Tribute: Lost Friend
Paalam...
Sa kaibigang naging karamay
at sa di malilimutang pinagsamahan.
Ang ngiti mong dati rating sing tingkad ng araw
ngayo'y sing lamlam na nagbabadyang ulan.
Sa pag-ihip ng hangin sa kanluran
ay ang pagkalagas ng tuyong dahon
ng mga alaala, sa punong naging
sing tayog ng ating pangarap.
Ang pagpatak ng ulan ay gaya sa mga luhang
bumuhos dahil sa pighati ng kahapon.
Sa pagbigat ng balikat ay aking napagtanto
ang mga bagay na di pinahalagaan at
itinapon.
Minsan ba'y iyong pinakinggan ang pintig at
nilalamang mensahe ng pagsusumamo?
o sadyang bulag at nakikita lang ay ang
mapagkunwaring balat-kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro