Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AIZ: Chapter 3

Alice decided to stay on the roof of the van. Nanatili siya roon habang pinagmamasdan ang paligid.

Malawak ang kapatagan na tinatahak nila. It is actually a sight to appreciate, well, if the green field wasn't stained by blood and also if there weren't rotten bodies everywhere.

"Disgusting," mariing bigkas ni Alice sa sarili. Ang mga mata'y nanlilisik sa mga duguang katawang nasa lupa.

Nawala ang sinag ng araw na tumatama sa balat niya at napalitan 'yon ng lilim. Doon lang napansin ni Alice na nakapasok na pala sila sa kagubatan.

Tanging ugong lamang ng kanilang sinasakyan ang namayani sa buong lugar ngunit makalipas lang ang halos kalahating oras ay natabunan na 'yon ng iba't ibang ingay mula sa kagubatan.

Alice closed her eyes as nature's sound fills her ears. Ang huni ng mga ibon na tila kinakantahan siya, ang mabining ihip ng hanging humahaplos sa kaniyang balat, at ang ilan pang ingay ng iba't ibang hayop na nananatiling buhay sa kagubantang ito. Her mind became calm as she listen to those sounds.

But how long will she be able to hear those soothening sounds? A month more? A year? Hindi niya alam. Hindi niya alam dahil walang kasiguraduhan ang mga bagay-bagay. Lalo na ngayong ang mundo'y halos pamunuan na ng mga patay.

Pero hindi hahayaan ni Alice na pati sila'y maabot ng mga sinumpang bagay na 'yon. She will never let it happen. Never, until she's still breathing. Ipinangako niya 'yon sa kaniyang mga tao at pati sa kaniyang sarili.

Napamulat si Alice nang maramdaman niyang tumigil ang kanilang sinasakyan. Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa harapan na sila ng tarangkahan papasok sa kanilang lugar.

Their place was surrounded by tons of wood trunks and some scrapped metals which the men built up together to form a wall. Hindi man 'yon kasing tibay ng simento, sapa't na 'yon para maitago sila. Dumagdag pa ang ilang nagtataasang puno na naka-pormang parang pader, mas lalong naging tago ang kanilang lugar.

The man standing at the watch tower salutes when he saw Alice. Agad nitong sinenyasan ang kasamahan na nasa ibaba upang buksan ang tarangkahan.

Bumalik si Alice sa loob ng sasakyan kasabay nang pag-andar nito. Agad na bumaling ang paningin ng babae kay Ell na mahimbing na natutulog katabi ang nakapikit na si Ross. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Ross samantalang ang lalaki nama'y nakakrus ang dalawang braso sa sariling dibdib. Naningkit ang mga mata ni Alice sa nasilayan.

"Something wrong, Chief?" Hindi pinansin ni Alice ang sinabi ni Cyrus bagkus ay mas pinakatitigan pa ang pwesto ng dalawa. Saglit pang nagtagal ang tingin ni Alice sa kanila bago niya iniwanan ang mga ito sa loob ng sasakyan.

Alice steps out of the vehicle as soon as it stops on its tracks. Binalingan niya ng tingin ang iba pang sasakyan na huminto na rin sa kani-kanilang pwesto. Agad na nagsilabasan ang mga kalalakihan sa loob ng sasakyan. Bitbit na ng mga ito ang mga kinuha nila kaninang umaga sa pamilihan sa loob ng kalapit na bayan.

"Hanggang dito lang po muna kayo."

"Kahit saglit lang! Hayaan niyo lang na makita ko ang asawa ko!"

Alice looks at her right where she heard the commotion. Hindi kalayuan mula sa kanila, nakatayo ang ilang mga kalalakihan na tila sila'y bumubuo ng isa pang harang sa likod ng mataas na bakod gawa sa mga barbed wires. Isang harang upang pigilin ang mga taong nagnanais na lumapit sa gawi nila Alice.

Hindi nagpapatinag ang mga ito sa kanilang mga kinatatayuan kahit na nagsisigawan na ang mga tao sa kanilang harapan, nagpupumilit na malapitan ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay.

Alice watches the eager crowd. Her eyes lingers in each and every worried faces that they have. She heaved a sigh. "Papasukin sila. Tell the men that no one is infected." She said to Cyrus.

Agad na sinunod ng lalaki ang utos niya. Pagkatapos kausapin ni Cyrus ang mga nagbabantay ay tumango ang mga ito saka binuksan ang maliit na pinto. Mabilis na nagsipasukan ang mga tao at agad na nagsilapitan sa mga kasamahan ni Alice.

Alice witness how tears run down on the faces of the people who tightly hugged their loved ones. Sa kabila no'y may ligayang mababakas sa kanilang mga mukha. Isang ekspresyong nagpapakita kung gaano sila kaligaya na umuwi ang kanilang mga natitirang mahal sa buhay na walang galos. Tuwa at luha ang kanilang ibunuhos dahil hindi naging isa sa mga nilalang sa labas ang mga kasamahan ni Alice.

"Papa! Papa! Papa ko!"

Napatingin si Alice sa sumigaw at bahagyang natigilan dahil sa isang batang tila naliligaw sa dami ng tao sa paligid nito. Nakabestida ito at maayos na nakatirintas ang mahabang buhok. Mahigpit ang pagkakayakap ng bata sa isang manikang luma na't ilang beses nang tinahi.

Ang maamo nitong mukha ay nabahiran ng lungkot. Tila ba isang ihip lang ng hangin ay tuluyan nang babagsak ang mumunting luha sa kulay-kape nitong mga mata. Sa 'di malamang dahilan, napahakbang si Alice papalapit sa bata.

"P-pa. . papa ko. ." Tila may kumakatok sa isip ni Alice nang marinig niya ang nabasag na tinig ng bata. Hindi lang sa isip niya kundi pati sa kaniyang puso. Hindi lang mawari ng babae kung ano 'yon.

Napatingin sa kaniya ang bata nang lumuhod siya sa harap nito. Maluha-luha na ang mga mata nito at mukhang papaiyak na.

"Hi." Malumanay na bati ni Alice.

Napahigpit ang pagkakahawak ng bata sa kaniyang laruan nang makilala siya.

"Ate Ayis. ." Bulol na sabi nito.

Bahagyang natuwa si Alice dahil do'n. "Hinahanap mo ang papa mo?" Tanong niya sa batang babae na agad na tumango nang maraming beses. Inilahad ni Alice ang palad sa harap ng bata. "Gusto mo, hanapin natin siya?"

Napatingin ang bata sa kaniyang palad at walang pag-aalinlangang hinawakan ito. Isang tipid na ngiti ang ipinakita ng bata. Bahagyang nasilawan ng sinag ng araw ang mga mata niya. Dahil doon ay tila may kaunting bahid ng luntian na nakita si Alice sa mga ito.

Sinuklian niya ng isang maliit na ngiti ang bata saka siya tumayo at nagsimulang maglakad upang maghanap.

Maraming tao ang nakapalibot sa kanila kaya napagpasyahan niyang buhatin ang bata para makita kaagad nito ang sariling ama. They are walking around the area until someone speaks behind her.

"I'll carry her, Chief." Napataas ang kilay ni Alice nang maulingan ang boses ni Cyrus.

"Kaya ko naman siya." Sagot ni Alice habang nakatingin pa rin sa unahan. Magaan lang naman ang bata, idagdag pang mukhang apat na taong gulang lang ito kaya nama'y walang kahirap-hirap na kung buhatin niya.

"I'm not asking if you can lift the child. I just want to carry her, that's all." Hindi na lang muling pinansin ni Alice si Cyrus at tinuloy na lang ang paghahanap sa ama ng batang buhat-buhat niya.

Makalipas lang ang ilang segundo ay bigla na lang sumigaw ang bata. "Papa! Papa!" Malakas na sigaw nito kasabay nang pagwagayway ng isang kamay.

Sinundan naman ni Alice ang tingin ng bata. At doon niya nakita sa isang tabi ang hinahanap nila. Bahagyang napataas ang kilay ni Alice dahil ang ama pala ng bata ay ang lalaking nagbigay sa kaniya ng pilak na krus kaninang umaga.

"Maybel!" Gulat na sabi nito. Mabilis na binitawan ng lalaki ang hawak na gamit at saka tumakbo papalapit sa kanila. Ibinigay naman ni Alice si Maybel sa ama nito. Kaagad na yumakap ang bata sa lalaki.

"Salamat ulit, Chief." Sabi ng lalaki sa kaniya. Tumango lang naman si Alice saka lumayo na mula sa mag-ama. Pero ilang hakbang pa lang ay bigla siyang napatigil dahil sa boses ng bata.

"Sayamat, Ate Ayis!" Magiliw na sigaw nito. May ngiting sumilay sa labi ni Alice ngunit agad niya yong binura nang makitang nakatingin sa kaniya si Cyrus.

"Ano?" Walang emosyong tanong niya dito saka mabilis na naglakad palayo sa lalaki.

Mabilis naman na nakahabol sa kaniya ang si Cyrus. "Did you jus-"

"No." Agad na putol ni Alice sa balak sabihin nito.

"But I saw i-"

"I said no." Mariing sabi niya saka dali daling sumakay sa motorsiklo nitong nakaparada sa isang tabi. Alice wears her helmet and starts the engine. "Ayusin niyo ang mga gamit. Dalhin agad ang mga 'yon sa mga dapat pagkalagyan. The rest will be in the storage house. You know the flow, Cyrus." Sabin niya dito saka pinaandar ang sinasakyan.

Malayo pa lang ay pinagbuksan na siya ng tarankahan. Dahil sa klase nang pagpapatakbo ay mabilis na nakaalis si Alice sa nagsisilbing parking lot ng mga sasakyan nila at agad na binaybay ang daan papunta sa bahay niya.

Kung malawak ang kapatagan sa labas ng kagubatan, mas malawak naman ang kapatagan na nasa pinakapuso nito. Kaya inabot sila Alice ng ilang buwan upang malagyan ng mataas na bakod ang buong lugar.

Their whole place is divided into five areas. First, is the wide lot where their vehicles are parked. Doon kadalasan nagkakampo ang mga nagbabantay sa paligid ng lugar. It also serves as the second wall of their front gate.

Second, is the training ground. It is where everyone is trained to defend themselves from any zombie attacks. The trainors were handpicked by Alice herself. Nahahati rin ang lugar na 'yon base sa edad ng kanilang tinuturuan. As Alice passes by the area, she saw how the training goes on. Pinatigil niya saglit ang sasakyan saka pinanood ang pagsasanay sa gawi ng mga kalalakihan.

Kapwa pawisan ang mga tao ro'n. Namayani ang ingay ng mga nagbabanggaang sandata at sigaw ng iilang nakikipagbuno sa isa't isa. It's early in the morning and their energies are skyrocketing. Nabaling naman ang paningin ni Alice sa isang gilid at hindi niya maiwasang mapakunot.

Isolated from those who were training, four identical figures sat beside each other under the shade of a tree while looking at different places. Their expressions are alike - bored and uninterested about the training going on. Sabay-sabay pang naghikab ang mga ito.

"Chief." Sumaludo kay Alice ang lalaking tagabantay sa parteng ito. Itinango naman ni Alice ang tingin pagawi sa apat na lalaking nakaupo lang sa isang tabi.

"Bakit nakaupo lang ang mga 'yon?" Tanong niya.

Napabuntong-hininga ang lalaking kausap at pagod na tumanaw sa apat na rebelde. "Gano'n pa rin, Chief, walang bago. Ayaw ulit nilang sumunod."

Napataas naman ang kilay ni Alice sa parehong balita. She knew those four stubborn boys. They are Ell and Ross' friends. Kasabay din ng apat na ito ang pagsasanay ng dalawa. Pero heto na naman sila at nagpapasaway at alam na alam ni Alice ang dahilan.

Bago pa man siya makita ng apat ay agad na niyang pinaandar ang motorsiklo. Ngunit sa kabila ng ingay sa paligid, natawag pa rin ng tunog ng kanyang sasakyan ang pansin ng apat. Like dogs who sniffed their owners, four heads immediately snapped at her direction. Nagliwanag ang mga mata nila at mabilis na nagsitakbo papunta sa kaniya.

"Ate Alice!"

"'Wag kang umalis!"

"Ate Alice, 'wag mo kaming iwan dito!"

"Para mo nang awa! Ate Alice!"

Before they were able to reach the gates, Alice already zoomed her way out of that area. Napailing na lang ang dalaga habang papalayo. Sumosobra na ang mga batang 'yon. If they keep being this stubborn, Alice might as well give them a lesson worth learning.

Hindi lumipas ang ilang minuto nang mamataan ng babae ang kabahayan. Speaking of houses, located at the middle part, the house area is the third part in their place. Malawak ang parte na 'yon. Kaibahan lang nito sa ibang parte sa kanilang lugar ay ang mga matatayog at malalagong puno na nakatayo rito. That is why the houses of the people who lives here is at the trees. They are living in tree houses to be exact. Pero may mangilan-ngilan pa ring mga bahay na sa ibaba ng puno nakatayo.

Agad na binati si Alice ng mga tao na kaniyang nadaraanan. Maingay na ang paligid. May mga bata na rin na naglalaro kaya naman binagalan lang ni Alice ang pagpapatakbo ng kaniyang motorsiklo. Hindi rin nagtagal ay narating na niya ang kaniyang destinasyon. Maingat na itinabi ni Alice ang sasakyan sa likod ng hagdanan na nakapaikot pataas sa puno na kan'yang katabi.

Matapos 'yon ay kinuha niya ang dulo ng isang makapal na lubid na nakatago sa gilid ng puno na iyon. She tugs it twice and carefully while looking above the tree where the rope stretched out before wrapping it on her waist. Abala si Alice sa pagtatali ng lubid sa kaniyang baywang nang may nagsalita sa kaniyang likod.

"Seriously? Ni hindi ka manlang muna dumaan sa bahay ko. Talagang didiretsyo ka na sa pagtulog?"

Nagpatuloy naman si Alice sa pag-aayos. "Pupunta naman talaga ako sa'yo," she tied the knot tightly and looked at the one who's speaking, "pero pagkatapos kong matulog." Nakangising sabi niya.

Napaikot naman ng mata ang kausap. Her long wavy hair is in a mess. She's holding a crossbow, a bag with three arrows hangs on her right shoulder. Pawisan ito at may dumi malapit sa matangos nitong ilong. The girl's perfect brows raised.

"Hmp! Pasalamat ka at katatapos ko lang na mangaso at pagod din ako kung hindi ay nako lang talaga Alice." Mataray na sabi nito.

Mas lalo namang napangisi si Alice. "That's why I love you, Jiyo."

Jiyo pouted her red lips because of what she heard. "Parang dadagdagan na lang ng 'sa' hindi pa magawa." Patampong sabi nito.

"Oo na, oo na. Jiyosa. Happy?" Iling na sabi ni Alice. Pinagdiinan niya pa ang 'sa' para marinig talaga ng kausap.

Tila nagningning naman ang mga mata ni Jiyo dahil sa narinig. Halos mabanat na ang mga sariling labi dahil sa ngiti. "Yep! Very much happy!"

Napangisi naman si Alice saka humawak sa lubid na nakakabit sa kaniyang beywang. "Now, can you please help me?" Ngising tanong nito kay Jiyo.

"Pwede naman kasing gamitin 'yung hagdan." Sabi nito sa kaniya. Gayunpama'y kumuha na ito ng isang palaso at iniayos 'yon sa hawak na crossbow.

"Pagod na ako. Baka mahulog lang ako sa pag-akyat ko sa hagdan." sabi ni Alice na pumeke pa ng hikab na hindi naman bumenta kay Jiyo.

"Sinong niloko mo?" Mataray na tanong ng babae saka inasinta ang sakong nakaupo sa itaas ng bahay ni Alice. Kahit na mataas at malayo mula sa kanila ay agad pa ring tumama ang palaso ni Jiyo sa sako na naging dahilan upang mahulog ito mula sa itaas. Kasabay naman ng pagbaksak nito ay ang pag-angat ng katawan ni Alice.

"Salamat!" Hiyaw ni Alice kay Jiyo habang pataas siya nang pataas.

"Mahulog ka sana!" Ngising sabi ni Jiyo saka nagsimulang umalis. Ngunit bago pa man ito makalayo ay sumigaw itong muli. "I love you too!" Napatawa naman si Alice dahil sa pahabol ni Jiyo Gagatam, ang kaniyang pinakamalapit na kaibigan.

Dahil ang bahay niya ay nakalagay sa pinakamataas na puno ay inaabot siya ng ilang minuto sa pag-akyat gamit ang hagdan. Ngunit kapag sa ganitong paraan nama'y mga kalahati o isang minuto lamang.

Habang pataas siya nang pataas, napagmasdan ni Alice ang paligid. Mula sa kaliwa, agad niyang nakita ang malawak nilang taniman na sagana ngayon sa pananim. Nakita niya ang mga kababaihang abalang-abala roon pati sa mga hayop na naroon. Fortunately, the field is doing good and they have raised the animals well.

Bagamat malayo sa kanilang lugar, naaaninag pa rin ni Alice ang malaking talon na pinagkukunan nila ng tubig. Iyon ang ikalimang parte sa kanilang lugar. Ang talon na nagbibigay buhay 'di lamang sa mga pananim, hayop, at puno kundi pati sa kanilang mga tao na naninirahan sa lugar na 'yon.

Alice sighs as she steps on the wooden flatform of her house. Agad niyang tinanggal ang lubid sa katawan saka itinali 'yon sa sanga ng puno. Pumasok si Alice sa kaniyang bahay pagkatapos niyang gawin 'yon.

Simple lamang ang bahay niya. Tanging kurtina lang ang naghihiwalay sa sala, kusina, at sa dalawang kwarto. Hindi rin ganoon kadami ang kaniyang kasangkapan. Sapat lang para sa kanila ni Ell at sa ilang mga maaaring bisita.

Agad na napabuntong hininga si Alice nang maihiga niya ang kaniyang katawan sa higaan. Hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit. Ang gusto niya lang ay maipahinga ang kaniyang katawan.

Alice closed her eyes. Today will be a busy day. She will be doing lots of things. Pero sa kabila ng mga bagay na kailangan niyang gawin, isang bagay ang nangibabaw sa kaniyang isipan.

Ensure the safety of everyone.

And it's not soon enough that Alice drifted to sleep with that thought in her mind.

--

Please have mercy on me if I skipped some wrong grammars, spellings, SVA's 😭😭.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro