CHAPTER 1
September 14, 2018
'MAGANDANG UMAGA sa inyo mga kabayan, pansamantala po naming itinitigil ang ibang mga palabas dahil sa balitang ito. Ang isang kilalang business man na nagngangalang Nathaniel Percival Salvatorre ay bumagsak ang sinasakyang helikopter sa bandang isla ng Palawan. Nandirito si Cruz live upang ibalita ang mga pangyayari.'
Hindi magkaundagaga si Melissa sa kakalakad at kakaupo sa sala habang nanunuod ng balita. Hindi niya mapigilang 'di mapaiyak sa naririnig niya sa telebisyon ngunit agad naman din niyang pinahid ang kanyang luha dahil alam niya sa puso niya na hindi pa patay ang kanyang nubyo.
"Honey, okay ka lang ba? Please kumalma ka hindi makatutulong ang paggaganyan mo." Pag-aalo sa kanya ng kanyang ina sabay hagod sa kanyang likod.
"How can I calm down mama, kung 'yan ang pinapalabas sa telebisyon. Ma! Nag-crash ang helikopter na sinasakyan ni Nathaniel and yet andito ako walang magawa. We should fly there now!" hysterical niyang saad at napapasabunot sa kanyang buhok, walang tigil pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
"Huminahon ka!" isang malagutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Melissa dahilan upang matahimik siya ngunit dinig pa rin ang mga hikbi.
Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig nila ang kahindik-hindik na mensahe mula sa reporter.
'Isang bangkay ang natagpuan at kinukompirma pa kung si Nathaniel nga ang bangkay dahil sa nagkalasog-lasog na rin ang katawan nito at wala ng mukha dahil sa naganap na pagsabog.'
Dahan-dahang napaluhod ang dalaga sa sahig at yumuyogyog ang kanyang mga balikat. Halos wala na siyang boses na mailabas sa kanyang bibig. Agad naman siyang inalo-alo ng kanyang ina na tumahan at tila nakatulala lamang ang kanyang ama sa telebisyon.
"Dad! Please let's go, kailangan ko siyang makita. Hindi siya 'yan, hindi yan totoo! That's bullshit! Nothing but a fake news!" Sigaw ni Melissa at gumapang siya papunta sa kanyang ama at nangingilid ang kanyang mga luha at garalgal ang kanyang boses.
Dahan-dahang lumuhod ang kanyang ama sa kanyang pwesto at ngayon ay magkaharap na sila, naaawang tinitigan siya ng kanyang ama at kinuha ang kanyang mga kamay.
"Melissa anak, get hold of yourself. Tumayo ka, ayusin mo ang sarili mo. Pupuntahan natin siya," saad niya at tumango-tango naman si Melissa at agad na tumayo at tumungo sa kanyang kwarto.
Balisang-balisa ang dalaga at hindi malaman ang gagawin. Para siyang mababaliw kung iisipin niya patay na nga ang binata. Nangako pa naman itong pakakasalan siya at halos nakapaghanda na nga siya pati na rin ang kanilang buong pamilya.
Hindi lang naman iyon ang kanyang inaalala dahil lubos niya talagang minahal ang binata. Marami na silang pangarap para sa isa't-isa at sa isang iglap ay para itong bulang mawawala. Hanggang sa wala siyang nakikitang bangkay ng binata ay hindi siya maniniwalang patay na ito.
Alam niya sa kanyang sarili na buhay pa ito at hinihintay lamang niya ang paghahanap sa kanya.
Malakas ang kutob niyang buhay pa ito.
Walang nagawa ang kanyang ina kung hindi tingnan na lamang ang kanyang anak papalayo at doon nagsimula na lamang siyang umiyak. Napakasakit para sa isang magulang ang tingnan ang kanyang anak na nasasaktan.
Nilapitan naman siya ng kanyang asawa at niyakap nang mahigpit at doon na siya napahaguhulhol.
"Fernando, ang anak natin," hikbing wika ni Celestia malapit sa balikat ng kanyang asawa. Hinaplos-haplos naman ng kanyang asawa ang kanyang buhok mapatahan lamang ito.
"I know sweetheart, just let her be," saad ni Fernando at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
ISLA PINAGBUYATAN PALAWAN
Alas-dyes ng gabi . . .
"Anak! Ligaya! Tulungan mo ako!" Sigaw ni Rodolfo, ama ni Ligaya.
Nagkukumahog na bumaba ng hagdan si Ligaya pagkarinig na pagkarinig niya ng sigaw ng kanyang ama.
"Papa! Anong nangyari?" Agad niyang tanong nang makababa.
Nakita niya ang kanyang ama na may pasan-pasan, isa itong lalaki at tila walang malay. Maraming sugat sa katawan at ang ilan ay nagdurugo pa ngunit kitang-kita na humihinga pa ito. Punong-puno rin ng dugo ang kanyang damit kaya nag-alala si Ligaya baka may nangyari rin sa kanyang ama. Ngunit nang tignan niya nang maayos ito ay hindi pala nagmumula ang dugo sa kanyang ama ngunit nagmumula ito sa kanyang pasan-pasan na lalaki.
"Halika rito tulungan mo ako at nabibigatan na ako. Ipasok natin siya riyan sa isang kwarto nang magamot na natin agad ang kanyang mga sugat," wika ng kanyang ama at dali-dali naman siyang lumapit at tinulungan ang kanyang ito.
Dahan-dahan nilang inilatag ang katawan ng binata sa kama at ipinuwesto ng maayos.
"Kuhanin mo yung first aid kit natin anak at kumuha ka na rin ng maligamgam na tubig at bimpo," utos ng kanyang ama ngunit tila ba nakatulala lamang siya sa mukha ng lalaki.
Kahit na halos wala ng dugo ang mukha nito ay bakas pa rin dito ang taglay nitong kagwapuhan at katikisan ng pangangatawan.
"Ligaya, naririnig mo ba ako?" Lingon sa kanya ng kanyang ama at agad naman siyang bumalik sa kanyang katinuan.
"O-opo opo sandali po at kukunin ko na," wika niya at dali-daling umalis ng kwarto.
Nagpakawala naman siya ng hininga dahil sa pagkatulala niya sa loob, marami na siyang naipintang mga mukha ngunit nakaramdam siya ng tila kuryente sa kanyang mga kamay at nais niyang ipinta ang mukha ng binata. Ipinilig niya ang kanyang ulo at lakad takbo ang kanyang ginawa at hinanap agad ang first aid kit. Agad din siyang nagsalin ng mainit na tubig sa isang maliit na palanggana at hinaluan ng tubig mula sa gripo. Kumuha na rin siya ng bimpo sa isang maliit na aparador at nang makita niyang kompleto na lahat ay agad na siyang tumungo sa kanyang ama.
"Pa," tawag niya at agad namang kinuha ng kanyang ama ang bimpo at tubig.
"Ako na rito anak, lumabas ka na muna. Tatawagin na lamang kita kapag kailangan ko ng tulong," wika ng kanyang ama habang abala sa pagpupunas ng mga tuyong dugo sa binata.
"S-sige po, tawagin ninyo po ako Papa ha,"saad niya at tumango-tango naman ang kanyang ama.
Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at tuluyan na silang iniwan, napagpasyahan niyang umupo na lang malapit sa kung saan ang kanyang ama dahil baka mamaya ay kailanganin siya nito.
Napatanaw si Ligaya sa mahinahon na dagat, napakatahimik nito ngunit alam niyang galing ang binata rito. Nakita niya ang isang kapiraso ng putol na coral sa bulsa na suot ng lalaki na pantalon. Malakas ang kutob niya na may nangyari sa binata dahil sa mga galos nito, parang galing sa isang sunog ang iba.
Nasa ilalim siya ng kanyang pag-iisip nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.
"Hayaan na muna natin siya ngayon. Maayos naman ang kanyang kalagayan sa awa ng Diyos. Pagpahingahin na muna natin siya," saad ng kanyang ama at tumango naman siya.
"Magpalit na muna po kayo ng damit Pa, basang-basa po kayo, Pa. Baka kayo pa ang magkasakit niyan, may damit po ba roon sa loob? Napalitan ninyo po yung damit niya?" Sunod-sunod kong tanong at agad naman niya akong tinitigan.
"May damit na nakatago pa roon sa aparador, 'yon ang ipinagpalit ko sa mga basang damit niya," sagot niya at nilapitan ko naman siya.
"Dali na po kayo sa taas para makapagpalit na po kayo," wika niya atsaka inalalayan ang kanyang ama dahil kitang-kita niya mismo sa mukha nito ang pagod.
Matanda na ang kanyang ama at may dinaramdam pa ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin ito tumitigil sa paghawak ng kanilang negosyo dahil ayaw nitong tumigil dahil lamang sa matanda na siya. Iyon nga raw mismo ang kanyang pampalipas oras upang hindi siya mayamot kauupo lamang sa bahay. Wala rin namang magawa ang dalaga kung hindi pagbigyan ang kanyang ama dahil doon naman ito masaya mismo.
Nang nasa itaas na sila ay hindi mapigilan ng dalaga ang kanyang sarili na magtanong habang nagpapalit ng damit ang kanyang ama.
"Pa, saan ka ba galing? Saan mo siya nakita?" tanong niya na ipinupunto ang lalaking nasa ibaba.
Napabuntong-hininga naman ang kanyang ama saka kinuha ang damit na basang-basa at inilagay sa maliit na basket.
Dahan-dahan itong napaupo sa gilid ng kanyang kama at napahilamos ng mukha. "Hindi ko alam kung saan siya galing ngunit habang nangingisda ako ay nakita ko na lamang siyang palutang-lutang. Hindi ko naman kayang pabayaan na lamang siyang ganoon kahit na hindi ko pa ito kilala. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa bayan at makikibalita baka ay may kung anong nangyari rito sa bayan natin. Sigurado rin akong nag-aalala na rin kung sino man ang kanyang pamilya," mahabang lintanya niya atsaka tumango naman siya.
"Gusto ninyo po bang samahan ko kayo bukas?" tanong niya na agad namang umiling ang kanyang ama.
"Hindi na kailangang bantayan mo ang lalaking iyon. Magpahinga ka na, Ligaya. Mahaba pa ang araw natin bukas. Kung maaari ay maaga ka sanang gumising at magluto ka ng sopas o kahit anong sabaw na pwedeng kainin ng binata. Hihintayin ko na muna siyang magising bago ako pumunta sa bayan dahil may itatanong na muna ako sa kanya," sagot niya atsaka dahan-dahang tumayo at kumuha ng kumot sa kabinet.
"Opo Papa," sagot niya at dahan-dahang tumalikod at isinara ang pintuan.
Bago pa man siya pumasok sa kanyang kwarto ay napalingon siya sa kung saan naroroon ang kwarto ng binata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro