Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AIZ: Chapter 13

Alice heaved a deep sigh after she let go of the chicken who completed her morning jog. The animal moved its head around seemingly looking for a way out of the fence. Noticing something interesting on the ground, it started to claw and peck the soil clearly forgetting its plan.

The girl tucked a lock of her midnight hair behind her ear. Nawala na sa ayos ang kaniyang buhok dala ng paghuli niya sa mga manok. Alice knew it isn't right to braid her hair today. Nagmukha tuloy pugad ng ibon ang kaniyang ulo. Jiyo will surely scold her once the girl saw Alice's state.

But Jiyo's been busy in the patrol these past few days. Walang oras ang dalaga para pagalitan si Alice dahil sa magulo nitong buhok. Her bestfriend's completely occupied.

"Naku, Ate Alice, pasensya na po sa abala." Hinging paumanhin ni Luie. Nahihiyang tumingin ang mga tsokolateng mata nito sa dalaga. The boy's white shirt is stained with dirt. There is also a feather stuck in his messy hair.

Umiling naman si Alice sa katorse anyos na bata. "Okay lang," sagot niya rito saka iginala ang paningin sa malawak na taniman.

Binalak ni Alice na takbuhin ang daan simula sa kaniyang bahay patungo sa talon. Napadaan siya sa taniman nang mapansin niyang nagkakagulo roon. Saka niya lang nalaman ang pinagmulan ng kaguluhan nang may isang manok na tumigil sa kaniyang harapan. She tried to pick it up but the demonic chicken ran in a snap, then the rest was history.

"Luie, kulang pa ng dalawa ang mga ito." Napabaling sila Alice kay Dino nang magsalita ito. Nakaharap ang lalaki sa mga manok, muling binilang ang mga iyon. He grimaced and sighed. "Kulang nga.."

"Got 'em."

From the chicken, all of them snapped their heads to that voice. A sweat-soaked grey shirt huggged Maron's body along with a pair of black pants. Sa magkabilang kamay ay hawak nito ang dalawang manok na kapwa pumapalag sa higpit nang hawak ng lalaki. The muscles on his arms flexed due to the futile attempt of the animals to escape.

Maron's raven hair probably mirrors her messy one's. Alice arched her brow when she noticed his emerald eyes focused on her. Natigil 'yon nang agad na dinaluhan ng dalawang binata ang lalaki upang kunin ang mga hayop.

Sinamantala ni Alice ang pagkakataon na 'yon para umalis sa lugar. She tore the band holding her poor excuse of a braid together and combed her hair to a messy bun instead. Binilisan ng babae ang pag-alis sa lugar na 'yon nang tahimik.

Five days. It has been five days since that accident involving the man outside their vicinity happened and Alice didn't feel secured than before.

Ang sugat na kan'yang natamo dala ng pangyayaring iyon ay hindi pa naghihilom ng tuluyan. Kung tutuusi'y mapadadali sana ang paggaling ng kan'yang kamay kung 'di lang niya ito ginagalaw. But Alice found it hard to help in the field with just one hand so on the second day, she disregarded the occational ache and silently helped the ladies plow and plant seeds in the field. It earned her a freshly-opened wound at the end of the day and a smack on the head from Jiyo. Hindi na niya muling inulit ang bagay na 'yon.

Limang araw na rin matapos ang nangyari ro'n sa sapa at sa kaparehong bilang ng araw na rin niya hindi kinakausap ang lalaking may luntiang mga mata. It was not a hard task. As Alice became busy with the field, Maron didn't stop a beat in helping around the construction. Both are occupied to even talk to each other. But occational dark glances from those emerald orbs didn't went unnoticed from Alice' senses.

Lagaslas ng tubig ang pumukaw sa atensyon ng dalaga. Muling bumungad sa kan'ya ang matayog na talon. The crystal water glistens as the morning light that peeks from the trees above hits it. Napabuntong hininga ang dalaga sa napagmasdan.

Alice dropped on her knees and scooped some water from the pool. She examined, strictly scrutinizing the cleanliness of it. Nang makitang walang mali ay agad na tumayo ang dalaga. She walked to the right wing of the falls. Sinundan niya ang maliit na batis na nagkokonekta sa talon at sa mga kabahayan.

As she walks, Alice eyed the wall of rocks that stretched out from the waterfall to the distance ahead. Some pointed and sharp edged rocks jutted out from the wall. Halos lumot na rin ang pumalibot sa mataas na pader. The wall might be about fourty feet tall or it could be more. Malinaw pang naaalala ng dalaga ang pagkangawit ng kan'yang leeg nang minsan niyang sinubukang tanawin at sukatin ang taas ng harang na ito. Within minutes of walking, Alice can almost see the corner where the wall they built met with the wall of rock but the massive stone wall still stretched afar.

Of course, Alice is not there for a sightseeing.

She sashayed her way through the scattered trees. Nang marating ang isang maliit na batis na malapit sa kabahayan, pinatalas niya ang kaniyang pakiramdam para sa panganib na maaaring dumating. Alice only have a small knife tucked in the back of her pants, a weapon enough for her to slay whatever it is they were talking about days ago.

"Alice, pasensya na kung nakakaabala kami." Panimula ng isang ginang. If her memory serves right, the lady's name is Carla. Alice was taking a break from plowing this one sunny afternoon when three ladies went to her with disturbed expressions on their faces.

"Wala kasi si Jiyo kaya sa'yo na sana namin ilalapit ito."

She curiously glanced at the three of them. "Ano po iyon?"

Bahagyang tinapik ng ginang ang katabi nito na may mas nababahalang ekspresyon. The latter lady spoke. "A-ano kasi, Alice, kanina kasi, noong maglalaba ako, parang may nakita akong kung ano sa may talahiban sa batis. H-hindi ko napagmasdan nang maigi, pasensya na, natakot na kasi ako at tumakbo kaagad." She explained.

"Baka hayop na naman." Dagdag pa ng isa sa kanila.

Some wild animals occationaly manage to find their way in their walls so that lady's deduction could be right. On a normal day, she could easily turn over the request to Jiyo for she's basically responsible for the hunting ground around their area but because of the incident days ago, Alice couldn't be more sure if it really is just a wild animal.

Ipinokus ni Alice ang tingin sa talahiban sa kabilang panig ng batis. This has been her third time going back here and nothing has ever happened. She doesn't know if it's a good thing or what.

The wind blew swaying the tall grass she is looking at. Ginhawa naman ang dala nito sa kan'ya. The pristine water invites her to wade in it. Only the soft sound of the flowing water and the dancing leaves can be heard. Huminga ng malalim ang dalaga bago iginala ang paningin sa paligid.

Looks like there's nothing again today.

Lumapit siya sa batis at muling lumuhod. She undid the bands around her wound as she looks at the water. Ibinabad niya ang parehong kamay at dinama ang lamig ng dumadaloy na tubig.

When the water somehow stilled, she looked at her reflection. Her messy bun gave justice to its name. Ang ilang takas na buhok ay dumikit sa pisngi at noo niya. She looks like she had a rough morning which, by the record, is so, so true.

But beyond her filthy appearance, she was able to see the gleam in her eyes. Unlike the blinding glow when the sun hits the waters, her eyes glint faintly. Halos blangko na nga kung tititigang mabuti. Alice's expression remained the same way because seeing her eyes almost dead isn't new news anymore.

Her wavering reflection suddenly became more distorted. Nagsalubong ang kilay niya nang mapansing hindi na lang siya ang nakatanaw sa tubig. Across her, another warped image can be seen.

Her head moves to see the owner of the unidentified reflection. Umawang ang labi niya sa nakita.

The first thing that caught her eyes was the snow like white furr of the animal infront of her. Masyadong maputi na halos nakasisilaw na. She silently gasped when it raised its head from drinking on the stream as if it noticed her stares. Bumungad sa kaniya ang isang pares ng mga matang magkaiba ang kulay. Her breath almost fade away when those gleaming violet and azure orbs stared at her in wonder.

Amazed and confused at the same time, she's still able to notice that the creature is in a form of a young wolf. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa magkaibang mga mata nito habang nananatili itong nakatingin din sa kaniya.

This. This is not what she's hoping to find. Hell, not once did she thought she'll be able to see something like this! Ang makahanap ng isang zombie sa tagong lugar nila, kahit na napakaliit na tyansa, ay mas may katotohanan pa kaysa sa makakita ng ganitong nilalang.

What is this thing anyway?

Napatikom ang bibig ni Alice nang gumalaw ang hayop na iyon. Unti-unti nitong tinawid ang distansya nilang dalawa. The stream isn't that deep for the animal to cross over so it was able to reach her in seconds. Hindi rin naman malaman ni Alice kung bakit hindi siya umalis sa pwesto niya nang makita niyang lumapit ito.

She slowly withdraws her hand from the stream. Tumigil ang hayop sa harap niya, nananatiling nakalubog ang mga paa sa batis. It angled its head slowly to the left while curiously looking at her. Gaya niya, para bang takhang takha ito sa nakikita. But unlike her, it bravely took the step to know what it's looking at.

She noticed that its nose suddenly twitched. Umangat din bahagya ang mga tenga nito habang tila may inaamoy sa hangin. Pinigil niya ang hininga niya nang lumapit ito sa kaniyang kamay.

The wound on her hand is exposed to the cold breeze. Iyon ang nilapitan ng hayop at inamoy ng dalawang beses. It let out a whimper as if the wound pained the animal. Tumingin ito sa kaniya pagkaraan na nakababa na ang mga tenga. Its pained expression made her forgot that the animal was not supposed to be there.

Alice's mouth flew agape when the young wolf, without notice, licked the wound on her palm. She felt a sudden sting followed by coldness as if her hand was doused with ice. Sa gulat ay agad niyang binawi ang kamay. Napaatras ang hayop sa ginawa niya, mas lalong nakababa ang mga tenga at nakababa na rin ang buntot. Halatang nagulat at natakot sa ginawa niyang galaw.

Nanatili ang lamig sa kaniyang palad. Binalak niyang silipin iyon ngunit naagaw ang pansin niya nang biglang naging alerto ang hayop sa harap niya. Umangat ang tenga at may tinititigan sa malayong kaliwa ng dalaga. The young wolf let out a small growl and it is visibly looking tensed. Bumalik ang tingin nito kay Alice bago tumalikod at tumakbo patungo sa talahiban.

Napatayo siya para sundan ang hayop. But when she heard a snap of a dried branch, she didn't think twice before throwing the knife pass a tree on her left.

Alice is so sure that she heard a 'Whoops!' followed by a deep chuckle she wished she didn't know so perfectly. Napabuntong hininga ang dalaga at kunot noong binalingan ang lugar kung saan kaswal na naglalakad si Maron habang pinaglalaruan sa kamay ang kutsilyong hinagis ng dalaga.

"Almost got me there." nakangising bungad nito sa dalaga.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya saka pinulot ang benda para sa kaniyang kamay.

"Hmm, that question sounds familiar." Tatawa-tawang saad ng lalaki. He glanced around and back at her glaring eyes. "This looks familiar."

"Sagutin mo ang tanong ko." May diing saad ng dalaga.

"I'm just exploring the area, that's all."

Tinansya ni Alice ang ekspresyon ng lalaki. She deeply wonders if he saw the animal awhile ago. Maaring hindi dahil hindi naman ito nagtatanong. At agad naman na umalis ang hayop sa kaniyang harapan bago pa niya naramdaman ang presensya ni Maron.

Nanliit ang mga mata ng dalaga. Or maybe he was already there long time ago before she noticed him. Knowing this guy for days, Alice knows he is capable of hiding his presence from her. A very dangerous ability, if she may say. Kaya hindi rin maalis sa isip niya na baka nakita rin ng lalaki ang hayop.

But he is still not asking so she settled on her first conclusion.

"There's nothing to explore here. Bumalik ka na ro'n."

Tumalikod siya mula sa lalaki para sinimulang ibenda ang kamay ngunit natigilan siya sa nakita. Her eyes widen when she can't see any cut or redness on her palm. It is completely spotless. Wound-free. Nanlamig siya sa gulat at kaba, halos naestatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Sinubukan niya pang tanawin ang kabilang kamay at baka mali siya ng palad na tinitignan.

"What's wrong?"

Napatalon siya sa pwesto at napaatras mula kay Maron. Tumayo ng matuwid ang lalaki nang harapin niya ito, pareho silang may malalim na kunot sa noo.

"Wala." Kalmadong saad ng dalaga sa kabila ng dagundong ng dibdib. Muli siyang tumalikod at naglakad palayo nang makitang hindi naniniwala ang lalaking kausap.

Her mind's in haywire as she struggle for a reason to conclude what happened on her palm. Ayaw niyang bigyang diin ang nasa dulo ng kaniyang isip. Hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman habang binabalot ang kamay mangilang ulit niyang tahimik na hinahanapan ng sugat.

Dahil malapit sa kabahayan ang batis, agad narating ng dalaga roon. Hindi niya binigyang pansin si Maron na tahimik na nakabuntot sa kaniya. She made sure he wasn't able to see her wrapping her woundless hand.

She's taking notes in her mind as to what she should do regarding the three ladies issue and the animal she saw. Kakailanganin niya ang tulong ni Cyrus para mas mabigyang seguridad ang paligid nila. She also needs to direct the ladies to the other connected streams and widen the restricted area she sets.

As for the animal, Alice is determined to find it again. May parte sa kaniyang isip na nagtutulak sa dalaga na hanapin ang nakitang hayop. And if she needs to scout outside their vicinity just to find it, she will do it in a heartbeat.

There's quite a lot in her plate now and there's no time for idling around.

Hindi mapawi ang kunot sa noo ng dalaga habang naglalakad siya. Dahil sa pag-iisip ay hindi niya agad napansin ang nangyayaring komusyon. Saka lang siya natauhan nang makarinig ng isang galit sa sigaw.

Marami ng tao sa paligid ngunit agaw pansin ang isang kumpol ng mga tao sa gilid. Nakasalubong ni Alice ang ilang mga ginang na nilalayo ang mga bata mula sa komusyon. Napabilis naman ang lakad niya nang muling maulit ang galit na sigaw. Sa pangalawang ulit ay nabosesan niyang si Lenon iyon.

"Anong nangyari!? Sagutin mo ako!"

Hinawi ng dalaga ang mga tao na nakapalibot at nagulat siya sa bumungad sa kaniya. Lenon's tightly gripping Cyrus' colar. Kalmado ang huli samantalang halos handang manakit si Lenon para lang makuha ang hinahanap na sagot mula kay Cyrus.

Sa isang gilid ay si Ginang Loridel na may nababahalang ekspresyon. Sa tabi nito ay si Ell na nakaalalay sa ginang. Tinatawag nito ang anak at pilit pinakakalma ngunit nakatuon lamang ang pansin ni Lenon kay Cyrus.

Nang humakbang si Alice ay agad na napabaling ang paningin ni Cyrus sa kaniya. Isang hawi lang ay agad na natanggal nito ang mahigpit na hawak ni Lenon sa kaniyang kwelyo. He immediately walked to her, his expression is stoic, professional, but concern and bother can be seen deep in those brown eyes.

"Chief, we have an emergency." Bungad nito sa kaniya. Saglit pa na bumaling ang paningin nito sa tao sa likod ng dalaga.

"Anong nangyari?" Tanong ng dalaga.

"Iyon ang tinatanong ko kanina pa!"

Napabaling silang lahat kay Lenon. Ginang Loridel is beside him, trying to calm her son. Samantalang nanatiling napupuyos ang lalaki.

"Cyrus?" Balik na baling ni Alice sa binata.

Umiling ang lalaki sa kaniya saka inilibot ang paningin sa paligid kung saan halos dumoble na ang nakikinig sa kanila.

"Let's talk about it in the quarters."

Nagmamadali itong umalis. Muling umahon ang kaba sa dibdib ng dalaga dahil sa ekspresyon ng lalaki. Gamit ang sariling motor, tinahak ng dalaga ang daan patungo sa himpilan ng mga sasakyan. Itinabi niya rin iyon pagkaraan katabi ng motor na ipinarada ni Cyrus.

Malayo pa lang ang nakakunot na ang noo ng lalaki. Nagtaka siya at magtatanong na sana ngunit naunahan siya nitong magsalita.

"I said this is an emergency." May diing pahayag nito. Alice was about to answer back but another voice stopped her.

"I heard you clearly, Sir. That's why I'm here to help."

Gulat na napabaling si Alice sa kaniyang likod at nakita si Maron na kabababa lang sa isang motor. Naki-angkas ito sa isang kasamahan ni Cyrus na hindi namalayan ng dalaga.

Alice sensed that Cyrus is ready to fight him away so she immediately spoke.

"Cyrus, let him be. Ano ba ang nangyayari?"

Muling bumalik ang atensyon nito sa kaniya. Huminga nang malalim ang lalaki bago sila iginiya sa isang bahay na gawa sa semento. Alice perfectly know this house. This is their quarters that serves as their storage room for a portion of their weapons. At times, it is also used as their quarantine area aside from the first line fense behind their front gate.

Alice stops on her tracks when she saw a movement behind the steel cage that was not been used for a long, long time. Isang ungol ang nanggaling mula ro'n. The low growl fills the whole room. Agad na naging alerto ang dalaga nang matantong isang zombie ang nasa loob ng kulungan na iyon.

Galit na bumaling ang dalaga sa kasama at handa nang magtanong kung paano ito nakapasok sa kanila pero muling napabalik ang paningin niya sa kulungan nang may napansin. Pinagkasya ng dalaga ang kakarampot na liwanag galing sa nagiisang bintana ng bahay para makita ng mas maayos ang mukha ng nasa kulungan.

She silently gasped when she recognized the face.

"Is that. ." Hindi makapaniwalang saad ng dalaga. Pinagmasdan niya pang mabuti ang zombie na pilit siyang inaabot sa kabila ng rehas na pumipigil dito.

"Paolo N. Garcia. Member of Tablo's squad. Three days ago, he was part of the patrol in the outskirts of the town that Jiyo led. Around 9:30 AM today, he went back alone, wounded and with a letter." Paliwanag ni Cyrus.

Humugot ng hangin ang dalaga habang pinagmamasdan ang lalaki sa likod ng rehas. Her face is void of emotion as she scans Paolo's face, imprinting it in her memory. The latter kept on trying to reach her to the point that the cage rattled so much. Dried blood from small cuts scattered all over his body but then above all of those, a huge bite mark captures Alice's attention.

Matapos iyon ay tumalikod siya at humarap sa mga armas na nakahilera sa isang tabi. She heard the crumpling sound of a paper as she walks to the weapons. Tumayo siya sa harap ng mga ito.

"Sinubukan pang magpaliwanag ni Paolo nang makarating siya pero hirap na siyang magsalita. We tried to make use and understand the message written in this paper yet due to the blood and torn areas, it was hard to figure out."

Slowly, Alice's eyes skimmed on each of the weapons in front of her.

"But from the visible remains of the signature, we manage to identify that this message was written by Jiyo." Dagdag ni Cyrus.

Natigilan si Alice sa narinig. Hindi iyon nakawala sa paningin ng dalawang lalaki na kanina pa tinatasya ang ekspresyon ng dalaga.

Tila nag-iba ang hangin sa paligid habang unti-unting inaangat at pinagmamasdan ng dalaga ang isang patalim. Its sharp blade glints when the light caught it, the same current glint in Alice's eyes that nobody in the shed is aware of.

--●--

I was gone for so, so long. Omg. Is everything still alright, guys? I'm really, really sorry. Things have been really crazy lately. Hope you forgive me. UwU.

Here's an update for y'all! Thank you so much for supporting AIZ! Have a nice day!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro