Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AIZ: Chapter 2

A zombie lady wearing a red ruined dress is walking sideways in the open field. Halos maligo na ito sa dugo at tila ba ito na ang nagsilbing palamuti ng babae sa maputla at naaagnas nitong katawan. It's growling at every step it takes like a song that the zombie keeps on repeating for itself. Patuloy lang ito sa paglalakad kahit na wala naman itong patutunguhan.

All it wanted, even though it is already dead, is to have a piece of meat to satisfy its hunger.

The zombie is about to step again but then it fell backward. It's because a bullet suddenly penetrates to its head making the zombie knock down dead, permanently.

"Bull's eye." Biglang sabi ng isang babae na nasa 'di kalayuan.

The girl is sitting on one of the branches of a random tree that she climbed a while ago. Hawak ang isang sniper gun bilang armas, nagawa na nitong magpabagsak ng labing-isang zombie bago pa sumikat ang araw. At heto nga't nakakadalawampu't dalawa na siya makalipas lamang ang dalawang oras ng paghihintay.

A braid runs from below her left ear up to her right one making it looks like a headband. The style kept the strands of her midnight chest length hair from blocking her view. She swatted a bug that crawled on her arm, furiously scolding herself why she chose to wear a tank top today.

Kasalukuyan siyang nagpapalit ng magazine nang biglang magsalita ang tao sa kabilang puno. "Oi Ell, balik na sabi tayo, kanina pa tayo rito, e."

Napaikot naman ang mata ng babae. "Ang duwag mo talaga, Ross. Kung gusto mong bumalik, bumalik ka mag-isa." Muling sumilip ang babae sa kaniyang teleskopyo at tumanaw sa malawak na damuhan. "Dito lang ako at hihintaying makabalik sila." Mariing pagpapasya ng babae.

Napakamot naman sa sariling batok ang lalaki dahil do'n. Umiikot sa kaniyang isipan ang maaaring sabihin at gawin sa kaniya ng kanilang pinuno.

Inutusan siya nitong bantayan ang makulit na babaeng nasa kabilang puno. Huwag na huwag daw itong palalabasin at palalayuin sa kanilang lugar ngunit heto sila ngayon, nakaupo sa dalawang pinamalayong puno sa kanilang lugar at namamaril ng mga zombie.

Napakamot ulit sa batok si Ross. Sana lang ay buhay pa siya matapos siyang pulbusin ng kanilang pinuno.

Muling nakakita si Ross ng zombie sa kanilang harapan. Ngunit tulad ng mga nauna ay mabilis lang na napabagsak ito ni Ell. Manghang napasulyap si Ross sa kaibigan. Hindi talaga mapagkakailang magaling ang babae lalo na't ang pinuno nila ang nagsanay dito. Natatandaan pa nga ni Ross ang mga araw ng pagsasanay ng kaniyang kaibigan na para bang kahapon lang 'yon.

Naputol ang pag-iisip ni Ross nang makita niyang tumalon pababa ang kaibigan. Naalarma siya at agad na sinundan ng tingin ang babae sa ibaba ng puno. Hindi niya nakita si Ell ngunit nang ibaling niya ang kaniyang paningin sa harapan ay doon niya nakita ang kaibigan na tumatakbo.

"Ell!" Malakas na tawag niya sa kaibigan. Bumaba siya ng puno pagkaraan at hinabol ang babae. "Oy Ell! Bumalik ka rito! Ano ba!? Ellizaina Magistrado! Hoy!"

Pero hindi pinansin ng babae ang pagtawag sa kaniya at diretso lang na tumakbo. May nakasalubong pa siyang isang zombie pero iniwasan niya lang 'yon. Sinulyapan niya saglit ang kaniyang likod at nakitang natigilan si Ross, 'di kalayuan sa zombie.

Ngumisi siya. "Baka hindi mo pa kaya ang isang 'yan, huh? Rossanjo Apostol!?" Malakas na sigaw niya saka pinagpatuloy ang pagtakbo, ni hindi na sinulyapan pang muli ang kaibigan.

Nahigit ng lalaki ang hininga saka mabilis na binunot ang kaniyang baril. "Naman Ell! Napakakulit mo talaga!" Nangingitngit na sabi ni Ross sa sarili.

Itinutok niya ang baril sa zombie saka binaril 'yon nang nakapikit. He doesn't normally do this. Well, he never actually wants to do this. Hindi siya sanay kahit na mangilang beses na siyang nakakakita ng mga taong bumabaril ng mga zombie. He just still can't accept the whole fact that the dead are living again. That they are alive to eat the living. He just can't.

Napamulat si Ross makalipas ang ilang segundo. Nakatayo ang zombie na binaril niya ilang hakbang lang ang layo mula sa kaniya. Muli niyang nahigit ang hininga nang makitang sa dibdib ng zombie tumama ang balang pinakawalan niya. The zombie growled and walked again to get him.

Ross murmurs a prayer as he aimed for the head of the zombie this time. "I'm sorry." He sadly said before pulling the trigger. Instantly, the zombie fell to the ground with a hole on its forehead.

📿

Napamulat ng mata si Alice nang maulingan niya ang putok ng baril. Mula sa pagkakahiga ay agad siyang tumayo para tumungo sa itaas ng sasakyan. Unang bumungad sa kaniya ang mainit na sinag ng araw. Kinailangan niya pang takpan ang kaniyang mukha upang hindi siya masilaw sa liwanag.

Alice blinks her eyes afterwards and roamed it around. She can't see any walking corpse because all of them were lying on the ground. But that's not what she is looking for.

"Chief," Napatingin si Alice sa tumawag sa kaniya. It was Cyrus. His clean cut chestnut hair shines naturally striking under the morning sunlight. Tinanggal ng lalaki ang kaniyang salamin at saka binati ang pinuno. "Good morning." Deep brown eyes greets her.

"Sino ang nagpaputok?" Agad na tanong ni Alice. Isinuot muli ni Cyrus ang salamin niya at humarap sa unahan.

"It wasn't from our men. I believe it came from the open field." Seryosong paliwanag nito.

Napatingin din naman si Alice sa unahan. Ang sasakyan nila ang nauuna kaya agad niyang nakikita ang mga bagay sa unahan. At gayon na lang din ang pagkagulat niya nang may makita siyang taong tumatakbo papalapit sa sasakyan nila. Mas lalo naman siyang nagulat nang makilala ang taong 'yon.

"What the hell, Ellizaina?" Hindi makapaniwalang naibulong ni Alice sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng may ngiti sa labing tumatakbo papalapit sa kanila. "Stop the van." Utos ni Alice kay Cyrus saka mabilis na tumalon pababa.

"Alice!" Sigaw ni Ell nang mapalapit na siya sa babae. Agad niyang niyakap si Alice. "Alice, I miss you!"

Imbis na suklian ang yakap, inilayo ni Alice si Ell ng bahagya mula sa kaniya. Hinawakan niya ito sa balikat saka tinitigan sa mata. "Ell, anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong niya sa babae.

Napanguso naman si Ell. "Iniwanan mo ako sa bahay e. Diba sabi mo isasama mo ako? Pero bakit naiwan ako sa bahay?" Unshed tears suddenly fill the young girl's eyes which made Alice let out a long sigh of defeat.

Minsan talaga, mahirap iwanang mag-isa ang babaeng ito. Walang kasiguradihan na mananatili lang ito sa isang lugar. Kaya nga iniwanan ni Alice si Ell kay Ross para may magbabantay sa makulit na 'to.

'Pero nasaan na nga ba ang lalaking 'yon?' Takang tanong ni Alice sa sarili.

At tila ba may humihila sa babae na tumingin sa kaniyang harapan at do'n niya nakita si Ross na tulala. May hawak itong baril sa kaliwang kamay at bahagya pa itong nanginginig. Napakunot naman ang noo ni Alice dahil do'n. Inutusan niya si Cyrus na kuhain ang binata saka dalhin sa loob ng van.

Nang makapasok silang apat sa van ay agad na umandar ang sasakyan. Tanging ang paulit-ulit na 'I miss you Alice' at 'Namiss mo rin ba ako, Alice?' galing kay Ell ang ingay na maririnig sa loob ng sasakyan. Pinabayaan lang ni Alice 'yon dahil nasanay na rin naman siya.

Napansin ni Alice ang pagtahimik ni Ross at nang makapasok ang sasakyan nila sa field ay napansin niya ang pagtingin nito sa bintana na para bang may tinatanaw ito. Nakita rin niya ang paghigpit nito sa hawak na baril pero agad namang kinuha ni Cyrus 'yon.

A conclusion pops in Alice's mind. So she asks Ross, "Did you kill a zombie, Ross?"

Napatingin naman sa kaniya si Ross. At dahil do'n ay nakita ni Alice ang pinaghalong takot at awa sa mga mata nito. But one emotion is dominating and it's guilt. Napabuntong-hininga na lang si Alice.

"Ross, they are dead. Naiintindihan mo ba ako? Patay na sila. And killing them is the best way to put them in peace." Ross stopped from shaking. The terrified look on his black eyes somehow lessens. "So don't feel guilty okay?"

Marahang napatango si Ross kay Alice at tumingin na lang sa sariling kamay. Muling napabuntong-hininga si Alice.

Ross was a loyal sacristan before the world comes to its end. Kaya hindi na nagtataka si Alice kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng binata. He once said that he never wanted to kill for he believed that the zombies are still people. Na maibabalik pa ang mga ito sa dati kung maghahanap lang sila ng ibang paraan. Pero inilingan lang ni Alice si Ross nang sabihin niya 'yon.

Nothing will change how the way things goes.

Nothing.

--

Did some minor editing in here. I think I missed a thing or two (or maybe tons) of errors. Please bear with me. 😢😢

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro