CHAPTER 8
UNTI-UNTING IMINULAT ni Melissa ang kanyang mga mata, nabalisa sa walang humpay na pagtunog ng kanyang telepono. Alas tres pa lang ng umaga, at hindi niya maintindihan kung sino ang tatawag sa kanya ng ganitong oras. Nakapikit sa kadiliman, pinilit niyang ituon ang pansin sa screen ng kanyang telepono at nakita niyang ito ay isang numerong pamilya sa kaniya - isang taong pilit niyang iniiwasan at ipinagdadasal na mawala na sa kanyang buhay.
Sa kabila ng nagambalang tulog, naramdaman niya ang pag-igting ng pagkaalerto habang nangingibabaw ang kuryusidad at pangamba kung sasagutin niya nga ba ang tawag o hindi.
"Henry," bulong niya at napapikit ng kaniyang mga mata.
Napatingin siya sa orasan na nakapatong sa maliit niyang lamesa at napaisip na baka pwede naman niya itong sagutin tutal ay wala namang makaririnig sa kanya sa mga oras na iyon.
Humugot na muna siya ng paghinga bago sinagot ang tawag.
"Lissa, ilang araw mo ng hindi sinasagot ang mga tawag ko. May hindi ka yata sinasabi sa akin at sa iba ko pa nalaman," unang salubong nito sa kanya.
Ganoon naman talaga palagi ang binata dahil mas gusto niyang dumiritso agad sa punto kung ano man ang kanyang dapat na sabihin.
"Henry," tanging sagot ni Melissa at para itong mangiyak-ngiyak dahil sa pangangamba at kasama na rin ang takot.
Si Henry ang isa niyang malaking sekreto. Hindi niya rin alam kung paano at bakit iyon nangyari. Maituturing niya itong isang disgrasya at hindi niya sinasadya ang lahat ng mga nangyari at basta na lamang itong nangyari.
Ilang buwan din itong lumabas muna sa bansa bago ang huling nangyari sa kanila.
Sa kabila ng palagiang pagliban ni Nathaniel dahil sa trabaho, siya pa rin ang perpektong nobyo para sa kanya. Ang kanyang mga katangian ay eksakto kung ano ang gusto niya sa isang kapareha at nakikita ni Henry kung bakit sila naging magkasintahan. Bilang kanyang matalik na kaibigan, alam niya ang lahat tungkol sa kanilang relasyon at hindi kailanman naisip ang anumang pag-iisip ng pagtataksil sa kanya.
Gayunpaman, isang nakatutuksong gabi ang nagbago ng lahat sa pagitan ni Melissa at Henry. Nagsimula ito nung gabi ring iyon - dalawang magkaibigan lang ang nagha-hang out gaya ng dati. Ngunit habang lumalalim ang gabi, may isang bagay na nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa at bago pa nila ito namalayan ay nakita na lamang nila ang kanilang mga sarili na hawak-hawak ang isa at isa.
Pareho silang sinubukang labanan ito sa una, alam nilang naglalaro sila ng apoy at isa na iyong malaking pagtataksil kay Nathaniel. Gayunpaman habang lumilipas ang panahon at sa bawat sandali na magkasama, natagpuan nila ang kanilang mga sarili na hindi kayang pigilan ang kanilang lumalagong pagkahumaling sa isa't isa.
It was an elaborate situation; love triangles often are. But no matter how much guilt overtook her or regrets flooded his mind afterwards - nothing could change what had already happened between them.
Ang gabi ring iyon ay homecoming program mismo ng kanyang kasintahan at hindi siya nakadalo dahil na rin kay Henry. Naging mainit at naging mapusok siya nung mga oras na iyon.
Ang buong akala niyang isang gabing pagkakamali lamang iyon ay nasundan nang nasundan hanggang sa ginusto na niyanang mga nangyayari sa kanila. Mga pangyayaring hindi halos maibigay ni Nathaniel sa kaniya.
Ngunit walang araw na hindi siya nakokonsensya sa tuwing nagtatalik din sila mismo ni Nathaniel. At nang malaman niyang nagdadalang tao na siya ay alam niya mismo sa kanyang sarili na hindi si Nathaniel ang ama ng kanyang dinadala kung hindi si Henry.
Ngunit kahit na ganoon ay hahanap at hahanap siya ng paraan upang ituwid ang kanyang mga pagkakamali. Hahanap siya ng paraan upang si Nathaniel pa rin ang tatayong ama sa sanggol na kanyang dinadala.
Hindi niya mahal si Henry at tanging init lamang ng laman ang naging puno't dulo ng lahat. Sa huli ang tanging laman lang ng kanyang pudo ay walang iba kung hindi si Nathaniel.
"Nagdadalang tao ka raw. Care to tell me whose the father of that? Ilang buwan na pala 'yan and I doubt that I am the father of that," wika ni Henry sa kabilang linya dahilan upang bumalik sa huwisyo su Melissa.
Napakagat labi si Melissa at hindi malaman kung papatayin na lamang niya ang tawag o dapat niya itong kausapin ng masinsinan kaysa sa magkita pa silang dalawa sa publiko o mapasekreto man.
"Henry, tigilan na natin ito. Alam mo naman sa una pa lang na mali na ang ginagawa natin at isa pa ay bestfriend mo si Nathaniel," matabang niyang sagot dahilan upang matawa ng bahagya si Henry sa kabilang linya.
"Ako lang ba ang hindi nakakaalam kung ano posisyon natin maliban sa mga posisyon na mga ginagawa natin at sobrang nagustuhan mo. Ako bestfriend niya at ikaw naman ay ang kasintahan niya. So sino kaya sa ating dalawa ang may mas mabigat na kasalanan? Isa pa wala na si Nathaniel kaya itigil mo na rin ang kaiisip mo riyan na babalik pa siya dahil nakita na nga ang bangkay niya hindi ba?" mahabang lintanya niya na may pagak na tawang kasunod.
Naiiritang napairap naman si Melissa dahil inaaamin namin niya sa kanyang sarili ang lahat ng mga iyon at araw-araw ay pinagsisisihan niya ang kanyang mga kasalanan. Kung tutuusin nga ay parang naging karma niya ang lahat ng mga nangyayarin sa kanya na pati si Nathaniel ay wala na ngayon sa kanyang buhay.
"Matagal ka nang kilala ng mga magulang ni Nathaniel, Henry," panimula niya nang may panginginig sa boses. Nakakuyom ang mga kamay niya na parang pinipigilan ang lahat ng emosyong bumubulusok sa loob niya. "Wala pang nakakaalam ng sikreto natin, and I think it's better to keep it that way for now. Let's bury everything deep down and forget about it." Napahinto siya, huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Mamuhay tayo nang matiwasay nang hindi nanganganib na malaman ng sinuman."
"So sa tingin mo ganoon na lang kadali? Do you think I'll let you go that easily? Lahat ng iyon ay ginusto mo at ginusto ko. Ginawa nating pareho. Ngayon na buntis ka ay sigurado akong ako ang ama niyang dinadala mo. Bibigyan lamang kita ng tatlong araw o baka nga hindi abutin ng tatlong araw bago ako mismo ang pumunta riyan at magpakilala," ani niya at bago pa man makasagot si Melissa ay namatay naman kaagad ang kabilang linya.
Ibinaba na pala ni Henry ang tawag dahilan para ihagis ni Melissa ang kanyang selpon sa pader dahil sa sobrang galit. Isang malakas na tili ang pinakawalan niya habang inilalabas ang kanyang pagkadismaya. Wala siyang pakialam kung may makarinig man nito o magising niya man ang kanyang mga magulang.
Ilang minuti ang lumipas at wala namang pumasok sa kanyang kwarto atbibig sabihin noon ay walang nakarinig sa kanyang pag-ingay. Walang ano-ano ay tumutulo na lamang ang kanyang mga luha dahilan upang takpan niya ang kanyang mukha at humaguholhol sa iyak.
Hindi niya malaman ang kanyang gagawin at sa kung saan magsisimula. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit pa nga ba niya iyon ginawa sa kanyang sarili at sa kanyang mahal na si Nathaniel. Hindi siya makapag-isip ng maayos at butil-butil na rin ang kanyang pawis.
Pakiramdam niya ay nahuli siya mismo ni Nathaniel na may katalik na iba. Ilang araw na nagsimulang maging linggo at buwan ng hindi pa nakikita si Nathaniel at halos ang mga awtoridad ay sumuko na sa kahahanap at ganoon na rin ang mga magulang nito. Para bang tanggap na nilang wala na ang kanilang minamahal na anak maliban sa ina nito mismo na naniniwalang buhay pa ito at hinihintay lamang ang kanilang paghahanap.
Totoo ang mga sinabi nito anak nga ni Henry ang kanyang dinadala at hindi kay Nathaniel ngunit papaano naman niyan ito sasabihin sa kanyang mga magulang pati na rin sa mga magulang ni Nathaniel?
"Para akong mababaliw. Hindi ko naman ito ginusto. Nathaniel please kung nasaan ka man alam kong buhay ka at kahit na ganito na ang sitwasyon ko ay sana ay matanggap mo pa rin ako. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lamang ako. Bukas na bukas din siguro ay pupunra at kauusapin ko na silang lahat bago pa man ako maunahan ni Henry," bulong niya habang kinukuyom ang kanyang mga kamay sa galit at pagkabalisa.
Naaalala niya noong hinahangaan niya ang pagiging go with the flow ni Henry, ang kakayahang gawin ang lahat ng gusto niya nang walang pakialam sa sinuman. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagsimula siyang makita ang mga kahihinatnan ng kanyang mga aksyon at kung paano ito nakaapekto sa kanya.
Sa kabila ng pag-ibig kay Nathaniel, ay mayroong puwang at lugar si Henry sa kanyang puso. Gayunpaman, nagbago ang lahat nang makita niya mismo ang sakit at pagkabigo na idinulot nito kay Nathaniel sa pamamagitan ng pagtataksil sa kanya ngunit hindi nito alam mismo na si Henry ito.
Papaano na lang kapag nalaman niya kung sino ang kanyang ikinakalantari? Ang pagkakasala ay labis na nagpabigat sa kanyang konsensiya nang mapagtanto niya na kahit na mahal niya ang parehong lalaki, hindi tamang paglaruan ang mga ito laban sa isa't isa at sa huli ay piliin ang isa kaysa sa isa para lamang sa kanyang makasariling pagnanasa.
In the end, she could only hope for forgiveness from Nathaniel and find peace inside her knowing that what happened between them is solely because of her betrayal towards their relationship.
"I love you, Nathaniel. Plase come back to me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro