Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata Trese

Xerxes' true face without the mask. Iyan itsura niya minus the hubad. HAHAHAHA.

Illustration were drawn by the author herself. Don't plagiarize
-

"HINDI ka pa pala namatay dahil sa kapangyarihan na nasa katawan mo, kating-kati na si prinsesa Tsukino na mamatay ka." Tumunog ang mga buto ng heneral at unti-unting kinain ng maitim na anino ang sugat at agad na naghilom.

Kinuyom ni Kira ang kamao at hanggang sa ito'y dumugo nang narinig ang pangalan ng dating kaibigan. Mas lumamig ang kaniyang mga kamay hanggang sa kumorte uli ang malamig na usok bilang espada na binato niya kanina sa heneral.

"Bakit mo pa ako kinakausap kung gusto niyo akong patayin? Hayaang ang pakikipaglaban ang maghusga sa lahat," ani ng dalaga at naunang sumugod. Buong lakas na winasiwas ang hawak na espada sa katawan ng heneral na pinoprotektahan ng itim na kapangyarihan.

Hindi man lang makapasok ang talim ng espada dahil sa mga itim na anino at tanging ngisi lamang ang ginagawa ng heneral hanggang sa kumorteng bunganga ang itim na anino at unti-unting nilulusaw ang espada.

Agad na umatras si Kira nang maramdaman ang papalapit na panganib na baka siya ang isunod ng itim na anino.

"Mabuti't alam mo kung kailan ka nararapat umatras." Itinaas ng heneral ang kamay at mas lumaki ang anino at naging korteng ahas, dahil din doon ay nagsimatayan ang mga puno at tumuyot ang lupa. Ang mga bato sa paligid ay tila hinihigop ng ahas na iyon.

Dumilim ang paligid at parang mas naging pugad ng kamatayan ang buong gubat. Sa puntong ito, alam ni Kira na kung magpapatuloy pa ito ay maaring ikamatay ito ng buong gubat.

Ang gubat na ginawa ni Xerxes.

Hindi niya maaring hayaan na lamang na masira ang pinaghirapan ng lalaking nagligtas ng kaniyang buhay at kung hindi niya mapapatay ang heneral ay maaring ikamatay din ito ni Xerxes na hanggang ngayo'y sumisigaw at pilit winawaksi ang itim na anino sa katawan.

At hindi rin maaring mawala ang nakuha niyang tapang sa puso dahil lamang sa kapangyarihan ng heneral.

Lumunok muna siya ng ika-ilang beses at ipinikit ang mga mata, inisip ang isa sa mga natutunang orasyon mula sa libro na ngayo'y nawawala kasama ang batang si Violet at ang unang beses niyang ginamit ang alkemiya at mahika gamit nito upang mailigtas ang sarili mula sa mga kampon ng kadiliman noong ang hari ng Titania ay pinapunta siya sa isang lumang templo upang nakawin ang yaman nito.

Naalala niyang halos ikamatay niya ang paggamit nito, ngunit... Medyo malakas at mulat na siya ngayon sa mahika baka konti lamang ang maging epekto nito sa kaniya.

"Tali ng buhay, maging ginto at maging malakas,
Iwaksi ang kampon ng kadiliman,
Ispirito ko'y gawing lakas
Upang mailigtas ang sinuman!
Sàgrado Aurēllí!"

Naramdaman niya ang pagliwanag ng sariling katawan at ang paglamig pa lalo ng hawak na espada, nakakaramdam siya ng kirot mula sa kaibuturan ng kaniyang kaluluwa pero nararapat niya itong baliwalain kung'di, wala siyang magagawa upang puruhan ang buhong na heneral.

"Paano mo natutunan ang sinaunang alkemiya? Ito ay matagal nang nawawala! Pero hindi bale, hindi mo pa rin ako matatalo!" Itinaas ng heneral ang kamay bilang isang pahiwatig sa kaniyang malahalimaw na anino upang sugurin si Kira.

Umatungal ang halimaw na anino at sumugod sa direksyon ni Kira, nagpakawala ng lilang mga apoy na winaksi lamang ng nagliliwanag na espada ni Kira. Para bang inalis ng atake ni Kira ang kasamaan ng pag-atake ng heneral.

Pinigil ni Kira ang sarili upang bitawan ang hawak na sandata dahil parang pinupunit nito ang kaniyang laman hanggang sa dumugo ito, kumakalat ang sakit sa kaniyang buong sistema at napaluhod siya nang kaunti.

Pinilit niyang tumayo at tumakbo papunta sa direksyon ng mga halimaw ng heneral at sa heneral mismo. Hinigpitan niya ang hawak ng espada at umusok ang nagliliwanag na sandata. Tiniis niya ang sakit hanggang sa maramdaman niyang tumutulo ang pulang likido mula sa dalawa niyang mata.

Inatake niya ang mga maitim na halimaw at pinagtataga ang mga ito, sa bawat taga niya ay nagiging mga bulaklak na gawa sa yelo ang mga naputol na parte hanggang sa nagsayawan ang mga ito sa hangin na para bang isang magandang pagnyebe. Ngunit, sa bawat pangyayaring iyon ay ang pagtulo ng saganang dugo mula sa kaniyang mata at iba pang bahagi ng kaniyang katawan.

"Baka naman bago ka pa makalapit sa akin ay mauuna ka nang mamatay sa iyong sariling kapangyarihan?" Natatawang ani ng heneral at mas lalong dinamihan ang mga maiitim na halimaw.

Napangisi si Kira habang patuloy na pinagtataga ang mga halimaw, "Lihim na paraan ng limang daang diyos ng kalawakan! Khīgrè Zhęphiros!" Lumiwanag ang katawan ng dilag habang umaagos ang dugo sa kaniyang sugat, mas lalong kumikirot ang kaniyang katawan na para bang sinusunog ang kaniyang kaluluwa. Lumabas sa kaniyang likod ang isang pares ng pakpak, ang kaniyang braso ay tinitintahan ng mga sinaunang simbolo at sa kaniyang noo ay isang asul na diyadema na may pamilyar na letrang F. Humaba rin ang kaniyang hawak na espada bagamat mukha itong hindi pa masiyadong malakas.

Ang paraan na ito ay lubhang mapanganib alam ito ng dilag dahil ang bawat paggamit nito ay ang pagkuha ng maliit na bahagi ng kaniyang kaluluwa at sinusugat nito ang katawan ng gumagamit, sinisira ang loob-looban hanggang sa kaniyang buto.

Napatingin lang ang heneral sa dilag at hindi niya maiwasang mainggit. Binuhos niya ang kaniyang buong buhay sa pag-aaral ng mahika at alkemiya ngunit hindi man lang siya umabot ng sagradong limang baitang ng alkemiya kaya't niyakap niya ang maitim na mahika ngunit ang dilag na si Kira ay walang kahirap-hirap na umabot lagpas sa ikalimang baitang ngunit nakakasayang lamang ng kakayahan na hindi nito magawang makontrol at magamit ang lahat ng kakayahan nito.

Tumawa ang heneral sa hinihingal at halos madapa na sa lupa na dilag. Pumalakpak ito at itinuro ang dalaga. "Dapat ko palang pasalamatan na hindi ka namatay, kailangan ko ang kapangyarihan mo at kukunin ko ito pagkatapos kitang matalo."

Tumawa rin nang mahina si Kira at tiningnan ang kaniyang palad. "Bakit ba ako mayroon ng ganito? Hindi ko naman nagustuhan ito." Pinahid niya ang kaniyang palad sa tumulong dugo sa mata.

"Ngunit... Kung ibinigay man ito sa akin kailangan ko itong tanggapin at gamitin ito sa tama. Ang tama ay ang tapusin ang mga salot tulad niyo at kahit na ikamatay ko man ito siguro ay hindi ko pagsisihan dahil ginawa ko ang tama hindi lamang para sa aking sarili ngunit para rin sa iba," pagpapatuloy niya habang inaalala ang unang beses na binasa niya ang sinaunang libro at ang sinabi nito sa kaniya...

"Tanggapin ang kapalaran."

Kung ito man ang kaniyang kapalaran siguro ay tatanggapin na lamang niya dahil kung mamatay man siya ngayon dahil sa paggamit ng kapangyarihang hindi niya kabisado ay dadalhin niya kasama niya sa kamatayan ang heneral at sisiguraduhing ligtas si Xerxes at ito na lamang siguro ang magpapatuloy sa kaniyang sinimulan.

Ipinikit niya ang mata at nagliwanag ang kaniyang paanan, lumabas ang tala ni dabid mula rito. Pinagaspas niya ang kaniyang pakpak at lumipad papunta sa direksyong muli ng heneral at pumatak mula sa pakpak ang kaniyang dugo. Naramdaman niya ang pagtunog ng kaniyang mga nababaling buto ngunit tiniis niya ito at winasiwas ang espada na nagsimbolong tala ni dabid sa isang iglap ay nawala ang mga halimaw ng heneral.

Buong lakas na inatake ni Kira gamit ang kaniyang espada ang heneral. Sinalubungan ng talim ng espada ni Kira ang kamay ng heneral na nababalutan ng itim na anino.

Sumigaw nang sumigaw si Kira habang patuloy na inaatake ang heneral ngunit nagagawa nitong salagan ang kaniyang mga atake. Nararamdaman na ni Kira na malapit nang lumabo ang kaniyang paningin at mauubusan na siya ng dugo.

"Sumuko ka na!" tawa ng heneral at nakahanap ng tiyempo na sugatan si Kira gamit ang kaniyang paa na may matalim na bagay na gawa sa anino.

Bumulwak ang dugo mula sa bibig ni Kira ng tamaan ng matalim na bagay ang kaniyang sikmura ngunit hindi siya sumuko at patuloy na umaatake kahit na alam niyang matatalo siya sa labang ito.

May alam pa siyang orasyon na maaring makakapagtatapos sa heneral ngunit, kung ito ay kaniyang gagawin sa kaniyang kalagayan ay maaring magiging kabayaran nito ang kaniyang buhay.

Ngunit... Kapag hinayaan niyang buhay ang heneral ay marami pa itong masasaktan at kapag hindi niya pinigilan ito maaring hindi lamang siya ang papatayin nito kung'di pati si Xerxes at si Violet.

Patuloy na lumalabo ang kaniyang paningin at alam niyang desidido na siyang ialay ang lahat upang patayin ang heneral.

Humugot siya nang hininga na maaring huli na niya. Ibubuka na sana ang bibig upang bigkasin ang orasyon ngunit...

Biglang sumigaw sa sakit ang heneral at sa sikmura nito ay may isang malaking butas at sa butas ay may kamay na may matatalim na kuko na hawak-hawak ang lamang-loob nito.

Masaya na sana ang heneral nang makita ang mahinang itsura ni Kira, alam niyang kung gagawin nito ang balak ay maaring ikamatay iyon nito at kahit na subukan man ng dilag ay hindi nito kayang gamitin ang buong potensyal na lakas ng orasyong ito at hindi siya nito mapapatay.

Ngunit, ang kaniyang pagsasaya ay naputol nang maramdaman ang kirot sa kaniyang sikmura na hindi niya inasahan at ang malakas na presensya sa kaniyang likuran na alam niyang higit na mas malakas sa kaniya at wala siyang ubra dito.

Nakita niyang paanong lumaylay ang kaniyang lamang-loob at paano pigain ito ng kamay na may matutulis na kuko. Naramdaman niya ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang bibig ang at ang paghina ng kaniyang kapangyarihan.

Nakita niyang mabilis nitong inalis ang kamay mula sa loob ng kaniyang sikmura at kung paano ito bumilis nang galaw upang masalo ang natumbang si Kira.

Nasaksihan niya ang matatalim na titig nito at naramdaman niya ang kakaibang lamig sa katawan dala ng takot sa nasabing nilalang. Dinilaan nito ang kamay kung nasaan ang dugo at dinuraan nito kaagad.

Sa isang kamay nito na nakasuporta sa katawan ni Kira ay may hawak itong pamilyar na maskara na ngayo'y basag na.

"I-Ikaw!" Tsaka lang napagtanto ng heneral na ang dating inakala niyang nabaliw na dahil sa kaniyang anino na si Xerxes ay umaarte lamang at ang nilalang sa ilalim ng maskara ay...

"Shhh." Nilagay ng nilalang ang madugong hintuturo sa may bunganga nito.

Halos maihi sa takot ang heneral ng muling mapagtanto kung saan niya narinig ang pangalan nito. Mas lalong kumikirot ang kaniyang sugat at mas lalo itong dumudugo. "P-Pri-" hindi natapos ng heneral ang sasabihin ng mahinang nilapag ng nilalang ang katawan ni Kira sa sahig at tumayo ito, mata'y handang pumatay na diretsong tumitingin sa kaniyang mga mata.

"Hindi maaring mamatay si Kira at nakakaawang hindi mo agad napagtanto kung sino ako, Eode. Sayang..." bawat letra ng sinasabi nito ay nagpadala ng takot sa masamang heneral na hindi na niya napaghandaan pa ang paglapit nito sa kaniya.

"Sayang at mamatay ka na. Humihingi ako ng patawad kay Kira na ako ang gagawa at hindi siya." Hindi na nakasagot pa ang heneral ng naramdaman niyang ngumingisay ang katawan niya at sumabog mula sa kaniyang katawan ang maraming halaman.

Kasabay ng pagbuka ng mga bulaklak sa halaman ay ang pagtatapos ng buhay ng buhong na heneral.

SAMANTALA, pilit na tinitingnan ni Kira ang lalaking pumatay sa heneral kahit na malabo na ang kaniyang paningin. Nakatalikod ito at may mayabong puting buhok ngunit isa lang ang alam niya.

"X-Xerxes." binigkas niya ang pangalan nito at agad na humarap ang lalaki

Tama siya. Ito nga si Xerxes ang totoong Xerxes na nagkukubli sa loob ng maskara.

"B-Bakit? Dapat ako ang nagligtas sa iyo? Pero bakit parating ikaw lagi ang nagliligtas sa akin? Mahina nga talaga ako," mahina niyang wika at pilit na inaabot ang kamay sa pigura ni Xerxes.

Naramdaman niyang hawak niya ang malaki nitong kamay at kaniyang pinisil-pisil. "Hindi ka mahina, napatunayan mo iyon ngayon at hindi mo man ako niligtas ngunit balang araw magagawa mo rin iyon," rinig niyang wika nito.

"Ngunit... Nagawa mo na, Kira. Hindi mo lang maalala," bulong ng binata sa tenga ng dalaga na hindi narinig ni Kira dahil tuluyan nang nawalan ng malay.

Napangiti ang binata at napatingin sa basag na maskara. "Nararapat ko itong maisaayos. Hindi mo pa pwedeng malaman kung sino ako, Kira. Hindi pa ngayon," ani niya sa dalaga pagkaraa'y kinarga ito.

Napatingin ang binata sa mapupulang langit at ang tuyot na gubat. Kahit na namatay na ang heneral ay hindi pa rin ito naalis. Isa lang ang ibig sabihin nito...

May mas masamang nilalang ang gumagawa nito at nasa panganib ang buong kontinente.

-

Sorry for the long wait. Quite long update to compensate my tardiness. This is 2,082 words. I hope you guys enjoyed.

This is the start of much bigger war na haharapin nila Kira so brace yourselves sinner angels. THIS. IS. ONLY. THE. BEGINNING.

Please press the star button if you like the chapter and you can also leave some feedbacks.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro