My Hopes and Goodbyes
Pag-asa sa gitna ng kasawian.
Paalam sa ilaw na iyong hatid.
Pag-asa sa pagharap sa pagsubok,
paalam sa mundong makulay.
Aanhin ang nasimulan kung ang kapalit ay pagkalugmok.
Dulot ay pag-asa ngunit sa dulo'y pamamaalam na kay pait.
Sa aking paggising hanap ang munti mong tinig,
kalauna'y unti-unting naglalaho.
Ang tanging sambit...
Paalam sa matamis mong ngiti.
Pag-asa na siyang tanglaw.
Paalam sa mainit mong yakap.
Pag-asa sa pagtawid ng unos.
Sa pagtahak sa ibang landas,
pag-asa pa rin ang siyang sandata.
Paalam,
sana'y iyong kaligayahan ay mahanap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro