Chapter Two
PAULIT-ULIT kong inisip kung sino ang nagpadala sa akin ng sulat na 'yon. Ilang araw ang lumipas pero hindi ko pa rin malaman at maisip kung sino ang imposibleng magpadala no'n. Hindi ko rin maintindihan kung anong numerong nakasulat sa dulo.
"Hoy, Step! Ayos ka lang ba? Tulala ka na naman diyan. Ano na naman ba iniisip mo?" Bumalik ako sa aking wisyo nang magsalita si Lex sa aking gilid.
"A-Ano, ayos lang." Wala sa sariling sagot pero halata namang hindi ito naniwala kaya sumimangot siya habang nakatingin sa akin.
"Are you sure? Nandito naman ako palagi for you, Step. You can talk to me," anito.
Wala akong pinagsabihan sa sulat na natanggap ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin dahil sila Chris at Lex lang naman ang malapit sa akin. Baka mag-isip pa sila ng kung anu-ano.
"Ano na, Step? Sabihin mo na sa amin." Rinig ko na ring sabi ni Chris na kanina lang ay may kausap na kung sino.
"Sasabihin ko sa inyo sa tour. Alam ko namang sasama kayo, kaya hintayin niyo na lang. Ilang tulog na lang naman 'yon," saad ko sa kanila ng naisip ko. Siguro naman ay bago dumating ang tour ay malalaman ko na kung sino ang nagpadala no'n. Tumango naman ang dalawa at bumalik na sa ayos.
"Bartending pala tayo mamaya, nakagawa kayo ng assignment?" Biglang tanong ni Chris at nilabas ang notebook niya.
"Yes, meron na ako. Kayo ba?" Tanong ni Lex.
"Meron na ako," sagot ko naman.
"Hindi ko pa tapos yung akin. Tinamad akong mag-search. Parang pare-parehas lang naman kasi yung baso e." Napakamot pa sa ulo si Chris habang binubuklat ang hawak.
"Medyo mahirap nga, pero may pagkakaiba naman yung mga glass kung titignan mo ng maayos." Paliwanag ni Lex at kinuha na rin ang notebook. Binigay niya iyon kay Chris para makakopya.
"Explain ko na lang mamaya 'yan sa 'yo. May vacant naman tayo mamaya," sabi pa ni Lex bago yumuko at mukhang matutulog. Hindi yata kasi darating ang prof namin sa Housekeeping kaya ang karamihan sa mga kaklase ko ay nakayuko na at ang iba ang nagkukuwentuhan lang. Trenta minuto na itong late at sabi ng ibang prof namin kapag ganito ay hindi na darating.
"SHAB! Tara na, kanina pa naghihintay sila Jyryl sa atin." Yaya sa akin ni Kat nang isang oras ng hindi dumating ang prof namin.
"Wait lang, lapitan ko lang sila Lex. Yayayain ko. Hindi na natin nakakasama yung tatlong 'yon, e," sabi ko at humakbang na papalapit sa tatlo.
Tatlo sila na naging kaibigan namin ni Kat no'ng magsimula ang pasukan, pero dahil may nakilala kaming ibang kaibigan na taga ibang block, minsan na lang namin sila malapitan. Minsan ay niyayaya rin nila kami kaso hindi kami nakakasama dahil iba ang trip nila sa trip namin. Masyadong silang mabait at hindi man lang namin mayaya na lumabas.
"Step?" Tawag ko kay Step na nakatayo sa harap ni Lex dahil ginigising niya ito.
Lumingon naman sa akin si Step ng nakangiti kaya nginitian ko rin siya.
"O, Shab," sabi nito at lumingon pa sa likod ko. "Kat, kumusta? Anong atin?" Pakikiag-usap usap niya sa amin at tinigilan ang paggising kay Lex, pumalit naman sa kanya si Chris.
"Yayain namin kayo kumain, tara. Kasama sila Jyryl," ani ko. Kilala nila si Jyryl at iba naming kaibigan dahil pinakilala naman namin sila. Pero ilag si Jyryl kila Step, dahil may gusto si Jyryl kay Alexis at ang alam ng lahat ay nanliligaw si Alexis kay Step.
"Jyryl? Kayo na lang, baka sungitan na naman ako no'n." Natatawa pang sabi ni Step kaya natawa na rin ako.
"Hindi 'yan, tara. Ako bahala sa 'yo." Inakbayan ko pa siya kaya naman wala na siysng nagawa kundi pumayag.
"Saan tayo kakain?" Napalingon naman kami parehas sa gawi ni Lex na gising na pala.
"Sa Queen's Cafe," sagot ko dahil hindi ko pa pala nasasabi kung saan.
"Sino mga kasama?" Tanong pa ulit ni Lex at nag-ayos na rin ng sarili.
"Sila Jyryl daw, yung kaibigan nila sa ibang block," sagot naman ni Step.
Nang makaayos na si Lex ay nagsimula na kaming maglakad. Malapit kang ang Queen's Cafe sa university kaya hindi na kami magdadala ng mga sasakyan.
Habang naglalakad ay puro kuwentuhan lang kami at pinag-usapan na rin namin ang darating na tour at hindi nga ako nagkamali na sasama sila.
"Sasama rin kami!" Excited ko pang sabi. Nakakapit ako kay Lex ngayon at ang tatlo naman ay nauuna sa amin maglakad.
"Hindi ba ka-dorm niyo yung Ace? Sasama kaya 'yon?" Biglang tanong ni Chris at bahagya pang sumilip sa amin.
"Don't know, hindi naman namin nakakausap 'yan e. Ang nakakausap lang namin kung may concern kami sa dorm ay yung kaibigan niyang si Diann." Si Kat na ang sumagot.
"Pati sa dorm niyo gano'n siya kumilos? Ganyan din ba siya manamit?" Tanong ni Lex at may tinuro pa. Nakita ko naman si Ace na mag-isa. Naka-jacket na naman habang nakasandal sa isang puno.
"May pagitan ang kuwarto namin at kuwarto nila kaya hindi namin nakikita. Pero kapag sabay-sabay kaming kumakain, naka-jacket pa rin siya," sambit ko.
Tumigil sila Kat sa paglalakad kaya napatigil din kami ni Lex. Napatingin sa amin si Kat, at kita ko ang pagtingin niya kay Ace saglit.
"Hindi ko ba nasabi sa 'yo, Shab?" Kunot noong tanong ni Kat.
"Ha? Ano 'yon?" Taka ko namang tanong.
"Nakita ko si Ace no'ng nakaraan. Naka-shirt at maiksing short lang. Akala niya siguro tulog na lahat kaya lumabas siyang nakagano'n." Natatawa niyang sabi at sinulyapan ulit si Ace, nang tumingin naman ako sa kanya ay nakatingin na rin siya sa amin.
"Tara na, saka na natin 'yan pag-usapan." Mabilis kong sabi at hinila na ang kamay na mahawakan ko. May kakaiba sa titig ni Ace na hindi ko maintindihan. Kahit sa dorm ay hindi ko siya malapitan dahil sa pagka-weird niya.
"Bakit ka ba nagmamadali?" Biglang tanong ni Chris nang medyo makalayo kami sa puwesto ni Ace.
"Ayoko ng titig ni Ace. Kung kanino siya nakatingin sa atin ay hindi ko alam, pero yung paraan ng titig niya hindi ko gusto," sabi ko at wala na namang nagsalita kaya nagpatuloy na kami.
Pagkarating namin ay nakita ko na sila Jyryl, Timmy, Angel, at may kasama pa silang nakatalikod sa gawi namin kaya hindi ko makilala.
Nakita kami ni Jyryl. Ngumiti ito at kumaway pa, pero unti-unti napawi 'yon nang mapalingon siya sa likod ko. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita kong nando'n si Step.
Nang makalapit kami ay tumayo ang tatlo para bumeso sa amin ni Kat, umupo naman agad si Kat sa katabing upuan ni Timmy. Naiwan naman kaming nakatayo nila Jyryl, at ang tatlo kong kasama. Nakatingin sa akin si Jy kaya tinignan ko rin siya, para kaming nag-uusap gamit lang ang mata. Tumingin siya sa nakaupo kaya napatingin din ako ro'n. Si Alexis ang nakaupo habang may nakasaksak pang earphones sa kanyang tainga.
"Restroom lang kami ni Shab," biglang sabi ni Jy at hiniwakan na ang kamay ko para hilahin papasok sa restroom.
Hinihila niya lang ako nang tignan ko sila Step na nakatayo pa rin at halata ang pag-aalinlangan sa mukha dahil nakita na rin niya si Alexis.
"Ano bang pumasok sa isip mo at sinama mo pa sila?" Nag-aalburutong tanong agad ni Jy nang makapasok kami sa restroom.
"Hindi ko alam na kasama niyo si Alexis, dahil wala naman kayong sinabi. Gusto ko lang naman na makasama sila Step." Mahinahon kong sabi at napabuntong-hininga naman siya.
"Sana hindi ka na lang um-oo na sasabay ka sa amin kung kasama mo yung tatlo. Alam mo naman na ayoko kay Step, tapos sinasama mo pa rin siya?"
"Ayaw mo sa kanya, pero kaibigan ko 'yon, Jy. Kaibigan din kita. Gusto kong maging okay kayong dalawa." Pagpapaliwanag ko rito, pero wala yata siyang balak makinig dahil pinapairal na naman nito ang init ng ulo niya.
"Hindi kami magiging okay, Shab. Hanggat may gusto sa kanya si Alexis."
"Bakit mo pipilitin ang hindi naman dapat ipinipilit, Jy? Ikaw lang naman yung may ayaw kay Step e, pero si Step wala sa kanya ang mga ginagawa mong panunumbat. Hindi niya kasalanan na may gusto sa kanya si Alexis, Jy. Intindihin mo 'yon!" Matigas ang ulo niya at hindi mapagsabihan ng mahinahon kaya inis ko na rin siyang pinagsabihan.
"Whatever you say, Shab. See you later! Aalis na ako." Tumalikod siya sa akin at lumabas sa restroom. Sinundan ko naman siya at huminto sa may mesang malapit sa restroom. Nakita kong dali-dali niyang kinuha ang bag niya. Sumama naman ang apat sa kanya at ang natira lang sa table ay sina Alexis, Step, Chris at Lex.
Hindi magkatabi si Alexis at Step, pero malayo pa lang halata mo na ang mukha ni Step na hindi niya nagugustuhan mga sinasabi ni Alexis. Nagmamayabang na naman siguro. Bulong ko sa aking sarili.
"UNA na ako." Nagmamadaling sabi ni Jyryl pagkagaling niya sa restroom. Masama pa itong tumingin sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin. Lumingon ako sa likod niya at hindi ko naman nakita si Shab.
"Where are you going?" Maarte ang boses na tanong ni Angel.
"I don't know," ani Jyryl.
"Sama ako," saad ni Timmy at sumama na rin si Angel at Kat. Wala na kaming magawa no'ng magpaalam sila.
Nang makaalis ay iniinis na naman ako ni Alexis na nasa harap ko ngayon.
"Step, come on. Sumama ka na, birthday ko naman e. Invited sila Shab, kaya pumunta ka na rin. Isama mo na rin sila Lex at Chris." Pamimilit nito. Kanina pa itong namimilit na pumunta ako sa birthday niya at kanina ko pa rin siya tinatanggihan.
Ayokong umasa siya kapag pumunta ako sa birthday niya.
"Hindi talaga, Alexis. Hindi ako papayagan." Palusot ko na lang. Alam kong papayagan ako nila Mom, pero ako lang talaga 'tong ayaw lumabas para gumimik.
"Please," paawa nitong sabi kaya umasim ang mukha ko. Hindi naman kasi bagay sa kanya ang magpaawa dahil nagmumukha siyang pato.
"Hindi talaga," sabi ko pa.
"Si—" naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Shab, na nasa gilid na pala namin.
"Anong meron? Bakit nakasimangot na 'yang si Step?" Tanong agad niya at tumabi kay Chris.
"Ayang si Alexis kasi e. Pinipilit si Step na pumunta sa birthday niya," sabi ni Lex at nagsimula ng mamili ng pagkain.
"Hindi ba kayo pupunta? Pumunta kayo, pupunta ako." Masayang sabi ni Shab at tinignan pa ako.
"E," tanging nasabi ko.
"You have one week pa naman to think, Step. No need to rush." Pa-cute naman na sabi ni Alexis habang nakatingin sa akin. Kaya naman inangatan ko siya ng kilay.
"No need to rush? E, kanina ka pa nga namimilit e," inis na sabi ni Chris.
"Sorry naman. Pero I want to see you on my birthday Step," sinserong sabi niya pa at kumain na.
Nasabi niya kay Kat kanina na kumakain pala siya rito nang biglang umupo sa mesa niya sila Jyryl. Wala naman na siyang magawa, kaya hindi niya na pinaalis at nag-earphone na lang.
Tinignan ko naman sila Chris at Lex kung anong masasabi nila sa pagpunta ko sa birthday ni Alexis. Parehas naman silang walang tutol, sa mata pa lang nila ay halata ng walang pagtutol.
"Sige, pupunta ako. Kasama ko sila Lex at Chris," sabi ko at napa-angat naman ng mukha si Alexis sa akin. Maaliwalas na ang mukha niya kung pagbabasehan ang kanina niyang mukha.
"Ayun, thank you Step," masayang sabi niya.
NAKAUPO ako ngayon sa may puno. Kadadaan lang ng grupo nila Step— napatitig ako sa kanya at gano'n pa rin. Sobrang ganda pa rin talaga.
Kinabit ko ang earphones ko at pumikit. Inisip kong ilang buwan na akong humahanga sa kanya pero hanggang ngayin ay hindi ko pa rin masabi. Paano ko nga ba masasabi kung ang tingin nila sa akin ay weird.
Habang nag-iisip naman ay bigla akong may naramdamang nangangalabit sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko naman si Diann. Tinanggal ko naman ang earphone ko at kinunutan siya ng noo.
"Anong ginagawa mo rito? May pasok ka pa ah." Pagtatanong ko.
"Maaga kaming pinalabas ng prof namin. Buti na nga 'to para may makasama ka naman," sabi nito at umupo pa sa harap ko. Inayos ko naman ang pagkakaupo.
"Makasama? Baliw ka ba? Sanay naman akong mag-isa, you don't need to go here para may makasama ako." Pagtataray ko sa kanya na hindi naman tumalab at nginitian pa ako.
"Gagi, nakakatawa kang magtaray, hindi bagay sa 'yo." Tumatawa niyang sabi kaya naman inangat ko na lang ang kamay ko at binigyan siya ng fuck you sign.
"Bad ka talaga, Ace. Ako na nga 'tong sinasamahan ka e. Tignan mo nga sarili mo? Seriously?! Naka-jacket ka ngayon, tirik na tirik ang araw." Sermon niya at hinawakan pa ang jacket ko na parang nandidiri.
"Pake mo ba? Akala ko sasamahan mo ako? May kasama palang lait pagsama mo. Umalis ka na nga!" Tinulak ko pa siya, pero dahil mas malaki siya sa akin hindi ito tinablan sa tulak ko.
"Hindi ka na lang magpasalamat na sinamahan kita," sabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin.
Mayamaya lang din ay niyaya niya akong kumain kaya naman um-oo na lang ako. Dumiretso kami sa cafeteria at hindi na marami ang tao. One o'clock na kasi kaya kaunti na lang ang kumakain.
"Ako na o-order." Pagpepresinta niya kaya naman hindi na ako umangal dahil tamad din akong mag-order.
"UNA na kayo, restroom muna ako saglit," sabi ko kila Step and Chris. We're done eating and pabalik na kami sa classroom for our next class.
"Gusto mong samahan ka namin?" Tanong pa ni Step pero umiling ako.
"Kaya ko naman mag-isa Step. Una na kayo," sabi ko pa at wala na naman silang magawa. Magkaiba ang way ng papuntang restroom at classroom kaya naghiwalay na kaming tatlo.
Pagpasok ko sa restroom ay may isang babaeng nagsasalamin. She looks familiar, pero hindi na ako nag-aksaya ng panahon para isipin kung sino siya.
Nilapag ko sa lababo ang bag ko at hinanap ang powder and lipstick ko. Nang nilabas ko ang lipstick ko ay bigla naman 'yong nahulog at gumulong sa isang cubicle na may tao sa loob.
"Shit!" Bulalas ko.
"Don't worry, Miss. Kaibigan ko na diyan, palabas na rin 'yon." Napalingon ulit ako sa babaeng nasa salamin at tumango na lang.
Hindi naman nagtagal ay lumabas nga ang taong nasa loob at si Ace 'yon. Nakasabit ang bag niya sa kanang balikat at naka-jacket pa rin siya. Halatang nagulat din ito sa akin dahil nasa harap ako ng pinto.
"Is this yours?" Bigla niyang sabi at pakita sa hawak niya, napatango naman ako at inabot niya nga ito sa akin.
Pumunta naman ako sa may bag ko ulit at sinimulan na ang gagawin ko.
"Ace, una na ako. Class na namin." Paalam no'ng babae kay Ace at nakita ko sa repleksyon ng salamin na tumango lang si Ace.
Nasa may salamin din si Ace at naghuhugas ng kamay. Nakalapag din ang bag niya sa lababo at malapit iyon sa bag ko.
Nang matapos siya ay lumabas agad siya ng hindi man lang lumingon sa akin kaya napa-iling ako. Pagtapos ko ay nilagay ko na lang basta sa bag ko ang powder at lipstick at dumiretso na rin sa classroom.
"Lex, paturo na ako ro'n sa assignment." Agad na sabi ni Chris nang makaupo na ako sa upuan ko. Tumango naman ako sa kanya at kinuha sa bag ko ang notebook.
Pagkalabas ko ng notebook ay may lumipad namang maliit na papel. Sa pag-aakala kong important notes iyon ay pinulot ko agad. Pero nagkamali ako. Bigla akong napangiwi sa nabawa ko.
Mata mong kay ganda,
Ayaw kong makita ng iba.
Paulit-ulit ko pang binasa at napapangiwi lang talaga ako.
"Hala! Ano 'yan, Lex? May admirer ka?" Pagtatanong sa akin ni Chris at narinig iyon ni Step. Naki-usyoso na rin ito.
"Ha? Hindi. Baka maling lagay lang, wala namang pangalan e." Nakangiwi kong sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro