umakyat din sa kinaroroonan ng kaibigan ngunit pati rin pala siya ay matitigilan sa nakita.

Right in front of them are two buses in an obvious bad condition. Her eyes focused on the passengers of those vehicles. Through the front window glass, behind rusting iron wires and pieces of flesh stuck in between, are curious pairs of gleaming eyes that definitely don't belong to any zombie.

Napatingin si Alice sa unahan ng isang bus nang bumukas ang pinto nito. A guy wearing a gray sleeveless t-shirt and a pair of army trousers emerged from it. The silver dog tag he's wearing swings mildly when he steps out of the vehicle. He removes his sunglasses. Then, his gaze zeroed at her. Because of that, Alice was able to see the darkest shade of green and mischief in his eyes.

The guy slowly steps forward like he is showing to Alice that he meant no harm. But his cunning grin speaks otherwise.

"Hi! I'm Maron Akino! It's nice to meet you down here in the middle of the road during the zombie apocalypse!"

--
Somehow managed to kill more than half of the errors in here. *Cries in Filipino*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro